RCT : Retreatment

Bien : doc, nakita ko po yung fb page nyo net. maari nyo po ba akong maadvise tungkol sa pinarct ko na may recurring infection? binalik ko na po sa dentist ko at sabi nya wala namang prob, baka gum infection lang daw. ito po yung xrays:

Bien : hindi po ako totally convinced. gusto ko pong magamot ng tuluyan ung condition ko. nilinis at inirrigate nya po yung pimple sa gums ko at pinaiinom ng coamoxiclav. bale 3rd time na ito. 1st was after the initial rct , 2nd noong nagkapimple after a year at binuksan ulit and 3rd, ito na. please advise po kung ano yung mga treatment options ko. thanks in advance and more power.

Ask the Dentist : Malabo xray mo. Kelan yung 3rd?

Bien : mga 2.5 yrs ago na po yung rct. after mga six months, nagkapimple po kaya binuksan at niretreat. 3rd flare up po mga 1 year ago nagstart habang nasa overseas ako. recurrent infection na since then. ngayon lang po ako nakauwi to have it checked.

Ask the Dentist : IpaRCT mo ulit. Retreatment ang tawag. Hanap ka ng dentist na magaling. Hindi yung cheapest. Ang nakikita ko, hindi naseal after maRCT. Possible ding may canal na hindi makita. After RCT, dapat maseal yan, sa onlay or crown. Sa pasta, kasi hindi yan maseseal. Kaya ang tendency, pasukin ulit ng mikrobyo. Kung nasa pinas ka pa, iparct mo ulit dito. Kung nasa Aus ka na, diyan mo na ipa-RCT. After RCT dapat ipaonlay mo or crown. Oks?

Ask the Dentist : Agad agad ang onlay ha, hindi pagkatapos ng isang dekada matapos ang RCT saka ka magpapaonlay or crown. Agad agad.

Bien : thanks doc. di po ba parang lumampas yung filling o guta percha sa root? sa may left root po.

Ask the Dentist : Malabo x ray mo. Pwede tayo maghakahaka kung aaninagin lang natin yan.

Bien : ok doc. thanks!

Magaling sa RCT

Carisame : doc, suggest ka po ng clinic na within q.c. yung magaling po sa RCT.
Thanks po.

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/clinics/

Carisame : wala naman address doc.

Ask the Dentist : Oks.

Carisame : doc yung clinic talaga.

Ask the Dentist : Sa tingin mo website lang yan. Bakit pa sila nagwebsite kung walang clinic? Sabi mo magaling. Yung magagaling hindi nila kailangan ilagay ang address ng clinic nila. ANg pasyente ang kokontak sa kanila kung naghahanap ang pasyente ng magaling. Kontakin mo.

Carisame : sige na nga. nagtaka lang kasi ko. mostly naman po kasi indicated sa website yung address kahit ganu pa kagaling. hehe thanks doc.

Ask the Dentist : Olrayt. Punta ka sa may nakaindicate na address. Magagaling sila.

Carisame : uy doc ask ko lang ulit ilang days ba yung process ng RCT? isang araw lang po ba iyon?

Ask the Dentist : Depende sa ngipin. ANong ngipin ba yan?

Carisame : yung harap po na ipin sa itaas.

Ask the Dentist : Pwede yan ng single visit to 2 appointment.

Carisame : sobrang sakit ba? compare sa pasta?

Ask the Dentist : Depende na sa dentist yan at sa pain tolerance mo. Kung magaling ang dentist mo, para ka lang kinagat ng higanteng langgam.

Carisame : higante talaga natawa naman po ko dun. hehe sige doc thanks.

Ask the Dentist : Oks.

Sumasakit araw araw ang Ngiping Pinastahan

Joyce : Goodevening po doc, ask ko lang po. Nagpapasta po kasi ako sa harap dalawa po na magkahiwalay. After ko po magpapasta, sumasakit na po yun araw araw. Ano po ba ang dapat kong gawin.? Pag po ba nagpa jacket yung gantong sumasakit na, kailangan na po ba i-rtc? Salamat po..

Ask the Dentist : Oo, RCT yan tapos jacket crown. Pero para sigurado, ipaxray mo. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Joyce : Salamat po.

Pwede bang magtagal ang tooth na infected

Adrian : doc i will just ask if, pwedi bang magtagal yung tooth na kailangang ma root canal?

Ask the Dentist : Pwede. Hangga’t hindi ka pa nagkakaroon ng bukol na malala.

Adrian : ah okay po doc and yung braces kopo mag totwo years na upper lang dikonaman mapaasikaso ksi nagleilo ako sa dentist na naglagay ng braces ko e hindi kasi maganda yung service nya? ano po yung best kong dapat gawin as of now doc?

Ask the Dentist : Ano ang hindi kinaganda ng service niya.

Adrian : eh doc assistant nya yung mga pinapatrabaho eh

Ask the Dentist : KUng dentist din ang assistant eh walang problema.

Adrian : ano do dapat kong gawin?

Ask the Dentist : Wag ka maghanap ng cheapest. Madalas mangyari ang problem sa cheapest.

Adrian : ok cge doc thankyou

Root Canal Treatment Manila

Aliza : doooc!!!! nabasa ko yung mga forums sa google.. hehe pede magtanong? pls response..

Ask the Dentist : Oks. Ano ang tanong mo?

Aliza : kasi ganito un… ung ngipin ko my pasta nangingilo xa pero walang cra.. khit nainom lang ng 2 big.. ngaun nmn ung buong hilera nya chaka ung taas na tapat nangingilo pag nakain ako ng kanin.. bkt gnun doc? as in mskt taz nawawala pagkatapos ng mga 10mins
anu kaya un?

Ask the Dentist : Ilang dekada na ang nakalipas noong huli ka nagpalinis ng ngipin sa dentist?

Aliza : lastyr lng po.. pnatingin ko p nga to.. reg kasi ako dun,, ang mhal ng root canal nya??? 15 -20k

Ask the Dentist : Anong ngipin yan?

Aliza : bagang po dati ung nakapasta lang tapos nangingilo lang xa pag iinom
ngaun nmn iba pag nakaen kahapon at nung makalawa sumakit ngaun hnd
pero buong kanan un kasama taas na katapat
mga 10 to 15 mins tapos mawawala

May bukol sa Palate

Chua : bakit po pag minamassage ko ng circular ung gums ko kung san po pinastahan ung ngipin ko, eh sumasakit po ung gums ko, tas minsan po nangingilo din po ung ngipin ko?

nung last time na pinastahan po ung ngipin ko, nagkaroon po ng umbok ung isang part ng palate ko, tas parang nag violet po ung color, sabi po ng kaibigan ko kainan ko lang daw po ng malamig at mawawala un, pero actually po, bumalik po ung dating kulay ng palate ko, pero ung umbok po andon pa din po, bakit po kaya?

Salamat po.

Ask the Dentist : Ipa-RCT mo.

Chua : after po ba na ma-rct un mawawala na din po ung umbok sa palate ko?tsaka may side effect po ba ung pagpapa-rct?
kailangan na po ba agad un?

Ask the Dentist : Kailangan kung gusto mo gumaling yan. Kung hindi mo pa gusto gumaling yan at gusto mong lumala muna ng todo, hindi kailangan.

Chua : ok po. mga magkano po ung ganun?after po ba na ma-rct un mawawala na din po ung umbok sa palate ko?tsaka ung general dentist po ba gumagawa nun o ung endodontist po?

Ask the Dentist : Depende sa bilang ng canal. Send ka ng xray.

Chua : Ok lang po ba na magpa xray kahit walang request galing sa dentist?Ung harap po na ngipin sa gitna Po.

Ask the Dentist : Possible.

Ano ang RCT ni Sister?

Unique : Hello doc! Yung sister ko po kasi gustong magpa dental bridge, kaso gusto niya po yung titanium. Tapos halos lahat po eh sira na talaga ung ngipin niya, ayaw naman po niya magdentures. Usually po magkano po ang magpadental bridge na titanium? Need your response po asap. Thanks!

Ask the Dentist : Yung sister ko ang sabi niya, “ang una niyang gawin ay magpaxray para makita ang condition ng mga ngipin ng sister mo, dahil kapag malala ang sira, baka kailangan i-RCT bago ibridge”.

Unique : ano po yung RCT?
alam ko na po pala

Ask the Dentist : Okie.

RCT & Crown Manila

Marj : Hi po doc! Namaga po ung right side gums ko. Twice na po nangyari un. Tapos pinacheck up ko po sa dentist sbi nya dental abscess daw po, either ipabunot ko ung ipin na cause nun or iroot canal. Kaso mahal ung root canal, 5k tas dagdag 3k for each canal na lilinisin. tas after ikacrown daw po..magprepare daw ako ng 20k to be sure po. Okay po ba yun doc? Kapag pinabunot ko ba ano pong disadvantage nun (bukod po sa mabu2ngi ) ?

Ask the Dentist : Papangit ka.

Marj : wahaha! after rct po mas advisable po ba ang crown kesa sa ipasta ung ipin?

Ask the Dentist : Depende sa laki ng sira. Kung napakaliit lang, pwede ang pasta. Pero kapag hindi mo tiyak gaano kaliit ang maliit, ipacrown mo.

