Magkano MagpaRCT

Paula : magkano po mag parct? may pinastahan po kasi sakin matagal na mga 2years ago. sumasakit na po siya ngayon. nabasa ko po sa website nyo na may same na tanong na iparct. saan po ba ang clinic nyo doc?

Ask the Dentist : Depende sa number ng canal. Anong ngipin ba?

Paula : 2nd to the last po sa ibaba ung ngipin… nagpunta po ako ngayon sa dentista.. sabi nya po its either ieextract at lalagyan ng denture or irrct at lalagyan ng crown or ieextract at lalagyan ng bridge..

Ask the Dentist : Oks.

Paula : doc sobrang sakit nung tooth ko sa taas. pangalawa po sa dulo pa din..2 araw na po ako umiinom ng mefanamic acid at nagmumumog ng apple cider pero masakit pa dn lalo na kapag nabubunggo ng cheek, dila o kutsara, tinry ko po galawin at medyo nagagalaw ko po siya. kapag tinulak ko palabas d po gaanong masakit kapag paloob po sobrang sakit. ano po kayang gagawin ko?

Ask the Dentist : Pumunta ka sa dentist para makita niya ng personal.

Hindi Masyadong Natamaan ang Pulp ng Ngipin niya

Ichel : Hi doc

ASk ko lang po anu po ba pwede ko gawin.. yng isa ko po kasing ipin sa taas ung kalahati niya is kulay gray na.. then sa gilid may butas na.. masakit siya kapag tinatamaan.. ayoko po sana magparct e.. pwede ba pasta lang.. tnx po..
Ichel Mendoza
30 December 2013Ichel Mendoza
Hi doc

ASk ko lang po anu po ba pwede ko gawin.. yng isa ko po kasing ipin sa taas ung kalahati niya is kulay gray na.. then sa gilid may butas na.. masakit siya kapag tinatamaan.. ayoko po sana magparct e.. pwede ba pasta lang.. tnx po..

Ask the Dentist : RCT yan or bunot.

Ichel : Ok lang po ba magpabunot kahit masakit konti ung ipin

Ichel : Hi doc.. ask ko lang po.. nagpa xray ako kahapon.. for rct po ung ipin ko.. totoo po ba na 1hour lang ang pag rrct at 1 session lang?.. kasi po daw nd naman masyado natamaan ung pulp ko.

Ask the Dentist : Kung ang canal ng ngipin mo ay isa lang at hindi kumplikado, oo pwedeng 1 hour. Sobrang tama man or hindi masyadong natamaan, ang infected na pulp ay infected.

Ichel : ganun po.. pag mejo umuuga na po ung ipin nd na pde iparct tamo po ba..

Ask the Dentist : Tamo. Tamong tamo!

Ichel : Balak ko po sana magpalagay nlang ng flexible dentures for single tooth.. safe po ba un doc.. di po kasi me pwede bridge eh.. mahina na kasi ung pagkakapitan

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita ko.

Ichel : Napaxray ko na po kaso nasa dentist ko.. di ko naman po pwede kunin.. until now iniicip ko parin po kung rct or extraction gagawin ko..

Ask the Dentist : Hindi ko kayang sagutin kung ibabase ko lang sa bolang kristal or tarot cards. Sa xray pwede.

Ichel : Tapos doc. Ung cmula nung nagpapasta po ako.. ung pakiramdam po.ng dila ko iba.. ung parang nakakain ako ng hibla nh buhok.. di ko alam kung dahil ba sa mouthwash un
Cge po bka bukas try ko hiramin ung xray ng ngipin ko

Kalahati ng ngipin ang natanggal

Llord : Hi doc, ano pong gagawin kapag natanggal po yung half ng teeth pero hindi naman po sya natanggal sa gums? pede po ba ang pasta dun? Thank you po

Ask the Dentist : Ipaxray mo baka for RCT na. Kung hindi pa infected, pwedeng ijacket crown. http://www.dentures.com.ph/porcelain-fused-to-metal-dental-crown/

Root Canal Treatment Cost

Pacheco : Good eve…ask ko lng po kng mgkno mgpa root canal’?

Ask the Dentist : Anong ngipin?

