Problema sa Jacket Crown

Len : hi Doc, naaliw po tlga ako s mga advices, tulad po nila ngka-problem din po ako s jacket crown at nasayang lang po un una but this time po sna s pangalawa maging maayos na, kung malapit lang kyo skin kc cavite pa po ako, sna s inyo n lang ako ngpa-jacket, haaayyyy its a big sigh for me po…

Ask the Dentist : Baka July pa kami magopen within metro manila.
Ganito gawin mo. Wag ka maghanap ng cheapest. Magtanong tanong ka sa mga clinic, tapos base sa price na nakuha mo, kunin mo average. Tapos pili ka ng clinic. Tanungin mo ang procedure. Mas maraming step, mas tama. Madalas pangit o mali ang gawa kung madalian at pinakamura.

Len : actually doc un una crown ko po dun po ako ngpunta s mas mahal kc nga po naisip ko kung s cheapest bka magsuffer ako pero ang nangyari doc mas ngsuffer po ako un po kc ginawa medyo pasok ang upper teeth ko kya nahirapan un panga s second doctor ko po nagsuggest po ng tmj treatment but hopefully this May 19 magpermanent n ako kc nga po naka temp crown ako it all started last Oct 2013. Di ko po akalain na ganon mangyari skin naubos na nga po savings dahil as in naiiyak na po ako

Ask the Dentist : TMJ treatment, expected ko na may panoramic x ray ka. Patingin ng panoramic xray.

Len : dito po kc ako ofis doc at ska recall ko po kung nsa akin bka kc po nsa dentist ko un copy

Ask the Dentist : Picture-an mo pag nabisita ka sa clinic niya. Yung malinaw ha.

Len : ok doc thanks po

Len : may i know doc if tmj specialist ka din po

Len : nakita ko po meron kyo mga approved dental clinics if ever lang po affordable po ba prices kc meron po me nkita makati pero di ko po alam exact location kc confused po ako kahit s pangalawa dentist ko na sana ok un na un crown or fixed bridge un ilalagay nya skin ang hirap po tlga ng kalagayan ako kc naubos na po savings and at the same time di ko na alam kung sino dentist ang magbibigay skin ng tamang crown

Len : gusto ko po kc un maganda un dating ng crown parang totoo at un hindi parang bungi dating skin at may tamang bite

Len : ano po name nyo doc. Ano po difference ng porcelain fused to metal crown to all porcelain fixed bridge and how much po

Len : [angry emoticon]

Len : Sorry doc wrong send lang po kc i always open our conversation to see your response sorry po ulit doc dami kong tanong po e
Super Bc ba kyo doc

Ask the Dentist : Hi. Hindi ako tumatanggap ng pasyente galing sa website. May masama akong experience sa pasyente galing sa website, basahin mo sa “FAQ”. Hindi pa din open ang clinic namin sa metro manila.

Pwede mo ako tanungin. Hindi ako nakakareply agad dahil may clinic ako, may pasyente, hindi ako online lagi. Kaya wag mo iexpect na mabilis ang mga sagot ko. At ginagawa ko itong pagsagot sa mga tanong nang libre.

8 thoughts on “Problema sa Jacket Crown”

  1. hi doc. pwde mag tanong, kung anung pwdeng gawin pag nasira na ang jacket crown ko? may crack na kasi.. gusto kung palitan, anu ang pwde? ang impalnt or fix bridge? or may ma offer doc?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *