Magaling sa RCT

Carisame : doc, suggest ka po ng clinic na within q.c. yung magaling po sa RCT.
Thanks po.

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/clinics/

Carisame : wala naman address doc.

Ask the Dentist : Oks.

Carisame : doc yung clinic talaga.

Ask the Dentist : Sa tingin mo website lang yan. Bakit pa sila nagwebsite kung walang clinic? Sabi mo magaling. Yung magagaling hindi nila kailangan ilagay ang address ng clinic nila. ANg pasyente ang kokontak sa kanila kung naghahanap ang pasyente ng magaling. Kontakin mo.

Carisame : sige na nga. nagtaka lang kasi ko. mostly naman po kasi indicated sa website yung address kahit ganu pa kagaling. hehe thanks doc.

Ask the Dentist : Olrayt. Punta ka sa may nakaindicate na address. Magagaling sila.

Carisame : uy doc ask ko lang ulit ilang days ba yung process ng RCT? isang araw lang po ba iyon?

Ask the Dentist : Depende sa ngipin. ANong ngipin ba yan?

Carisame : yung harap po na ipin sa itaas.

Ask the Dentist : Pwede yan ng single visit to 2 appointment.

Carisame : sobrang sakit ba? compare sa pasta?

Ask the Dentist : Depende na sa dentist yan at sa pain tolerance mo. Kung magaling ang dentist mo, para ka lang kinagat ng higanteng langgam.

Carisame : higante talaga natawa naman po ko dun. hehe sige doc thanks.

Ask the Dentist : Oks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *