Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
nung tmwag nga po ako s dentist ko normal dw Un.. mgi2ng grayish p nga dw ktgLan. advice nya n mgpa jaket crown dw ako. kung gnun pla dpt nung una Un n kaagad pngawa ko. kung d nmn pla reliable ung rtc. sna crown n agd cnudjest.nya nung una plng. db po?? awkward kc tlga tngnan.
Hindi pwedeng icrown kapag may infection ang ngipin. Dapat i-RCT muna bago icrown. Depende sa lala ng sira sa ngipin kung crown or pasta or veneer, pagkatapos ng RCT.
ah..okay! I see. advice nya nga po jct. Kya p po b n ipa bleach even 1tooth lng? mtgal po b mg fade pg gnun and hindi po b magi2ng worst ung affected tooth pg d ko p muna pa jct?
Anon jct?
doc anong magandang gawin s mga ngipin na itim o sira na ung likod?
Pastahan.
sorry… i.mean jacket crown. 🙂
Oks.
Doc, bakit po nung nag papasta ako palagi ako nakakaramdam ng sensitivity dun sa pinastahan? kahit po mag mumug lang. 2nd pasta ko po to. yung 1st pasta ko 1st yr high school ako pero after nun wala naman ako naramdaman na ganitong sensitivity. yung unang pasta kasi nasira na last year lang. so nung b4 mag new yr pina-pastahan ko sa ibang dentist na kasi lumipat na kami ng lugar. ano po kayang pwedeng gawin? may papastahan pa sa taas na ngipin ko pero natatakot na ako kasi baka maging sensitive din. hay ….
PM mo ako sa FB.
pede po bang mgpaaraw ang bagong bunot???
Yes. Pero mas mabuting wag, skin cancer aabutin mo.
hindi b pdeng installment pag magpabraces ka sa tuguegarao?
Instalment lagi.
good morning doc magppabrace po ako bukas pero medyo takot ako sa procedure baka masira po kc ang teeth ko na complete maliban sa 2 wisdom tooth na nabunot na at isang rct malapit sa pangil,mejo nakaprotrude po sa harap ang ipin ko at sabi ng dentis,”palalambutin muna at lilihain ang ipin para magkaroon ng spaces at saka iaalign”.hindi daw po bubunutan.takot din po talaga ako sa bunot.doc hndi po ba masira ang ipin ko in the long run ?baka po maubos ang ipin ko pag matandana ko kahit nakaalign.natawaran ko din po sa 40k from 50k ang cost.pls advise namn po.salamat
Medyo takot din ako sa procedure. Magtatago muna ako dito sa ilalim ng sopa. Balitaan mo ako bukas para hindi na ako magtatago sa sopa bukas ng bukas.
comedy c doc hehe.pls po d na lng ba ako dapat magpabrace with regard sa tanong ko
?o mag iba na lang ako ng dentist na pagppabracean..?
Bale ano ang tanong mo?
ano po ang advantage at disadvantage ng braces?kung hindi bubunutan ng ipin para magkaroon ng space for alignment ang braces ano po ang tamang procedure?mejo nakaprotrude lang sa harap ang ipin at gaano po katagal bago tanggalin ang braces?salamat po sa pagsagot doc
Duda ako sayo. Parang pamilyar ka sa totoo lang. Tanungin mo yung nagbibraces sayo tungkol sa advantages at disadvantages. Oks?
yung dalawang ngipin ko po sa front may white parang ganito po [URL edited]
pwede pa po ba to matanggal? kung pwede po anong treatment ang kaylangang gawin?
Yes. Dental bonding.
Hi Doc, tanung ko lang po .. pag ung underbite teeth po ba nag pa braces magiging normal teeth na po ba ito ?? .. kasi po ung nakikita ko sa Internet nag papa jaw surgery pa po cla para maging normal teeth na po cla .. salamat po Doc 🙂
Kita ko photo mo. Madali lang yang case mo.
doc,.ung ngipin ko po sa harapan my mga space po sya at hindi pantay pantay..bale anu po ba ang kailangan or treatment para matangal ung mga space?bale nabasa ko ri po sa internet na dental bonding dw ang kailangan.bukod po dun doc anu pa kya ung treatment…mag kanu kya doc ung per tooth ng dental bonding..tnx a lot
Ipabraces mo na lang.
ang ngipin ko pong nabunut na yung bagang p…m sumulpot po na parang maliit na ngipin…anu ibig sabihin nun..okay lang ba yun?
