Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
Itanong mo sa Dentista!
Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!
ask ko lng po ,hindi na po ba pwding mgbrace pag ngpafixbrige na??
Pwede.
eh kung my jacket pede pa bang mg p brace? 2 jacket k s front bt sb ng dent. ko d n dw pede i brace ang my jcket kc d dw mg mmove yung mga ngipin
Pwede. Sabihin mo sabi ko. 🙂
doc , meron po akong 1 bulok na ngipin sa harap tapos nag-crack na po siya , kalahati nalang yung natira. sa baba , 5 ngipin na lang yung walang bulok , sa taas 2 ngipin na lang. lahat ng molars ko may cavity na. Anong treatment po bagay sa akin? I-pustiso ko na lang po ba lahat? o may pag-asa pang hindi ipabunot ? ipa-pasta na lang. ayaw ko po aksi magpabunot ng ngipin.
Punta ka muna sa dentist ng malaman kung pwede pa pastahan. Kung naagsuggest na bunutan ka, ipa-x-ray mo ang mga ngipin na isinaggest na bunutin at isend mo ang x ray sa FB ko.
good day doc. tanong ko lang kung delikado ba ang magpabunot ng sungking ngipin sa may bandang unahan ng mga ngipin ko sa itaas. at saka ano po ang pwedeng gawin para masolusyunan ung malaking space sa pagitan ng aking ngipin? salamat po
Hindi delikado. Pero kung may sakit ka, siyempre delikado. Para masolution-an ang space, braces or Prosthodontic treatment. Send ka ng photo sa FB ko para makita ko.
hello po=)… Doc, ang mga bagang (up and down) po ba ng isang 8yo eh magpapalit pa o un na po talaga ang mga bagang nya til pagtanda?? bale, since nung tinubuan po sya ng mga ipin eh un na po ang mga bagang nya,.. Ung mga front teeth (up and down) po nya now are permanent na, natanggal po ung mga milk front teeth nya dati.. thanks in advance po=).
Ipa-x-ray mo para makita.
doc normal lang po ba na sumakit yung mga katabing ngipin ng binunot na ngipin kapag kumakagat?
Kung after 3 days hindi nawala ang pananakit, ipakita mo sa dentist na nagbunot sayo.
Hi. Binunutan po ako ng 2nd molar last Thursday and medyo namamaga po yung site kung saan ako binunutan and parang lahat tuloy ng ngipin ko masakit. Umiinom po ako ng antibiotic and dolfenal. Ang mga tanong ko po: (1) Normal po ba tong parang sumasakit po lahat ng ngipin ko after extraction?; (2) Gaano po katagal tatagal ang sakit at ano pwede gawin para mabawasan ang pamamaga?; (3)Mayroon pa po akong kailangan ipa-pasta na ibang ngipin, pwede na po ba siya ipapasta ngayon o kailangan po ba maghintay hanggang mag-hilom yung binunutan kong ngipin?; (4)Magkano magpapasta? Salamat.
1) Bilhin mo ang iniresetang gamot.
2) Kuha ka ng isang baso ng tubig, pwedeng dalawahin mo.
3) Kunin mo ang binili mong gamot.
4) Lunukin ang gamot at lagukin ang baso ng tubig at maghintay gumaling.
5) Magisip ng masasayang bagay para hindi mastress at kalimutan muna ang pagpapasta.
6) Kapag nagsara na ang sugat, isipin muli ang pagpapapasta, at bisitahing muli ang Ask the Dentist website.
eh ok lang po ba na may pumasok na pagkain sa binunutan?,, tina try ko kasi tanggalin pero masakit.
Malaki ang probability na hindi pagkain yang tinatanggal mo. Malamang na yan mismong bagong tissue na unti unting tumatakip sa sugat na ang tinatanggal mo.
pero kung pagkain po? ok lng??
medyo maitim po ba tlaga ang kulay??
Ano ba ang kinain mo kanina? Kumain ka ng pink, magiging pink yan. Hehehe! Ok lang yan. Ayaw mo yun, mabubusog at tataba yang sugat mo.
hehe sge tnx po xD pero 2 days na po syang black
Oks.
Sir , totoo po ba na kapag pina-pasta ang ngipin yung loob daw ng ngipin ay mabubulok pa rin ? hindi lang daw mahahalata kasin nga natakpan na.?
Nasisira ang ngipin dahil sa kapabayaan ng nagmamayari ng ngipin. 🙂
Hindi porke napastahan na hindi na masisira o magkakaroon ulit ng caries. Kung isang beses kada taon ka lang magbrush, asahan mo mabubulok talaga ang ngipin, may pasta man o wala. 🙂
Hi Doc,
I had an accident when I was around 7-8 years old (I’m now 28, btw). I was pushed by a playmate to the ground face first. Na open yung gums ko and it bled heavily. I was never sent to the hospital kasi wla parents ko nun for a few weeks. Nilagyan lg ng ice and after a few days, it closed on its own but since then, my gums looked totally unhealthy – scary, if you will. As I grew older, my gums grew darker and when I smile, my dark gums show. It’s protruded and it’s like it has covered almost half of my teeth’s length. Help! This has been bugging me for years – I am unable to really smile with teeth exposed in person and in pictures because of it. I look like a monkey when I smile. As in ganitong ganito sa pic: kinross19. blogspot. com/ 2008/ 02/ monkey-smiles.html Promise. Haha help. I’m a woman and I like to be able to smile without being really conscious. Plus it’s causing teeth problems.
Can this be fixed? My mom mentioned braces to push the teeth and gums back but I’m not too sure.
Looking forward to hearing from you. Thanks in advance!
Rachel
Please send me a photo. Photo ng smile tapos send sa FB. Interesado ako sa case mo.
Like mo yung FB page tapos send through PM.
Doc?
Oks.
doc baka may recomend kayung dentist dito sa vigan city ilocos sur
Wala. Sorry.
good day doc,nagpalinis po ako ng ipin sa dentist,then nadtanung po ako kung pwede akung mag pabrce kahit na pustiso yung 4 na upper front teeth ko,sabi nya po pwede,kaso yung lower part lang po daw kasi nakapustiso daw po yung upper part,bale papa bridge nalang po daw yung pustiso pag tapos na daw po yung duration ng treatment para sa brace,ang tanung ko po,ok po ba ang kalalabasan nun? salamat po doc…
Ang ka-ok-yan ng kalalabasan ay depende sa galing ng dentist mo at base din sa paningin mo. Salamat din ely.
pero ok lang po ba na sa lower part lang yung lalagyan nya ng brace,natatakot po kasi ako,baka di na pantay ang kagat ko pagkatapos ng duration ng braces,ask ko rin po sya kung need kong mag pa x-ray,sabi nya no need na daw kc simple case lng naman po daw yung akin,binunut na po nya yung sirang bagang ko kanina bale balik daw ako nxtweek sa kanya pag naghilom na yung sugat nung binunut nya na ipin,ayaw ko pong magsisi sa bandang huli,salamat po ulit doc,god bless you po…
Upper at lower lagi ang braces. Kailangan ng panoramic x ray sa braces. Maghanap ka ng ibang dentist.
salamat po doc,dina ako bumalik sa kanya hehe
Oks.
Kung ayaw mo maniwala, see this photo: http://www.askthedentist.tv/cheapest-lower-braces-cost-philippines/
Hayaan mo gagawa ako ng FAQ. Para may guide ang pasyente.
doc pwede po bang ipaall ceramic crown bridge yung upper teeth ko,may isa po akong missing teeht sa front at gusto ko pong ipa crown yung 5 sa harap ksi hndi po pantay ang kulay 🙁 tska doc yung gums ko po sa missing teeth parang lumubog na po, pwede ko po bang ipa bone grafting yun para mas maging natural syang tingnan. magkano po kaya ang aabutin, thanks po!
Pwede ang lahat ng sinasabi mo. Basta may pambayad ka sa gagawa. Hindi talaga pantay ang kulay ng bawat ngipin ng tao. Pero kung sobra sobra ang hindi pagkapantay ng kulay sa ibang ngipin, possible na patay ang ngipin mong naiiba ang kulay. Hindi lang crowns ang solution sa problema sa kulay. Kaya mas mabuti kung makita ko.
May malinaw ka bang camera? Smile ka, tapos litratuhan mo ang smile mo at isend mo sa FB ko. I-like mo ang FB ko para maipm mo yung photo sa akin.
Saan ka ba sa Pilipinas?
pwede po bang mgpabunot ng ngipin ang nursing moyher?
Consult your physician first.
hi po. asko lang po if pano po kung medyo may puti puti ung ngipin pero yellow po lahat ng kulay? ano po pwedeng gawin? tnx
Send ka ng photo through FB.
Hi doc. Matanong ko po. Masakit po pa ang magpa RCT? Mababa po kc ang pain tolerance ko. Eh kinakabahan po ako. 🙁
May paraan kung magaling ang dentist mo.
Masakit po ba*
Hmm mga ano kayang paraan po ito? Para kung sakali ireremind ko nlng po sa dentist ko if ever. Thanks po.
May paraan kung magaling ang dentist mo. Walang paraan kung hindi magaling ang dentist mo. 🙂
Doc, this coming sat po, dadalaw ako sa dentist e. manila area po. san po kaya may mura at muhasay. magpapa brace po sana ako. at RCT.
PM mo ako sa FB.
Good evening Doc. 1. ang ipin po ba na may sira na at gumagalaw ay dapat ng bunutin? 2. hindi na ba kayang isave talaga? sabi kasi ng dentist ko bubunutin na daw kasabay ng isang ipin (pangil) na kadikit niya na gumalaw at nagcause ng malaking space.
Pwede pa isave, pero gagastos ka ng mahal. Malamang na gagawin para masave iyan ay perio treatment tapos kung mababa na ang buto, magbobone graft. Malamang na may periodontal problem. Madalang ka magtoothbrush at madalang ka pumunta ng dentist kaya nagkaganyan.
Hello po, sungki po kc ung teeth ko sa harap at 3 front teeth mau sira na..pwed po bang ippasta and braces po?
Oo.
may sungki po ung teeth ko sa harap at 3 sira na po..pti magkabilang gilid pwede po ba ipabraces?
