Maganda ba ang jacket

Maganda ba ang jacket

Malu Reyes : Tanong ko lang po. Maganda ba ang jacket sa teeth?

Ask the Dentist : Ang kagandahan ng jacket (dental crown) ay nakadepende sa gagawa at kung anong materyales na pinili mo. Ang gagawa ay pwedeng Prosthodontist at pwede ding ang paborito mong dentist. Ang materyales na pwedeng gamitin ay acrylic o metal ceramic o all ceramic. I-exclude na natin ang acrylic dahil inferior talaga ang acrylic kung esthetics ang pag-uusapan. Ang metal ceramic na kilala ding porcelain fused to metal crowns ay madami ding uri. Ang all ceramic na kilala din sa tawag na all porcelain crowns ay marami ding uri.

Porcelain fused to metal na jacket

Porcelain fused to metal crown. Photo credit: Cost Dentures

Para maging maganda ang crown mo, kailangan mong maghanap ng magaling na dentist na kayang gumawa ng maganda at functional na crown. Natural looking at nagagamit pangngiti, pangsalita at pangkain.

Bukod sa galing ng dentist mo, nakadepende din sa materyales. Mas maganda ang all porcelain crown sa porcelain fused to metal crown. Pero mas mahal ang all porcelain crown, mga 5x or 10x ang halaga kumpara sa porcelain fused to metal.

2 thoughts on “Maganda ba ang jacket”

Leave a Reply

%d