Sumakit na Ngipin, Kailangan i-RCT

Jenn : Doc good eve.. Nagpapasta po ako last july ng bagang. Ngayon po sumakit siya. Madali lang ng konti o hawakan masakit tlaga.. :(( di ko po mapaglapat yung itaas at ibabang bagang ko.. Sobrang sakit po.. Ano po kayang gamot pwede ko inumin? Wala na po kasing bukas na dentist dito samin gabi na po. Di ko po alam kung mali pagkakapasta.. Ano po kaya dapat kong gawin? Patanggal pasta tapos papasta ulit? Magkano po kaya inaabot ng root canal? Thank you po..

Ask the Dentist : Malaki ang possibility na RCT na ang kailangan gawin.

Jenn : Magkano po kaya yun aabutin? :((
May meds po ba na pwde akong itake? Wala po kasi ako pera para sa rct.. Bka next month pa po ako makapagparct.. Ano po kaya pwede kong gwin pansamantala? Thanks po doc..

Ask the Dentist : Ipatingin mo sa dentist para maresetahan ka.

Jenn : Ok po thanks

Masakit na hindi masakit na ngipin

Paolo : Hi Doc, ask ko lang po kung pwede po bang i pasta ung central incisor teeth ko? And mga magkano po kaya un? Salamat po

Ask the Dentist : Pwede kung hindi pa sumasakit.

Paolo : di naman po masakit na masakit. Maitim lang po sya.

Ask the Dentist : Ipa-RCT mo kung sumakit na.

Paolo : Di po sya sumasakit so pwede po un? mga magkano po un?

Ask the Dentist : Nonsense na magsinungaling ka. Sabi mo “hindi masakit na masakit”, ngayon sabi mo “hindi sya sumasakit”. Kapag sumakit na, ipa-RCT mo. Simple lang ang buhay, wag mo pakumplikaduhin.
KUng hindi pa sumakit, ipapasta mo.

Paolo : Ok po, thank you.

Kailangan ba i-RCT

Amae : Doc kasi po nagpapa braces ako, on process pa po. Baba palang po ang kinakabit saakin, tapos po eh bubunutan pa daw ako ng dalawang ngipin sa taas. Yung dalawang ngipin ko po sa unahan ay naka pasta na may sira at sumasakit okay lang po ba na ibraces na yun kahit walang rct?

Ask the Dentist : Kailangan i-RCT.

Amae : Nakikta na po kasi ng dentist ko yung xray ko di naman po nya nirecommend yung rct. Tsaka po, binunutan po ako sa bagang ko sa taas, tapos po sumasakit po yung katabi nung nabunot bakit po kaya ganun?
Thankyou po doc

Ask the Dentist : Send mo x ray sa akin.

Amae : Sige po papa xray po ako ulit. ay doc, kakabunot ko lang po ng ngipin kahapon yung sa tabi po ng pangil. tapos po bigla naman po tumutunog yung jaw ko kapag ngumunguya.

Dental Insurance Card Philippines : RCT

Mhatet : Hi doc… Ask ko lang po kaxe may cavity ung ngipin q s harap pero sobrang liit nya lang,pinapastahan q po… After nun nag cmula ng mangilo ang ipin q then last tuesday sumakit ca ng sobra,bumalik aq sa dentist ang sabi nya makapal daw ung pasta skin kaya binwasan nya,kinabukasan namaga na po nguso q at may nana n ung gilagid q,nag ka tooth abscess aq,pmunta pa q sa ibang dentist kinabukasa at inalis nya po ung nana… Ni rrecommend nya aq i root canal… Doc eto po ung tanong ko:
1)sobrang liit lng ng cavity q sa ipin tuldok lng bkit umabot aq sa tooth abscess na aabot pa sa root canal?
2) kung aq po yaw q po mag pa root canal dhil po mag iiba dw ang color ng teeth mangingitim… Huhu yaw ko po ng ganun… Yaw q din po mag pabunot kaxe sa front po ung teeth n un… Wala n po bang ibang paraan??
3)kung mag papa root canal po aq totoo po bang mag iiba ung color ng ipin?? At kaylan xa mag iiba ganu katagal??
Salamat doc sana marplyan nyo n po aq agad kaxe pinapbalik nq ng dentist q sa tue. For RCT

Ask the Dentist :
1. Madalas ganyan, maliit sa labas, malaki ang sira sa loob. Kaya nga yung sinasabi ng pasyente na dapat mas mura ang bayad kasi maliit lang ang butas, mali yun, kasi malaki sa loob. Kaya kung minsan dahil sa laki ng sira sa loob, umaabot na sa pulp ang infection. AT kapag ang infection ay abot na sa pulp, wala ka choice kundi ipa-RCT or bunot.
2. Ipa-RCT mo. After RCT, kung maliit lang ang damage, papastahan lang. Kung malaki ang damage, i-ve-veneer or crown.
3. Kung after RCT ay maliit lang ang damage, at papastahan, may gagawin para hindi mabilis magbago ang shade. Kung mangitim man, pwede gawin ang “single tooth bleaching”.

Napakaliit na bagay ang inaalala mo. Hanap ka lang ng magaling na dentist para hindi katangahang gawa ang gawin sayo.

Mhatet : Eh doc ang need q po kxe ung accredited ng health card q dhil nag absent aq sa work.. Other than single tooth bleach ano pa p ung ibang pwdeng gawin pag nag dark ung teeth q na na root canal!! Ung permanet po na hnd n magbbago ung kulay?? Ung nga porcelain crown ba doc? Ung bleaching po ba prrmanent din po un?

Ask the Dentist : Alright. Ang comment ko sa card, low quality na dental service makukuha mo. Kasi ang nagbabayad diyan, card. Kapag card ang nagbayad, binabarat nila ang dentist. Kaya ang dentist syempre, murang materials ang gagamitin. At mabilisan na paggawa. At kadalasan yung mga low quality dentist ang tumatanggap ng cards.

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo.

Mhatet : Pero po ung mga operation po like root canal hnd na po sagot ng card q sarling bulsa q na po… Ang need q po kaxe ung med cert nila bkit aq nag absent ganun doc so kung walangvpermanent ang gastos pla nun hehe… Salamat doc

Ask the Dentist : Kapag sinabi ng dentist mo na nagooffer siya ng permanent na restoration at iba pa permanent na mga bagay. Hindi siya magaling na dentist. Magaling lang sa salita. Sa pagbebenta. Dahil walang permanent sa dentistry.

Ask the Dentist : Kahit nga relationhip eh. Kadalasan, buwan lang inaabot. Pero ang panagako noong nanliligaw, forever. Permanent pero buwan lang pala.

Mhatet : Hahhaha… Ok po doc…

Ask the Dentist : Sa RCT, inixray yan ha. Kapag ina-RCT ka na hindi ini-xray, wag mo na ituloy.
ITanong mosa dentist bago ka magpagawa sa kanya ang procedure na gagawin niya. Kung sinabi niyang kukuhanan ka ng madaming x ray. Magaling yun. After RCT, picture-an mo ang final x-ray.
Tapos, send mo yung malinaw na picture ng malinaw na x ray sa akin, dito sa PM, para makita natin kung tama ang pagkakagawa.

Mhatet : Meron dw doc laxe nulay nya na po ung bbyaran q at nkita q nmn may xray umabot po sa 5k plus… Xge doc sa tue na po nya q ii RTC….
Doc kung hnd permanent ung bleaching eh ganu katgal nag llast un bago bumalik sa tunay na kulay?

Ask the Dentist : Hindi ko masyado maintindihan matet. Tagalog ako.
Kung gaano katagal ay depende sa galing ng dentist mo at iba pang factors.

Mhatet : Haha na mis typ doc… Meron pong xray kaxe po cnulat nya na ung mga bbyaran q po at may nkita po aq na xray.. Umabot po sa 5k plus ung bbyaran q doc… Sa tue po q i root canal send q po sau ung pic ng xray q doc after nun..

Ask the Dentist : Example ng x ray.

