Ray Ian : Hi doc, tanong ko lng po ok lng ba na magparetainer ako kahit na naka jacket teeth ang isang harapan kong ngipin. Wait ko po reply nyo thnx doc
Ask the Dentist : Hindi. Ang mag nagrirretainer ay yung mga taong natapos sa braces.
Ray Ian : Ok po thanks doc
Hi doc pwede po bang ipabunot yung sungki ? Ndi po kasi namen kayang magpa brace kaya kung may iba pang choice baka pwede ipabunot na lang yung pinaka aungki po hindi po kasi ako makangiti ng maayos nang dahil dun eh
Hayaan mo muna, kapag may pera na saka ka magpabraces.
Hindi ho kami magkaka pera nang ganun kalaki doc. Kaya nga ho nagtatanung ako kung may other way pa po kc gusto ko nang mawala po ito
Magkakapera ka balang araw. Ano yan, wala kang pangarap sa buhay?
ANg gawin mo, alagaan mo ang ngipin mo. Magpalinis ka ng ngipin every 6 months sa dentist. ipapasta yung mga may sira. Kapag may pera ka na saka mo ipaayos. Wag mo ipabunot.
hi doc pede po ba magtanong kung pede magretainer kahit hindi nagpabrace?
Hindi.
doc goodeve po,,,pwede po bang ipabunot ko nang sabay2x ung lahat ng ngipin ko sa itaas?kng pwede po,magkano po yun?,,,tnx po,,,
Yung magbubunot ang magsasabi kung magkano.