Denture Strength

Damean : Doc, ok lang ba ipabunot ang upper canine tooth? Palalagyan ko ng plastic denture. Maganda ba ang plastic at gaano ito katibay kumpara sa porcelain? Delikado ba ang canine mabunot? Tnx

Ask the Dentist : Hindi ok pag may nabubunot. ANg kagandahan ay nakadepende sa galing ng dentist mo at base sa iyong paningin. Ang tibay ay hindi ko kayang iquantify.

Pustiso Para sa Bagong Bunot na Ngipin

Pascual : kelan pwede lagyan ng pustiso ang bagong bunot na ngipin?

Ask the Dentist : Pwedeng agad. May iba’t ibang klase ng pustiso base sa purpose. At isa na dito ay aid sa healing, at immediate form and function. Ang tawag ay immediate denture. Ito yung klase na isusuot mo muna habang gumagaling. At ini-a-adjust ito habang gumagaling. Pag gumaling na ang sugat, papalitan ng definite denture or pwede ding i-adjust ang immediate denture bilang maging definite denture.

Mini Dental Implants Philippines

Christian : doc ask ko lang po kung meron dental clinic na pwede installment ang bayad?? along manila po… then magkano po aabotin ng tatlong ipin na implant? saka po yun mini implant??

Ask the Dentist : Lahat ng clinic instalment. Wag mo babayaran ng full agad, dahil mismong dentist mawawalan ng gana sa pag-implant sayo lalo na’t nagastos niya na ang ibinayad mo. 70K pataas bawat isa usually. Kaya ang 3 is 210 thousand. Pero depende sa natitira mo pang bone at bilang ng ipapagawa mo, may discount. Hindi choice ang mini implant. Ang mini implant ay ginagamit sa stabilization ng denture at sa ortho treatment.

Fixed Bridgework Philippines

Ranielle : Hello Doc, gusto ko po sana malaman kung may pag asa pang mapalitan ng implant itong ngipin ko.. nakajacket po ako ngaun, apat sa harap at ung dalawang pangil ko po ang pinagkapitan … medyo nagsisisi nga po ako kung bakit pa ako nagpajacket kc prang nasira ung dalawang pangil eh… gusto ko po sana malaman kung sakali man po eh magkano po kaya ang implant po sa katulad kong apat sa harap ung papalagyan? paadvise lng po doc kc po nasa abroad ako ngaun at pinag iipunan ko po ung pagpapaimplant … salamat po Doc.

Spartan Bridge - Fixed Bridge na hindi mukhang ngipin
Bridge na hindi mukhang ngipin

Ask the Dentist : Pangit ng bridge mo ngayon. Plastic yan? Usually, 70 thousand pataas ang bawat implant kaya 70 thousand x 4 = P280000 na agad yan. Pero depende sa condition ng buto mo at dami ng ipapagawa mo, pwede kita bigyan ng malaking discount.

Ranielle : Yes Doc ang pangit nga po eh, at nahihiya din ako magsmile kc ang lalaki ng ngipin at halatang halata na hindi totoo ung ngipin… Porcelain po yan Doc… medyo matagal na din nabunot ung mga ngipin ko sa harap and im not sure kung ano condition ng buto ko sa harap… ang problem ko pa din kc Doc eh ung gum ko umangat na ng umangat kaya naging malalaki ung pangil ko at dun binase ung mga ngipin na pinalit hindi sa original size nung teeth, may solusyon kaya sa gum ko naexpose na kc ung roots ng iba kong ipin eh… meron pa rin akong papaimplant sa bagang sana mga tatlo or apat kaya lng unahin ko muna itong sa harap at malaki laking gastusan eh.. baka this year din po ako makauwi para maipaayos ung ngipin ko sa harap… kung mabibigyan niyo po ako ng malaking discount napakalaking tulong po nun Doc para sa akin… san po office niyo sa manila? taga olongapo po ako pero pwede ko po kayong sadyain sa manila…

Ask the Dentist : Naku. May malaki kang problema. Kung umaangat ang mga gums mo, sign ng peridontitis. Kapag napabayaan mo, lahat ng ngipin mo mabubungi. Gumagalaw na ba ang iba mo pang ngipin? Lagi kang magsipilyo kapag natapos ka kumain. Magfloss ka gabi gabi.

