Mayleen : hi doc.. kamusta po.. ask ko lang po ung mga artist like lovi poe nkimplant and heart evngelista.. ask ko po sana sn kya cla ngpaimplant mgnda po kc.. I hve 4 jckets in front of my teeth… gs2 ko po ipbgo obvious po kc tas gnwa ng dntist brinaces nya p ko pra dw d obvious
Ask the Dentist : May missing na ngipin ka? 🙂 May types ng dental crown. Yung pinakacommon, porcelain fused to metal crown, yung pinakamahal at highest quality ang all porcelain crowns. Depende sa galing ng dentist kung magiging mukhang totoo ang jacket crown. Usually yung mga mukhang totoo ay mahal ang bayad. Ang quality, may presyo. Kaya siyempre kapag naghanap ka ng mura, yung gagawin sayo yung nababagay sa price na ibinayad mo.
Mayleen : pnmli nya po ako 1800 per tooth un porcelain and then 900 un plastik, pnili ko po ung 1800 kso dpt 2 lng un jacket k pti un pangil ko jinacket nya kya 4 lht tsaka nya ko brincae kso prng d nmn ngaadjust un sa taas s ibaba lng po.. san ppo kya pde mgpchnge my alm po b kyu un mgmumukhng 22o n ipin at d ko n nid mgbraces? thnk u po sna mhelp nio ko…
Ask the Dentist : 1, 800 sa porcelain fused to metal? Pwede mo picturan? para makita ko? 🙂 Kahit anong kwenta ko, imposible yatang gumawa ng jacket crown sa ganyang halaga. Kaya pala hindi ka masaya sa jacket mo. Alam mo kung gagawin nang tama yan, pinakamababa na ang P5,000 per jacket crown. Yun pa yung pinakamababang price ha. Sa highest quality, pinakamababa ang P25,000 kada ngipin.

ask ko lng dok kung magkano magastos kapag ipapaays ko ung jacket crown ko sa harap.apat xa .ipinantay po kase xa sa pangil ko na sungki kaya meyo nkausli po ung ginawa..magagamit pa bo ba ung nkalagay na crown?o gagawa npo uli ng bago?
tnx in advance po
Gagawa ng bago. Usually 5 thousand pataas kada isa.
so kung ung 2 front crown lng po ung ipapabago ko pwede po?
mejo manyakis po kase ung dentist ko kaya nung kinanakabit na ung crown i didnt ask for any adjustment. sabi ko hanap nlng ako lady dentist..
company dentist po kase un kaya sa kanya ako nakapagpagawa.sinasadya po kase pag diin ng braso nya sa dibdib ko samantalang pwede nmn po iwasan. grrrrrrrrrrr
isa isa po ung crown n ikinabit.ok nman po ung color.kakulay ng ngipin ko.actually hindi nga po halatang crown un.its just that nakausli ung sa 2 front.tipong pag awang ng bibig ko, kita po agad un..
3700 po per crown ung price nya..
PM mo ako sa FB
doc, ask ko lang poh if how much poh magpaimplant ng teeth?
Read : http://www.askthedentist.tv/dental-implants-cost-philippines/
doc paano poh kapag matagal na nabunot ang ngipin or mtagal na walang ngipin.. possible pa poh un iimplant?
Yes.
hi doc, ngpa-root canal po kasi ako last year, tapos po ngayon medyo umuga.. pde pa rin po ba yun ipa-jacket 🙁
Patingin mo muna sa dentist, baka may nabaling part lang sa crown area ng ngipin.
hi doc..ask po sana ako kung ma co-close ng braces yung front space ko sa upper teeth, sabi ng dentist ko hindi na daw ma close ng brace kasi yung space ay cause nag perio ko before..ask lang po ako 2nd opinion or if may option pang iba..para ma close yung space.?thank you doc!
Send ka ng x ray sa FB ko. Ayoko kumunsulta kay madam Auring para hulaan ko yang kaso mo. Mahal bayad sa manghuhula. Kaya magsend ka ng x ray sa FB ko.
yung panoramic xray ko po?
Yes.
yung xrays ko po nasa dentist ko pa..7mos plng po ung braces ko sa upper..so pwde po ba ako mag send ng pics instead?
Yes pics ng X-Ray.
Hindi pics mo. Wala akong gamit diyan, unless nude photos yan, pwede pa.
Ang bbait ng dentistang ito. I would never waste my money on other dentists. 😀
Thanks. SOrry hindi ako tumatanggap ng pasyente na galing dito sa website. Hahaha! For public service lang ito. 😀
FAQ : http://www.askthedentist.tv/faq/
Hi dr. Naka brace na po ako ngayon ask ko lang po kung pwede po bang lagyan ng jacket yung front right teeth ko kasi nabungi kahit naka brace na ako im using dentures po kasi baba po ba yung sungki kong ipin? Thanks dr and how much po yung isang jacket crown?
Dentist ba ang nagbraces sayo? Magsend ka ng xray para masagot ko yung magulo mong tanong.
Hi doc howmuch po cost ng implant per tooth? Tnx 🙂
70 thousand pataas kada implant. http://www.askthedentist.tv/dental-implants-cost-philippines/
Pano po pag matagal ng natanggal ung ngipin, pwede pa po bang majacket un?
Ang jacket para sa may ngipin. Ano pang ijajacket kung bungi? Baka bridge ang tinutukoy mo. http://costdentures.com/fixed/pfmb/
ah sorry 🙂 ahm may nag-offer kase sken 3k per unit. masyado po bang mura un or ok lng yung presyo?
Try mo. Malay mo magmukhang ngipin.
hi..Doc thanks at nakita ko po ito..Nais ko lang po malaman ano dapat gawin,i have dentures po sa taas yung four front teeth.Ang problema po lumubog./umimpis na po yung gum ko po yung kinakapitan ng dentures dahil sa tagal ko na rin po may dentures.Dental implant po ba ang kailangan dito or my iba pa pong pwede gawin para narin po mapalitan ko ng permanent na ipin.Hindi ko po kasi alam yung pinagkaiba ng jacket at semento na sinasabi nila.Salamat po!!
Una sa lahat, walang permanent na bagay sa mundo. Kung may pera kang gagastusin, magpadental implants ka. . Pwede ka ding dentures ulit, pero maghanap ka ng magaling na dentist. Pwede ding bridge. http://costdentures.com/fixed/pfmb/
hello po may gusto lang po akong itanung kc po 2009 nagpapasta ako tapos po ngayon lang po sya sumakit ang sabi po ng dentist ko po ee bubunutin na daw dahil d na kaya ng pasta ee front teeth po iyon. anu po kayang pwede kong ipagawa po
ipa-RCT mo.
Magkano po kaya ang magpa bridge ngaun doc?
Depende sa klase at kung ilan ang bungi. Ito top of the line : http://www.denturesguide.com/acb-cadcam/
Hi Doc, yung RCT ko na tooth sa front may discoloration na, mejo maiitim na sya, ano po pede gawin sa kanya? pede din po b sya i-jacket? Thanks po
Most of the time, required na ijacket crown ang na-root-canal treated na ngipin. Ipax-ray mo muna para makita kung okay pa. Kung okay pa ang seal, ipa-jacket crown mo. Yung dentist na titingin ng x ray ang madidecide kung okay pa.
Kung ang ngipin mo ay intact pa (yung access prep lang ang pasta na part at intact lahat ng walls) , at nakita sa x ray na okay pa, pwedeng i-bleach sa loob. Hanap ka ng endodontist.
Hi doc gud day po…ask ko lng po if normal ba yong injection site ko sa hard palate sa anesthesia po then umumbok xa taps iba ang kulay sa pasa po cguro doc
Paano mo nakita na iba ang kulay?
Hi doc gud day po…ask ko lng po if normal ba yong injection site ko sa hard palate sa anesthesia po then umumbok xa taps iba ang kulay sa pasa po cguro doc
Paano mo nakita na may pasa ka?
Sa mirror po doc..nong monday pa po 2 doc d man lng lumiit….normal po ba ganito doc if sa hard palate mg.injek ng anesthesia?..d ko pa nga nakuha yong jacket crown ko mghintaynsana ako ng tawag if available na but im worried na sa injection site doc….plz help…tnx
Ipakita mo sa dentist mo. Kahit makita mo, hindi ko pa din makikita. Unless, maipapasok mo yang camera sa bibig mo at makuhanan mo ng litrato.
hello po Doc. I’m ton from Cavite. I really enjoy your website kakakita ko lng nto today. I am planning po na mag pa jacket sa two front teeth ko. Pero may nakapag sabi po skn na nakaka cost daw po un ng bad breath?? totoo po ba?? at tsaka anu pong tawag dun sa dental process na parang iko-cover ung buong teeth mo ng parng katulad din sa teeth mo?? salamat po Godbless :)))
Hindi. Nagkakaganun lang kung mali ang pagkakagawa ng crown at pabaya ang pasyente sa kalinisan ng bibig niya. Madaming tao ang walang crown pero mabaho ang hininga dahil sa kapabayaan.
At mali ang pagkakagawa ng crown kung naghanap ka ng cheapest. Magsasuffer ang quality sa “cheapest”.
Hi dok! I was engage in a motorcycle incident. Nahati po yung 3 ngipin ko sa taas, and yung 4 na ngipin ko sa baba umuuga po, anu po kaya and pwede gwin dto?
Magpapanoramic x ray ka muna tapos send mo sa FB ko.
hi po doc. nag pa jacket kasi ako last 2004 and now medyo manipis at may kulay na. plano ko kasi palitan na yong jacket ng bago US plastic daw sabi ng dentist. ok lng kya yun?thanks po…
Hindi. Ang plastic ay hindi tumatagal.
doc ano difference ng rct sa jacket? nacoconfused kasi ako kung ano gagawin sa front teeth ko.. gusto ko pag punta ko sa dentist alam ko na.. nkapasta po sya tas nagcrack na teeth ko.. ano po ba advisable na treatment? auko na kasi ng pasta malaki na masyado ang sira eh.. thanks po ng madami 🙂
Hi. Nasagot ko na ang tanong mo sa FB.
Hi Sir, [a] magpapa jacket din kasi sana ko. yung porcelain po ba na sinasabi nyo yun yung 5k pataas? possible ba na may mga dentist na magppresyo samin mga pashente ng below 5k sa porcelain? [b] kelangan ko ba ipa root canal kapag nagpa jacket ako? dalawa sa harap konti plng yung sira , di nmn sumasakit- maliit plng yung cavity.
a. Yung 5k pataas ay porcelain fused to metal jacket crown. Yun ang pinamababang uri sa klase ng porcelain. Madaming klase ng porcelain crowns: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/ . Kung gusto mo ng jacket crown na hindi mukhang ngipin, maghanap ka ng below 5K.
b. Depende. KUng may impeksyon na ang ngipin, kailangan mo iparoot canal treatment.
Salamat Sir.
Alright.
Sir. hanggang kailan ba tumatagal ang US Plastic jacket crown?
Pantemporary lang ang plastic. 3 weeks, dapat tanggalin na yan at palitan ng porcelain. Hindi yan definite na treatment. Magkocause lang yan ng pamamaho ng hininga. HIndi stable ang shade at marupok.
Hi doc! Ask ko lang po kung ano po ang dapat gawin pag may “tartar” sa ngipin?
Magpalinis ka sa dentist.
Doc, pano po kapag natanggal na yung pina-jacket ko? As in nung pagkakain ko nasama yung jacket crown tsaka yung parang turnilyo. Maayos pa ba yun?
Maaayos*
Oks.
Yes. Magpalit ka ng dentist, sinauna ang turnilyo.
Hahaha. Thanks! 🙂
Oks.
May tanong pa po ako. Parehas lang po ba ang bayad kapag pinaayos lang? Or bababa?
Papapalitan ang crown.
hello poh’how much poh ang mgp jacket?s 2 front teeth ko poh tnx.
10 thousand pataas.
good day po.. just wanna ask what type of jacket is best for a 12 year old kid… my daughter broke her upper front teeth… thanks…
Ipaxray mo. Send mo sa fb ko.
hi doc! good day po, nag pasukat po aq ng jacket crown nung monday ( porcelain), bale kakakabit lng po ngaun, bale 3k po lahat ng mga clinic dto sa province namin, mag kakulay naman po yung jacket sa surrounding teeth, ang tanung ko lang po, nung pinolish po nya, kasi parang mataas, nasobrahan po ata at lumitaw konti yung metal sa taas nya..tinanung ko po yung dentist about dto, ang sabi naman nya normal lng dw po yun.. ask ko lng po ang comment nyo, kung tama po ba xa?
Mali. At sa price na ganyan kababa, expect mo nang hindi yan magagawa nang tama.
Hi, how many days po kailangan for a crown replacement? Asa overseas po kasi ako nag work and im only allowed to take a leave 2weeks max. Medyo po kasi nangingitim na jacket ng 4 front teeth ko kasi matagal na. Thank you.
Pa x ray ka muna. Madalas kapag may dati ng jacket crown, kailangan pa i-RCT bago i-jacket crown ulit.
Thank you. Pwd po kaya na dito ako magpa xray then padala ko sa dentist dyan ang result para malaman more or less ang gagawin? wala pa ko actually na dentist kaya pasensya na po sa mga tanong.
Yes.
doc pwde po bang mag pa jacket 3years past ng nabunot? ganu po katagal ung procedure non?salamt po 🙂
Pwede.
diba po tawag don jacket? 🙂
Saan?
magkano po ba mag pa bridge? 🙁
Depende sa kung ilan ang bungi at kung anong klase ng bridge.
doc may problem po ako sa crown ko 4 sa harap ok naman po yung crown sa una kaso lang po after 2 months nag turns to yellowish na po, at saka napapasukan na po ang loob kasi parang di siya na e seal ng maayos…kaya sumasakit na po..yung unang crown ko umabot ng 10 yrs, ito ngayon po pangalawa na…ipa tanggal ko po ba ito then ipa dikit ulit???ano po dapat kong gawin?
Mukhang plastic crown yan. Magpagawa ka ng hindi plastic. Ang plastic ay pangprovisional lang.
Hi Doc Paano po magpapalit tatanggalin yung Jacket po diba? baka naman po masama din yung natural teeth na na jacket. HAHAHAH
Oo kapag papalitan, tatanggalin ang luma at papalitan ng bago. Hindi ko alam kung lasing ka noong nagtype ka ng tanong. Paano mo nga ba papalitan ang isang bagay kung hindi mo tatanggalin yung papalitan mo?
Oo, maaaring masama kung naghanap ka ng cheapest dahil maaaring pumalya ang jacket mo. Kaya ang pinakamabuti mong gawin ay alagaan mo ang mga ngipin mo para hindi masira at upang hindi ka mangailangan ng jacket crown.
Gud am po. Tanong ko lang po kung magkano magpagawa ng porcelaine jacket? Tnx po. . Or txt nyo nalang po me sa numbr ko. 0912——-
Madaming klase ng porcelain crown. Kung magkano ay depende sa klase. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/ . Sorry hindi ako magtitext.
Hi po,
Question lang din regarding sa porcelain crown fused with metal. Pinagawa po kase ng friend ko yung four front teeth nya, and ang nilagay na crown sa kanya ay dikit dikit na crown – parang pustiso. Ganun po ba tlaga yun? Kase ang ni-request nya daw tlga nung sinusukatan palang sya ay hiwahiwalay. Sabe daw nung dentist ganun daw tlGa ang crown. Hindi happy yung friend ko sa jacket nya, mahal mahal pa man din – 8k per tooth yung singil sa kanya.
Dapat hiwa hiwalay kung “crowns”. Dinudugtong dugtong lang yun kung may na-rct na ngipin na gustong suportahan ng isa pang ngipin.
hi dok ask ko lang po kc po may krak na po ung pasta ko. ano po ba pde gawin?? isa lang po to sa harap.. nakaka stress po kc baka nakikita ko. tnx po dok
Ipapasta mo ulit.
Hi doc ask lng po kng yung dating jacket eh pwede png gmitin ulet?
Kung yan ay jacket mo, madalas hindi na, kailangan baguhin. Kung yan ay jacket ng iba at gusto mong ilagay sayo, mandiri ka naman.
good morning po ask ko lng po my spaces aq s lower front teeth pwede po b mag p braces kahit my iln ipin ako n my pasta ..ano gano po ang max spacing n pwede png n rectify ng braces..just worried bka hndi n maayos ung akin…thnks
Pwede.
thank yu po nag dadalawang isip po ako kc ung ibng entist n napagtanungan ko offer nila 20k fee for lowr part tapos ung iba ang offer 40k bkit ang laki ng diff from one dentist to another …pero sabi nga po nila you get what you paid for so baka dun n lng ako s medyo mahal bsat amaganda quality…thnks po
Oks.
paano pagmagkakahiwalay yung ngipin ?paano yun pagdidikitin?
Send photo through FB.
hi doc, how long po ba ang process ng dental jacket para mafit na? isa lang po bungi ko.
Bridge yan kung may bungi.
hi doc how much po usually crown teeth for 6 years old kid? how much per teeth?
1K pataas.
Hi Doc, plan ko po ipa-jacket tong 2 front teeth ko. Discolored na kasi and as per our company dentist, patay na. He recommended also to have my teeth braced pa before jacket, nabunot na po 2 teeth ko each sa right and left lower portion and 1 sa upper. Please advise if this is ok before going into that procedure and not wasting any hard earned money. Thanks.
Kung patay na, hindi jacket ang solution diyan. Ipa-RCT mo. After RCT saka lang ija-jacket.
Doc, yung pangil ko po kase putol na. Pumunta ako sa dentist patay na daw at i-RCT daw. 3500 daw, metal screw daw ay ipapasok sa ngipin na na RCT tama po bayun? tapos lalagyan na daw ng built up tska i-jacket.. all in all, 3500+1000screw,1250jacket.