Yes. Papastahan muna tapos braces.
Hi Doc, okay lang po ba mag pa brace kahit halos lahat ng bagang ko ay puro pasta na po?
Oo, ok lang.
good evening po doc..itatanong ko lng po kung pwede pa po ba mapastahan ang ngipin na may butas malapit sa gum line.hindi nman po siya sumasakit.
Pwede.
Good day po doc. May jacket po yung 2 front teeth ko. Pero nangingitim po yung enamel nya. Pano po ang pwede kong gawin? Thank you.
May jacket ka, paano mo nasilip ang enamel?
Naku doc sorry. Di pala enamel.haha… Gums ko po yung nangingitim. Di ba po kinabit na yung jacket. Yung gums kung san nakadikit yung jacket e nangingtim. So pag nag smile ako halata na jacket yung 2 front teeth ko. Kasi nga iba yung kulay nung gums nya kesa sa mga ngipin ko talaga. Need ko po ba ipagawa ulit?
Oo. Kailangan mo palitan na. Sabihin mo sa dentist mo kung ano ang gusto mo para alam niya ang gagawin. 🙂
salamat po ng madami sa pag reply. =)
doc, ganon po ba talaga ang jacket? nangingitim po tlg yung gums na pinagdikitan? porcelain na po yung jacket ko. kung ganon po yung jacket, wala na po bang ibang alternative na pwede kong ipagawa sa ngipin ko? para naman po gumanda tignan…
tsaka nasa ibang bansa po ako nagtatrabaho tapos nasa pinas yung dentist na gumawa nitong jacket ko. pag dito po ako nagpa dentist, ano pong papagawa ko sa ngipin ko para naman po hindi sya mangitim like nung present jacket ko.
salamat po ulit. =)
May paraan para hindi mangitim. Malaki ang probability na hindi ka tinuruan kung paano linisin ang crowns mo. Porcelain fused to metal crowns yang pinagawa mo. Ang pangingitim ng crowns ay nakaddepende sa ilang factors. I-PM mo ako sa FB for more info.
tama ka doc. wala pong binanggit sken kung pano sya linisin. pwede ko po makuha fb page nyo? salamat po ulit ng madami. =)
Yan nakalink. 🙂
Thank you Doc. =)
No problem. 🙂
doc ask po sana ako..yung 2 front teeth ko po kasi, atras yung isa tapos forward yung isa.haha. tapos hindi po ako pantay mag bite..ano po ang mabuting solusyon dito doc?mahal po kasi ng braces.. dyahe rin naman mag smile kasi hndi nga pantay ipin ko..help po doc:(
Ang mabuting solution ay braces.
hindi po kaya sumakit ang ngipin kung puro pasta na kapag may brace? actually nabunutan na po ako ng dalawang ngipin sa bagang sa baba po.
thanks po in advance sa replay
Ibrace man o hindi, possible sumakit ang ngipin may pasta man o wala. Madalas akala ng patient porke napastahahn na ay hindi na masisira pang muli ang ngipin nila.
Doc, pwede ba magpa braces eventhough mei kulang ako na ngipin sa dulo na dalawa, tas yung front tooth ko naman galing pasta
Oo.
Doc gaano po ba kagatal para maging pearly white ulit and ngipin kapag nag pa oral phrophylaxis? Makukuha po ba sa isang buwan kasi extrinsic stains naman po ang pagkadilaw ng ngipin ko. Magpapa- brace din sana po ako. Dapat po bang unahin ko muna pagbrace bago ung pagpapaputi?
Thank you po!
Talaga? Extrinsic? Paano mo nalaman? Hehehe! Try mo magpaoral prophylaxis, kung hindi ka kontento, tanungin mo kung nagteeth whitening ang dentist mo. Unahin mo ang braces kaysa teeth whitening. Unahin mo ang oral prophylaxis kaysa braces. Kung ang nagoortho sayo ay nakapagaral ng orthodontics, ang una niyang gagawin ay oral prophylaxis.
Ah ganon po ba. Baka kasi magastusan sa braces kung sasakit lang pala ng bongga ang ngipin ko. pero normal lang po ba talaga yun? may naging patient na po ba kayo na puro pasta po halos lahat ng bagang?
Ano ang tinatanong mong normal? Halos lahat ng pinoy may sira o may pasta ang bagang o kaya’y nabunot na.
Pasensya kana po Doc. Balak ko po kasi magpabrace by next month kasi super panget ng front teeth ko. then, puro pasta nga po ako, actually naagapan ko na mga teeth ko sa bagang gawa po natanggalan na ako ng dalawang ngipin sa bagang sa baba. salamat po Doc!
Oks.
ask ko lang po doc. ung right na central incisor, top (front right top) ko is nabunot few years ago. Then, this week may plano na akong mag pa braces, actually this week na ikakabit. Ang sabi ng dentist ko is ung Right lateral ay iuusog papunta sa gitna tas lalagyan ng crown para mag mukang central incisor. Ano po ba pwedeng gawin kasi bnigyan nya rin ako ng option na i le leave ung space na bungi para after ng braces tsaka ako mag pa lagay ng implant. Hindi ba weird na ung right lateral iusog which makes my upper teeth imbalanced? Thanks po
Possible yung 2 option na binigay sayo. Naisip ko, kung kaya mo magpabraces, kaya mo ding magpaimplant. Base yan sa pondo mo, magkano ang braces, 40K pataas. Ang implants 70K. Kayang kaya mo yan.