Ranielle : hindi naman po nagalaw ung mga ngipin ko at lagi po ako nagsisipilyo after meal at nagdental floss … tinanong ko ung dentist na gumawa ng jacket ko 2 years ago about sa gums pero normal lng daw un, pero nung nagbasa basa ako sa FB Page mo doc nakita ko nga na hindi normal un… this year pag uwi ko ipapatingin ko po agad ito… hindi naman po lahat ng gums ko sa ngipin umaangat.. ung sa gilid lng.. ung palagi kong ginagamit pag pangkagat pag kumakain ako… pero sa loob ng side ng ngipin hindi naman po umaangat ung gums dun lng sa outside… pero papatingin ko na din to make sure… salamat po Doc… medyo mahirap kc d2 sa lugar ko walang dentista eh… kaya sa pinas pa ako magpapatingin… thanks again Doc

Ask the Dentist : Habang wala ka pa sa pinas, maintain mo yung hygiene. Yung gums mo dapat hindi namumula o namamaga. Kapag namamaga, kailangan mo ipatingin. Gamit ka ng _-_-_-_ na toothbrush. Wag ka gumamit ng brush na may -_-_-_-_ at -_-_-_-_. Nauuso ngayon yun, wag ka gumamit nun.

Ranielle : medyo mapula po ung gums doc pero hindi naman po namamaga… salamat doc… maintain ko lng po muna ung hygiene habang di ako nakakauwi… ipapatingin ko agad pag uwi ko… thanks again Doc.

Affordable Bridge Manila

Joyce : ask ko lang po doc. may lost tooth po ako infront upper. kaya naka removable denture ako e nde po ako comfortable 1tooth lang naman. implant lang po b ang solusyon dun?? if magpabraces po ako pwde po kaya un?.. thanks in advance God bless!!

Ask the Dentist : Pwedeng implant pwede bridge. Depende sa budget mo. Saan location mo?

Joyce : pasay po may ma recommend po ba kau magaling na dentist near pasay.. pag magpabridge po ako magkanu po kaya ang budget???

Ask the Dentist : Yung porcelain fused to metal bridge, mga 15 thousand din kung tama ang pagkakagawa. Kung all porcelain fixed bridge naman 60 thousand din. Ganito yung all porcelain : http://www.denturesguide.com/acb-cadcam/

Ask the Dentist : Kung gusto mo naman mas mura ng higit at tama ang pagkakagawa, meron ako nito : http://www.askthedentist.tv/affordable-dentures-manila/ . Bale sa specialization school ko gagawin. Mon to friday ang clinic, at ako mismo ang gagawa.

Implants and Fixed Partial Denture Philippines

Joyce : ask ko lang po doc. may lost tooth po ako infront upper. kaya naka removable denture ako e nde po ako comfortable 1tooth lang naman. implant lang po b ang solusyon dun?? if magpabraces po ako pwde po kaya un?.. thanks in advance God bless!!

Ask the Dentist : Pwedeng implant pwede bridge. Depende sa budget mo. Saan location mo?

Crowns and Dental Braces Philippines

Irish : gudpm. doc tanong ko lang po if nabasa nyo na po yun pinost ko sa timeline nyo? thanks

Ask the Dentist : Nasaan? Kung nabasa ko, magrereply ako.

Irish : regarding po s ipin ko yun jacket sa harap. sobrang laki po po sya. pwede po ba yun maliitan? tapos yun braces ko naman po sa ibaba umurong backward yun ipin ko kaya lumipat ako ng ibang dentist. ang ginawa naman po ng dentist na nilipatan ko pinagamit ako ng retainer sa taas at may gums sya s ilalam para dw dun ko ikagat yun ipin ko na nag move backward po

Ask the Dentist : Ah. OO, sa pamamagitan ng paggawa ng bago. Tatanggalin ang crowns mo tapos papalitan ng mas maliit.

Irish : ok po. salamat. nagwoworry lang po kasi ako doc kasi yun gums nya kinaskas dati tinanggal daw yun patay n dugo so mejo lumaki po yun kabitan ng crown po. tapos doc yun sa braces naman po? paano po ba yun? nag move backward yun ipin ko sa baba sabi okay n daw dikit dikit na daw po

Ask the Dentist : Hindi ko masasagot ang tanong mo sa braces dahil hindi ko naman nakita ang bibig mo. Kung ibabase natin sa mahiwagang bola ni madam auring, ang hula ko sayo ay kakain ka mamayang gabi. Bukas magigising ka sa umaga at iinom ng tubig. Maglalakad ka din bukas. Titingin ka din sa orasan at titignan kung anog oras na. May posibilidad din na makikita mo ang liwanag ng araw bukas. Kung titingin ka sa langit, makikita mo ang mga ulap na nagsasabi sayong, ang buhay ay maganda.

Magkano ang Pustiso

Lorna : Magkano ang pagpapagawa ng pustiso?

Ask the Dentist : Madaming uri ng pustiso. Depende sa treatment, pwede ka munang lagyan ng provisional or immediate bago ang final na denture. Madaming factors ang nakakaapekto kung magkano ang aabutin na price ng dentures. Para sa karagdagang impormasyon read this post.

%d