1250 jacket? Hehehe! Plastic yan? Siguruhin mo lang na dentist yan at tama ang pagkaka-RCT sayo. Ang RCT, ilang beses ini-x-ray. Wag ka magpapa-RCT na walang xray.
hi doc, binasa ko muna mga question sa taas baka sakali masagot ang itatanong ko..
nag pa jacket po kasi ako sa 2 front teeth 7 years ago,as pagkakatanda ko po it cost only 1500 or less than 2k kasi binigyan nya po ako ako ng discount. then 4 years ago po pina jacket ko ung isa katabi ng front teeth, same dentist and same price pa din. mura ba talga doc kapag sa province nagpagawa compare dito sa manila?need ko na po kasi ipa jacket pa ung isa pa para magpantay. pina check ko po ung jacket ko dito sa manila, sabi ok naman and no need to replace. the new jacket cost 4k to 6k, namahalan ako doc. just asking po why anlaki ng price difference. Salamat!
Iba ang price dahil una, quality. Hindi ko sinasabing ang dentist mo sa probinsya ay bobo, dahil sa probinsya din ako madalas magclinic. Pero, kapag gagawa ka ng may kalidad ng jacket crown, 5K pataas yan. Ang porcelain fused to metal jacket crown na siyang pinakabasic kung materyales ang paguusapan ay 5K pataas. Sa 2 K, mahirap.
Ang unang magsasuffer ay materyales, ang unang titipirin ay ang metal na ginamit at porcelain powder, malamang irecycle. Ang purity ng metal ay mahalaga, dahil delikado ang kalawang kapag hindi pure ang metal alloy mo. Kapag recycled ang ginamit, may ibang metal na pwedeng maihalo na pwedeng magpabilis ng oxidation.
Pangalawa, semento. Malamang mumurahing cement ang gagamitin. Ang mumurahing cement ay madaling matunaw.
Pangatlo, kuryente at tubig na gagamitin sa pagprepare ng ngipin mo.
Pangapat, yung pagod ng dentist mo. Sa 2K, impossible.
Baka plastic yan. Ang plastic, pantemporary lang. Ang jacket crown ay dapat pinapalitan every 5 years. Ang lifespan ay 7 – 14. Pero every 5 years dapat pinapalitan para sigurado.
Salamat doc sa reply, meaning po ba need ko na papalitan lahat ng jacket ko?so far naman po wala akong nararamdaman or nakikita na side effect. alin po ba mas ok yung paisa isang jacket or ung magkaka dikit na po?
Paisaisa.
doc, pinapasta q po yung 2 front teeth q pero sa ngayon po gusto ko na ipajacket okay lang po ba ipajacket q na? kasi po medyo nahahalata na po yung sira
Yes.
hi po gud pm. ask ko lng po sana doc kasi may dalawang ngipin ako sa bagang na matagal ng nabunot. eh gusto ko sana malagyan kasi mahirap kumain. bale may natira pa nmn sa dulo na isang ngipin so pwede ba jacket ang ilagay don sa bakante? or dapat pustiso? thnx
Bridge.
http://costdentures.com/fixed/pfmb/
Hello Doc, how much po ang approximate ng root canal po ngayon? According sa dentist kung san kami ng inquire, 5k per root daw un ung high class na and can be done in one sitting.. Meron din isang option which is 3k each pero manual yata which is balikan. Ano po ba pagkakaiba sa dalawa?
Which do you recommend po? Thank you.
Itanong mo sa kanya ang kaibahan. Para sigurado.
Pero para sa akin, quality ang kaibahan. Wag mong asahan na mataas ang kalidad ng mura. Kahit ikaw, kung magtratrabaho ka ng pulido, gusto mo mataas ang sweldo.
One more Doc could you give me po idea on latest jacket crown prices and which is best po. Money and quality wise. Ano pong name? Ung hindi ngsstain sa gums and the one that last long. Para po ma suggest namin sa dentist if ever.
And Doc, kapag po ba my jacket na, is there possibilities na pwede mg pa braces kasi ung ibang teeth sa side is hind pantay?
Thank you po uli.
Kung plano mo magpabraces, sa orthodontist ka muna pumunta. Bago sa prosthodontist. Every 5 years dapat pinapalitan ang crown. Kahit anong crown. Naluluma yan, tulad ng tao, naluluma, tumatanda. Ito pinakaok. http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
Doc, yung asawa ko po kc nag pa implant ng ipin pero yung half is metal. Year of 2001 po yun ng pinagawa nya. Tapoz just yesterday po natanggal ang cover ng ipin nya so kapag nag smile sya kita na yung bakal sa front. 3 ipin po yung covered ng metal at di po ako sure kung metal jacket ang tawag dun. Ask ko lng po kung mag kanu kya aabutin kapag repair ulit yung harapan or papatungan ng porcelain?
Malamang na hindi implant yan. Cover ng ngipin, malamang na jacket crown. Hindi yan nirirepair, pinapalitan yan.