Yes, depende po tlaga sa budget, Nakuha ko po ung braces ng less than 20k then tatanong ko kung magkano aabutin ng implant and if kaya, i’ll stick with that option. Ung isang option naman po, hindi ba weird na ung right lateral iusog which makes my upper teeth imbalanced, ung physical na appearance ng teeth at tsaka ung feeling na pag nag dikit ung teeth, di ba nakakapanibago? thanks po.
20K? Duda ako. Hehehe!
[Edited part]…. meron rin akong friends na ung dentist ko rin ung gumawa ng brace nila,. Ano po ung sa tanong ko sa taas ^ :))
Good. Sumasangayon akong magaling ang dentist mo at mabait. In-edit ko ang reply mo para maging fair sa ibang dentist. Ang sagot ko, kung ako ang pagpipiliin mo, implant option ako.
Pero kung sakaling pakikilusin ang lateral papuntang central, may option ang dentist mo. Kung mahaba ang root ang lateral mo, pwedeng gumawa ng crown namukhang central at maliit na pontic na mukhang lateral para maging cantilever bridge. Pwede ang cantilever sa kaso mo provided na ang pontic ay maliiit at may contact sa canine. At ang pontic walang contact sa babang ngipin. Pwede ding fixed-fixed bridge sa kaso mo, ang abutment ang canine at lateral na napunta sa position ng central. Pero kung ako ang dentist mo, magdadalawang isip ako kung gagawin kong abutment ang canine mo, paano kung walang sira ang canine mo, hindi ko yan isusugal na maging abutment. Sayang din kasi. Ang principle diyan, kung intact ang ngipin at may ibang option, mas mabuting pabayaan ang intact na ngipin. Kaya sa tingin ko, ang option na iniisip ng dentist mo noong sinabi niyang crown, crown yan na mukhang central at may maliit na pontic na mukhang lateral.
Possible ding crown nga lang na mukhang central at walang pontic. Ang reason, may mga tao talagang hindi tinubuan ng lateral. So, okay lang na may kulang na isang lateral wag lang central.
Pero ang pinaka-ok na option, dental implants pa din.
Sa tanong mo na kung nakakapanibago, siyempre maninibago ka. Lahat naman ng kinabitan ng braces, maninibago. May mababago eh, siyempre maninibago ka. Kung may mababago at ang pakiramdam mo ay maniniluma, yun ang weird.
Whoa, thanks doc. I kakabit na ung braces ko mamaya at excited ako. lol. Naliwanagan po ako sa reply nyo . Maraming salamat po =D
No problem.
Doc I just had my molar extracted, pero ayokong magpa-bridge. Yung thought na babawasan ang healthy kong ngipin eh nakakatakot. Haha. Can I just leave this? May patubo naman po akong wisdom tooth, won’t it take that empty space? Gusto ko man magpadental implant, nakakaloka naman yung price!
It’s up to you. Kung ako ikaw, ipapabraces ko na lang.
Also, nakakadepress pala doc pag may bungi ka na 🙁 Hahaha. Di na ako maka-killer smile (although di kita) Pero basta, nakakalungkot pa rin. Haha!
Molar? Hindi yan kita sa smile.
Hahahaha. Gusto ko po magpabraces kasi sungki talaga teeth ko, as in patong sya sa harap kaya di talaga ako makangiti sa picture hehehe, yun nga lang baka masakit sya gawa halos lahat talaga pasta ang ngipin ko, akala ko bawal mag pabrace kapag may pasta hehehe. Pero Doc okay lang ba yung ang mag lalagay braces ang walang license na Dentist?
Kapag sinabihan ka na bawal magpabrace kapag may pasta, magpalit ka ng dentist. Sa tingin mo, okay lang ba magpaopera ng puso sa karpintero?
Hahaha. Loko ka po Doc. By the way Thanks po. Kasi yung dentist ko piling ko wala pong license.
Walang anuman.
doc ung isang molar ko..basag na..pantay na cya sa gum line at nag cacavity na din…ung isa nmn po..nabasag sa may side..ano po gagawin dun ng mga dentist?
Kung gusto mo pa masave, RCT. Kung hindi na, bubunutin.
Pwede po ba magpa-brace kahit may kulang po sa teeth? I mean, nagpa bunot po kasi ako ng 1 ngipin last year and di ko pa po napalagyan ng kapalit. Okay lang po kaya yun? Pang 6 na ngipin po yung if mag start sa 2 middle teeth. 🙂
Sa upper teeth ko po yung may kulang. 🙂
Okies.
Oo.
what are the advantages/disadvantages of fixed bridge? balak ko po kasi magpalagay. thanks po.
Kung magaling ang dentist mo, magpafunction na parang ngipin at magmumukhang ngipin.