Ang best na gawin ay ipaxray mo. Para makita natin kung ano yan. Sa dental mission ba binunot yan?
doc, yung ngipin ko, more than 1 month ng open, kasi last month, super sakit taz dinala ko sa clinic, binutas na nung dentist yung pasta and subject na daw for RCT. eh wala pa po ako pera kaya hindi pa po ako nakakabalik, ayoko naman pong ipabunot, ano po kaya pwede ko gawin para hindi lumala yung condition nung ngipin ko habang ngiipon pa ako ng pera??
RCT.
doc pwede ko na po ba ipatangal ang braces ko kahit bagong lagay lang?d pa namn nailalagay yung wire sa baba at yung mga adjustment na ilalagay sa bagang,may inaayos pa na rct sa mlapit sa harap,pero parang may sumasakit na nmn na ngipin dun s tabi ng bagang,baka dumami po ang gastos ko at masirang ipin kung ipagpapatuloy ko ang braces,4ok brce 12k na ang naidown iba pa po yung rct na 3500.mabigat na sa bulsa kung mgkasira lalo during braces.ang case po mejo nakaprotrude ang ipin sa harap pero walang spaces.lilihain daw para mgkaroon ng spacing for alignment.doc pa advise nmn po kung pwedeng pa stop ko na lng ang kassimulang brace..thank you
Tanungin mo ang dentist mo tungkol diyan.
Hi Doc! I had RTC po. Unfortunately, nagswimming po kami last time at natanggal at nawala po yun ngipin (rtc). Mejo maluwag kc un. Pwede pa ba mapagawa yun w/ lesser cost?
Anong rtc?
Rct! Haha. Bale yung crown nawala.
Oks.
Magkano po estimate cost nun?thanks
Magsend ka ng xray sa fb ko para makita ko kung ano ang problem. Dahil malaki ang possibility na hindi lang yung natanggal na crown ang problem. Malamang na mismong yung ngipin, may problem.
Hi doc, pwd po ba lagyan ng clued ang pasta. Ipin 4 tempory lang po layo po kc dental clinic tnx
Anong clued?
Good day doc.!! Ask ko lng po mgkanu ang appliance for deep bite?? Thanks!
Braces ang remedyo diyan.
My braces n po ako. Sbi ng dentist ko deep bite daw ako kya kakabitan nya ako ng appliance for deep bite. Mgkanu po b un?? Or pwedeng hindi na mgpalagay nun??
Tanungin mo ang dentist na gumagawa sayo para hindi magulo ang treatment mo. May iba’t ibang abilidad ang dentist at iba iba ding technique.
Ok doc thanks a lot!!
Walang anuman.
hello po gandang hapon doc.. gusto ku lng po magtanung if merun po bang method na pwede dun sa ngipin ku.. gnito po kci cia ung gums ko po kci ehh nagswell sia so hindi na po pantay ung ipin ko kpag ngingiti po ako un halata po merun po ba doc?
Nasagot ko na ang tanong mo sa FB.
Hello po Doc. May itatanong lang po sana ako kung ano pong pedeng gawin sa ngipin ko kasi po nabasag, pagkakagat ko po sa pandesal may naramdaman po akong matigas, pagkatapos po ay pagkaluwa ko may ngipin po. Nung kumakain naman po ako nun ice cream nabasag nanaman po ung ngipin ko. Un padin po ung ngipin eh. Pumunta po ako sa dentist, pero sabi nya bubunutin daw po. Hindi po muna ako pumayag kasi na-istress po ako sa ngipin ko. Mukha po akong multo. -.- Ano po bang pedeng gawin para mabuo ulit tong ngipin ko? 🙁 14 labg po pala ako at permanent na daw po ung ngipin kon nasira. Sabi din daw po eh patay na daw po yung ngipin. At malambot po un ngipin ko. Pasensya po at mahaba. Godbless po.
Kung gusto mo ng accuracy, magpapanoramic x ray ka tapos send mo sa FB ko. Pero kung gusto mo ng nakabatay sa bola ni Madam Auring, ang sagot ko ay ganito: Tanungin mo ang dentist kung pwede pa iRCT. Kung hindi na, no choice, bunot nga yan.
Hindi na po pede mabuo ulit?
Habang may buhay may pagasa.
Hi Doc,
Magkanu po magpabraces ng ngipin, balak ko kcng ipatanggal yung mesiodens tooth ko between incisors tapos saka ako magpabraces.
Thanks,
Nelmar
Naks mesiodens.
Hi doc, ask ko lang po kung anong tawag sa x-ray na kailangan before kabitan ng braces? Panoramic po ba? And how much po ‘yon. Thank you.
Yes panoramic.
hi doc! medyo malaki po problem ko eh,parang halos lahat ng ngipin ko sira na. yung dalawang premolars ko sa taas tsaka dalawang 2nd molars sa baba na basag na kase kaya ngayon malaki ang butas. plano ko din magpa braces kase i have a crooked teeth. ano po dapat gawin? hihintayin ko po sagot niyo, gusto ko na po kase talaga ipaayos ngipin ko. thanks po!
Ipapasta mo yung mga pwede pang pastahan. Yung hindi na, ipa-RCT mo. Pag naayos na ang lahat ng sira, ipabraces mo.
thanks po sa pag reply agad ! mga magkano po kaya ang ma gastos if 4 ang ipa RCT?
Depende sa kung anong ngipin. Kaya mas mabuting itanong mo sa kung sinong dentist na makakakita niyan ng personal. KUng gusto mo ipapanoramic x ray mo muna tapos send mo sa FB ko para makita ko kung ano ano ang mga ngipin na may sira.
Doc, pede pa po bang ipa-jacket yung ngipin na kalahati na lang?
Yes.
Kahit po patay na yung ngipin?
Ipa-RCT mo muna.
Doc, may tanong po ako. pero parang ndi nyo naman sakop to eh:
Ano po bang gamot sa “tonsil Stones”?
Hehehe!
Hi Doc, ako po ulit to. Hehe. Natubo pa po ba yung permanent teeth na nabunot o hindi na po? Kakabunot lang po sakin kanina eh. 🙂
Hahaha! Hindi na. Unless may dugo kang pating o Spartan.
Eh ano po ung wisdom tooth?
3rd molar.
….hi doc.., may mairerecommend po ba kayo na dentist sa akin.., kasi magpapagawa po ako ng fixed bridge., bale dalawa po ang missing sa upper front teeth ko tapos damaged na po ung dalawa sa upper front teeth ko at yung isa po dun ay may cavity na.., magkano po ba lahat ang gagastusin.., kelangan ko na po kac magpagawa kac mag-aaral na ako doc eh…,thanks…:)
Hanapin mo pinakamalapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
doc pwede po ba installan ng braces yung teeth ko kasi yung front teeth ko e may stain na white e. thanks in advance doc!
Possible.
ano yun doc aalisin muna before ilagay po? 🙂
Anong aalisin?
yung stain na white po doc sa front upper teeth ko po .. 🙂
PM mo ako sa FB.
doc.ask ko lang po meron po akong braces pde ko po bang ipatanggal to tapos ipablik ko nlng after a week? kse pra daw po d mkita sa work bwal daw po kse ee.tnx
Pwede basta may pambayad ka.
or pag pinabalik ko po to another bayad nnmn po? sana hinde 🙁 hehe
Bagong bayad yan. Usually, full payment ang uulitin. Kaya kunyari 50K. 100 thousand na babayaran mo.
Good eve po, ask ko lang po ung condition ng baby girl ko , 3 yrs old palang po sya and sobrang sumsakit na po talaga teeth nya then ngconsult na po kami sa pediatric dentist and she gave us 2 options : 1st one cost 40 thousand which is bbunutin ung 5 teeth nya sa taas then papastahan ung 4 sa baba then 1 day confine sa hospital w/ dxtros and general anesthesia 2nd option is 20 thousand which is bbunot lang ng 5 then wala ng pasta , wala narin confine. ang question ko po is ganun po ba talaga ang price nun for not permanent teeths? And kung sakali pong ppiliin ung 1st option , anu po ba ang mgging effect, consequence sa pagtubo ng permanent teeth nya? And ung bout sa general anesthesia anu po ba effects nun for a 3 yr old kid? And meron po ba kayong other suggestions bout sa condition nia? Hndi pa po sya ngttake ng any antibiotics calpol lang po or gel for teeth. Salamat po ng marami.
Nareply-an na kita sa FB. Check mo yung PM ko. Ganyan nga usually cost pag sa dental treatment sa bata. 🙂
gudpm po doc ask k lang kung lilinisan ba ng dentis ang teeth na nakabrace everytme na iadjust ito monthly?at kung kasama na ba yun sa bnayaran?salamat sa reply
Depende sa napagusapan niyo. 🙂
Hi Doc I’m back. Hehe. XD
Diba po nabunot na po yung ngipin ko, pede po ba ipa-fixed bridge yun?
PM mo ako sa FB.
Hi doc. Kaylangan ko po ba ipabrace yung mga nakarotate kong ngipin sa baba? Atsaka ang liliit po ng ngipin ko sa baba baka di mag kasya ang mga bracket hehe
Depende sayo kung ano ang tinuturing mong pangangailangan. Para sa iba, ang kailangan lang nila ay makakain at may maayos na tulugan.
goodpm po doc.. ask ko lang po if pwede pa po ako mag pa brace kahit puro pasta na po ung mga ngipin ko?kase po crossbite po ako.. tpos po pinabunot ko na po ung tig dlawa po sa taas kong ngipin kabilaan po..tpos po meron pa kong milk teeth tpos ung sa pangil po un..tas ung tumubo na permanent teeth ko na pngil malayo na ung tinubuan nya. pwede pa po kaya ako magpa brace nyan?salamat po!
Pwede. Pero bubunutin muna yung deciduous tooth.
thank u po doc.. bubunutin muna po ba ung milk teeth tapos lilinisin tas papastahin ung mga dapat pastahin at pag kagaling ng binunot na ngipin saka pla ipro proceed ung brace?tnx po doc!
Yes.
doc, iloveyou :*
Oks. http://www.askthedentist.tv/faq/
doc, ndi po yan tanung..hehe why oks ang sagot nyo?
Hehehe! Dahil hindi tanong.
kaya nga po doc ndi yan tanong.. hehe.. ilan taon na pala kau doc? 🙂
17. http://www.askthedentist.tv/faq/
doc, iloveyou? ayan doc tanung na yan..hehe..peace doc..crush lang kc kita ehh..
Alright. 🙂
doc tanong q lan pwede po bang bunutaan ng ngipin ang taong may high blood pressure?
Clearance muna from your physician.
gud day po.ask ko lang po kc nagpabunot ako ng magkatabi na bagang,paguwi ko po napansin ko na may tira pa..kaya bumalik po ako sa nagbunot sken..sabi nya ganun daw talaga un socket daw po un..totoo po ba un?kc sa libreng bunot lang po kc..
Kadalasan ganun. Buto nga yun na napagkakamalan ng pasyenteng ngipin. Kung gusto mong makasiguro, magpa-x-ray ka.
Good day doc..i just would like to ask, if ok lang ba na magpabraces pag bagong bunot ang ngipin?.. i mean is, like example nagpabunot ako ngyon araw then ipapasabay ko na ung braces.. thank you
Braces ba ang tinutukoy mo. Pinagpaplanuhan ang braces. Hindi ito yung “Uy makapagbraces nga mamaya”, tapos biglang kakabitan ka nang agad agad.
yup braces po.. so, i need to consult to a dentist first.. pero if ever man, pwd ba un?.. thank you
Yung dentist mong magbibraces ang madidecide ng gagawin niya.
Good day Doc. ok lang po ba sa post graduate dentist ako magpabrace?
Oo naman. Magagaling sila. Aprubado. Tell your dentist about this website.
Sure Doc.. Salamat 🙂
Oks.
doc ,balak ko sanang magpabunot ng apat na ngipin ko dito sa baba .kazi sira na ,pagminsan masakit .malapit narin kazi pasukan ,pwede po bang 2 weeks lang pagpapagaling ko sa gums ko ?bago pwede magpapustiso ?zabi kazi papa ,1month bago pede lagay pustiso ,para mas ok daw ?
Okies. Nadoble comment mo.
ok lang po ba ? 🙂
Yes.
hi doc.. gudpm po.. gling po ko knina sa clinic..sabi po sken ng dentista kht wla muna dw ung xray ko.. ok lang po ba un doc khit mauna ung brace kht wla ung xray? thanks po doc..
Pwede kang magpalit ng dentist kung gusto mo.
ibig sabhin po doc mali ung process nya ng pag gawa ng brace?tnx po..
Wala akong sinasabi. Common sense na lang gamitin mo.
hi doc.. my baby po ako mag 4 years old na siya this September, bungi po ung harap ng teeth nia mga 4 po ata ung bungi s harap, mga ilang taon po b ulit tutubo ung teeth nia s harap? last year lng po nabungi ng ganun.. thanks po!
7
gud pm po doc..ilang taon po ba pwedeng bunutan ang bata??7 yr old pede na po ba?
Kung papatubo na ang ngiping kapalit.
Hi Doc,
pwede ba ung magpa bridge sa harap tapos lagyan ng brace?
Pwede. Pero, dapat makahanap ka ng magaling na dentist.
Doc! Good day! by next week po lalagyan na po ako ng braces! nung isang araw po binunutan na po ako ng ngipin, kaya lang kahapon nabinat po ata ako kasi biglaan po yung punta ko ng school parang natatag po ata ako tapos kaninang umaga mejo nilalagnat po ako, tas pagtingin ko dun sa may gilid nung pinagbunutan parang di naman sya sugat pero para syang kamuka ng singaw? bakit po kaya nagkaganun? ung isang side po di naman nagkaganun? nakalimutan ko kasi kunin ung contaks ng dentis ko kasi nawala ang cp ko, tsaka ilang months ko po makikita ung improvement ng ngipin ko kpag may braces na? salamat doc sa replay!
Nagkaganun kasi isa kang normal na tao. Hindi magkakaganun kung may lahi ka ng Spartan.
Good am doc, yong friend ko po kasi nagpatooth reshaping, ask ko lang po if pwede magpabrace after tooth reshaping.thanks doc
Pati friend ko nagpatooth reshaping. Sagutin ko lang din na oo pwede.
Ah okay po! Thank you po for your normal answer! lol. ilang days po kaya yun bago gumaling?? nahihirapan kasi akong kumain dahil sa separator tapos nadagdagan pa nung mukang singaw na yun! Salamat sa replay!
Huwag mong pansinin at gagaling agad yan.
Hello po. Nagpapasta po ako khpon sa lateral incisor ko, malaki npo ung butas. Sabi ng dentist kya pa naman daw cguro ng pasta kya pinastahan nya. Pag sumakit daw po ipa x ray ko pra mlaman kung klngan ng root canal. Ask ko lng po anong kind ng xray ang klngan. Panoromic or periapical? Mgkano po ba ung ganong xray?
Periapical. Mura lang yan.
Doc nagpapasta na po ako. Nung dinner po, ntamaan ng spoon ung ngipin ko nakakapasta lag. Pero d naman po gnun kalakas. After nun naging sensitive na sya. Medyo sumasakit sya kapag nalalagyan ng konting pressure. Kapag hinahawakan ko at ntatamaan ng dila ko sumasakit sya. Bakit po kaya?
Base sa kwento mo ay alam mo na ang sagoot kung bakit.
Good day. I would like to know how much Invisalign and Lingual brackets usually costs respectively? Do you have any recommendations on places where I could get them done?
Depende yan sa lala ng kaso. Hanapin mo pinakamalapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
hi doc. anong treatment po pwede sa ngipin na puro tooth decay na kulay yellow lng naman po hindi ung black?
Ipapasta mo.
good day doc! ask ko lang ano magandang sa ngipin ko,may tumubo kasi sa likod nung isang ngipin ko sa lower part? thank you!
Ipabraces mo.
Aw, hindi po ba owede bunutin na lang?
Pwede. KUng yan ang gusto mo. Sa totoo lang, pwede bunutin lahat ng ngipin mo, kung iyan ang gusto mo. 🙂
haha noted! thanks doc! 🙂
No problem.
Hi doc, sa baba po ng ngipin ko my isa pong sungki. Pwede po ba un ipabrace at taas at baba po ba ang braces kahit sa baba lang ang my sungki?
Taas at baba lagi ang braces.
hi doc. goodafternoon po. gusto ko po sana magtanong kung puwedeng magpa brace kahit na pustiso na yung nasa gilid na ngipin ko. pinapabunot ko po kasi kapag sumasakit. 6 na po missing sa ngipin ko ang sabi din po kasi nila na dapat magpapustiso ako para hindi umurong yung mga ngipin ko. salamat po.
Pwede, basta makahanap ka ng magaling na dentist. Yun lang mahal. Kasi mahal talaga ang bayad sa magagaling. Binabayaran mo ang kagalingan nila.
Hi doc. Di ko alam kung pano iPost yung question. lol.
So eto yung tanong ko na may kwento,
Nung 10 yrs old po kasi ako nadapa ako at nabunot yung ngipin ko sa harap (right side)
Tapos after 2 months ko lang siya napalagyan ng pustiso so medyo lumiit na yung space.
Tapos po nung nagHighSchool ako, ginawan na lang po ng paraan, sinubstitute yung ngipin na katabi ng may bungi, nilagyan ng pasta at ginawa na nga siyang kapares nung ngipin ko sa harap. Ngayong magcocollege na ako, binawasan ng konti yung pasta nung ngipin ko at pagdidikitin na lang daw po. Ayos lang ba yung ganun? Kasi medyo malayo na sa midline yung ngipin ko sa harap eh.
Nasagot ko na ang tanong mo sa FB.
Hi doc, so may wisdom tooth po ako ngayon. Lower left, swollen pa sya. Pwede po bang patanggalin kahit swollen?
Punta ka sa dentist. Ipakita mo. Riresetahan ka ng gamot. Sasabihan kang magpaxray. Ii-sched kung kelan tatanggalin yang ngipin mo. Iinumin mo yung nireseta. Pag dumating ang araw ng schedule mo, saka tatanggalin.
good day doc.. ask ko lang po nakakapantay ba talaga ng teeth ung pagpapabrace? kasi hindi mejo hindi pantay teeth ko sa baba lalo na yung lower front teeth ko, nagconsult ako dentist kanina sabi po nya pabrace ko daw kasi may kulang sa unahan ng teeth ko kaya daw nagalaw ung mga ngipin ko kaya hindi ng papantay.. well as ordinary person nashock ako na ngalaw pala ang teeth espicialy kapag my kulang ito?? ask ko lng po if mga magkano aabutin nung pa brace ko dun po sa baba tska mga ilang months or years po bago mag align teeth ko kpag nakabrace na? maraming salamat po doc. godbless
http://www.askthedentist.tv/braces-cost-philippines/ . Kung ilang taon ay depende sa lala. Pero usually, 1 to 2 years.
Hi Doc, Magtatanong lang po, Yung two front teeth ko po kasi sira po kulay itim, Ano po ba magandang gawin sa sitwasyon ko po, At pwede po bang malagyan agad ng pustiso pag katapos mabunutan ng tatlong araw salamt po Doc thanks in advance.
Ipapasta mo kung kaya pa pastahan.
Ano po mangyayari pag pinapastahan ko mawawala po ba yung sira na kulay itim?
Depende sa dahilan ng pangingitim.
e dok, gaano naman po itinatagal ng pagpapasta sa ngipin bago ito matapos?
Depende sa kung gaano ka kumplikado ang papastahan. May pinastahan akong ngipin dati na sobrang kumplikado, 1 and half hours din.
hello po tanong ko lang doc kasi magpapabrace na sana ako, naalala ko ang sabe niyo po ang braces lagi dapat upper and lower. Yung dentist ko lower lang ang brace ayun nagdalawang isip ako bakit po sya pwede ganon?
Ang sagot ay alam mo na. Hindi lahat ng dentist magaling.
Hi Doc, ask ko lang po kung anong usual na antibiotics at dose para gamutin yung tooth abscess. Nabasag po kasi yung molar ko eh, tsaka po doc may mga dentist ba na pumapayag installment yung payment? Thanks!
Pumunta ka sa dentist at ipakita mo muna yang kalagayan mo.
