Wala nang Pang-nguya

Joyce : Good day, doc! Hindi ko alam kung madali lang talaga masira ang mga ngipin ko, especially yung mga molars, or lack of proper hygiene na din. Yung premolars up and down ko malaki na ang sira. Honestly halos lahat ng molars ko nasira na and nabunot na din yung iba. Medyo may takot din kasi ako sa dental procedures kaya napabayaan na ng tuluyan yung mga maliliit na sira dati. Ayaw ko sana ipabunot yung premolars ko kasi it would affect my smile kasi mahahalata na. Gusto ko lang po sana itanong kung may pag asa pa marestore yung ipin ko. Nagsisisi ako na napabayaan ko yung teeth ko, lalo ngayon nahihirapan na ako kumain kasi sumasakit na sila at wala na halos ako pang-nguya. Hindi pa ako nakakapagpacheck sa dentist kasi busy din ako sa work and wala pa din kasi akong pera. Ano po kayang dental procedures ang pwede para sa akin? Thank you po, doc!

Joyce : As much as possible, ayoko po sana mag dentures. May ibang procedures pa po ba na pwede and how much po kaya?

Ask the Dentist : Sa kasamaang palad ay wala akong bolang kristal para mahulaan kung gaano kagrabe ang sira ng ngipin mo. Ang pinakamabuti mong gawin ay magpa-panoramic x ray nang malinaw at isend dito para malaman natin kung gaano kalala.

Leave a Reply