Jimmyboy : Hi doc happy new year!ask ko lan kc may mga kulang na akong ngipin halos lhat sa bagang.gusto ko sanang ipa bridge then ipa braces ko pag uwi.Seafarer po ako.nbasa ko rin n may clinic ka sa pangasinan so tga don po kc ako mas mlapit po.thank!
Ask the Dentist : Pwede ka ibridge, pero braces baka hindi. Kasi sa braces, dapat nandito ka sa Pilipinas lagi. Monthly ina-adjust yun. At kapag natanggalan ka ng bracket, kapag nasa barko ka paano mo ididikit yun? PM mo ako pagdating mo.
Klariz : Hello po. I just had my 4 front teeth jackets. Okay naman po, ang problem lang, parang mejo makapal sya at pantay na pantay. 1. Pwede ko po bang panipisan at paliitan yung dalawa sa gilid?
kung hindi pwede,
Yung 3 teeth simula pangil ko po na ngipin both sides ay naka paloob or hindi sya kita pag naka smile ako (overjet bite po ako). So muka daw po akong donkey ni shrek dahil ang kita lang ay yung 4 na malaki at konting kita sa pangil xD
2. Pwede ko po ba ipa-adjust or move outward yung mga teeth na yun?
Kung braces po yung treatment sa question 2:
3. possible po ba yun kung yung 2 sa teeth jackets ko ay magkadikit/magkasama?
Nahihiya na po kasi ako magtanong sa dentist ko kasi ang dami ko nang natanung sa kanya =] Thank you in advanced po. I can send a photo din po if you want to see.
Ask the Dentist : Send a photo.
May bungi ba or jacket lang?
Klariz : Jacket lang po. Yung 2 na teeth sa right nung front view na pic, magkadikit po sya.
Yung red lines, ganun po sana yung gusto kong mangyari kase mejo pa-pasok po yung directions nung mga ngipin. salamats po.
Pangit na crownsPangit na jacket
Ask the Dentist : Saan diyan ang magkadikit? Magkano mo binayaran? May xray ka niyan? Ideally, ipapabraces mo muna. Base sa photo na iyan, sungki sungki mga ngipin mo. Mas mabuti kung maayos muna. Pagkatapos ng ortho, aayusin ang jacket crowns mo. Yung magkadikit na crowns mo, malamang na tatanggali muna at papalitan ng temporary para mapagalaw sa braces. Unless nagdecide ang dentist mo na huwag na i-engage sa braces at huwag na galawin at bawiin na lang sa prosthodontic restoration.
Depende sa ayos ng ngipin mo sa baba, pwede din namang papalitan lang ang crowns mo. Hindi maganda ang kalalabasan kung babawasan ang crowns mo, unpredictable, pwedeng mabasag, pwedeng mamuti, pwedeng mas lalo pumangit. Pwedeng din bawasan, yun lang mas maganda kung papalitan na lang.
Madalas ako makakita ng ganyang crowns, ang madalas na dahilan, naghanap ang pasyente ng pinakamura. Ang quality may halaga. Kaya habang pababa ng pababa ang presyo, ang quality bumababa.
Klariz : 3500 per tooth po. Super mura po ba yun? Yung dalawa sa left side po ung magkadikit. Yung temporary na ipapalit po b kung sakali ay panget tingnan? Wala pong xray eh.
If ever po ipa-brace, yung hindi magkadikit ay hndi tatanggalin? Hndi po ba maiiba yung position nun tas papangit?
So wala na po sa option ang pagbawas.
Salamat po. Merry christmas!
Ask the Dentist : Oo mura yun, kaya pangit. Ang kapangitan ay depende sa gagawang dentist at kung magkano niya siningil. Siyempre kung mura, mababa ang quality. Tatanggalin yung magkadikit kasi hindi magagalaw ng braces kapag magkadikit. Maiiba ang position.
Louie : ask k lang po..
anu po b magandang gawin kc ung ngipin k s baba nagkarun ng space s pagitan nila..
kung ipaparetainer k b o palalagyan k ng pustiso ung mga natanggalan n dati ng bagang para magdikit uli ung mga ngipin k..
Ask the Dentist : Ipa braces mo. Malaki possibility na hindi lang yung space ang problem mo.
Sohl : hi doc gud evening ask q lan po kung pwede po b ipafixedbridge un pustiso and how much it cost bale 5 teeth po xa nsa anteriorpo.
hope for ur reply, ngsisisi po kc bkit ngpa false teeth p q, luck of budget din po kc noon, 5 years n po aq nkafalse teeth.. thank u doc..
Ask the Dentist : 5 ba ang bungi?
Sohl : oo doc.. 5 un false teeth q..
can u help me to estimate doc
Ask the Dentist : Magkakatabi ang bungi?
Sohl : yes doc…
Ask the Dentist : Hindi yan indicated for bridge. Bibigay at bibigay ang bridge mo, at masisira ang kakapitan. Masyadong mahaba. May 2 option ka. Removable partial denture or dental implants. http://www.dentures.com.ph/equipoise-removable-partial-denture/
Mga 165K pataas ang dental implant retained bridge. Syempre pwede ka sumugal sa bridge. Pero siguradong sigurado na bibigay ang bridge mo. Unless napakagaling ng napuntahan mong dentist, wala kang ibang bungi, wala kang abnormal na pagkilos ng panga mo, at napakalalambot ng kinakain mo.
Sohl : actually doc 4 lan nmn xa nging 5 lan un gnwa nun dentist kc nga mejo mlalaki dw un ipin q so need nya mg dagdag ng maliit..
is there any option??
Ask the Dentist : Hehehe! Malabo, hindi ka makapagdecide kung ilan. Buti pa picture-an mo, tapos send mo ang photo para sigurado. Mag-“e” ka tapos picture na kuha ang taas at baba. Bibig lang, wag mo isali ang mukha.
Sohl : ok i doc send q nlan po s inyo ha…cant afford p po kc q s dental implant so need q lan po sna is bridge nlan muna
Ely : Hi doc,
I just wanted to ask some few questions po. ‘M on my late 20’s and i just had a jacket crown in my 4 front teeth (2 front/ lateral and canine yesterday. I had an extraction in my lateral 6 yrs ago and my 2 front teeth are misaligned so my dentist decided to go for a jacket crown/ bridge (porcelain fused to metal) the temporary is quite good na dn but the original and permanent that he puts on me yestrday is indeed disappointing. Ang kapal and ang laki nun 2 front teeth- mukhang bugs bunny. It really looks obvious na jacket plus it dont fit well. He suggests to grind it but he asked me if i will risk it- it will turn rough and the risk to break.
Should i be the one to take the risk? I paid him in full but I dnt get the result I wanted.
What do you think I should do? I have fear that when he fix it bka lalo lng masira and I also have that fear when he remove it bka matanggal na tuluyan un front teeth q.
I will appreciate your soonest reply as I am thinking of going back in the dentist this morning. (Can’t sleep bcoz of this)
Thanks.
Ask the Dentist : Magkano mo binayaran?
Ely : He charged me 6k per tooth so total of 24k. I’m already having trauma- taking it on and off is really painful. Ang bigat ng kamay nya.
Ask the Dentist : You have the right to complain then. I hope hindi ka nagsisinungaling at nagkukuwento ka ng totoo. Madalas, iba ang kuwento ng patient sa katotohanan eh.
Send ka ng photo. Saan ka sa Pilipinas?
Smile, use macro sa cam. Send mo yung photo ng bungi mo. Ini-x-ray ka? Kapag sumasakit, may problem. Dapat ini-xray muna bago lagyan ng crown.
Sabihin mo sa dentist mo na sumasakit. Para alam niya ang gagawin. Suggest mo na i-x-ray ka. SOP bago lagyan ng crown na may x-ray.
Ely : He charged me 6k per tooth so total of 24k. I’m already having trauma- taking it on and off is really painful. Ang bigat ng kamay nya.
Ask the Dentist : You have the right to complain then. I hope hindi ka nagsisinungaling at nagkukuwento ka ng totoo. Madalas, iba ang kuwento ng patient sa katotohanan eh.
Send ka ng photo. Saan ka sa Pilipinas.
Smile, use macro sa cam. Send mo yung photo ng bungi mo. Ini-x-ray ka? Kapag sumasakit, may problem. Dapat ini-xray muna bago lagyan ng crown.
Sabihin mo sa dentist mo na sumasakit. Para alam niya ang gagawin. Suggest mo na i-x-ray ka. SOP bago lagyan ng crown na may x-ray.