Sa bridge mas konti ang bone resorption. Hindi natatanggal ng patient. For more info, PM mo na lang ako sa FB.
Nasusuya ako sa tanong mo, para kang science teacher sa elementary. Hehehe!
Good morning po, I’m wearing dentures at the moment. 2 pangil sa taas at sa ibaba 7 na lang sa harap ang natitira sa mga ngipin ko. at luma na ang dentures ko. Gusto ko sana ipabunot lahat at palitan ng new dentures( semi fix) is it a right move? And also can you recommend dental clinic to do this type of work. Maraming salamat po. I’m planning to go Philippines this coming April 2013
Wag mo ipabunot lahat. Bisitahin mo ang recommended dentists : http://www.askthedentist.tv/clinics/
meron po ba sa gawing bataan?
Ang ano?
I mean doon po sa mga recommended dental clinic, kung meron sa gawing bataan? Thank you po.
Wala. Sorry.
good morning doc endodontist po ba kayo? panu po pag maliliit ang ngipin at parang manipis pwede pa po bang pumuti yung ipin ko since gradeschool pa ko caramel na ang kulay doc kahit nag totoothbrush dilaw? sabi naman ng doc na nakausap ko dahil daw naluto sa gamot kase may history kame sa lungs kaya marameng naiinom na gamot ewan ko kung totoo yun kaya naging caramel na dilaw na parang tartar lang na nakadikit na di naaalis ngayon 21 years old na ko may isang nawala na saken d na babalik yun T_T
PIcture-an mo tapos send mo sa FB.
PIcture-an mo, magsasuggest ako ng treatment. 🙂 Pero hindi ako ang gagawa ha.
doc nakalimutan ko itanong pahabol pwede rin po bang mag pa brace kahit may kulang na isa? thanks in advance doc
Pwede.
hi doc,,, ask k lng po pede po ba mgpa brace khit my space ung up ang down bago mg bagang? at pasta ung front teeth?
Oo. Pwede.
doc tanong lang po
1.anu pong mas mahal ceramic braces or metal braces?
2.every visit po ba sa dentist ang pag babayad ng braces?
1. Ceramic
2. Yes.
hi doc good eve po. Ask ko lang po sana if pwede ba magpabrace kahit wala ng molar brackets. Magkano po kaya ang estimate na aabutin sa payment? top brace lang po sana ang plano ko yung upper left central teeth lang naman po kasi ang may problema. Salamat po in advance sa pag sagot nyo.
upper at lower lagi ang braces. Maliban na lang kung complete denture yung sa baba mo.
ok lang po if wala ng molar brackets? opo complete denture naman po baba ko, yung ngipin q lang po sa taas yung sa harap, medyo pumapaleng. Medyo panget na po tignan. Salamat po ulit sa pagsagot.
Talaga ha. Hehehe!
ano po ok lang ba walang molar brackets?
HIndi binabraces ang complete denture. Hehehe!
Hi Doc,
Hindi po kasi maganda ang alignment ng teeth ko, nakausli po yung mga nasa itaas tapos po wala na din yung Central and Lateral Incisor ko sa left side. Naka dentures po ako ngayon eh sawang sawa na po ako sa dentures gusto ko po sana maisayos na yung mga ngipin ko at the same time hindi na ako gagamit ng dentures. Anu po ang pwede nyong i-suggest? ang hirap po kasi lalo na at yung trabaho ko ay yung nakaharap palagi sa tao. Thank you po Doc at sana po masagot nyo ang tanung ko.
Brcaes ka muna tapos dental implants. 🙂
eh doc ok lang po ba yun kasi nga po nkadentures ung Central and Lateral Incisor ko sa upper left po.. Pakipaliwanag po kung anung magiging proseso nya. and iniisip ko po kasi kapag nagbaces po ako prang ang panget po kung may bracket ung iba tapos ung dalawa sa unhan wala..Nagegets mo po ako?? Badly need your advise po.. Salamat po ng madami.. 🙂
Oo nagegets kita. 🙂
eh doc ok lang po ba yun kasi nga po nkadentures ung Central and Lateral Incisor ko sa upper left po.. Pakipaliwanag po kung anung magiging proseso nya. and iniisip ko po kasi kapag nagbaces po ako prang ang panget po kung may bracket ung iba tapos ung dalawa sa unhan wala..Nagegets mo po ako?? Badly need your advise po.. Salamat po ng madami..
Ok nagegets kita.
So paano na nga po yun doc?
Braces muna tapos implants.
Kapag maayos na ang ngipin mo pagkatapos ng orthodontic treatment, pwede ka na lagyan ng dental implants. Since ayaw mo ng removable denture, pwede sayo ang implants or fixed bridge.
doc ano po tawag sa ngipin na ipapabunot ko pero di pa sila nakalitaw? nkabaon pa po sila sa gums. magpapa fixed bridge po kasi ako. salamat po doc.
Nabali ba?
eh doc hindi po ba panget tingnan yung braces ko kc diba walang brackets na nkalagay dun sa central and lateral incisor ko. anu po sa palagay nyo?
HIndi yan papangit. Basta hanap ka ng magaling na dentist.
Effective po ba ang splint sa tmj? Or braces po agad?
