Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

6,931 thoughts on “Q&A”

  1. Doc may katanungan lang po ako. First time ko po kasi mag out of the country nag wo-worry po ako kung yung porcelain-fused-to-metal fixed bridge (14 Units) ko po eh madedetect sa Metal Detector sa Airport?

    Salamat po.

  2. hi Doc, may plan po ako magpa-implant maybe 1-2 years from now and, may mga tanong po ako
    1. painful po ba ang dental/tooth implant?
    2. P43,000 – P645,000 in Philippine Pesos po ba ang value per tooth or per operation?
    3. pwede po ba sabay-sabay 4 teeth ang implant?
    4. and ano po ang mga bawal after operaetion?
    salamat and good day po! πŸ™‚

    1. Hi. May plan akong sagutin ang tanong mo.
      May mga sagot ako.
      1. Para kang kinagat ng higanteng langgam.
      2. Per implant.
      3. Oo, unless may dugo kang Spartan at gusto mo ng paulit ulit na sugat.
      4. Bawal ang tumawa ng malakas. Bawal muna sumama sa lupon at makigiyera sa invading forces. Hayaan mo muna mga kasama mo at maging 299 muna sila.

      Walang anuman and good day din. πŸ™‚

  3. i’ll be having my oral surgery na maybe net week. masakit po ba un sobra? grabe kasi kakatapos lng ng root canal ko then surgery na. gaano po katagal ung mag heal?

  4. hi doc πŸ™‚ may nakita po akong dental clinic na 1200 ung plastic jacket tapos 2500 nman sa porcelain. maganda po ba un?

  5. Doc, un 4 front teeth ko naka-jacket na sya since year 1999. Nung last na nagpa-X-ray po ako, sabi nung dentista ko nabubulok na daw po kaya need nang palitan. Una ko pong naisip is ipa-dental implant. Magkano po kaya aabutin ng dental implant para sa 4 teeth kong ‘to? Tsaka po, gaano po katagal ang paggawa ng dental implant kung sakali, kasi po andito ako sa dubai, eh puede lang po ako umuwi ng 2 weeks, 2x in a year. If ndi ko pa kakayanin un cost ng dental implant, ano pa po kayang ibang dental service ang puede kong ipagawa para maayos un problem sa 4 front teeth kong ‘to na mas mura kesa sa dental implant?

  6. Hi! Pwede po ba malaman in your opinion as a dentist kung anu ang magandang klase ng FPD, yun po bang may metal or pure ceramic/porcelain? And anu pong maintenance ang kailangan bukod sa pag toothbrush to keep it strong and clean? Thank you po and god bless!

  7. HI doc! Mejo umuuga po yung isan na pastahan na ngipin ko sa harap, pag nababangga po sya eh masakit. Ayaw ko po sanang ipabunot dahil nga sa papngit ang porma ng ngipin ko. Kailangan ko po bang ipabunto to?

  8. Hello po!

    Bale may gap po sa ngipin ko, both sa taas at baba. Yung sa gap po, medyo malaki. Kasya ang isang butil ng bigas (vertically) between them. Braces lang po ba talaga ang solution? Medyo naawkwardan po kasi ko kasi feeling ko di bagay sa akin. Haha. Also, magkano po usually ang downpayment sa braces? Thanks, Doc!

  9. hi doc ask q lang plan ko po kasing mag pa fixed bridge 2 ngipin po xa per side.how much po ba aabutin non doc?and may chance pa bang maayos ung may sira na yung ngipin ng di na need bunutin?

    1. Aabutin din ng 30 thousand pataas. KUng may chance ay nakadepende sa kung magkano ang kaya mong gastusin. Laging may chance basta’t may pera kang nakalaan sa dental health mo.

  10. Good day! my trauma un isang teeth ko s front (un nagging dark color n), im planning to undergo a root canal… ano po ba mas ok root canal or teeth implant… and pag ng paroot canal po ba, pwede p po ba i braces un teeth ko. para perfect bite?? πŸ™‚

    1. Pareho silang Ok. 70 thousand ang implant. Bawat implant.

      Pwedeng ibraces, pero kailangan mo humanap ng magaling na dentist dahil hindi yan simpleng kaso, kapag naRCT ang ngipin, at gusto idamay sa braces, may gagawin diyan bago kabitan ng bracket.

      Walang perfect bite. Unless may dugo kang Spartan or kalahi ng elf sa Middle Earth.

  11. Hi Doc,

    Pag nagsmile po ako ung upper teeth ko kasi parang nakausli silang lahat pero pantay pantay kaso nga ung tipong nakatikwas ang dating. Masolusyunan po kaya yun ng braces?
    Ang panget po kasi lalo na pag ngiting ngiti e kita na gilagid wahehehe. Ano tawag dun doc?
    ang sungki sungki po sakin ung lower teeth na overlapping yung sa front teeth sa baba. pero gusto ko talga maayos e yung sa taas, kaso di ko alam pano ko papaliwanag sa dentist yun! haha. kasi nung nagpacheck ako sabi niya, sa baba lang naman daw yung aayusin, kasi nga pantay naman sa taas, pero gusto ko iurong papasok yugn mga ipin ko sa taas, pede ba yun irequest? hahahaha

    thanks Doc! dami ko tanong. πŸ™‚

  12. Hi Doc, may kilala po ba kayong Endodontist na malapit sa DasmariΓ±as, Cavite? If wala po, saan & sino po pinakamalapit?

    Thank you πŸ™‚

  13. doc nagpaquote ako ng root canal at fixed bridge. 34500. root canal 3 nerves tapos bridge 3 tooth. kasama yung crown ng irct sa fixed bridge kase missing yung katabi. average po ba ang price or overpriced? thanks in advance

  14. Doc, meron po akong dental crown at napansin ko pong may pangit na amoy po yung crown ko, pag nagfloss po ako,,mabaho po yung amoy.. gusto ko pong patignan sa dentist.. kailangan po ba dun ko dalhin sa dentist na gumawa ng crown ko o pwede pong sa ibang dentist ko nalang pacheck ito? salamat po

      1. doc. anu po ba mas maganda?. ung comfortable at arang normal lang kung kumain at magsalita. Implant?. bridge?. or ung flexible denture?. thanks po doc.

        1. doc. anu po ba mas maganda?. ung comfortable at arang normal lang kung kumain at magsalita. Implant?. bridge?. or ung flexible denture?. thanks po doc.

  15. Hi doc! Ask ko lang po about sa ngipin ng gf ko. Kase po sungki yung ngipin nya sa baba. Halos 6 na ngipin po sa baba yung sungki nya. Magkakatabi po yun. At yung isa po e nasa my bandang likod at yung gums nya po yung parang nagline dun sa place na nandun dapat yung ngipin.delikado po ba yun? Sana po makasagot kayo agad. Salamat po

  16. doc magandang araw po sa inyo my sister came back here from japan last may 15 to have a low cost and good quality of (2) implants. I searched him from internet, and i decided to choose him because of were in the same location. And honestly were totally impressed at him .To make my story short my sister back from japan with her new (2) implant.Doc this is her problem she called me the other day and telling me that she is depressed of lossing of 1 implant nabunot daw ng mag tooth brushed sya sumama sa pustiso na kinabitan ng implant so she rushed immediately to near clinic and lossed it. The dentist told him that the procedure of implant there is different of the procedure here. So she called her dentist here and telling whats the problem is.Please doc help us to make her feel good.

    1. Una sa lahat, impossible combination ang “low cost” at “good quality”. Isipin mo, paglinisin kita ng buong Mall of Asia. Piso ang ibabayad ko. Good quality kaya ang paglilinis mo?

      Sure kang implant yan? Minimum healing time ang 6 months bago lagyan ng load. Below 6 months, sumusugal ka na. Ilang linggo yung bakasyon ng ate mo? May denture agad?

      Yung kaalaman ng dentist ang main na binabayaran mo diyan. Kung nag-aral ang dentist sa isang specialization, pera ang ibabayad niya sa pagaaral. Saan niya kukunin ang perang yun kung “low” ang sinisingil niya? Mahal ang pampaaral sa implants.

  17. gud am.delikado po ba ipabunot ung sungki.actualy di extra ngipin.lumipat ng puwesto ung pangil.masyadong malaki.gusto ipbunot.ok lang po ba

  18. Hi good day! Wala na po akong 2nd and 3rd molar both left and right at the bottom.pero mag papabraces po ako possible po ba na ma lagyan ako..and mag kanu namam po aabutin ng braces ko? Hopefully po ma bigyan nio po ng price.
    Tnx
    Jessica

  19. Hi doc..transferable po ang work any part of the phil.nuw my prob.po ako ay panu po pag nag pa brace ako ok lang ba na sa ibang dentist ang mag adjust ng braces ko??