Bilisan mo ang pagreply, hehehe! Paalis ako. If you still have a problem, sa gabi na kita marereply-an.
Ely : Of course i wont tell lies, kya nga po aq ngc-consult. Dis is how it looks like. My misaligned teeth before are far better than this one.
Ely: The cement on the upper part can still be seen and there’s a gap at the back of the teeth. The fake teeth is very pronounced when in fact 8people today had the guts of telling me – na ang pangit ng gawa.
Plus the fact na ang kapal ng construction that’s why ‘m having difficulty w/ my speech. So far po, nothing is painful on the tooth per se but i am in trauma brought by the pain in on off of the temporary and permanent plus ang bigay ng kamay nya.
I dnt wanna take the risk giving him another chance to fix it especially that concerns the front teeth. In this case, do i have the right to ask for a refund so i could just have another dentist fix it instead? I will appreciate ur response. Many thanks
Ask the Dentist : Ang pwede mong gawin ay ipagawa mo ulit sa kaya. Kung hindi ka satisfied, hindi mo dapat pinasemento. Since pinasemento mo, ibig sabihin pumayag ka sa itsura. Kung ipagawa mo ulit sa kanya, may pagkakataon siyang “itama base sa standard mo” ng kagandahan.
Mas mabuti sana kung nagpabraces ka muna. Ang hugis ng ngipin ay dictated din ng katapat na ngipin. Kung sungki sa baba tulad ng sayo, dinidiktahan niya din ang hugis ng sa taas.
Sa pagprepare ng ngipin, normal na “bumigat” ang kamay, dahil binabawasan niya ang ngipin mo.
May maayos ka bang camera? distorted yang mga litrato mo. Mag-“e” ka tapos smile ng maluwang tapos litrato. Gamit ka ng macro, with flash at without flash. Sa tingin ko ngayon, bagay sa bibig mo ang ngipin mo. Pero kung malilitratuhan mo nang maayos, makikita ko ang sinasabi mo kung bakit hindi ka satisfied.
Darin : Dok tanong ko lang po. 19 years old pa lang ako pero balak ko na pong ipatanggal lahat ng ngipin ko para palitan ng dentures good idea po ba yun? Naisip ko din po kasi yung dentures dahil po sa lagay ng ngipin ko. Kung braces po kasi ipapalagay ko parang hindi maayos porblema ko. Malalaki po kasi ngipin ko sa taas at maliliit naman sa baba at yung tubo ng ngipin ko ay slightly palabas sa bibig ko. (ang pangit) I hope for your advice dok
Neri : Hi Doc, tanung ko lang po sana kung pwde po ako ipustiso kahit may sungki po ako? bale ung sungki ko po kasi parang umextra lang sa loob. kunyari po ang bilang po ng ngipin ko sa taas is 12, bale yung sa likod ng ngipin kong pang 7 andun po sya. sorry po di ko po xa ma explain ng maayos, parang ganyan po sa picture ung mga ngipin ko po. ung “x” po means wala na pong ngipin. and yung my red na malaki po andun po ung ngipin kong xtra.sana po matulungan nio po ako. SALAMAT po. )
Braces, Crown & Bridge Philippines : Importance of Actual Photo
Ask the Dentist : Mas mabuti kung pipicturan mo. Kung tama ang pagkakaintindi ko, papa bunot mo yung umextra na ngipin mo.
Neri : Hindi na po ba maaayos ng braces yung umextra kong ngipin? kasi po ang sabi po sakin ng dentist ko nung nagpabunot po ako last week, kaya daw po maayos ng braces yung alignment ng mga ngipin ko, so ung umextra po mapuupnta sa harap.
Taga Antipolo City po ako. Di po ba naoopen ung sample picture sau Doc?
thank you po sa pagsagot!! 🙂
Ask the Dentist : Pwede yun. Maaayos yun sa braces. Neri, bale ano ba ang gusto mong gawin sa ngipin mo? Mas mabuti kung ang actual photo ng mga ngipin mo ang isend mo. Smile ka ng mabuti tapos send mo ang litrato. Para makita ko kung ano ang dapat aayusin.
Ask the Dentist : Depende kung fixed or removable. depende din kung anong uri ng fixed or removable denture. Mas mataas ang presyo ng fixed. For more info click mo ang featured post sa gilid na : Dentures Cost in the Philippines.