Have a panoramic xray first.
hi po.. 22 y/o po ako, year 2007 ngpapasta po ako ng front teeth, then hindi naayos kaya kinailangang ipa-root canal, so after ilang years, napansin ko na ngkakaroon n ng discoloration sa teeth ko, expected naman daw po un sabi ng dentist after years.. Ngayon po, ask ko po sana anu magandang treatment para mawala tong discolored teeth ko? Hope u reply! thanks.
X ray muna para malaman kung ok pa ang root canal at masigurong walang impeksyon. Tapos crown.
magkano po pa ang aabutin pg nagpacrown kung one tooth lang?
5 thousand pataas.
doc, lalagyan din po ba ng brackets and wire ung dalawang dentures ko pag nagpabrace na ako? Doc, salamat ha, laki po ng naitulong nyo sa akin..Sana po masagot nyo ito.. 🙂
Hindi.
Hi Doc! tanong ko lang po. If bago po ba magpakabit ng braces kailangan talagang magpa xray? Nung nagtanong po kasi ako hindi na daw po kailangan. Salamat po. 🙂
Oo kailangan. Isipin mo na lang kung saan nagaral yung nagsabing hindi na kailangan.
Yung Dentist din po na napagtanungan ko yung mismong nagsabi nun. Ibgisabihin po ba nun, hindi sya okay na Dentist Doc? Salamat po.
Magpalit ka ng dentist.
magkano po ang palinis ng ngipin sa dentist? ska mtgal po b ung process n un?
Kung mula pagkapanganak ay hindi ka pa nagpapalinis, medyo mas mahal yan kaysa sa usual.
Gud day doc. Ask ko lng po. Gusto ko na po kasi palitan ang pustiso ko. Ayoko na po ng dentures 🙁 pwede po ba sakin ang jacket or veneers? Apat sa harap at 2 sa likod ng pangil ko sa right area ung ipin na blank sa bibig ko. Ano po ba pwede ko pagawa ? Thanks po.
Bridge. Pero kailangan ng kakaibang type ng bridge. PM mo ako sa FB for more info. IPM mo na ikaw yung galing dito para hindi ko mapagkamalang bagong tanong.
Ask ko lang po if pwede ako magpalit ng ortho. Mag 3 years na po braces ko up and down this May 2013 & wala pa po ako nakikitang magandang result sa teeth ko. Yung braces ko po di nilalagyan ng elastics and rubbers, may sarili na siyang lock. Lagi po kasi busy yung dentist ko kasi may business siya and di ko gusto talaga yung service na inooffer nila whenever na may check up ako or what. Parang weak din yung brackets kasi lagi natatanggal kahit soft lang yung mga kinakain ko. Pwede po ba magpalit ng ortho? & ano po mga kailangan gawin para dun? Thank you.
Yes.
Tapos kada tanggal ng brackets singil po ng 1500 tas after a week may natanggal na naman 1500 na naman po 🙁
Well. Kung wala ka na tiwala sa dentist mo, time to move on.
hello doc kailangan po ba talaga na palitan na ang amalgam fillers ng puting pasta?sabi po masama daw sa health ang mercurial content nito. tinanong ko din po yung pagppabrace cost 50k daw po hindi po ba overpricing yun?medyo nakaharap po kc ang ipin ko pero kumpleto naman at hindi sungki..please advise po salamat doc
KUng intact pa ang pasta at walang caries, hindi kailangang palitan. Within normal price ang 50K.
Hi again Doc,
I have 4 missing teeth (molars & premolars: 2 upper left, 1 upper right, & 1 lower left). ano po bang denture ang pinaka-healthy na hindi kailangang mag-sacrifice ng iba kong ngipin (implants not yet an option)? tsaka siyempre ayoko pong halatang denture kahit humalakhak pa ako (not sure if this is possible). salamatz 🙂
Removabla partial denture with one piece casting metal framework.
thanks po for the reply. what about the crown material? nakakasira daw po ang porcelain kaya plastic daw na mas mahal sa porcelain ang gagamitin niya (or maybe he was joking… long story).
tsaka sa kagustuhan ko po bang hindi ma-sacrifice ang katabing teeth eh may ibang masasakripisyo… like baka hindi healthy sa gums ung removable denture, etc.
pano ko po ba dapat iprioritize ang considerations for dentures? salamatz
PM mo ako sa FB, para hindi mabasa ang sagot ko dito at at dumami tuloy ang magaling.
thanks Doc! nag-PM na po ako sainyo sa FB.
Oks.
Doc wala naman kayong reply
Yes wala. Fake ang account mo.
