Gustong malaman kung healthy ang bibig

Sean : Hi maam,sir.. Can i ask you for something.. ? Gusto ko lang po malaman kung healty ang bibig ko?
Pano po malalaman yun?
Di po kasi ako pumupunta sa dentista eh.. No time .. And walang budget.. Kaya natanong ko po ? Pano po malalaman?
Kung healthy sya and maayos ba? Walang sakit ? Mga ganung bagay po?

Ask the Dentist : Punta ka sa health center.

Who can Suffer from Gum Disease

Mahal ba ang veneers

Marielle : Hi doc. Itatanong ko Lang po kung ano magandang gawin sa ngipin ko 😊 yung ngipin ko po kasi madilaw na ayaw na po pumuti kahit nagpalinis na po ako sa dentista tas yung ngipin ko daw po parang chalk mahuna gusto ko po sana ipabago pero di ko po alam kung ano ang gagawin ko

Dr. Jesus Lecitona : Send photo.

Dr. Jesus Lecitona : Wala nang mas malabo dyan? 🙂

Marielle : Haha yung itaas po ng ngipin ko yung madilaw

Dr. Jesus Lecitona : Possible ang veneers.
http://costdentures.com/fixed/esthetic-veneers/

Marielle : Mahal po ba ang magpalagay non?

Dr. Jesus Lecitona : 20 K pataas bawat isa.

Marielle: Salamat po

Anong ways para gumaling ang pinagbunutan ng ngipin

Brecca : Doc ..
Ano anong ways na dapat gumaling ung pinagbunutan ng front teeth ??

Like ice cream ..

Tnx in advance

Dr. Jesus Lecitona : Inumin ang inireseta. Hintayin gumaling.

Brecca : Mga ilang days po

Dr. Jesus Lecitona : 2 weeks usually.

Pwede ba bunutin kapag sumasakit

Shy : Hi doc. pwede po bang bunutin ang ngipin pag sumasakit? nagstart po ako antibiotic last tuesday, bali pang 3rd ko na ngayon at sumasakit pa din po.

Dr. Jesus Lecitona : Ipacheck mo sa dentist kung pwede o hindi depende sa lala. Ipacheck mo na din kung pwede pa masave sa pamamagitan ng RCT. Read : http://www.denturesaffordable.com/?s=rct&x=0&y=0

Nakabraces ng 6 years

Cariel : Hi! Good evening doc!
Can i ask you something. Nakabraces na po kasi ako ng 6years at gusto ng tanggalin ng dentist ko(province based) ang braces kahit na open bite pa rin ako pero mas maliit na at may spaces pa rin sa harap. Pumayag na rin ako dahil ang sabi niya ay kailangan na daw tanggalin at ipapasta na lang ang spaces. Kaso ang presyo ng retainer niya ay presyong manila. Nagtanong ako sa ibang dentist sa province namin at mas mura ang retainer nila. Ng bumalik na ako sa dentist ko para ipatanggal ay ayaw na niya nun nalaman niya na ayaw kong magpagawa ng retainer sa kanya.ganon ba talaga?
So nagtanong na din ako sa ibang dentist at dahil daw sa code of ethics ay hindi nila pwedeng tanggalin ang braces ko.

Btw, ngayon lang kasi ako nagbasa about it. Hindi niya ako pinaxray before ibrace.

Dr. Jesus Lecitona : Kung fully paid yan. Pwede mo ipatanggal sa kanya. Kung sino ang ortho mo sa kanya ka magparetainer. Kapag nagpagawa ka sa iba, magsisisihan sila kung bakit pumalya.

Cariel : Yup fully paid.
Thanks!
Cariel : Doc pero kung gusto ko magpabrace ulit pwede ba? Sa iba na. Kasi di ako satisfied sa itsura ng ngipin ko..at ayoko na din gumastos pa sa retainer

Dr. Jesus Lecitona : Patingin ng panoramic x ray.

Cariel : Walang xray.di niya ko pina xray

Dr. Jesus Lecitona : Recent. Recent yung tanong mo.

Cariel : Ah so kailangan mo makita yun xray to decide.ok noted.

Dr. Jesus Lecitona : Oo. Makikita doon yung taas ng buto mo. Health ng buto at ngipin.

Cariel : I’ll have it done then get back to you. Thanks!

RCT na hindi RCT

Lorelie : Hi doc good morning.. Bale nag punta po ako sa dentist dito malapit po sa amin para ipayos ko po ung ngipin ko sa harap. na pastahan na po sya before mga 2008 po kaya lang mga last year nag iiba na po ung kulay nya nag karoon po sya ng kulay itim at medyo may crack na.. Tinanong ko po sa dentist kung ano po ang magandang gawin.. Sabi nya i root canal daw po tinanong ko kung mag kano 2500 daw po.. Tpos pinagawa ko po sa kanya.. Kaya lang parang hindi naman po root canal kasi unlike po sa mga ni research kong videos about root canal procedure.. Parang pinastahan lang din po nya ulit.. Nag aalala po ako kasi baka hindi din po tumagal i2.. Mdjo napamahal pa po ata ako sa 2500 kung pasta nga lang po un.. Ano po kaya magandang gawin dito kasi parang hndi din po ako kumportable parang hirap po kumain….. Salamat po doc God bless!

Yan po ung may guhit sa may harap

Yan po sya ngyon

Dr. Jesus Lecitona : Patingin ng x ray. RCT yan tiyak may x ray.

Lorelie : Wala po doc hndi po in xray… 2500 po binayad q po.. how much po ba ang pasta ngyon? Sa tingin q po kasi pinasta nya lang po ulit e

Dr. Jesus Lecitona : Ang RCT may x ray lagi. Read :
http://www.denturesaffordable.com/?s=rct&x=0&y=0

Lorelie : Wala po doc ndi po na xray.. 😢 pasta nga lang po yata 2… nag worry po kasi aq baka kung mapano 2ng ngipin q isang araw…baka lalo pong mahirap na if ever matanggal po ung pasta

Dr. Jesus Lecitona : Paxray mo para macheck.

Lorelie : Ok po doc ipapa xray ko po salamat po