Doc yung front teeth sa likod may cavity tapos na crack po konti … anong pedeng gawin ?
pa jacket po ba or pa pasta ?
ipaxray mo, send mo sa fb ko.
tsaka doc masakit po ba kapag ipapa jacket ang ngipin … tsaka i injection rin po ba pag mag papajacket 😀 takot ako eh
Oks.
Doc, magkano po ang all porcelain crown??
20 K pataas. For more info, read : E-Max Dental Crowns – http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
gd day ….. magkano po ba magpabridge im from cdo
Ilan ang bungi? Isa pang factor ay kung anong klase ng material: http://costdentures.com/category/fixed/
doc. ano po fb nyo. gsto ko po sana mag send ng pic ng ngipin ng kpatid ko. kasi hiwalay2 e. d namin alam kung ano po dapat gwin. tnxx
Nakalink sa gilid.
hi doc. ngcrack po yung isang ngipin ko sa front dahil sa pgkakabangga sa pinto. nangitim na at sabi patay na daw. nbsa ko na kelangn pa ata RCT kung patay na bago ijacket. Balak ko din mgpabrace sana pagnkaipon na. pwede po b yun? o dapat unahin muna ang brace bago mgpajacket. nalilito po kasi ako kung pwede yun. thanks.
Kahit ano ang mauna.
Hi po i am looking for a dental clinic that will answer my problem.. Im having jacket since i was highschool but none of the crowns made me satisfied.. It always looks big on me.. Im looking for a crown that will look natural and not too big for me.. Tnx
Oks.
Hi doc anung fb nyo po pra masend ko picture ng ipin ko bungi kc mgkbilang gilid ng ipin ko.wat is the remedy.thanks
Yan nakalink sa gilid.
Hi Doc! May butas po kasi yung pangil ko (back part) sa left side. Then last week, monday, bigla na lang nag crack at umuga. Yesterday, tuluyan na siyang nahati na pa-horizontal pero di pa siya totally natatanggal. Parang meron sa bandang likod na nakadikit kaya di pa rin siya naaalis pero sobrang uga na siya at natutusok na yung loob ng labi ko pati dila ko dahil sa ngipin ko. Ano po bang affordable process ang dapat kong i-undergo para sa ngipin ko para maayos? Thanks po!
Malamang na kailangan na bunutin yan base sa description mo.
Hello doc! This is carl florentino ano po mas maganda gawin sa ngipin ko ipa jacket ung ngipin or ipa braces. Gusto ko kasi ipa straight lahat ng teeth ko at ano recommend na toothpaste na makaputi sa ngipin ko?
0916—– pm me thanks
This is Leonidas, a spartan dentist. Magpabraces ka. Kung gusto mong pumuti ang ngipin mo, magpateeth whitening ka sa dentist. Wala akong load, loadan mo ako ng P500 kung gusto mo ng reply sa text. Mangarap ka lang at bigla mong mababsa ang reply ko.
kelangan po ba mag pa root canal treatment muna bago magpa jacket sa ngipin?
Kapag infected lang ang ngipin.
ano po bang mangyayari kapag di nagpa root canal tapos nagpa jacket sa ngipin?
Kapag infected na ang ngipin dapat magpaRCT muna para mawala ang infection.
Hi doc magkano po ba yun porcelain na crown. Saka un fused- to metal porcelain na crown? Thanks
Basahin mo itong post na pinagcoment-an mo.
Doc nagpapasta po ako 2yrs ago. Okay naman siya hindi naman sira ung labas pero sumasakit na po siya e. Balak ko po sanang ipabunot na at magpabridge 3k per unit ung bridge dito doc porcelain at 1500 naman ung plastic.
Oks.
Gusto ko sanang ipa RTC at ipa jacket kaso mas mapapamahal ako may missing tooth kasi na katabi un e ipapabridge ko din sana .
Oks.
Hi doc,pwede po malaman kung saan ang clinic mo?balak ko po kasi magpa jacket,eh wala po kasi akong alam na magaling na dentist dito eh baka po masayang lang ang pera ko,if ever eh sa inyo na lang po ako magpapa jacket.
Hindi ako tumatanggap ng partient galing sa website. Basaahin mo dito kung bakit: http://www.askthedentist.tv/faq/
isa pa po doc,nasa magkano po ang mag pa whitening ng ngipin?at ilang session?
10-20 K ang whitening.
pwede po ba malaman doc kung saan ung clinic niyo?para puntahan ko na lang po kayo,tapos di ko sasabihin na galing ako dito sa website para tanggapin niyo ko,hehe
Oks.
hi po Dr. May sira po 4 front teeth ko, ung isa mejo malaki na pero ung 3 hnd nmn po. Okay lng po ba na ipa pasta lang muna sila?
Possible hangga’t hindi pa sumasakit.
