Need for RCT

Bianca : Hi doc Good Evening po! Ask ko lang po sana kung bakit sobrang sakit nung ngipin kong napastahan, front teeth po doc. Almost 6years na din pong napastahan. Then kanina chineck ko po siya sa mirror parang may black po sa ibaba nung ngipin ko. Natatakot po kase ako baka inadvice sa akin na ijacket. Kase po I’m taking up BS TOURISM, importante po kaseng alagang alaga ang ngipin. Thank you po! :)))))) More power!

God bless you unceasingly!

Ask the Dentist : Malaki ang probability na may infection na ang ngipin mo. Buti pa ipaxray mo para makita. Kung may infection nga, iparoot canal treatment mo. Tapos ng RCT, pwedeng crown or pasta, depende kung gaano kalaki.

Bianca : Maliit lang po doc. Nung nakikita ko na po na nabablack na agad ko na pong pinasta. At this moment sobrang sakit po talaga Salamat po ng narame doc
Doc ask ko lang po sana ano po kaya yung black na panibagong kong nakikita sa ngipin mo? Bukod po sa napastahan na. Sa iisang ngipin lang din po yun doc. Salamat po ulet!

Ask the Dentist : Bale kakapasta? Ngayon?

Bianca : Hindi po doc. Yung nauna pa pong napastahan yun. Almost 6 years na po ang nakalipas. Nag woworry po kase ako lala na sa front teeth po. Pero di naman po ganun kalaki.

Ask the Dentist : Kung sumasakit ipaxray mo paramakita kung ano yun. Isend mo x ray sa akin.

Bianca : Sige po doc! Salamat po ng marame.

Ask the Dentist : Wala anuman.

Leave a Reply