Maliligtas pa ba ng Pasta

Jeremy : Doc question po. Pano malalaman kapag ang ipin na may cavity eh di na maliligtas ng pasta? Sumasakit po ung sakin kapag kumakain minsan, di po ba masasave ng pasta un?

Ask the Dentist : Magpaxray ka.

Jeremy : [link to a movie clip]

Jeremy : doc balita ko may Plastic crown na 2k+ lng ang presyo. totoo po b un?

Jeremy : doc balita ko may Plastic crown na 2k+ lng ang presyo. totoo po b un?

Ask the Dentist : Ang plastic ay pangtemporary lang.

Ask the Dentist : http://costdentures.com/fixed/temporary-fixed-partial-denture/

Jeremy : di po dok. yung jacket crown po n plastik ?

tsaka bat po ang daming nagrereklamo pag nagpapacrown, bumbaho dw ung gums nila sa mismong pinalagyan ng crown.

Ask the Dentist : Malinaw ang tanong mo. Malinaw ang sagot ko. Ang plastic ay pantemporary lang.

Ask the Dentist : Bumabaho kasi kapag nagpajacket na, kada isang dekada na sila magpalinis ng ngipin sa dentist.

Ask the Dentist : Hindi mo yata binabasa ang link na sinend ko?

Jeremy : ok po salamat dok

Kaya pa ba sa Pasta

Makoy : Good evening po doc. Saw your site po sa internet. Ask ko lang po ano pwede gawin dun ngipin kong may butas? Kaya pa po ba ng pasta yan or ipapa bunot na ba? Gusto ko pa sana sya marestore. And how much po kapag lalagyan ng pustiso yung isang ngipin na nabunot? Thanks po.

Malaking Butas
Malaking Butas

Ask the Dentist : Kapag sumakit na, dapat i-RCT. Tapos jacket crown. : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Nag-discolor ang Pangil

Nea : Hi doc! I’m Nea. Il just ask po kasi yung pangil ko nag discolor sya into dark gray. Nakita ko nalang pagka tanggal ng braces ko. Ano po kaya ang magandang gawin ko? And may nabasa po ako bout pfm.. Magkano naman po kaya yun? Ang pangit po kasi nags smile ako. Parang untidy tingnan .thanks so much.

Nea : Ako din po un nag post ng msg sa asktgedentist page nyo sa web.

Ask the Dentist : Send photo. TIgnan ko yang pangil mo. Baka for RCT muna yan. Tapos crown : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Nea : Ito po doc.

Ask the Dentist : Send ka ng close up ng ngipin. Oo, napakaganda mo. Pero tignan ko yung close up ng pangil mo ah. Hawakan mo yung upper lip mo, tapos picture-an mo yung pangil lang kasama gilagid. Tapos, tignan yung bandang gilagid niyan.
1. May parang pimple ba?
2. Tapos sa loob, may nakakapa ba ang dila mo na umbok?
3. May naaamoy ka ba?
4. Sumakit na ba yan?
5. Napastahan na ba yan?

Ask the Dentist : Sagutin mo yang mga question ko ha. Base sa picture lang na yan, kunyari intact yan. Malamang na yang pangil mo ay namatayan ng pulp. Kung ganun ang nangyari, RCT lang yan, tapos ibibleach yang loob ng ngipin na yan. Tapos tapos na. Pero kung ang ngipin na yan ay napastahan na pala at malaki na ang pasta, ang gagawin ay RCT tapos crown. Pero kung halimbawa, hindi pa pala patay yang ngipin, ang gagawin diyan ay veneers. Para sigurado, ipaxray mo. Dahil sa parang model ka, hindi dapat sayo ang porcelain fused to metal crown. Kung magpapacrown ka, dapat sayo ay full ceramics crown. http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/ . Dahil ang porcelain fused to metal ay nakakangitim ng gilagid.

Ask the Dentist : Pwede ka din magpunta sa clinic. Pero magtxt ka muna bago pumunta para maayos ang sched.

Ask the Dentist : http://dentistquezoncity.com/

Nea : Hnd pa napastahan doc.hnd naman sya sumakit before magdiscolor ng ganito.wala naman po nakakapa ako.wala naman po parang pimple.