Hello doc. Posible pa po bang malagyan ng brace kung may bungi na yung bagang sa itaas tatlo? At sa baba dalawa? Tnx po doc.
Yes.
How much po ba ang pkabit ng braces ngayon?
Depende sa lala ng kaso.
Posible po bang mkabitan ng braces pag may bungi po sa itaas yung bagang? At dalawa po sa ibaba?
Possible.
Goodevening doc, magkano po magpa bridge ng isang ngipin sainyo. Tanggal na po kasi ung isang ngipin ko sa front pansamantala pong naka-pustiso ako hndi ko po kasi type magsuot at magtanggal ng ganito. So nghahanap po ako ng dental na pagagawan ko nito. Kindly reply. Thanks 🙂
Hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Ikaw ang bahala humanap ng dentist. Sa akin, ang porcelain fused to metal bridge para sa isang bungi ay 15 thousand. Ang all porcelain bridge naman para sa isang bungi ay 60 thousand.
magkano po kaya kung magpapa jacket ako sa harap po isang ipin lang?
Sa tingin ko, kaya mong basahin at intindihin at pinagreplay-an mong post. Sa klase ng jacket crown basahin mo ito. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Hi doc.. ask koh lang po if pwede poh ba magpabrace kahit my wisdom tooth na di pal umalabas? pwede koh po b isend sa inyo ung panoramic xray koh?.. tnx poh
Isend mo.
hello doc…ask ko lng kung pwede bang lagyan ng braces ang ngipin na may 3 porcelain jacket?..thanks! God bless
Hindi. Pero pwede ka lagyan ng braces. Tatanggalin yang porcelain jacket mo. Tapos, alam na ng dentist mo ang gagawin. Hanap ka ng magaling na dentist.
Hi doc ask ko lang po kung ano ang mas mainam kesa sa pustiso . yung ate ko po kase gusto ung hindi na natatanggal e. tska magkano po implant for one tooth? pwede bang monthly ung bayad?
Oo, implant ay mainam kesa sa pustiso. Usually 70 thousand pataas kada implant. Malamang na hindi pwedeng monthly ang bayad. http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
Doc ask ko lang if pedeng i-pajacket na lang yung false teeth I have one sa front tooth kc .then like ko po sanang ipajacket yung iba ko pang upper teeth para maganda po
Bale ilang ang bungi mo? Baka bidge ang tinutukoy mo. http://costdentures.com/fixed/pfmb/
Doc, may crack po ang kalahati ng isang front teeth ko. Magkano po kaya sa tingin niyo ang magandang quality para ipa crown po ito. Atsaka yung isa ko pong ngipin na pina pasta ko, bakit less than a year nagdiscolor na po kaagad kaya ang pangit tignan, sa harapan pa po. Thank you 🙂
20 K up sa all porcelain crown. http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/
Good morning po. ask ko lang po kung pwede p bang pabunot ung wisdom teeth kahit wala pong sira. 32 yrs old na po ako pero po kmupleto pa po un teeth ko. sabi po ng iba need daw pabunt un wisdom teeth kc daw nagkocause dw ng bad breath.. totoo po ba un? salamat po.
Pwede. Possible kung nasira.
Hi doc! Ano pong treatment ang dapat gawin sa peg shape laterals? 🙂
Veneers: http://www.denturesaffordable.com/affordable-ceramic-veneers/ Or pasta
Doc ask ko lang po hindi po b pwede ibrace yung taas na ngipin lang? Kasi yun baba ko po maayos naman. Kasi before nagpa brace na ako after seven months pina alis ko na kasi nag punta po ako abroad pag uwi ko ng Philippines bumalik po sa dating sungki yung front teeth ko gusto ko po sana ipa brace ulit pero sabi nung doctor na nag consult sa kin hindi na daw pwede ibrace kasi naka fixed bridge na daw po pala yung ngipin ko sa baba. Kailangan i jacket na lang daw po yung front teeth ko. Thank you.
Hanap ka ng ibang dentist.
Good day Doc;
Pwede po ba ako mag pa brace pero jacket po ung 2 upper front teeth ko kaso missing po ung isa so jacket porcelein teeth po na magka dikit yung nilagay..thanks po..
Possible, pero dapat makahanap ka ng magaling na dentist para alam ang gagawin niya.
hi doc.. ask ko lng po if advisable po ba sa 6 years old kid na pabunot yung front teeth nya para maganda ang tubo ng permanent teeth nya? kase na experience ko po sa eldest ko isa isa lng nabungi yung temporary teeth nya but then nag sungki po tubo.. a
Hindi.
hi doc ask ko lng po if advisable po ba sa 6 years old kid na pabunot yung mga front teeth nya para maganda tubo ng permanent teeth nya? na experience ko po kase sa eldest ko isa isa nabungi yung temporary teeth nya but then nasungki yung tubo.