    1. Sa tingin mo, pareho sila ng plano sa ngipin mo? Sa tingin mo, pareho sila ng iniisip? Sa tingin mo pareho sila ng pinagaralan? Isa pa, lagi mong tandaan, hindi lahat ng dentist magaling. Simple test, bakit madaming nagtatanong dito? Hindi ba masagot ng dentist nila ang tanong nila?

      Yung ibang dentist ayaw kumain ng betamax. Pero para sa akin, masarap ang betamax.

  20. Hi Doc! Good afternoon po.. May bukol po ako sa may right jaw ko. Napatingin ko na sya hindi naman sya tumor or whatsoever. May 2 ngipin ako na may sira(sa may right bagang, as in malala na nga daw po yung bulok sabi nung dentist na tumingin). Then pinastahan lang po ng dentist yung 2 ngipin ko(mejo maliit pa yung bukol ko noon nung pinasta nya.) Sa ngayon po eh kumikirot yung 2 ngipin ko na pinastahan.. Na ct scan and needle biopsy na po sya kaso di na-evaluate ng Dr. na tumungin kasi di na ako nakabalik sa kanya because of my OJT.Sa tingin nyo po ba eh yung ngipin ko yung may cause nung bukol? Maraming salamat po!

    1. Sa tingin mo, makikita ko kaya sa bolang kristal ang CTScan na nasa sayo ngayon? Mapanaginipan ko kaya mamayang gabi? Sa tingin mo, makikita ko yang bukol pag nagyoga ako?

      Kung iaanalyze mo yang kwento mo, napatingin mo na at alam mo na kung ano yan.

  21. Good morning doc! Aalis na po kasi ako ng bansa sa Sept 4. Pero balak ko po muna sanang dito magpakabit ng braces at sa canada nalang ipa-adjust. Possible po ba yon? Mahal po kasi magpabraces sa canada doc eh

    1. Hindi. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces. Kaya kung ikaw ay mamamalagi sa Canada, sa Canada ka magpabraces. Ikaw ang kawawa kasi sino ang magaadjust sayo sa Canada? Kung tagadito sa PInas ang dentist mo. Hindi yan gagalawin ng dentist mo sa Canada kung dito ginawa. Galawin man, panibagong bayad.

      1. Hi thanks for the reply!

        Good to know. Do you know any dentist to recommend? Also how much is the usual cost? Nagiging popular na ba sya as an alternative to braces?

        Thanks again!

  22. Gud am doc.. nabali kc ung screw/post ng jacket crown (upper front). Ano ba ang pwede ko pagawa same procedure or fixed bridge na? Kc po in 10 years 2x n ko nagpalit ng jacket crown. Ang sabi ng dentist sakin1; same procedure with post ulit kaya lang wala assurance baka daw mabali ulit. 2; fixed bridge trim nya ung katabi ad then lalagya p din daw nya ng screw/post ung nasira jaccket crown.tia..

  23. Hi doc natural po bang mamaga an gilagid ko sa 3rd molar, may brace na po ung ngipin ko sinabihan din ako ng dentista ko na possible daw po sumakit kasi lalabas na ung 3rd molar, ano po gagawin ko ty

  24. gud am, ask ko lang kasi po ung bunot ng ngipin ko sa may bagang,
    hindi na sumasakit kaso may konti nana pang naiiwan.. nahirapan po kasi ung dentist ko noon dahil sobrang lalim nung bunot.
    ask ko lang po if kailangan ko pbng uminom ng antibiotic? almost 2weeks na po ung bunot ko, normal pa po ba un? thanks po

  25. Hi doc.. Tanung ko lng po sana nkabraces nko. Dpo sbay knabit.. Un isa the other day knabit un sa baba.. Bale i had this weird observation na, prang mtpos ako mlgyn ng brace sa bba nagkarun ng maliit na gap sa ngipin ko sa harap sa 2 pngil.. As thin as thread un gap.. Mjo nag.aalala lng ako bkt gnun.. Tyka po doc, un isang pngil ko sa hrp umuuga n after mkbtin ng brace.. Bkt po kya?? Nttkot ako bka mwala un ipin ko sa hrap.. Pls reply po. Tnx