Nea : Doc, tuwing kelan po pala kayo nasa clinic? And ano po ang name nyo para makapagpa sched po ako.tnx

Ask the Dentist : Alright. Paxray mo yang ngipin na yan. Isa sa mga nangyayari sa nagpabraces na tulad mo, ang mamamatayan ng pulp. Dahil yan sa force na inaapply sa ngipin habang inoortho ka. Kung tama nga ang sinasabi ko na namatay ang pulp niyan, ang gagawin ay RCT lang tapos internal bleaching. Kung vital pa ang pulp, walang impeksyon, veneer ang ilalagay. http://costdentures.com/ask-the-dentist/veneers-patients-gum-disease/

Ask the Dentist : Makikita sa xray kung infected ang pulp or healthy pa.

Ask the Dentist : Ako si Dr. Jes. Pero malamang na for RCT yan. Kaya si Dr. Isabelle ang RCT. Magaling ako sa veneers, crowns etc. Pero kapag RCT, si Dr. ISabelle ang magaling.

Masakit ang Ngipin na Pinastahan

Gliezel : Hello po doc. Tanong ko lang po, ung 2 ngipin ko po kasi sa taas sa dulo sobrang sensitive sa malamig tas masakit po sya pag nillagyan ng sobrang pressure, ung kapag kumakagat ng mtitigas d ko po maikagat ng maayos, pinapastahan ko po un akala ko po kaya ganon kasi trauma pa ung ngipin ko sa kakadrill at bka d pa umeepekto ung gmot na nilgay tas after 3 weeks ganun pa din po although mejo nabawasn ung sakit kumpara nung bago pastahan pero maskit parin po. Sbi po nung dental clinc na pinapastahan ko for root canal na daw po, pero nung pinatgnan ko po sa ibng dentst ung xray at ung ngipin ko po sabi wala naman daw pong signs ng infection at baka daw po hndi nalinis maigi ung cavities. Ilang ulit na po ako nagpapa periapical xray pero gnun at ganun lang nmn po ang itsura. Nung pinasthan po sbi sa dulong ngipin may nakita daw pong dead nerve, at malalim na po lalo na po ung sa dulo, july pa po nung napastahn ito. Tas ngayon po araw araw pag ng ddental floss po ako, pag chinicheck ko naman po ung gums ko wala naman pong parang pimple na tumutubo atska ung sakit po consistent lang po ndi po siya ung parang tumitibok ang pakiramdam. Pano po ba yun doc?

Ask the Dentist : Send mo xray dito tignan ko.

Ask the Dentist : Or punta ka sa clinic, tignan namin. Set ka ng appointment: http://dentistquezoncity.com/

Gliezel : Yan po siya doc bago pastahan

Gliezel : Tas yan nman po ung after na pong napastahan.

Gliezel : Ung ngipin po na sinsbi ko doc yung dalawa po na magkatabi simula sa dulo.

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Kung tiyak na maayos na ang pasta at sumakit muli, ipaRCT mo.

Ask the Dentist : HIndi ko masabi kung maaayos ang pagkakapasta. Sa tunay na buhay ko lang malalaman. May ichecheck diyan.

Gliezel : Pero doc mkukuha pa ba ng pasta ung ngipin ko basi po don sa xray na pinakita ko?

Ask the Dentist : May mga pagkakataon na pangit lang ang pagkakapasta kaya ang pakiramdam ng pasyente ay masakit, pero nangingilo lang pala dahil tagas yung pasta. Ngayon, kapag napastahan na ulit at siguradong maayos ang pasta tapos sumakit, saka mo ipaRCT. Ang RCT ng ganyang ngipin ay aabot ng 9K pataas.

Gliezel : Okay po doc. Salamat po.

Ask the Dentist : No probs.

RCT na Walang x ray

Iam : Hello Doc gud pm po magtatanong lang sana. Nagpajacket po kasi ako 6 years ago. Tapos Na-RCT rin po sya. kaso po hindi siya naxray hindi ko naman kasi alam na inixxray pala yun. Mura lang binayaran ko nun kasi biglaan yun eh. Anyway, porcelain sya pero sabi ng dentist na tumingin sa akin (ibang dentist) nakikita yung metal ng jacket kaya may itim sa gums. Sabi din ng dentist 20k daw pajacket sa kanya maganda na daw yun. Yung 20K worth ng jacket (isang ngipin) mganda na ba yun? Thanks!