Hindi.
peg shape ung ngipin ko kailangan daw ipa jacket any po mas maganda porcelain o plastic? Napansin ko kasi sa kakilala ko ung porcelain teeth nya parang nangingitim ung ta as sa may gilagid Bakit ganun?
All porcelain jacketcrown. Pwede din veneer. http://www.denturesaffordable.com/affordable-ceramic-veneers/
hi doc ano po ba pede ilagay sa gums ng 6 years old para gumanda tubo ng permanent teeth nya?
Wala. Linisin mo lagi ang ngipin niya at panatilihin nandiyan habang hindi pa tumutubo ang ngipin na kapalit.
hi doc.. ano po ba nagiging cause sa pagka sungki ng tubo ng ngipin ng bata? worry po kase ako sa 6 years old kid ko medyo pangit po tubo ng lower part teeth nya.. pero isa isa lng nmn po nabubungi temporary teeth nya then may tutubo na kagad, yun nga lng po medyo pangit..
Madaming cause yan. Punta ka sa dentist mamaya para maipaliwanag nang mabuti.
Hello doc. Ganu po ba katagal bago makuha ang jacket?
Madalas 1 week.
Hi Doc. This is Sarah… May I ask how long magpagawa ng jacket and magkano per unit? Thanks and response is highly appreciated.
Madaming klase yan: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Ang porcelain fused to metal 5 K pataas.
Ang porcelain fused to gold 25 K pataas
All ceramic 25 K pataas.
Kung gusto mo ng low quality, mas mababa diyan ang price. Sa kahit anong aspeto ng buhay sa mundo, ang quality binabayaran mo.
Hi doc nagpacrown po ko may question is isang ngipin lng po yng bakante pero 3 ngipin po yng ninipisan nya so bale x4 po yng binayad ko,is it normal po ba to do khit isa lng po yng dapat icrown?thanks 🙂
Bridge yan. Ang crown ay para sa ngipin.
Hello Doc,
Ano mas mainam sa ipin na naka jacket na tapos bigla nagka pain. Root canal or extraction?
Salamat.
Kung may pera, RCT. Kung wala bunot. PinakaOk ang RCT para hindi ka mabungi.
Tama po isang bridge 3 crown,normal po ba yung procedure na ganun?
Send mo yung picture sa FB ko. Ilan ba ang bungi mo?
Doc, pwede mag tanong? Nagpa jacket po ako ng ngipin, tapos lumipas ang isang taon, nag itim yung 2 ngipin ko, front. ano po ba ang dapat gawin? o iundergo na procedure nito?
Ang una mo gawin, ay ipaxray. Send mo dito ang x ray. Tignan natin kung ano ang kondisyon.
Hi Doc, 4years ago po, merong ginawa yung dentist sa ngipin ko. Nabangas kasi tapos parang may minold lang na ngipin parang dinugtong lang. Eh ngayon napansin ko umuuga tapos nung naligo ako nawala, hindi ko naramdaman. Ano po bang pwedeng gawin sa ngipin ko?
Parang pasta ang tinutukoy mo. Ipapasta mo ulit or jacket crown. : http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Nagpunta po ako sa dentist kanina, ang sabi nya hindi na daw kaya ng pasta. So ipapa jacket crown ko na lang po talaga? Mga ilang weeks po kaya aabutin non bago maayos ngipin ko?
Send mo x ray sa FB ko.
doc, question lang po… how much ang average cost ng all porcelain crown for 2 front teeth with 1 porcelain extension.. (extension ba yung tawag dun sa walang ipin na connected sa 2 front teeth crowns.?).. anong reliable brand po ang okay for budget concious like me.? thanks in advance
Ah bridge. Mga 60K din pataas. Maganda ang Emax : http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
hi! dok, ask ko lang po kung san po maganda magpa porcelian jacket crown? magkanu po per unit? hnd po kc maganda ung front teeth ko tapos natagal na po ung isang pagil ko.
Madaming klase yan. Pinakaoks ang all porcelain crown: http://www.askthedentist.tv/clinics/
Para sa dentists, try mo : http://www.askthedentist.tv/clinics/
doc bungi po yung 2front teeth ko ano po ba dapat dito ?bridge o jacket? and how much po?tsaka kung ippabrace ko ba . ok lang din?
Ang jacket ay para sa ngipin. Ang bridge ay para sa may bungi. Depende sa klase ng bridge. Sa all porcelain, 80 K pataas din. http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
Sa porcelain fused to metal, 20K pataas. http://costdentures.com/fixed/pfmb/