May chance bang luminis ang ngipin

Lei : Tanong ko lang po may chance po bang luminis yung madilaw na ngipin Salamat po Balborn xx

Ask the Dentist : Oo. Laging may chance.

Ask the Dentist : Pwede ka magpalinis. Malamang may gumdisease ka na din : http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/

Lei : Ganorn Maraming Salamat po

Lei : Magkano po aabutin yung pagpapalinis ng kalawang na ngipin??

Ask the Dentist : Mga 1k pataas. Bisita ka sa clinic kung trip mo. http://dentistquezoncity.com/

Crossbite Philippines

Riz : Doc gudam anu po dapat gawin sa ganitong sitwasyon ng mga ngipin?tnx po

diastema
diastema

Ask the Dentist : Magpalinis, magpapasta magpabraces.

Ask the Dentist : Dito clinic namin kung trip mo : http://dentistquezoncity.com/

Riz : Magknu po kya mgagastos doc kng unahin po magpalinis at pasta?

Ask the Dentist : Ang linis ay 1000 above. Ang pasta ay usually 1000. BIlangin mo ang ipapapasta mo. Yun alam mo na,

Riz : 0k d0c,ung sitwasy0n b ng ngipin q tntwag na cr0ssbite?Maay0s po kya xa ng brace kz po pumapaling po ung mukha q.

Ask the Dentist : Oo.

Riz : Maraming salamat po.

Pwede ba magpa-jacket

Diana Rose : hi doc! ask ko lang po kung pede magpa jacket kahit may karatig na isang pustiso? thanks po.

Ask the Dentist : Pwede mo picture an?

Ask the Dentist : http://dental.tips/dental-crowns/

Diana Rose : Ok na po doc galing na po ako dentist kanina. Salamat po sa response nio..

Ask the Dentist : No problem.

Kapag ang tanong ay sinagot ng nagtatanong sa Ask the Dentist

Justin : Good afternoon, Doc.
Naka braces po ako, nung araw ng adjustment ko, pinalitan yung ligatures ng braces ko. Tapos after one week, pinabalik po ako, pinalitan ng powerchain yung lower braces ko. Tapos pinalitan ULIT ng single ligatures yung upper ko. Kasi po hindi kakulay nung powerchain ng lower. My question is, okay lang po ba yun? hindi po ba too much force na yun?
thank you po in advance.
Certified ortho po yung dentist ko, napaparanoid lang po ako kasi di ko masyado siya maintindihan. Medyo may edad na po kasi e. Thank you po. smile emoticon

Ask the Dentist : Sinagot mo na din ang tanong mo.

Justin : Ay okay po. masama po ba ang too much force? ibig sabihin po ba nito na mali yung ginawa niya? kailangan ko na po ba maghanap ng ibang ortho? salamat po sa pagsagot. smile emoticon

Ask the Dentist : Certified ortho po yung dentist ko, napaparanoid lang po ako kasi di ko masyado siya maintindihan

Magkano ang braces base sa photo

Rica Mariel : Hi doc, pwede po bang magsend ako ng photo ng ipin ko then pakisabihin kung magkano po ang magiging price ng pagpapabrarce o, gusto ko po kasing magpa brace, thank you

Ask the Dentist : Okie. 🙂

Rica Mariel : yan po.

Magkano ang Braces
Magkano ang Braces

Ask the Dentist : Magpapasta. Tapos braces. 45K pataas. Read : http://www.costbraces.org/cost-of-braces/

Hindi pa naayos ng Braces

Shainelle : Uhm. Excuse me po. Pwede po bng magtanong dto?

Shainelle : Maayos prin po ba ng braces ang tabinging ipin.

Shainelle : 2 yrs na po kong may braces kaya lng po ganu prin po ipin ko.

Shainelle : At ngaun palang po tumutubo k9 ko sa taas.

Ask the Dentist : Sige kwento ka. Ilang taon ka na?

Shainelle : 15 po nung april 5.

Ask the Dentist : Patingin ng itsra. Send photo ng ngipin.

Shainelle : Tas may tatlo po akong ipin sa baba na natanggal ung 1st pre-molar ko po na dlawa tinanggal po ng dentist ko before po ako nagbrace dhil baby teeth pa daw pero til now po d pa tumutubo tas ung 1st molar ko nmn po natanggal dhil namamaga at masakit po.

Hindi maayos ng braces
Hindi maayos ng braces

Ask the Dentist : Madalas ka pang nagpapadjust? Kung oo, dapat ka nang magpalit ng dentist.