Goodmorning doc, meron kasi ako isang ipin na missing, central tooth. Ipapa bridge ko po sana sya, sinisingil po ako ng 1,8k porcelain ang isang ipin.. Apat po ang aayusin na magkakatabi pra daw pantay. Parang namumurahan po ako at baka pangit ang gawa nya
Mukha nga. Pero ikaw ang bahala kung gusto mo subukan.
Doc, bothered lang po ako kase mabaho po hininga ko. Dati po akala ko kase may mga sirang ngipin ako.. pero napapasta at napabunot ko napo lahat ng sirang ngipin. naka jacket crown po yung isa,, tapos yung isa po temporary pasta muna. Akala kopo after kopo mapaayos eh ok na.. kaso meron pa din po. Ano pokaya pwede ko gawin. Salamat po.
Ano ang sabi ng dentist na nakakita sayo. Magsend ka ng panoramic x ray sa fb ko.
Doc,
I am planning to have braces here in KSA but the thing is, i might not go for a regular check up with the dentist because of conflict sched. Is self-ligating braces would help me on this since i heared that this kind would not require you so much of dental appointments?What is your say about this?thanks and appreciate your advice.
No. Mas mabuting wag ka na lang magpabraces kung mahigpit talaga ang sched mo.
how often would it be to visit the dentist?thanks
Every 6 months. Pero kung nililigawan mo ang dentist mo, araw araw.
Pano po kung pustiso po ung taas? bali sa harapan po ung pustiso?
tapos po ung baba hiwahiwalay ung ngipin. Thanks!
Malabo ang tanong mo.
Meron po akong pitting sa molars pero hindi naman discolored, hindi rin siya masakit yun lang sensitive siya sa malamig or mainit. This week ko lang po siya napansin. Kailangan po bang ipapasta? Magkano po ang estimated average rate ng pagpapapasta sa Quezon City? Thanks.
Mas mabuti, punta ka muna sa dentist at sabihin mo sa kanyang na nangingilo. Malamang hindi yan for pasta. Madalas ang dahilan ng pangingilo ay periodontal problem.
pwede po bang magpa pasta during buntis po ba ?
salamt po 🙂
Oks.
Ipagpaliban mo muna. Pwede magpalinis ka ng ngipin. Tapos alagaan mo ng brushing habang buntis ka.
ask ko lang po. I am planning po kasi next month na magpabrace.. May binunot po aqng tooth 2years ago. Start sa 2ngipin sa center tas pang apat ung wala na akong ngipin possible po ba na mag adjust ung pang limang ngipin q para lumiit or mawala na ung spaces dulot nung pagkabunot ng pang apat ko na ngipin sa upper?
Depende sa gusto mo at diskarte ng dentist mo.
Kasi po nahihirapan na aq tumawa,magsmile ng walang tinatago… Possible po ba un.thank you po
Possible.
Thank you po…
Another question:As you have said po sa iba nauuna po ang pagpapapasta b4 brace..eh anu pong mauuna magpadental cleaning or magpabrace?
Ang cleaning ay before, during and after.
Mga ilang years naman po usuot ang bace if gnun po ung situation na gusto ko pong mawala ung space dulot nung pagkabunot?thank you po ulit
Hindi isinusuot. Ang braces ay inilalagay.
As you have said po sa iba na nauuna ang pasta before brace.eh pagmapapadental cleaning po anu mauuna?brace or dental cleaning po?
Ang cleaning ay before and during. And after.
HI DOC IM BACK! Ano pong gagawin sa ngipin kapag ganito? 🙁http://i1003.photobucket.com/albums/af157/Camxhie/IMG_1742_zps9979a5db.jpg%5B/IMG%5D%5B/URL%5D
Madami akong nakikitang problem diyan. Ano ang problema mo diyan, yung brown?
Ano po yung mga problema? Yung butas po sa front teeth ko. Hehe.
Ipapasta mo.
Doc pwede po bang itanong kung ano po ang mas ma recommend nyo, yung self ligating or traditional braces? Yun po bang self ligating ay pinapalitan ang wires or kung ano na po ang ikinabit nung una yun na din ang wires until matapos ang procedure? Would appreciate your help.TY
Mukhang hindi magaling ang mag-oortho sayo. Humanap ka ng ibang dentist para maipaliwanag niya sayo yan ng mabuti.