Marj : okay po Thankies

RCT nangitim

Mirah : Doc, ako po c aledia marie.. ng-ask po aq dun s website nyo:

Aledia Marie Feb 13, 2014 12:09 am
hi doc. question po,. ngparoot canal po aq, 5 years ago s my front area po,. ngeon po ung ng-iisang ngipin s harap n pinaroot canal q, nangitim na po, discoloured n po, ang pangit n po tngnan kc halatang halata na. tapos ung katabi po nung tooth q n un, eh prang nakausli na ngipin..

ngeon po, ask q po sna if anu po pwdeng gwing procedure dun.. sv po ng tita q, mgpadenture dw po aq, eh kso iisa nman po ung discoloured tooth q tapos aftr mgpa-dentures, pa-brace aq,pra dw mapantay ang katabing ngipin nun.. possible po b un?

or ok po ung tntwag na porcelain veneer? if ever porcelain veneer po, mgkano po aabutin sa 2 teeth.. pls reply po..

Ask the Dentist Feb 13, 2014 5:17 am
Possible ang veneer kung hindi extensive ang sira. Or hindi extensive ang access sa likod. Send ka ng photo sa facebook ko.

………………

doc eto po picture, pcnxa n po mejo ndi ganung ka-linaw.. doc, yan po ung cnsv ko, na ipina-root canal q, gsto q n po kc ipaayos, nhhrapan po aq mag-apply ng work dhl dto ehh…

Nangitim na Ngipin
Nangitim na Ngipin

Ask the Dentist : Pwede. May single tooth bleaching din na tinatawag.

Mirah : ahh so single tooth bleaching tapos pa-brace na po?? Mgkano po ung single tooth bleaching?

Ask the Dentist : Pwede. Konti lang ang may alam ng single tooth bleaching.

Ask the Dentist : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-veneers/

Exposed Pulp

Arrianne : doc tinanong ko po ung dentist ko kung need nya ng panoramic xray ko,tinanong nya kung ilang taon na ko sabi ko 25 sv nya no need na daw kasi nkatubo na lahat ng wisdom ko,ok lang po ba magpabrace ng walang xray?
doc nagpa periapical xray dn aq kc sumaskit ung 2 molars q lower left and right pareho na cla may pasta, ung isa may abscess n daw po pero ung isa wla nmn xa mkita pero madlas xa sumakit pero tolerable nmn po ung pain,anu po kya ung reason why sumaskit
thankyou po !

Ask the Dentist : Magpalit ka ng dentist.

Arrianne : lumipat na po ako ng ibang dentist,bngyan nya po aq ng request for panoramic and cephalometric xray,and may cnasbi po xa na pic2re p 500 po nya ko cnisingil don nung pnkta po nya skin picture po ng face na pnpkta po ung teeth pg nkaclose and nkasmile.required po b tlga un?
may temporary filling dn po ako pd n po kaya mgpabrce kht merun non?under observation po kc ung teeth ko

Ask the Dentist : Anong p 500?

Arrianne : picture po, 500 pesos po

Ask the Dentist : Oks.

Arrianne : doc pwede po ba habang nka brace tyaka iroot canal ung teeth

Ask the Dentist : Pwede. Pero hassle yan. Pag hindi narct agad, lalala ang infection.

Arrianne : doc wla nmn po infection sv ng dentist kya lng po nung tinanggal nya ung dati pasta may pinakita po sya sakin na red dot,sv po nya naka exposed ndaw ung pulp pero wala nmn infection sa xray
ung nklagay po sa xray ung pasta po ng teeth ko malapit na sa pulp then nung inopen nya pnkita nya po sakin ung loob na po ng teeth tpos po nka temporary pasta po ako ngaun
doc pwede pa po kaya ibrace kapag parehong wala na ang 1st and 2nd molar 3rd molar n lng po nttira

Ask the Dentist : Kapag naexposed madalas na mamamatay na yang ngipin. Kaya kandidato yan for RCT. Mga 90% probability.
Kung sinabi ng dentist na nakakita sa bibig mo na pwede pa ibrcae, then pwede nga ibraces.

Arrianne : eh doc khit ndi nmn po xa sumasakit candidate n po for rct.

Ask the Dentist : Sa tingin mo ipapakita ba ng dentist mo yang red dot, kung wala lang yan? Sa tingin mo magsasayang ako ng brain cell at sasabiihin sayong kandidato nga pero hinidi naman?

Arrianne : may nilagay po xa na gamot dun sa loob then temporary pasta po, ang sabi lang po nya na kapag sumakit ibalik ko agad pero pinapainum po nya ko antibiotic

Ask the Dentist : Oks.

%d