Fixed Partial Denture – Endodontically Treated Tooth
Tooth preparation for endodontically treated teeth for Fixed Partial Denture Root canal Remove only minimal tooth structure. Overenlargement can perforate or weaken the root. The thickness of the r…

Mhatet : Nga pala dic sbi ng dentist q machine n ung gagamitin n pang root canal sakin… May idea po ba kau dun?

Ask the Dentist : Sa paglilinis ng canal, may manual, rotary at ultrasonic. Sa fill-up ganun din, may manual, at may de-kuryente. Pero kahit ano pa ang gamitin, kailangan i-x-ray para makita kung tama. Hindi makakapagsinungaling ang x ray kung may mali.

Mhatet : Habang online kau doc llubusin q na ung tanong w… Doc pag hnd po q nag pa root canal ano mangyayare sa ipin w?

Ask the Dentist : Una, hahanap yan ng paglalabasan. Habang nandiyan ang infection pipilitin ng katawan labanan. Mabubuo ang nana sa loob. Hahanap ng butas. Kapag nahanap niya sa giliagid. sa gilagid lalabas. Lalaki ng lalaki, hanggang yung buto sa area, liliiit. Mabaho yan syempre. Yung pinakamalalang pwedeng mangyari ay cancer.

Ask the Dentist : Pero kung isa kang spartan. Pwede mo na hindi ipa-RCT yan. Or kung taong grasa ka, pwede din. Pwede mo ding hindi ipagawa kung isa kang pangit na tao.

Mhatet : Pero kaxe doc na drinage nya nmn na ung nana eh… Pag ba abcess root canal agad…??
Kaxe yaw q mag iba ung color ng teeth q at d nmn aq naging pabaya sa teeth q… Huhu… Nkaka depress lng doc

Ask the Dentist : Ganun talaga ang buhay kung minsan nasa ibabaw, kung minsan nasa ilalim. Saan mo ba gusto sa ibabaw o sa ilalim?

Mhatet : Hahahaha

Endodontic Treatment : RCT

Arjay : doc ask ko lng po anu procedure po ba pedeng gawin sa front tooth q . blaken na po kc xia .. eh ayw ko po kc mgpapustiso . anu pong massuggest niu sakin .. ?

tnx

Ask the Dentist : Patingin. Depende sa dahilan.

Arjay : nung elem. po kc ako .. naaksidente po ko sa skul. nalaglag po ko ung tumama po ung ipin ko po sa harap . nung una po tuwinng umga lumuluwag ung dlaw kong ipin sa harap .. bale po ngaun ung isang ipin lng po ung nangingitim, pero nd nmn po ngaun lumuluwag kaso sumusungki nmn po ..

Ask the Dentist : Ipa-x-ray mo. Send mo x ray sa akin.

Arjay : cge po .

sabi po sakin sa ceu endo dw po x-ray tapos root cannal eh nd ko po alm kung panu un .. d ko maintndhn

Ask the Dentist : Alam mo naman pala ang gagawin eh. Hehehe!

Kalahati ng Ngipin ang Bulok

Yo Lo : Hello po pano po pag may sirang ngipin yung kalahati na yung nabubulok. Actually dalawang ngipin po yun. Pero hindi pa po siya nabubunot. Ayoko po kasi sanang ipabunot yun. Kaya pa po ba yun gawan ng paraan? Kung pwede po pano? Thank you po and GodBless

Sirang Ngpin
Sirang Ngpin

Ask the Dentist : ipaRCT mo.

Yo Lo : Mga magkano po yung ganun?

Ask the Dentist : 3 K pataas every canal. plus crown 5K equals 8 K pataas.

May bungi isang front tooth, pero hindi bungi

Sindimadil : Doc ask ko po if anu pinakabest gawin sa case ko, may bungi po ako isang front tooth between ng pangil and one of central teeth. hindi po siya totally extracted kc naputol lang siya after may malalang sira na napabayaan. bale ung katabing central tooth eh malala na din po ung sira sa likod at nakapasta siya in between the other central tooth. Kung ipapabunot ko po doc ung naputol kong ipin, anu po next procedure maganda gawin? may mga butas na din kc katabing ngipin until dun sa isang pangil. advance thanks doc!

Ask the Dentist : Yung putol, pwede mo ipa-RCT or ipabaunot. Yung mga may sira, ipapasta mo.

Sindimadil : after po bunot anu po maganda gawin to fill ung nawalang ngipin? thanks sa reply po anyway..

Ask the Dentist :

Denture for upper incisor
Question : Two months ago, I had to have one of my uppe…

Sindimadil : Doc, I decided to take photo of my teeth.. kc gusto ko po talaga ipaayos.. ask ko na din po kung nasaan ang clinic nyo po.. sa tingin nyo po may pag asa pa ba maaus fron teeth ko, iniicp ko po kc ipabunot lahat pero ayoko naman ng dentures, awkward kc at my age.. consult ko po muna sa nyo and sana maka visit din ako sa clinic nyo.. thanks..

Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa.

Bukol sa Ngala ngala

Lucille : hi doc, ask ko lang po may jacket ako 4units sa harap tapos may root canal ako isa sa molar left. nag swell yung gums ko tapos parang may bukol or something sa ngala ngala ko tapos may lumalabas na “nana” siguro sya yellowish. so massage ko ung gums ayun lumalabas nana sa ngala ngala. ano po kaya dahil sa crown or root canal, nag amox ako 1 day pa lang.. hindi pako nakakabalik sa dentist e.. thanks.

Ask the Dentist : I-pa-x-ray mo para makita natin kung saan nanggagaling ang problem.

Ask the Dentist : Read this :

Fixed Partial Denture – Endodontically Treated Tooth
Tooth preparation for endodontically treated teeth for Fixed Partial Denture Root canal Remove only minimal tooth structure. Overenlargement can perforate or weaken the root. The thickness of the r…

Lucille : hi doc ang high tech po nito, pero hindi ganto ginawa sakin e sa harap 4 na ngipin nakajacket tapos ang naka RCT is ung sa sa kaliwang ipin ko. Eto po ba ang latest core fabrication to make front teeth looks natural? kapag may xray na po send ko ditto salamat po ng marami.

Ask the Dentist : Kapag wala ng kakapitan yung crown sa naa-rct na ngipin, yan ang ginagawa. Yung magandang crown, ito:

Esthetic Restorations
Beautiful restorations can only be done if the the dentist and the ceramist are familiar with the basic principles of natural oral esthetics. This is the esthetic checklist, based on Belser’s: Fund…

Dental Cost

Gino Ray : Hi doc,
Galing po ako sa dentist kanina at eto ang quote na binigay sakin for the following procedures. Standard po ba yung presyo o medyo mahal?

Tooth extraction – 2.5k
RCT ng molar – 15k
Dentures – 25k

Ask the Dentist : Mura lang yan.

Gino Ray : Ah ok, thanks doc! So mas mahal pa pala ang singil niyo dyan?

Ask the Dentist : Depende yan sa hirap ng case. Kung kaya ijustify ng dentist mo yan, then mura yan. Kung specialist ang gagawa, then nakamura ka na. Madaming klase ng pustiso. Tulad nito, 25 K usually ang bawat isang ngipin nito:
All Ceramic Bridge with CAD CAM Milled Zirconia Framework

Ask the Dentist : Sa mundo, you get what you pay for. Kahit ikaw siguro, kung mura ang pasweldo sayo sa isang company, hindi mo mapapabuti ang trabaho mo, at tiyak maghahanap ka ng ibang trabaho.

Gino Ray : Ay pag mababa JO, di ko tinatanggap doc. Kaya masipag ako lagi sa trabaho ko to give them what they pay for. Hehe.

Salamat doc idol!:)

Gino Ray : Nga pala doc, napadpad din ako sa page niyong http://www.askthedentist.tv/affordable-dentures-manila/. Yung affordable ba na yun e mas mahal pa dun sa 25k na quote ng dentist ko?

Ask the Dentist : Syempre mas mura yan. Kailangan sa Manila yung pasyente at hindi nagmamadali.

Gino Ray : Aba kung mas mura pala doc, interesado ako dyan! Hindi naman ako nagmamadali doc at taga-Metro Manila ako, sa Paranaque.

Ask the Dentist : Okies. Describe mo problem mo sa ngipin.

Gino Ray : Sa upper part, may missing tooth sa right side malapit sa molars. Sa left side kumpleto pa naman.

Sa lower part, missing ang first and second molar sa left side. Sa right side naman, papabunot ko baka next week yung first molar.

So bale 3 missing teeth now pero by next week baka 4 na.

Ask the Dentist : Bakit mo papabunot yung first molar?

Gino Ray : Sira na doc. After i-clean at temporary filling e nag-swell naman. Either extraction or RCT daw. E yung RCT 15k, it hurts doc idol!

Ask the Dentist : Sinong dentist mo ngayon?

Gino Ray : Di ko alam pangalan doc. Pero dito sa global city yung clinic. Bakit mo natanong doc?

Ask the Dentist : Buo pa yung ngipin mo na sumasakit?

Gino Ray : Buo pa doc. Di na sumasakit after temporary filling. Pero may swelling nga so sabi may infection pa rin kaya dapat i-extract or i-RCT

Ask the Dentist : Kung gusto mo ipaxray muna. Panoramic x ray. Tapos send mo sa akin yung picture.

1 hour Dental Implant

Anne : Hi doc :

Tooth history:
Root canal treatment done 6 months ago and crown was fix (plastic lang po?) without metal.

Present condition:
Crown bas broken.
my remaining tooth frontal was broken up too gumline , may remaining tooth at back area still intact.

Options given me here overseas :
1. dental implant (USD 2000)
2. fix bridge (USD 1500)

doc ndi na kaya talaga pwede marestore yun ipin ko ?
reroot canal? or any other options?
i will be coming home in feb 2014 – sa side lang naman po frontal so cosmetically pwede pa akong magsmile na hindi nahahalata….

please advise.

thanks & kind regards ,
anne orlina

Anne : doc just want to inquire if ever magkano po ang

dental implant (1 missing tooth)
or
fix bridge

what is the best option?

kind regards,
anne

Ask the Dentist : Try iparoot canal ulit. Kung pwede pa, magsend ka ng x ray para makita ko. Next to RCT, dental implant ang pinakamainam.
Bakit naman kasi sa dinami dami ng crown, plastic pa? Saan ginawa? Pinas?

Anne : Plastic po. Gawa po sa pinas.
Doc what is your opinion on 1 hour implant po sa phil ?

Ask the Dentist : Hindi definite restoration ang plastic crown. Possible na ang nangyari eh, pinapabalik ka ng dentist mo for follow up. Para mailagay ang definite restoration.
Gusto mong malaki ang chance ng success, let your body heal. Nagbutas ka ng buto, nagsugat ka ng gums. 1 hour, susugal ka na may konting healing? Kahit gaano yan kaccurate, mas mataas ang success sa 6 or more months osseointegration bago ilagay ang crown restoration sa implant.

Anne : Thank you doc for sharing your opiniom on 1 hour dental implant. Nakakaenganyo doc but your opinion help me to decide kung I should really go for it.
May maireccomend po ba kayo na dentist near muntinlupa – I will not be staying sa pinas ng 6 months. Mukhang option ko po talaga is fix bridge kun sakali. Ilang visits po requirement for fix bridge
Doc walang pain yun ipin na niroot canal , necessary po ba extract sya ?
Kung maextract sya this month pwede po ba after few months pa malagyan ng fix bridge pag uwi ko sa pinas.
Doc nagpabunot ako ng wisdom tooth ko last month possible po ba na yun excessive pressure during extraction resulted to breakage of my crown ? assurance ng dentist sa pinas -2 years bago mabasag.
Salamat po ng marami.

Ask the Dentist : ANong ngipin ang tinutukoy mo? Ang pinakamabuti mo gawin bago ang lahat eh magpa-x-ray.
Yung inarct ipa-x ray mo. Baka pwede pa lagyan ng crown.

Ask the Dentist : Ito yung isang case: FPD on RCT Tooth

%d