  26. Hi doc! Ano po bang problema pag yung ngipin umuuga lang sya tas masakit? Pero wala naman pong bulok. Thankss po!

  27. Hi Doc,, =) nagpunta po ako ng dentist kahapon, gusto ko po kasing ipabunot lahat ng upper teeth ko at magpa-denture nalang sana..
    hindi ko po kasi gusto yung itsura ng ngipin ko, nahihiya nga po ako tuloy kapag may kausap ako.. pero sabi po ng dentist na hindi daw nya pwedeng bunutin ang hindi sirang ngipin at kahit saan daw po ako magpunta eh walang dentista na bubunot sa lahat ng ngipin ko dahil wala naman daw sira..
    may mga nirecommend po sya na pwedeng gawin sa ngipin ko pero wala naman po akong budget na malaki.. talaga pong denture lang ang gusto ko at alam ko naman po kung ano ang magiging effect kapag pinabunot ko lahat ng upper teeth ko.. desidido naman po ako..
    Doc, ano po ba ang pwede kong sabihin para pumayag na bunutin ng dentista lahat ng upper teeth ko kahit hindi sira.. thank you,, =)

    1. Kung hindi dapat bunutin, hindi bubunutin. Mahirap ang pustiso. Lalo na’t complete denture. Magsisisi ka.

      Nakakapaginternet ka pero sa bibig mo wala kang budget? Ano kaya’t tigilan mo ang pagiinternet para makapagipon ka for your dental health.

      1. Thanks po. Titigilan ko na po muna maginternet para makapagipon ako ng pera, para hindi ko ipabunot ang lahat ng ngipin ko. Para po hindi ako magsisisi balang araw kasi iba pa din ang tunay na ngipin. Kasi kapag pustiso ka na, every 3-5 years dapat palitan ang pustiso, kaya lalo lang mapapalaki ang gastos ko na akala ko sa una ay makakapagtipid ako sa binabalak kong gawin. Susundin ko po ang payo niyo na hindi ipabunot ang mga ngipin ko para po sa ikakabuti ko. Naiintindihan ko po na ang mga sagot niyo ay para sa ikakabuti naming mga nanananong. Hindi po kayo kumikita pero sinasagot niyo pa din ang mga tanong namin para mapangalagaan ang mga ngipin namin. Mabuhay po kayo.

  28. Paano po doc pag parang mataas yung gums? Ganun pa din po ba yun? Na kailangan lang ng linis? Tingin ko po kasi parang sa gums ang may problema e. Maraming salamat po ulit.

  29. Doc nagpa root canal po ako, after po ng 1 year nagkaroon ng lump or fistula(yun yung nakita ko pa sa net na tawag dun) sa tapat ng tooth na ni-root canal, pano po matatangal yung lump na yun? Ni-retreat po yung tooth na yun then after 1 week bumalik po ulit yung lump, ano pong gagawin ko?

  30. Hi Doc, nagpapasta po ako, ng 3 na ngipin.. question lang permanent po ba ito?, and permanent po ba ang pasta?, or not?, πŸ™‚

  31. Hello po..ask ko lang po… pag sumakit po ba ang ngipin or kung me problem ka sa dental pwede rin maapektuhan ang neck and sholuder? thanks…

  32. Mga ilang days po kaya un bago matapos ung pustiso at maikabit sakin?tsaka po ung pagbunot ng ngipin?gaano po katagal lhat un?tnx po Doc…

  33. Hi doc gudpm po.. doc ask lang po maayos pa po ba ung position ng teeth ko kc po nagpa brace aq fter 1month inadjust nya nung june28. Dapat po nung july iAdjust ny ulit.. pagpupunta aq sa clinic nya lgi xNg wala..hanggang sa ung ngipin q pumagitna naung pNgil sa dlawang bagang.. tas natanggal ung bracket n nilagAy nya kc di nya nilagyan ng lock sa dulo..txt aq ng txt sa knya di nya aq nirereplyan kht mgpunta aq sa clinic wla dw dun. Pinachek q sa ibang dentist sbi sken sira na dw ung ngipin ko tpos ang dming brackets na di nilagay.. sbi ng dentist di daw dumaan sa SOP ung dentiq.dapat dw pinasta muna dw lahat ngipin ko kc lhat dw hos bulok na kya pla twing naag b brush q palaging dumudugo.. gsto q na po sNa pTanggal kc halatang napeke Ko doc..ano pong advice ang pw3eng mabigay nyobsken doc..mapagpapalit p po ba jng pangil ko maibabalik pa ba sa tamang position nya doc? Salamat po ng. Marami.. God Bless

  34. Good afternoon, Doc.

    Magko-consult la’ng po sana ako. Yung GF ko po, a few months ago nagkaroon ng tooth ache. Pinastahan po ng dentist, tapos sabi po, ‘pag bumalik daw po yung pain, either extraction or root canal ang gagawin. A few days ago, bumalik po yung pain. Nagkaroon din po ng pamamaga sa area ng ngipin. Ang sabi po ng ibang dentist na na-consult n’ya, either extraction or root canal daw po. Kanina la’ng po, namamaga na rin yung bandang cheeks n’ya pagkagising n’ya. She went to yet another dentist, and yung same 2 options nanaman po ang binigay.

    Gusto ko po sanang malaman kung may iba pang pwedeng alternative. Sabi po sa ibang websites, pwede rin daw po ang dental implants, pero mahal daw po. Ang naisip ko po, root canal po muna ngayon, then kapag naging brittle yung tooth in 10 years or so, ipapa-dental implant na po namin kung kailangan. Is that the best approach po?

    Thank you po, Doc.

  35. Thanks po ulit doc s pagsagot s tanong ko..ask ko lng po ulit,ano po b pinagkaiba ng definite at immediate n pustiso??ung sinabi nyo po ng huling tanong ko..salamat po…

  36. Doc, may kalang po yung braces ko dahil overbite. Ang worry ko kasi sabi ng dentist di daw nya magfi-fix ang bite ko. Yung spaces lang daw ng ngipin. Possible bang hindi mag-align yung teeth ko sa upper and lower since may kalang nga sya?

    Thanks!

  37. Hi Doc, ngayon po naka-splint ako dahil nalolockjaw and deep bite daw po ako. After 6months need ko magpa braces, problem ko po ay wala akong second molar (7 years ng wala), at di ko naman po afford ang dental implants. ayoko din po ng fixed bridge kasi nakita ko po gina-grind yung 2 ngipin kung san nasa gitna yung gap.. advisable po ba yung retainers na may naka-attach na ngipin kung ilang years ko siyang susuotin hanggang sa maafford ko yung dental implant?

      1. Hi doc, sorry di ko naexplain mabuti. hindi naman po ako sinabihan na magpaimplant pre-braces. pero sabi po sakin eh. pag natanggal na braces ko it’s either magpaimplant daw ako or pustiso. may malaki po bang tsansa na magmove pa yung mga ngipin ko if retainers na may fake tooth lang po? yun kasi kinakatakot ko,baka masayang lang braces,kaso di ko po talaga afford pa ang dental implant,hindi ko kasi inaasahan mahal din etong splint (TMJ) therapy. thanks po.

        1. Mas mabuting makita ko ang panoramic x ray mo. Pero habang hindi ko nakikita yang x ray mo at pagbabasehan ko ang kwento mo na isang ngipin lang ang bungi mo, hindi mo kailangan ng implant or bridge. Madalang na madalang na kailangan mo ng TMJ therapy. Sigurado akong may panoramic x ray ka na dahil nagpasplint ka. Since TMJ therapy ang tawag mo diyan, send mo yung panoramic x ray mo sa FB ko.

  38. Good day! Bat po pagnaglalakad ako or nababagsak ko yung ulo ko sa unan e may sudden pain sa ngipin ko. Ano pong problema pag ganon?

          1. Oks. Kailangan mo magtanong sa magaling sa lamok o sa magaling sa taong pinasukan ng virus na galing sa lamok. Sa kasamaang palad hindi ko masasagot ang mga bagay tungkol sa lamok, dahil puro tungkol sa ngipin ang pinagaralan ko.

  39. Doc may underbite po ako. Noong bata ako may kinabit sakin yung dati kong dentista na parang tapaoho ng kabayo para umurong daw yung baba. Hindi ko matandaan kung anong tawag dun basta color blue siya na may dalawang adjustable garter sa gilid ng pisngi. Makati siya, nagpantal yung pisngi ko tapos napansin kong hindi naman effective since kailangan ko parin ngumuya at kumain na naka-underbite yung ngipin ko kaya tinigil ko after 2 months.

    Pwede po bang maayos ang underbite through braces kahit 19 years old na ko? Ang pagkakatanda ko po kasi sabi ng dentist na yun “Dapat bata pa lang daw inaayos na ang underbite”

  40. Hi doc,
    Ask ko lang po tungkol sa 2 ngipin kong intrinsic sa front. Pwede po ba tooth bonding para matakpan yung yellowish part ng ngipin ndi po kasi maganda tignan. At magkano din po magoa tooth bonding? Pwede ba sa inyo ako magpagawa if ever? Thanks po

  41. Hey doc ! Im 15 and a dentist told me na puede daw magallign ngipin ko by the usenof retainers? And if it i true magkano naman po kaya? Can I send you a pic of teeth and find out just by the pic? Rep asap po. Thanks.

  42. Good pm po ulit doc.. Ask ko n rin po if pwede p po bang pastahan ung sirang ipin o butas ng ipin sa itaas… Salamat po ulit

  43. Hi doc, goodevening po. Itatanong ko po sana kung ano po ba ang problema sa front teeth ko. Kasi po napansin ko na mdyo hnd pantay. Nakita nyo po b ang ngpin ni Tom Cruise s unhan? Parang gnun po, kya lng po hnd gaanong pansinin,pero npansin k po sya dhl plgi k pong tsinetsek ang ngpin k. Nkbraces po ako up and down.

  44. doc,ask ko lang.. may maliit po akong bukol sa ngala-ngala. nagresearch po ako sa mga posibleng cause,may nabasa po akong dahil daw po sa mga infections na hnd na-cure agad o mga nana na hindi lumabas. tama po ba? ano po dapat ko gawin?

  45. Good day Doc. Napabayaan ko po kasi ang ngipin ko mga 15years din po ako hindi nakavisit ng dentist. Ang concern ko po ay yung dalawang sungki ko na ngipin sa harap. Kung hindi ko po option ang braces ay ano po ba pwede gawin? Another concern ko po ay may mga cavities na po yung mga iba ko ngipin. Ano po ba ibig sabihin ng per fillings sa pasta? Per tooth po ba meaning nun?

    Ano po email niyo doc at send po ako ng picture ng front teeth ko para po makita niyo mabuti. Salamat.

      1. Ok Doc I will take your advice. But after po ng cleaning, pasta and RCT ano po puwede gawin sa sungki ko na ngipin kung ayaw ko po magbrace? Pwede po kaya pabunot yung sungki then lagyan ng bridge? Or veneers po kaya? Saan po ako pwede magsend ng picture para makita niyo po status ng ngipin ko. Maraming salamat po doc. Atleast nalelessen phobia ko sa Dentist with your advices.

    1. ANg gawin mo, magpa-panoramic x ray ka. Sa X-ray makikita kung ano yan. Kung gusto mo ng manghuhula, punta ka sa Quiapo. Madami doon. Pwede mo itanong sa manghuhula kahit lovelife at mga bagay na tulad niyan, hindi pa nakikitang bibig.

  46. doc ang anak ko po ay 5 years old at puro bulok an ang ngipin sa katunayan sa harap my nana na ang gilagid sa harap dahil sa ngipin nyang bulok. pwede na ho bah bunutin ang namamaga at my nana at limang taon palang cya? at isa pa kung hindi pwede bunutin anu ang gagawin ko sa nammaga at my nana na gilagid/ anung gamot ang pwede painom?

  47. Doc, tanong lang po. Ano pong home remedy para sa namamagang gums dahil sa wisdom tooth? Pericoronitis po ata ito. May impeksyon po kasi dun sa maliit na gums sa tabi ng wisdom tooth. Di po kasi ako makapunta sa dentista dahil lumipat po ako ng bahay kaya wala akong kakilalang dentista samin dito.

  48. Doc. Bagong bunot po ako ng bagang. 3 hours na pero non stop pa din ang pagdugo niya kahit madami na akong nainom na malamig, kumain na din ako ng ice cream at yelo. Uminom na din ako ng dolfenal at hemostan. napansin ko din na namumuo dugo ko kakalagay ng yelo. masama po ba yun? may iba po bang paraan pa? at ano po mga bawal kainin at gawin kapag bagong bunot? sorry, first time ko kasi magpabunot. salamat.

  49. Hi Doc,

    Everytime nagpapaadjust po ako for my braces actually 2nd adjust ko na po. Wala po akong nararamdamang sakit. Feeling ko po hindi po nagmomove yung ngipin. Pano po ba malalaman kung nagaadjust xa?,Diba po dapat sa 2 months na nakabrace ako, dapat mejo visible na po na nagaalign yung ngipin, parang sakin, hindi pa po πŸ™

  50. hi doc! good day po, nag pasukat po aq ng jacket crown nung monday ( porcelain), bale kakakabit lng po ngaun, bale 3k po lahat ng mga clinic dto sa province namin, mag kakulay naman po yung jacket sa surrounding teeth, ang tanung ko lang po, nung pinolish po nya, kasi parang mataas, nasobrahan po ata at lumitaw konti yung metal sa taas nya..tinanung ko po yung dentist about dto, ang sabi naman nya normal lng dw po yun.. ask ko lng po ang comment nyo, kung tama po ba xa? anu po dapat kong gawin? salamat po in advance!

  51. Hi! I’m doing a research on orthodontics in the Philippines. I just wanted to ask what are the three main issues/problems that you encounter in your field? (In terms of materials/implants you use)

  52. Doc, questions:
    1. If minimum of 6 months ang kailangan for healing ng dental implant (yung tanim ng screw lang muna, wala pa yung denture), kailangan po ba ng frequent visits to the dentist within this period?

    2. Or can I just let it heal on my own without seeing the dentist (but with his guidance, like online communication), then come back again to do the next procedure?

    Out of the country po kasi ako and I cannot afford to take leaves for more than a month, so ang balak ko, i schedule ko ang uwi ko sa pinas for the visit to dentist.
    Wala pa akong nahahanap na ibang dentist na gagawa ng implant sa akin kasi hindi yun specialization ng dentist ko, so magbabakasakali lang na may makuha akong sagot dito.

    Looking forward to your concise answer doc… hehehehe

  53. Goodafternoon po Doc. Gusto ko lng pong itanong kung can I take braces even if I have jacket on my front teeth? Thank you po.

  54. doc may mga types po ba ng wire ang braces.kasi yung pinsan ko po prang twisted yung wire ng brace nya.eh ang alam ko lng po yung straight na wire

  55. Doc tanong ko lang po sana. Medyo namaga po ng onti ung gums ko malapit sa dulo ng ngipin. Tapos po nagka singaw ako. Ngayon po di ako makakin ng mabuti. Ano po bng cause nito? At tska ano po ung pwede kong igamot. Kasi po prang feeling ko lumuluwag ung ngipin ko sa parte n may namaga . Salamat po

  56. docmy tmj problem po aq.. nag ccrak ung panga at parang nag sasala, san ko po b pwede pagamot ito? tyaka ano pong ggawin d2 kung sakali ggamotin ?

  57. Doc bkt gnn?? 2yrs n ko nkabrace pero never in x ray un ipin ko..na magic ba un ipin ko ng dentist ko?? Tas napansin ko pag napastahan niya ko ilang months sira m bunot n agad sya..

  58. hi dok. nakapag pa root canal na po ako sabi ng dentist ko after noon papalitan daw ng crown kaso di na ako nakabalik sa kanya at nawalan na kami ng contact nagiba na din xa ng clinic. and it so happen na ung teeth ko sa front na naroot canal na ee napingas at di pa napapalitan ng crown . anu bang pwedeng gawin . and kung makapagpapalit ba ko ng crown pwede ba ibrace un kc cross bite po ako. thanks sana makasagot kayo asap πŸ™‚

  59. Hi Doc. Hindi po dikit-dikit yung lower part ng ngipin ko sa front pero pantay naman yung upper at lower part pag kinakagat. Kailangan ko po ba ng brace? Kung hindi ano po kayang solusyon dito? Thank you po.

      1. I mean may “gap” kung baga “one sit apart”. Mali ata yung nabigay kong term. I’ve asked my dentist 3 or 4 years ago kung ipa-pabrace ko sabi naman niya hindi daw. Can I send you a picture po?

Leave a Reply