Doc masyado kayong judgmental. dhil lang sa walang kakulay kulay ang FB acct ko eh fake acct na agad. eh di dapat pala may terms and conditions kayo dito na… for your queries to be answered, make sure you have a believably genuine FB acct.
hehe, peace tau Doc. sincere po talaga ako at kailangan ko ng sagot dahil gusto kong sulitin ang anumang ibabayad ko sa kapatid nyo sa larangan 🙂
Oks.
ano pong mangyayari kapag 2 porcelain teeth lng ang nilagay kapalit nung isang missing tooth.. may nabasa po kasi ako n dpat 3 ang ilagay. madali po b yun matanggal? tnx po
Depende. The rule is, ang tulay ay matibay kung dalawa ang poste. Kung ang tulay ay may isa lang na poste, ang tulay na ito ay kagitla gitla, na karapat dapat kang huminto at iappreciate ang moment dahil malaki ang probability na sa iyong pagbalik, wala na ang nasabing tulay.
hi doc
Yes. Hi.
gud eve doc,, ask k lng po kng meron po kayong kilala na dentista na gmgwa ng brace dito sa abu dhabi n pede nyong irefer skin. tnx..
Sorry. Wala.
ok, tnx po doc…
No problem.
doc good morning. i had abscessed tooth one week ago.. i visited my dentist and temporarily sealed a hole at the back of the tooth to lessen the pain and the swelling. i’m taking antibiotic and mefenamic for one week na rin po.. plano ko pa po sana ipabunot ito after 3 weeks.. after po ng second semester… by the way 17 years old n po ako.. gusto ko man pong ipabunot as soon as possible kasi nga po sagabal na.. indi pa pomaaari kasi kailangan ko pa po ito sa speechand oral comm na subject namin… upper central teeth po kasi ee. safe lang po ba doc if laterko nalang pabunot? gano poba kalala if magspread ung infection? sa ngayon.. wla pa pong masyadong pain.. peo after 3 weeks kea without treatment, ano po cguro ang mangyayari dito doc? salamat doc.
IpaRCT mo na lang. Pappangit ka ng x 1000 kapag nabungi ka sa harap.
gaano po ktagal ung process ng dental crown? 1 day lang po b un?
Kung sa akin, 2 weeks at ilang balikan din.
doc pag mahal po maningil ang dentist kahit dito sa probinsya ibig sabihin magaling syang dentist?
Madalas ganun.
hi Doc. pano ko po malalaman kung qualified mag-RCT ang isang dentist. may site po ba kung saan may listahan ng licenced Philippine endodontists? salamatz!
Lahat ng dentists pwedeng magRCT.
Doc, ngpapasta po ako nung Nov sa family dentist po namin nung pre-molar tooth ko. Tapos po nitong last week wednesday, bigla xang sumakit pero nawawala din, Tapos nung thursdays, super sakit nya, ngtake lang po ako ng advil para mawala. Tapos nung friday, dinala ko na po xa sa ibang mas accessible na dentist kasi sumakit ulit po. Tinanggal po niya yung pasta para macheck. Sabi po niya, nilagyan daw po ng gamot nung family dentist ko yung ngipin ko saka pinasta para itry kung makakarecover pa pero hindi daw po umepekto. Nilagyan nya lang ulit po ng temporary pasta tapos binigyan nya po ako ng 5days para magdecide kung ipapabunot ko or ipaparoot canal. Nung kinabukasan po nun, sumakit na naman po yung ngipin ko, ininom ko po yung nireseta na nya antibiotic na cloxacillin saka dinoble ko po intake ko ng Advil (400mg) kasi di na kaya ng isa.
Ayaw ko po sana iparoot canal, kasi based on my dad’s experience, nakakadilaw po daw ng ngipin at hindi maganda tingnan. ayaw ko din naman po ipabunot kasi ayaw ko po magpustiso pero ok lang po kung palitan ng artificial na hindi ganun kamahal. Meron po ba kayo maissusuggest na ibang paraan? or pwede po ba ulit kaya itry yung ginawa nung family dentist ko na lagyan ulit ng gamot at ipasta ulit?
PS, ayaw ko na sana po bumalik sa dentist na yun, kasi mas sumakit po yung ngipin ko, and yung temporary pasta na ginawa nya, nafefeel ko po yung butas sa ngipin ko. Kung ipapagamot ko naman po ito, gusto ko po sana sa family dentist namin, aabot pa po ba ito ng holy week? kasi yun lang po ung time ko na makakauwi ako ng province. Thanks po sa advice!
IpaRCT mo.
doc kung sakali na magpapabrace ako, kailangan po bang bunutan pa ako ng ipin para umatras o ma align ang ipin na walang space o bungi?isang wisdom tooth sa taas at isa sa baba ang wala na. pag ngingiti o tawa kasi ako labas lahat ipin sa harap .nag iipon pa ako ng pang down sa dentist na fifty percent daw,pwede po bang tumawad sa dentist fifty thou kc singil nya..ang mahal po.salamat po ulit
Depende sa makikita sa bibig mo.
Good day dr. I’m a 26 yr old male. My brace was removed 2 and a half years ago. Eto po ang nangyari, I got sick (renal failure) at hindi ko po naisusuot regularly ang RETAINERS until tuluyan ko ng di nagamit ang retainers. My teeth adjusted (pantay pa naman) pero umngat na ng knti anteriorly and my concern is the 2.5 – 3 mm GAP in my upper front teeth. In short doc, gap tooth na ako 🙁 (I once had a great smile with my braces and now hndi na ako makasmile) Nabasa ko po dito ang comment na diastema closure and cosmetic dentistry. Pwede po bang ielaborate ang procedure and mgkano po ito. I’m scared, I won’t be able to go for braces ulit, since I’m looking at a future kidney transplant (hndi po pwedeng magpbrace) I’m glad I saw your blog, have a nice day po. 🙂
Pahabol nalang po dr., can all dentist do diastema closure?