Doc natangal un ngipin ng anak q sa taas number 8 ata un permanent na sya mg 10 yirs old sya tutubo pa kaya sya ? Salamat po
Alam mo yata ang sagot sa tanong mo. 🙂
Maari po ba tumubo pa un natangal na permanent teeth ng mg 10 yirs old na bata un ngipin sa taas gitna.ng woworied ksi aq doc if tutubo pa salamat po.
Mukhang alam mo na ang sagot sa tanong mo. Pero kung gusto mo makasiguro, ipa-panoramic x ray mo.
Hello po.ask ko lang po what does it mean pag sinabi nung dentist na class 1 and moderate?anu pong gagawin nila sa teeth ko?thanks
Syempre tatanungin mo dapat kung ano ang gagawin nila sa teeth mo. Yung dentist mo at ako ay magkaibang tao. Kaya yung “gagawin nila sa teeth” mo ay hindi ko alam.
Eto nalang po pla.mas magandang tanong..anu po ba ang ibig sabihin pag class 1 at moderate ang teeth mo?
May classification ang malocclusion. Isa yan sa klase. Ang maipapayo ko sayo, itanong mo yan sa mag-o-ortho sayo. Para maintindihan mo, kailangan ng demo.
Ahh gnun po ba?cgue po salamat. 🙂
Oks.
Doc, yung 2 ngipin ko po sa unahan eh nabasag.. yung isa po nauga na.. ayoko naman pong magpa- denture.. kc po sabi po saken dati nung dentist na nakausap ko po panget daw po saken ang denture.. ano pa po ba nag pwedeng gawin?
Ipaxray mo muna. Makikita doon kung anong pwedeng gawin para masave yan.
Pwede pa po ba tumubo ang ngipin sa taas kapag nagpabunor
Ilang taon ka na? Anong ngipin?
14 yrs old po
Mga bulot at sirang ngipin po
Anong ngipin?
Kahit anng ngipin po sa taas
Oks.
Doc, kung ipapabunot po ba yung 2 ngipin sa harapan.. ilang days po bago po maisuot yung denture??
Depende sa klase ng pustiso at goal ng pustiso.
Doc, what can I do if my upper teeth are not horizontally aligned with my lower teeth? Patagilid po ung nasa itaas…Nadadaan po ba sa braces to?
Braces.
Doc, magpapabunot po sana ako last week ng molar ko na sumakit last month. Napostpone po dahil hindi ko kaya ang sakit ng pagbunot, kahit tatlong (vials?) anesthesia na ang inenject. May abscess ata kaya now I am undergoing premed. 7 days amoxicillin 500mg, with mefenamic acid if sumasakit. By the way, may previous filling na to, amalgam. Nabutas ata ang gilid kaya sumakit. Pwede po bang ipa tooth filling even though sumakit na ang ngipin? Mahal po kasi ang root canal, at molar pa nman. Baka extraction lang ang kaya ko if di pwede ang tooth filling. Tnx
Hindi pwedeng pastahan ang ngipin mo. Ipabunot mo or RCT.
Pwede po ba akong magpabunot ng ngipin?nanganak po aq may 6, 2013 in caesarian section! thanks po sa response…
Yes.
Gud am! Doc ask ko lng po pwede na po ba.ako magpabunot ng ngipin? mag 2months na po akong nkapanganak in caesarian section???salamat po sa pag response nio…intay ko po sagot nio!
Pwede.
Doc, pwede pa po ba ipa- tooth restoration ang nauga ng ngipin sa harap???
Magkano po ba ang pa restoration ngayon?? tnx..
Hindi, umuuga na eh. Malaki ang problem mo oras na umuga.
good day, Dra.!
gusto ko lang po malaman ano ba tawag sa procedure na lalagyan or papalitan yung nawalang ipin? ayaw ko po kasi ng pustiso. pang-six po from center, left and right yung wala kong ipin, lower po.
thank you so much for the time.
Ipafixed bridge mo. Hindi ako Dra.
Ano pa po ang dapat gaawin dun??
Ipaxary mo tapos send mo sa FB ko para makita ko.
just want to add this for you, gusto ko kasi wala spaces sa mga ipin ko.. hehe.. thanks!
Oks.