Shainelle : Opo. Everymonth po akong pumupunta.

Ask the Dentist : Magkano per month mo?

Shainelle : 1k po

Shainelle : Pero pag d po kasya pero ka 800-500 po.

Ask the Dentist : Ask her kaya niya pa bang ayusin. Tingin ko, dapat ka nang magpalit.

Shainelle : Uhm kung magchachange po ba ako. D po ako madedemanda?

Ask the Dentist : Kaya nga dapat mo muna siya tanungin.

Ask the Dentist : KUng kaya niya pa ayusin, bigyan mo siya ng chance.

Shainelle : Ok po. Cge po. Maraming salamat po.

Gusto ng Mananahi ang Upper Brace lang

Camille Zamora : Hi Good day What if Gusto ng costumer sa upper teeth lang magpabraces ? Kasi ayos naman yung sa Lower ? Pm back pls Thank you

Ask the Dentist : Hindi maayos yun. Magkapares yan. Parang key at keyhole. Parang sa pares ng tsinelas.

Ask the Dentist : Magkatapat ang ngipin. Kaya kapag magulo sa taas. Siguradong magulo din sa baba.

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/braces-faq/

Paano magdikit dikit ang ngipin

Karen Camille : Hi Doc, pano po ba ang mabisang paraan para magdikit dikit ang mga ngipin ko?Bukod po sa pagpapa brace kasi di ko po afford mag pa brace

Ask the Dentist : Yun ang pinakamabisa. Braces. Pwede din veneers : http://costdentures.com/ask-the-dentist/spaces-between-teeth/

Karen Camille : Mura lang po ba ang veneers?

Ask the Dentist : 20K up din per veneer.

Karen Camille : Ah ok po..Thanks

Magkano Pinakamurang braces

Roxanne : magkano po ung pinakamurang braces and retainer than u

Ask the Dentist : Ang pinakamura ay lagi nagpifail.

Roxanne : Panu po pagganyan ngipin ? Anu pong gagawin para pumantay ?

magkano braces
magkano braces

Ask the Dentist : Braces.

Roxanne : Magkano po ?

Roxanne : Pwede po ipabunot ung sungking ngipin sa taas ?

Ask the Dentist : Ipabraces mo, Kung wala ka pang pera ngayon, hayaan mo muna. Alagaan mo muna sa brushing at flossing. Kapag may pera ka na after mo grumaduate saka mo ipaayos.

Pwedeng bang lumabas ang ayaw lumabas na ngipin na walang ginagawa

Mags Real : tanong lang po anu po ba ang epekto ng ligature wire at chain rubber? at kung kelan ka na pwd gamtan ng chain rubber? tnx po

Ask the Dentist : Sasagutin ko lang yan kung ikaw ay isang pasyente ko. smile emoticon Diyan magkakatalo talo at malalaman kung orthodontist ang dentist mo o isang nagoortho orthohan lang,

Mags Real : ah ganun po b.? ortho naman sya so siguro aq lang yung namadadali. kc sbi nya skIn hnd ko pa daw yun kelangan kc daw may inaayos pa sya at maghihila pa daw sya.

Ask the Dentist : SUndin mo ang dentist mo.

Mags Real : tanong ko lang po nung bago po aq mag pa brace eh nag pa xray po ako tapos po may nkta po yun dentist ko na isang ipin na hnd lumbas ang sbi po skin ng dentist ko suSubuj

Mags Real : susubukan daw nya palbsin kung magkaroon na ng space. pero kung d daw nakuha sa ganun imposible daw po na surgery daw po.

Ask the Dentist : Madami akong case na hindi tumubo ang ngipin, nagsurgery ako at kinabitan ng bracket para hilahin palabas.

Mags Real : ayy ganun po ba yun…pero imposible po ba na kapag nagkaroon ng space maaaring lumabas?

Ask the Dentist : Kung malakas ang pananalig niya sa Diyos at malakas magmilagro ng mga bathala, pwede.

Mags Real : wow haa…ganyan po ba talaga kayo sumagot..?pero salamat hehhe

Ask the Dentist : Kung hindi hihilahin, ano ang mangyayari? Syempre kung aasa ka sa milagro, dasalan mo na din. malay mo.

Ask the Dentist : Kunyari, trip mo ang isang babae. Tapos titingin tingin ka lang. Yung chance na maging kayo, wala. Hindi na nga tumutubo, hindi mo pa gagawan ng paraan para tumubo, anong tawag doon? Naghihintay ng milagro.

%d