Yes.
Mura lang yun. Papastahan ka lang.
nasira po yung pasta ko, pwede po ba ipaporcelain jacket na lang yun kesa rct?
Pa-xray ka para malaman kung indicated for RCT.
Ilan sessions po ang RCT? pwede ba xa matapos within the holy week vacation?
Depende sa kung gaano kalala at kung anong ngipin.
Premolar po sa upper right. May parang bukol na po xa ngaun.
Oks.
Premolar po sa upper right. May parang bukol na po xa ngaun.
Oks.
Doc, I just came across your site. And I need your help. Tomorrow, mag-da-down payment na ako sa dentist na gagawa sa akin.I have a complicated case and sana matulungan nyo ako before ako mag-commit sa kanila. Saan ko po kayo pwedeng ma-contact? Please?
Dito.
Where is your clinic doc?
Hindi na ako tumatanggap ng patient dito for safety. May isa akong patient na galing dito dati, takas yata sa mental. Pinerwisyo ako ng todo todo.
Sayang naman po. But I was able to confirm an appointment with one of your recommended clinic. You have a good heart to answer all our questions inspite of your busy schedule. God bless you more. Thank you!
Alam ko rereply nyo is “OKS” kse walang question mark.
Kaya eto sila..?????
🙂
Oks. You’re welcome. 🙂
Hi Doc, ask ko lng po..pde po b n dyan ako mgpagawa ng brace s pinas and then d2 n lng s kuwait ung follow up check up? kz my 1 contract p kasi aq n tatapusin d2 s kuwait.. or kng my mairerefer po kau skn n murang ortho d2 mas ok po.. ngtnong tnonh kasi aq d2 sng mahal po ksi ng pbrace unlike jan sa pinas..
Kung gusto mo makatipid, kung saan ka madalas, doon ka magpabraces. Madodoble ang bayad mo.
Hi Doc, just want to ask your opinion regarding my case. What will be the best thing i can do if i had an impacted tooth? May plano din po ako magpakabit ng braces. It will be helpful po ba kung magpabraces muna ako para maadjust mga teeth ko, if maaadjust sya possible makakaerrupt na ng ayos ung impacted tooth ko.
Saan ba yung impacted tooth mo? Send ka ng x ray sa FB ko.
Hi Doc, gsto ko lng itanong di ba delikado magpabunot ng ngipin ng isang bunutan lang
4 kc sira ng ngipin ko 2 sa harap tpus tig-isa sa may banda sa pangil ko kumbaga isang session lng???
Yes. Kung healthy ka at wala ka naman sakit at walang condition na hindi normal.
Doc, ask ko lang kung pwede ipa brace kung may bungi sa front teeth ko. Ano pong procedure ang gagawin dun?
Pwede. Orthodontic treatment.
Ang missing teeth ko po kse ay yung Canine.
Oks.
hi doc! pwede po ba ko magpabrace kahit na may isa akong ngipin sa likod, kumbaga talikuran po sya. lower part po. o kelangan pabunot ko muna? thank you!
Pwede. Harapan meron? 🙂
Ask ko lang po kung anung dental insurance na cover ang braces? May ValuCare po kasi kami, di ko lang po alam kung pwede yun? Thank you po 🙂
Wala.
Doc, nahulog kase ung pinapasta ko nung nagdental floss ako. Naging kalahati na lang po ung ngipin ko. Pwede pa ba siya ulit pastahan?
Pwede. Kung hindi pa naman infected ang ngipin, at kung mas malaki pa yung ngipin sa pasta.
doc, may history po ko ng lock jaw. pwede pa din ba ko magpa-braces? thank you! 🙂
Send ka ng xray sa FB ko.
okay po. anong fb nyo po? nung nagpacheck kasi ako dati niresetahan lang ako ng b-complex tapos ayun okay naman na p.
Yan ang FB ko nakalink sa website na ito.
Doc, yung teeth ko po sa harap hiwa-hiwalay lahat. 18 year old na po ako madadaan pa po ba yun ng braces? Saka magkano po ba aabutin nun at gaano katagal?
Oo, sa braces maaayos yan.
‘magkano po ba magpabrace ngayon?
http://www.askthedentist.tv/clinics/
Doc,pwede po ba magretainer pang design lang?
Pwede. Pero masyadong destructive yan kung hindi ka naturuan ng dentist mo at hindi naadjust para sa purpose na pangdesign lang. Pwedeng makafracture ng ngipin mo kung magreretainer ka kahit wala naman iriretain.
Pag po ba nag papasta ng ngipin sa right side ilang araw po hndi un kakainan? Or ipapang kain?
Kakain ka syempre. Kaya nga nagrestore eh para marestore ang function.
Hi Doc. I had RCT last march 2013 for 3500. and now it has a discoloration.. mejo yellowish n xa and d pntay color s other teeth. front teeth p nmn. gnun po b tlga??
Pableach mo. Or crown. Or laminate.