Pacheco : Sa front po..

Ask the Dentist : 3 K pataas.

Pacheco : Gnun po b.thnx

Pacheco : Gud pm..kpg po b ngproot canal my limit n dpt ip ulit?

Ask the Dentist : ANong ibig mo sabihin?

Pacheco : I mean kng aftr 10yrs dpt po pplitan angvroot canal?

Pacheco : Nuh po ms mgnda pabunot or root canal then jacket?

Ask the Dentist : Kapag may problema, i-a-rct ulit.

Pacheco : Front teeth po kc

Ask the Dentist : Oks.

Kuwentong Barbero este Dentista

Marjorie : hello po. gudafternun. nakita ko po kc un website nyo then naicpan ko magtanung about sa problem ko. Cguro mga 2years ago nagpa-jacket po ako. Sa front teeth po. bale dalawa po nkajacket na ngipin skin. Nagtataka lng po ako kc sumasakit po yun ngipin ko na nkajacket. dba dalawa po sya, yun left tooth lng po sumasakit bale isa lng. bakit po gnun? Wala nmn ako nkaen na mtigas. basta sumakit nlng po. 1day na po sumasakit. Uminom na din ako gamot na mdicol para maibsan un sakit. Pero hndi nmn gnun kasakit. Tolerable nmn po. Cguro rate from 1-10, 10 is highest… mga 4 lng po. Pakitulungan nmn po ako. Salamat.

Ask the Dentist : Gaano na katagal. Plastic or porcelain? Every 5 years dapat palitan ang jacket. Kaya sumakit, malamang infected na ang ngipin. Madaming rason kung bakit nagkakaroon ng infection ang may jacket crown na ngipin. Pag infected na, dapat i-RCT. Check these links:
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

http://www.denturesaffordable.com/prosthodotic-reconstruction-core-build-up/

Ask the Dentist : http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Marjorie : Porcelain po. More than 2 years na po.
Kakayanin po ba kpag ininuman ko ng antibiotic?

Marjorie : Anu po mganda at una ko dpat gawin? Pumunta dentist a?

Ask the Dentist : Kapag nag-antibiotics ka, nandiyan pa din. RCT ang solution. Ang una mong gawin ay pumnta sa clinic na may xray. Pa-x-ray ka.

Marjorie : before po kc ako magpajacket dati pna-root canal ko po un ngipin ko. yun kc ang suggestion ng dentista skn. d nmn po kc totally cra un ngipin ko. napingas po un right tooth ko kakapasta, gnawa ko pnajacket ko nlng. pero ganito din po un pkiramdam ko before ako magpajacket. sumasakit po ulet.

Marjorie : nagpa RCT na ako dati. dba root canal treatment yun? suggestion un ng doctor bago ako ijacket. so maguulit nanaman po ba RCT ulet? nid po ba na palitan nanaman yun jacket ko kht wla pa 5yrs?
Yun jacket ko po pala my silver metal sa loob. nkapalibot sa loob… isa lng po kc tlga yun masakit dati kaso dnamay nya sa jacket yun isa kc panget daw kpag isa lng. tska mejo sungki po kc.
almost 5k po bnayaran ko before sa dlawa ngipin ko kasama na root canal. my discount ako that tym kc student ako at the same time classmate friend ko anak nya,. magkanu po kaya mgagastos ko ngaun,. balak ko kc lumipat ng dentista.
SALAMAT PO.

Ask the Dentist : Talaga? Ina-RCT pero sumasakit? Pa-x-ray mo para malaman natin pareho kung ano nga ba ang nangyari sa ngipin mo. 5 K dalawang ngipin tapos may RCT? Mukha yatang imposible yun, unless boyfriend mo ang gagawa kahit libre pwede. Luging lugi dentist mo sa ginawa niya, kung totoo nga may RCT at porcelain fused to metal jackect crown yan.

Ask the Dentist : Sa dami ng nasagot kong tanong, may mga kwentong hindi kapanipaniwala. Tapos pag pinadala na ang xray mapapatunayang hindi nagtutugma yung kuwento sa tunay na nasa bibig ng pasyente. Kaya pinakamabuting gawin mo, x ray, send mo dito. Para makita nating pareho kung ano ang problema at masolusyunan nang tama.

