Nagpabrace sa Hindi Dentist

Marjielene : Hi po good morning ask ko lang po pag pinatanggal ko na po ba tong brace ko need ko pa po bang magretainer takot po ako sa mga nabasa ko 7months na po ako halos nagpakabit ng braces at hindi po sa dentist thanks po..

Dr. Jesus Lecitona : Patanggal mo na para maagapan. Walang kwenta ang retainer sa kaso mo.

Marjielene : Ah okay po kasi may mga nadinig ako after braces daw po need magretainer? Okay na po kaya to kaya hindi na ko magretainer? Normal nalng po ulet?
Kaya po ako nagpabrace para umaus ngipin ko, umayus naman po ung sa taas under bite po kasi ako.

Dr. Jesus Lecitona : Nasa sayo kung ayaw mo ipatanggal. Pero yun ang dapat mo gawin, ipatanggal. Hindi dentist yan, ano ang alam nya dyan?


Marjielene
: Kaya nga po e pde ko po kaya ipatanggal sa dentist to? Kahit hinde sila nagkabit

Dr. Jesus Lecitona : Hindi naman alam ng hindi dentist tanggalin yan. Hehe! Syempre sabihin mo sa dentist na mapupuntahan mo ang tunay na kwento. Wag ka magsinungaling sa kanya kasi sa unang tingin pa lang alam ng dentist kung dentist ang nagbraces sayo o hindi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *