Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. hello po… ung hubby ko po eh pauwi pa lang from abroad… sabi po nya sumasakit ung isang bagang nya, pero hindi naman po namamaga,,, natanggal daw po kasi ang pasta nun,, iniinuman nya po ito now ng ponstan… Naisip ko po na para sure, ipa-RCT po namin ito, den bahala na kung pasta or crown ang ilagay,, tama po ba?kya lang po may naririnig ako na naru-root canal na sumasakit pa rin,, ibig sabihin eh hindi maayos ang pagkaka-RCT sa kanila=(… paano po ba makakasiguro na maayos ang pagkaka-root canal? en may nakapagsabi po na hindi na rin po tumatagal ang ipin na na-root canal na kasi since wala na itong root eh wala na itong nutrient na naa-absorb para sa ipin, tama po ba doc?

  2. Hello po doc. Pwede po b magpabrace sa undergradruate plng? Pero gagraduate n dn xa this year and 7k lng singil nya kaya daw mura kasi wala pa license. Ok lng b n dun magpabrace doc?

  3. yung molar ko po sira na kelangan na pabunot. magkano po dental xray? makukuha ba agad un results? kasi yun wisdom tooth ata nasa ilalim nun sirang molar.salamat

  4. Doc hnd q pa po nappatangal ang tahi ng gilagid ko 3 weeks na cmula Nung nagpabunot ako ng ngipin hnd po ba delikado un. Hnd n po xa maga at magaling na.

  5. hello doc, ask ko lang po. yung upper right na bagang ko po kasi butas na. as in butas na tlga, sumakit na po ito dati tapos magang maga. balak ko po sana ipabunot pero yung isang gilid ng ngipin po e basag na tapos nakausli po yung laman sa may butas. Ano po sa tingin nyo mas magandang gawin o solusyon dto? ipabunot na po ba talaga? thanks po.

  6. doc may sirang ngipin ako isa sa bagang at isa bago mgbagang mgkabila po sa taas. ayoko nmn pong may space ang ngipin ako. suggest po ng dentist ko ipa fixed briged yung porcelain. what do you think doc?

  7. Hi doc! Nabunutan na ako ng sobrang laking ngipin two months ago. May isang malaki na ngipin at dalawang premolars na kailangan na iroot canal. Kapag naayos ba ito, pwede pa rin kaya ako magpa braces kahit medyo malaki yung gaps? Parang dalawang ngipin sa right yung nakuha. Sa may bandang kagatan. Sa left naman, ganun din.

  8. doc may dalawang nabunot na ako sa bandang taas mgkabila. isang bagang at isa bago magbagang.. anung best way to fill it up.? may napanood kc ako sa youtube isa is 3 way bridge yung tatabasin yung mga katabing ngipin pero nghihinayang ako healthy nmn yung mga ibang ngipin at yung isa is maryland bridges. ano mas ok doc?

  9. doc yun nga po na nagpabunot ako ng ngipin sa bagang last tuesday, hindi po ako niresetahan ng dentist.. ang sabi lang po niya magtake ako ng pain killer kung sakali na sumakit yung pinagbunutan.. hindi po tuloy ako nagtake ng antibiotics kasi wala naman inireseta, sa dental clinic po ako nagpabunot ng ngipin ko. dapat pa po ba akong magtake na antibiotics kahit ilang days na nakakaraan nung nagpabunot ako..

  10. Hi Doc. nagpabunot po ako ng ngipin during my second day menstruation period. niresitahan po ako ng amoxicilin trihydrate and mefenamic acid analmin. 3 times lang po ako nkapag take ng gamot. huminto po yung menstruation ko the 3rd day. normal lang po ba yun?

  11. Hi Doc!

    Few questions lang po,

    1. Magkano po ang range ng pasta ngayon? Yung tooth colored po. Dental composite po ba tawag dun?

    2. Nagmu-move po ba talaga ang ngipin after extraction? Medyo weird lang po kasi na hindi ko na mahanap yung gap sa upper set ng teeth ko.nacoconfuse tuloy ako kung saan nga ba ang binunot. 🙂 May gap naman ako sa lower set ng teeth ko, pero hindi sila nagmumove.. Naisip ko tuloy baka may natirang ipin before, at nagmumove talaga dapat sila.

    3. may operation po ba or anything na pwedeng gawin? May ipin po kasi ako na parang pumapasok siya paloob. Yung supposed pangil po na ipin yata, parang pumapasok siya paloob.

    4. 25y/o na po ako, and i had my two front lower teeth extracted at age 21 po yata. They were milk teeth po, pero hindi napilitan, kahit po dun sa xray wala siyang kasunod. 🙁 the dentist agreed naman na by the looks of it, milk teeth nga yata sya. Have you had casea like mine before? What could be the possible reason? 🙂

    5. in Line with number 4 po, how much po kaya ang range ng bridge para sa two lower front teeth?

    Thanks po doc, and pasensya na po marami masyadong tanoing. 🙂 keep it up po, and and nag enjoy po ako sobrang basahin ang site ninyo. 🙂

    1. 1. sanlibo pataas kada butas.
      2. magmomove patungo sa bungi.
      3. madalang ka siguro magbrush at namamaga ang gilagid mo kaya akala mo pumapasok sa loob ang ngipin mo.
      4. malaki ang probability at halos sigurado akong hindi milk teeth yung nabunot.
      5. depende sa klase ng bridge. Yung mukhang ngipin ay nagsisimula sa 22K pataas.

      1. Hi dok, paano po ba nadidiferentiate sa itsura ang milk teeth? Nung binunot po kasi yung dalawang ipin na yun, parang kung ano yung size niya nung bunutin, wala nang karugtong sa ilalim, parang nakapatong lang na ipin.

        Regarding po dun sa ipin na parang pumapasok, isang ipin lang naman po sya, and hindi naman po namamaga ang gums ko. I brush my teeth twice a day, once in the morning, and then in the evening parang nacocompare ko lang po kasi dun sa distance and itsura niya na ang point of reference ay yung katabing ipin. Iniisip ko po if may kinalaman ito dun sa tooth extraction ko. Bale yung tooth po kasi na parang nagsslant paloob ay pangalawa or pangatlo mula dun sa ipin na binunot.

        Anyway, salamat po sa page entertain ng questions, ingat po kayo palagi.

        MM

  12. Doc mga magkano po ba magagastos sa first visit sa Dentist kapag matagal na po hindi nakapagpadentista? Mga more than 10 years na and may mga kailangan pastahan and cleaning po? Mga estimate po kaya magkano? Nakakadiscourage po kasi minsan magpunta kasi feeling ko super laki ng gagastosin ko and baka hindi magkasya ang pera ko.

  13. doc, ako po yung nagask dati regarding sa crown po na nagkaron ng amoy. nagpacheck napo ako sa ibang dentist, at pinalitan na po yung crown ko, then after few weeks po ganon na naman. nababad breath na naman po ulit ako at iniisip ko pong dahilan ay yung crown pa din. kase pag nagfloss ako, may amoy po. hay! ano po next ko pwede gawin? salamat po.

  14. Hi po Doc, nawala po kasi ung isang bracket ko magkano po ba ung price non? Parang ang mahal kasi sa dentist ko, I just want to know the average price for that. or kung pwede bang bumili somewhere. Salamat po.

  15. Hello po doc! gusto ko lang po humingi ng opinion nyo. may sira po ang ngipin ko and sabi ng dentist is either bunutin or root canal. kaso may gap po sya na katabi. #24 po ang infected na ngipin. if papabunot ko po sya, pwede po bang magpalagay ng dentures for 2 teeth and how much po?or root canal na lang? salamat doc!

  16. gudpm doc.. pwede na po ba pabunot ung ngipin ng 4yr old na bata?bulok na po kse..nkakakaawa iyak ng iyak..salamat po.. God Bless

  17. Hi po,
    Question lang din regarding sa porcelain crown fused with metal. Pinagawa po kase ng friend ko yung four front teeth nya, and ang nilagay na crown sa kanya ay dikit dikit na crown – parang pustiso. Ganun po ba tlaga yun? Kase ang ni-request nya daw tlga nung sinusukatan palang sya ay hiwahiwalay. Sabe daw nung dentist ganun daw tlGa ang crown. Hindi happy yung friend ko sa jacket nya, mahal mahal pa man din – 8k per tooth yung singil sa kanya.

  18. As far as I know, hindi po sya na RCT. Hindi rin yata na x-ray yun eh. Actually, nagpunta lang po sya sa dentist para magpa clean, tapos nagtanong about possible solution sa gap ng teeth nya na lagi nya pinapapastahan kase lage naaalis (nagga-grind kase sya ng teeth) tapos yun na sales talk na nung dentist. Tapos 3 lang naman yung teeth nya na may problem sabe din ng dentist dapat 4 ang ipagawa nya para pantay pantay. Hindi na sya nakatanggi. Nagsisisi sya ngaun tuloy.

  19. doc .. ano po ang gamot para sa pamamaga ng bagang ? uminom po ako ng mefenamic and amoxicilin .. pwede po bang sabay yun ? salamat po dok sa pagtugon ..

  20. Good day Doc.
    Tanong ko lang po kung kapag nag ka mild bones loss(Periodontitis) pwede pa mag pa brace? may gap kasi yung ngipin ko. Salamat 😀

      1. Doc, actually ok na po. Yun nga lang ngkaroon ng gap sa lower teeth ko mga 5mm siguro yung distance. Sabi may tendency na umuga kapag ka ngbrace. Ganun po ba yun?

  21. Hello doc may problema po ako cross bite nag pa brace na ako at may appliance na nilagay sakin quadhelix lagi po na sisira yung appliance. Kaya po nakakatamad na bumalik sa dentist brace ko lang po lower teeth. Posible pa rin pa kung maging maayos pa to kung ibabalik yung quadhelix?

    1. Yes. Pero kailangan mo ding magsepilyo at magfloss at magpalinis ng ngipin sa dentist kada anim na buwan. Hindi porke napastahan na ay Super Tooth na yan na hindi masisira sa caries dahil hindi nagsesepilyo.

  22. doc good day, ask ko lang. Pwede pa ba ibrace kapag ka nagkaroon na ng bone lose sa gums? ngkaperiodontal problem kasi ako. Kaya ayun nagkaroon ng gap yung ngipin ko sa baba. Salamat.

  23. Hi doc,lagi po natatanggal ung back molar brackets ko.2x na po.ung katabi po nun impacted n wisdom tooth.anu po b dapat gawin dun?

  24. Hi Doc,
    I have a class 3 teeth kaya nagdecide akong magpabrace 1 year ago. Hanggang ngayon nahihirapan ang dentist ko na i-adjust ang upper teeth ko dahil sa 3 impacted tooth na located sa sinus. Necessary pa po bang magundergo ako ng surgery para tanggalin yung impacted? Undecided pa kasi ako kung ipapatanggal ko pa sya dahil sa possible result after operation and yung recovery. Never pa syang sumakit pero possible po ba na mainfect yun after years?

  25. Pwede po bang magpa pasta na ako ng ngipin kasi po nalaki ng yung butas bago magpabunot tsaka magpalinis ng ngipin?

  26. Good day doc may sira po yong ngipin ko sa harap sa bandang itaas tapos according po sa dentist na una kung pinunthan pa root canal daw then na pa secodn opinion ako sabi naman noong isa po ipa jacket nalang daw the ngayon nga po pina jacket ko na bali binawasan yong ngipin na may sira tapos nilagay yong jacket pero may sira pa rin ng kunti yong loob nya yong pinag kabitan ng jacket tama lang po ba yon doc?

  27. Doc,ano po bang pwede kong gawin sa ngipin ko? Hiwa hiwalay po kasi yung ngipin ko. Yung front lang. Namana ko po sa tatay ko. Wala naman po akong sirang ngipin. Tsaka po parang lagari po yung curve ng ngipin ko. Yung patusok tusok po yung dulo. Salamat po. 🙂

  28. Hello po doc. tanong ko po sana kong pwd pa e papasta yung ipin ko sa harap.. sa may upper left lateral incisor po. sabi po kasi nung dentist RCT muna po tapos jacket kasi di nadaw pwd ang filling. May butas na kasi po sa back ng tooth sa may gumline na pero hindi pa naman po sumasakit yung ipin ko.. Pero pag sinadya ko pong galawin yung sa likod na may butas.. mdyu masakit na.. May pag-asa pa po ba yung ipin ko na e filling nalang po? yung sa harap po kasi wala po talagang problema…. 🙁

  29. Hi Doc..i really need your help..2010 po nung pinabunot ko ung 2nd molar tooth ko sa baba kaso d po naging succesful after 4 dentist na nagtry tanggalin..natira ung kalahati nya..so last 2 days po napabunot ko na xa..at ok nman po pinupok ng matrtilyo dahil may naiwan pa daw po sa loob..ngaun po namamaga pa din xa kahit na uminom na ko ng antibiotics…anu pa ba dapat ko gawin…im so upset doc i badly need your help…tnx

  30. Doc nagpapasta po ako today. Akala ko naman mahal mura lang pala. Pinatagal ko pa. Anyway Doc, pinastahan kasi etong sa harap na ngipin ko. Yung isa ok naman mukang ngipin talaga. Pero yung nasa pinakagitna eh kitang kita ko na meron white na line na parang may tinga ang itsura. Sabi po ng dentist ay bumalik po daw ako next week para mapolish pa. Eh kaso naman po doc parang ang sama ng itsura dahil mukang kanin na naipit sa gitna ng ngipin po ang itsura. Normal lang po ba eto?

      1. Ok na po siya doc. Bumalik ako today and binawasan ng dentist para hindi kita yung bond. Sabi naman niya pagtagal matatanggal din daw.

        Doc pinastahan kasi niya ulit ako today dun sa ibang may sira. Tapos pinakita niya nung nadrill na tapos yung isa nakita ko parang may itim pa na maliit pero sobrang liit naman na. Hindi na niya tinanggal. Ang sabi niya eh yung pasta daw na ilalagay niya eh may gamot po daw na nakakaprevent ng cavity para hindi na lumaki yung natira na yun. Is there any truth to that Doc?

  31. Good eve po…ask q LNG Bkit po sumasakit young ngipin q kahit wla nman po cyang sira..anu po maaari kong gawin???

  32. Goodafternoon po! Doc ung wisdom tooth ko po kasi nangingilo/sumasakit po pag nagmumumog po ako kahit hindi po malamig ung tubig na pinangmumumog ko po…wala naman po sira buong buo panga po eh! thanks po 🙂

  33. Hello Doc,

    Ano po advantages ng Plastic Dental Crown especially in longevity and strength aspect?
    Ano naman po ang disadvantages nya?
    Papalagay po ako sa Lower Incisors ko magkatabi po sila. If indi applicable ang plastic para sa ganitong ipin (lower incisors,front) anong crown ang mas maganda?

  34. Dear Doctor. I had my molar taken out by an Ortho. On my way home natanggal yung stitches sa gums. Do i need to have it fixed? if yes, can a regular doctor (non-Ortho) do it?

  35. Doc, nag pa lagay na po kase ako ng braces sa ortho. tapos po nilagay nya muna yung brackets ko tapos niilagyan nya ng temporary wire muna.. pinababalik nya po ako next week, November 6. eh ang problema ko po doc eh.. naputol po yung temporary wire between dun sa dalawang last na brackets sa baba. ok lang po ba yun kahit sa nov. 6 pa ang balik ko!?

  36. hi doc! nagpa brace po kase ako and ang ikinabit muna po eh yung brackets tapos yung wires eh temporary daw muna and balik daw ako sa ortho next week november 6, ang problem ko po eh.. naputol po yung wire in between the last two brackets sa baba. ok lang po ba yun na tumagal hanggang november 6 pa?

  37. hi doc nagpabrace po ako last april mga 2nd wk po dahil hiwalay po yun front teeth ko sa itaas 20k. nung nagdikit napo ng 1st wk ng september sabi ng dentist ok nadaw po dahil nagdikit na igagawa nadaw po ako ng permanent jacket sa bagang 3 sa kaliwa 5 sa kanan at 2 sa pangil.nung tinanggal po yun brace bigla naghiwalay uli un 2front teeth ko, ang sabi nya magddikit daw uli yun pag nalagyan na ng permanent jacket un 2 pangil ko at pag nakabitan na ng retainer. 1month na yun jacket at retainer ko pero hiwalay padin sa gitna, nk 2 adjust na sila sa retainer, then after a week na nai adjust naputol po yung isang alambre sa kanan binalik ko po ang sabi ok lang daw basta hndi nahuhulog, after a wk uli naputol un alambre sa harap sa kanan binalik ko po uli tinatanong ko kung maayos pa o papalitan ng bago. ang sabi papagawa dw po uli ako ng bago magbabayad uli ako.wla po bang waranty pag ganun ska kaya naman po ako nagpabrace para magdikit ang teeth ko pero parang balewala din dahil hindi naman sya nagdikit talaga.

  38. sabi po saakin ng lola ko wag daw po akong maglikot ng 1 buwan kaasi kakabunot lang daw ng ipin ko eh tutoo po ba yuun ??
    advice naman po

  39. hi doc. ask ko po kung ang retainers ay pwd mkapagpantay ng ngipin . ? and pwd magpabunot ng ngipin kht my period ? thanks

  40. Hello po Doc, good day

    patapos na po yung braces ko 4 months na lang. nirerequire ng dentist n mgpa bridge po ako asap kasi may missing teeth po ako sa bagang. the prob is I’m broke. kasi 30k magagastos e d nmn po yun installment.

    QUESTION: pwede po kayang wag n lng po magpa bridge (since i’m broke0 at tanggalin yung braces at mg proceed na po retainer?

    base kasi sa usapan nmin hihintayin nya muna n mgpa bridge ako before magdebond at mg retainer.

    Since I’m broke di po kasi sya priority n pag ipunan. pero the dentist insited po talaga. So i’m a bit pressured.

    Please advice huhu
    Thank you.

  41. Doc, sira na po yung molars ko (half natanggal) tapos po may natirang ngipin, hindi po ito totally natanggal and now may parang maliit na “pulp” dun sa may part po ng ngipin ko na yon and masakit po sya. ano po ba ang pwede kong gawin? ang sakit po eh tsaka nakakairita po yung something dun kapag kumakain ako. Thank you po.

  42. Greetings! Hi doc, ask ko po sna kc Im planning to hve braces… I’m going overseas po to work.. I already consulted a dentist, she told me I can hve the traditional braces instead of self ligating… Possible po b un? I’ll be back p po kc after 6 months. Hope to hear frm u the soonest. Thank you and more power.

  43. Doc pag nagpabraces po ba nagkakaroon din ng changes sa shape ng muka particularly sa jaw area? If crook teeth po kunwari or crowded tapos iccorrect, hindi po ba naiistretch din yung bones sa jaw?

  44. kailangan po bang bunutin muna ang ngipin bago lagyan ng brace? nung nagtanong kasi ako yan ang sinabi and any clinc recommendation dito sa laguna?

  45. Doc good morning po! Pag nagpabrace po ba kasama na po sa 25k-30k all in package ang pagaayos ng mga sirang ipin… kung may papastahan,RCT Para makabitan ng brace? O separate po ung fees nun thanks po

  46. Pag napabrace po ba na 25k-30k all in package kasama na po ba ang pag aayos ng mga sirang ipin …. kung may papastahan o RCT Thanks po

  47. Doc, lower 1st molar ko sira for (RCT) pero palabas ang wisdom tooth, mas ok ba pabunot nalang ang 1st molar at hintayin magmove ang wisdom tooth? Or RCT ng 1st molar + wisdom tooth extraction?

    Thanks

  48. Hi po Doc!!

    Ask ko po kung magpapabrace po ba dapat alisin yung mga wisdom teeth?
    At saka my wire po bang twisted?tanks in advance

  49. Update Doc

    Nagpa-RCT na ako and wisdom tooth extraction… kaya lang nagbleeding ako kaya di natanggal yung 1 distal root ng wisdom tooth. Sabi ng Dentist wait daw muna ng 3-6 months bago buksa and kunin uli yung root

    Ok lang po ba un doc, di na mabulok yun sa loob

    Thanks

  50. Hi doc. Usually ilang session ang rct? Dpende case to case basis? Kasi ung isang dentist q 5 session 8k sa molar. Ung isa naman 5k per canal 3 sessiona.

  51. hi.doc..ask ku lng kung every adjustment pg braces pnapalitan tlga dpat ung wire?nka 4th adjustment na kc ku feeling ku d naman pnapalitan ung wire ng dentist ku..thank u doc..

  52. thanks doc

    babalik pa naman ako dun sa Dentist for root canal sessions… Maganda po ba ipatanggal ko na yung distal root ng wisdom tooth agad/ o hayaan ko muna gumaling?

  53. Doc pagnagpabace po ba eh OK lang ba na walang buccal tubes or molar bands? Ung brackets lang po… kasi po wala na pong paglalagyan nun nadunot na po kasi sa lower teeth salamat po

  54. Doc Tanong ko lang kung hindi po ako magpapabunot ng ngipin kaci may sira ako sa bagang ko. lower right Dulo. ano po kaya posibleng dahilan pag hindi ko muna ipapabunot. salamat Doc 🙂

      1. Doc hindi pa po ako nakakabitan nagplano pa lang po… kasi po sa lower teeth ko po ay nabunot na po ang 1st & 2nd molar left and right sa lower po meron po ba na buccal na para sa 2nd premolar o pwede po na kahit wala na pong buccal sa lower teeth lang po sa upper meron pwede po ba un kasi po estimate ko muna kasi po 25k lang po money ko salamat! 🙂

  55. Hi Doc! yung ngipin ko po sa harap, pina pasta ko yun, kaya lng kita na yung pasta. Nagpa check ako sa dentist dito malapit samin. Ang sabi Root Canal na daw. Pero hindi ko natanong kung pwedeng pabunot nalang tapos ipa pustiso nalang o jacket?

  56. Wala po bang fix price ang othodontic treat.? Edi example po nagpabrace po ako 5,000 po ung DOWNPAYMENT tapos po kada monthly adjust for example 1000 monthly at naayos na po ang ipin ko ng 3 months un… pagnaayos na po ba ung teeth ko un lang ung babayaran ko kasi hiwalay lang po ung upper central incisor ko po salamat po sa ans…

        1. Hindi. Kasi pag ginalaw mo ang isang ngipin, gagalawin mo ang lahat ng ngipin taas at baba kasi magkakatabi yan at magkakatapat. Unless central incisor na lang ang ngipin mo ngayon na natira.

  57. Isang Buwan Ko Na Pong Di Nasuot Yung Pustiso Ko , Bale sumikip Na Po . Pwede Po Ba Ito Ipaayos/Paluwagan ??

    One Missing Tooth Lang Naman Po Sa Harap , Balak Ko Po Sanang Mag-Flexible Dentures Na Lang .

  58. Doc kakatapos ko lang po na magparoot canal kanina…. doc pwede po ba na maglaro ng badminton pagkauwe galing sa clinic

      1. Pwede po ba o hindi? Kasi po nagtraining na po ako pagkauwi namin kasi po tounament na po namin kinabukasan… mamamaga po ba un

  59. Hi doc! balak ko po sana magpabrace yun nga lang mahina na ang ngipin ko sa harap nakailang pasta narin po kasi at baka bumigay lang pag nagpabrace ako?pwede po kaya magpabrace? Thanks.

  60. HELO PO DOC PLANO KO PO NA MAGPLIT NA NG JACKET KO GUSTO KO LNG PO MALAMAN IF KUNG PLASTIC CROWN ANG IPAPALIT KO EH MAGANDA DIN PO BA YON MAGTATAGL DIN PO BA UNG OLD JACKET KO PO EH PORCELAIN EH NASRA NA PO EH ANG MAHL PO KC NG PORCELAIN 4K NA PO PER UNIT SO NAISIP KO PO N PLASTIC CROWN N LNG MUNA 2K ANG ISA GUSTO K LNG PO MALAMN IF MAGANDA AND MATIBAY DIN PO ANG PLASTIC CROWN TNX PO

  61. Nagparoot canal po kasi ako ngaun po pwede po bang maglaro agad pag kauwi sa clinic o pwede na po kinabukasan? Thanks po

      1. Nilagyan po muna daw ng temporary pasta tapos po balik daw po ako ngayong wednesday para po daw lagyan na ng permanent pasta

  62. Hi, good noon. Yesterday morning I had RCT and I’m so bothered with the taste of the medicine placed inside my tooth. Just want to ask if this medicine mixed (maybe) with my saliva if it is safe to just swallow. Na takot lang kasi ako coz malalasahan ko talaga. Tom pm pa ksi ang balik ko sa dentist ko. Thanks

  63. Dok, adviceable po ba ang upper braces na unahin bago ang lower braces? At magkano po ang sa tingin nyo ang minimum cost ng upper braces? Thank you.

  64. Hi doc ask ko lng kung anong procedure dpt gawin sa wisdom tooth na d tumubo ng maayos? Half lng nung tooth nkalabas and its causing pain sa gums ko pag kumakain. And how much would it usually cost?

  65. Hello po! Ask ko lang po. Kung pwede pa ba magpabrace kahit nakapustiso na, dalawa pong ngipin magkadikit sa taas po. At kung magkano po aabutin. Thanks!

Leave a Reply

%d