Marjorie : d po kita pinipilit maniwala sakin. kung anu po cnabi ko sau yun po totoo. actually kauwe ko lng dumaan ako sa dentista kc kapitbahay lng nmin. cnabi ko na sumasakit un ngipin ko na nilagyan nya jacket., lam mo po sagot sakin? gnun daw kadalasan kpag malamig ang panahon. tiningnan pa nga ngipin ko kung my space or butas wla nmn sya nakita. cnabi ko rin na inunuman ko ng antibiotic at mefenamic acid. tama daw yun kpag sumasakit kadalasan daw sa gamot nlng dinadaan. at hndi nya ako nixray noon. pero alam ko ni root canal nya ako kc dame beses sya my tinutusok sa ngipin ko. Salamat po sa tulong nyo. pero hndi po ako nagccnungaling!

Ask the Dentist : Paxray ka send mo dito. Kahit umikot ikot tayo, hindi natin malalaman ang problema, kung walang x ray.
Hanap ka ng ibang dentist para hindi ka mapariwara.

Marjorie : cge po. consult muna ako ng iba dentista. after ko pumunta update ko po ikaw kung anu sabi skin. salamat po.

Ask the Dentist : IPAXRAY mo. Balewala ang sasabihin ng dentist mo kung hindi naman niya ini-x-ray. Anong gagawin niya, tumingin sa bolang kristal?

Na-RCT gusto magpabraces

Anne : Good Am Doc.
pwede po ba magpa brace kung yung 1 tooth ko ay napa root canal ko na then rebuild yung tooth go through pasta? sira po kasi yung tooth ko na yun and then, instead na ipabunot ko, pwede pa pala sya i rebuild. tnx

Ask the Dentist : Yes pwede.

Anne : tnx doc.. another question po.. hindi po ba mababasag/masisira yung pasta nung ni-rebuild na tooth kaka adjust ng brace every month? and what if, naka brace na, and then nasira yung pasta nya? panu po yun?

Ask the Dentist : Kung nasira ang pasta, ipapasta mo ulit.

RCT cost

Christopher : Good Day po, may butas po ang pre-molar at nag decide po ako na ipa RCT, ask ko lang po kung may anesthesia po ba ang RCT?, at ilang session po ang inaabot bago maayos yung ngipin ko,? thank you po,

Ask the Dentist : Yes. Usually 2-3.

Christopher : thank you po, mga magkano po ang magagastos ko for the whole treatment?

Ask the Dentist : Mga 6K pataas. After RCT sasabihin sayo ng dentist mo kung kailangan i-jacket crown or hindi na. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/

Christopher : ah ok, mga ilang days po ang aabutin for the whole treatment po, thank you po

Ask the Dentist : Kung araw araw eh di 2-3 days.

Minsan Bad Breath

Huushii : Doc how much po ba mag pa root canal sa baba bandang dulo broken tooth po ata to sabi ng dentist rrootcanal daw dapat 75k ung price ganon po ba talaga kamahal un thanks!
and minsan parang bad breath ako doc kahit nag toothbrush ako dun kaya nag ccause ung odor salamat po

Ask the Dentist : Nasaang bansa ka?

Huushii : sa philippines po

Ask the Dentist : Magpaxray ka. Send mo x ray dito.

Huushii : Sige po doc

Masakit ang Ngipin, ano ang dapat gawin?

Sharm : hi po good eve doc. super nag ssuffer npo ako sa toothache since khapon p po..d nko kumakain s sobrang sakit non stop n po kc.. kahapon ung bagang lang po ung masakit kc my butas ngayon po eh ung front teeth na as in super sakit n umiiyak n ko sa sobrang sakit nakaka 4 medicol liquid npo ako and 4 amox ngayong araw n to..doc ano pong best way?? super worst n toothache n po kc salamat po good day

Sharm : by the way doc napasta po tong front teeth ko 1 year ago.. pag nbabangga po sya ng toungue ko sobra sakit..kht magsalita lng ako d ko n po kaya ang sakit

Ask the Dentist : May 2 choices ka. Ipa-RCT mo or ipabunot mo.

%d