Ask the Dentist : Yes. ipaxray mo muna, baka palpak RCT niyan. Mukhang manghuhula ang gumawa dahil ni hindi man lang nacheck kung tama ang ginawa niya sa pamamagitan ng x ray.

Iam : Thanks. Kinakatokot ko doc baka infected na gums ko kasi di proper RCT. My case bang ganun? Baka dumiretso kasi sa heart yung infection. 6years na kasi

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita.

Gusto jacket muna

Chenee : Hi doc! Eto po yung teeth ko na kelangan daw e porcelain.

Maitim na Ngipin
Maitim na Ngipin

Ask the Dentist : PInastahan ba yan?

Chenee : Yes po. Kelangan po ba tlga e porcelain?

Chenee : Sabi po ng dentist ko porcelain attached to metal ang gagawin.

Ask the Dentist : IPaxray mo muna. Mukhang dapat iRCT. Wag ka magpajacket crown na may impeksyon yan.

Ask the Dentist : IPaxray mo, tapos picture-an mo ang xray, send mo dito.

Chenee : Sabi po ng dentist ko..okay lang daw po e jacket kasi daw madali naman sya e RCT after nun. Naguguluhan po ako.

Chenee : May other ways pa po ba maliban sa pag papajacket ng teeth?

Ask the Dentist : No. RCT muna bago jacket. Kasi kapag may jacket na yan tapos kailangan pala i-RCT, bubutasin ang jacket crown mo. Itanong mo sa kanya, para lumitaw ang katangahan ng dentist mo. Kapag sinuggest niya na tanggalin ang jacket para i-RCT. Itanong mo, mailalapat pa din ba ang margin ng crown? Lilitaw ang mga katangahan niya kung ipinilit niya yang suggestion niya.

Ask the Dentist : Meron other ways. Ipa-xray mo, para malaman natin ang other ways.

Ask the Dentist : Sa xray makikita natin kung dapat nga iRCT. or kung ano ang dapat gawin.

Chenee : Okay doc. Thank you po tlaga. Kasi everytime po na pumupunta ako dun..naglalabas lng po ako ng pera dahil di ko tlga alam kung ano ang mga dapat itanong sa dentist ko. Mga how much po kaya ang x-ray? And parang natural lang po ba ang kalalabasan ng porcelain fused to metal?

Ask the Dentist : Hindi. Kaya nga ang suggestion ko lithium disilicate : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/ . Halatang hindi mo binabasa mga reply ko. Hahaha! Mura lang ang x ray.

Chenee : Haha. Di ko po kasi nabasa yung link. Pero may tendency ba na pagsisihan ko ang gagawin ni dentist ko? pano po pla pag pina x-ray ko sya tapos wala naman pong problem..ano po kaya pwede gawin para gumanda ang color nya?

Ask the Dentist : Well, pinakamura ang suggestion ko. X-ray muna para siguradong tama ang gagawin. Murang mura ang x ray. Saka siguradong pagsisihan mo yan, dahil mali yung balak niyang gawin base na lang sa suggestion niya. Isa pa, bago lagyan ng jacket ang isang ngipin, dapat inixray muna. Bakit hindi ka pa niya inixray? Eh nagsuggest na siya ng jacket?

Chenee : Opo. Di po sya nag suggest na ipa xray..kaya kakausapin ko muna sya tomorrow kung bakit di nya sinuggest. And mejo mabigat po kasi saken ngayon ang 32k at baka magsisi lang ako.

RCT, Post at Crown

Janah : hello po, another question po. Based po sa na s-search ko sa internet, yung root canal pwede po na after non mag-lagay ng crown. Eh yung sira ko po kasi sa ngipin sa harapan po, (21,22 po ata yung sabi niya) tapos yung sinabi ko po sa dentist namin na ipapa-pasta ko, sabi niya ipa x ray muna daw tapos doon malalaman kung ipapa rct or hnde. Ahmm ask ko po kung ano po yung parang may nilalagay na screw (o kahit ano pa po yung tawag don), ganon po ba yung ilalagay pagtapos ng rct o i c-crown? Di ko po kasi maintindihan eh. Salamat po.

Ask the Dentist : RCT muna. Tapos crown. Kung wala ng bahagi ng crown after RCT, lalagyan ng poste. Yung poste ang hahawak sa crown. Pero kung meron pang parte ng ngipin na pwedeng kapitan ng crown, hindi na lalagyan ng poste. May mga klase ng poste, metal at fiber post. Yung screw na sinasabi mo, mga pangsinaunang dentist yun. Fiber post na ang nilalagay ngayon. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Janah : Ahh sinauna kasi po ang nangyari po sa ngipin ko, parang yung sinabi kong magpapapasta ako, ang ginawa parang tinanggal ung bulok tapos lumaki po tuloy yung sira. Sabi niya xray daw muna. Mag papa xray po ‘ko this month, tapos babalik sa kanya.

Magkano po ‘yung crowns? kasi po dalawa ang affected eh. Gusto po sana malaman ng parents ko before treatment

Ask the Dentist : Magbrush ka lagi. HIndi magkakaganyan ngipin mo kung nagbabrush ka lagi. Tapos magfloss tuwing gabi. Every 6 months magpalinis ka ng ngipin sa dentist. Papangit ka oras na mabungi ka. May potential ka, nakikita kong maganda ka lalo na kapag nagdalaga ka na. Kapag nabungi ka, pangit na.

Janah : opo nag b-brush na po ‘ko ngayon, dati po kasi nung bata ako over yung kain namin ng candy tuwing gabi di nag b-brush, so ngayun pumangit na talaga. Opo nag f-floss na po ako doc, evry after meal po and night tapos brush. Kaso talagang malaki na yung butas tapos sabi ng dentist na baka daw di na makayanan ng pasta. Sabi ko edi crowns and rct na (kung kailangang rct)

Ask the Dentist : Makikita sa xray kung kailangan iRCT. Litratuhan mo ang x ray nyan send mo dito.

Janah : Sige po salamat po. Masakit po ba mag pa rct?

Ask the Dentist : Hindi. Pag magaling dentist mo, hindi yan masakit.

Janah : Salamat po ulit. Family dentist po kasi eh. Thank you po ulit

Ask the Dentist : Alright.

Ok lang ba wag ipabunot

Mae : hello po !!
ung ipin ko sa baba ang katabi nong wisdom tooth ko nong pinalinisan ko nabutas iwan kusa dentist ko bakit ganon..ngayon ang problema ehh lumaki na sya ng husto gosto ko sana ipa pastahan lng kaya pa kaya ehh pag kumain ako malagyan sya ng kanin suma sakit nah kailangan ko talagang huminto sa pagkain para kunin ang kanin na nabaon sa butan nong ipin..
ok lng vah kng hindi ipabunot..ipapastahan lng ?

thanks in advance po sa sagot

Mae : hindi butan (butas pala) sorry..

Ask the Dentist : IpaRCT mo o bunot.

Mae : ohh my..mauubos nah talaga ang bagang ko nito kaka bunot..hehe

pero dba po pagka ipa root canal treatment masakit yon minsan dumu dugo pa ng dumudugo ..yon kasi nangyari sakin 6months ago..gang pina bunot kuna lng din..

Ask the Dentist : Kapag naghanap ka ng cheapest, usually tangang dentist ang mahahanap mo. May presyo kasi ang kalidad.

Mae : first ko yon nag pa root canal treatment dito sa maynila ni indorse ako ng kumpanya don sa pina gawaan ko..indi nga talaga ako kumbinsido non..iba nong dentist kusa negros..dito lng nag simula yong ipin ko dami ng problema…ang hirap sa
nag babayad ka para wala argghh ..

Mae : what a poor service
ung problema lng naman kasi sa ipin ko non ehh may umitim an dahil sa brace ..kaya pinalinis ko tapos ung gum namaga..
masakit,ang factory na pinag trabahuan ko kasi may hospital na affiliate sila don ako ni reffer..saklap imbis na rct ..bunot kasi na infect ang dna man dapat galawin ehh dipa ako lumipat ng doctor dku alam bakit..kaya true ang good service dmu makikita sa cheapest price..

Mae : salamat sa info.. God bless

Ask the Dentist : Oks.

Umuuga at Nagdudugo ang Ngipin

Rowena : Doc, ask ko lang.. nadsgrasya po kuya q. Tumama ngipin nya d nman n dform pero umuuga at nagbleed.. pero ngaun mo walang ng bleeding un nga lang masakit pag tinatamaan.. papabunot po ba ito?

Ask the Dentist : Ipaxray mo muna kung possible pa iRCT kung pwede pa, ipaRCT lang tapos crown: http://www.denturesaffordable.com/restoration-of-broken-teeth/

%d