Q&A

Ask here. I will answer all your questions. Maikling sagot lang muna then I’ll explain it further through a featured post. Thanks!

7,223 thoughts on “Q&A”

  1. Bakit po ganun ang result ng full bridge ng teeth ko, pag nag cross bite ako,hindi po align ang front teeth ko, do i have a right to complain para ma correct ang teeth ko?

    1. hi gud pm po…nkapustiso poko sa taas,apat sa harap…dis past few days,may naramdaman poko masakit sa ngala-ngala ko…may parang bilog na matigas tas ngaun po masakit ung isang side nya…anu po b yun?thanks po…

  2. hi, po gud pm!, ask ko lang po kung pwede bang ipabunot ang hindi sira na ngipin ng kapatid ko? 25 y/o, na xa,, at may scoliosis po , d po ba delikado un, kc sabi nila may konek daw un utak? dalawa po sana ang ipapatanggal, bali sa may pangil po,, dumubli kc ang tubo ng ipin nya,, bali po patong-patong pangil nya,, pls,, i need ur advise?safe po ba talaga? thanks po!!!!!

    1. doc,namamaga ung lower neck at sa gums po un may nahahawakan akong bilog sa maga,sb nung pinabunutan ko kailangan daw bunotin ung nakabaon na tooth so pinabunot ko po but still maga pa rin at nahihirapan akong itaas ang ngipin.anu po gagawin ko??

      1. Inumin mo ang gamot na nireseta niya.
        Maghintay na maghilom ang sugat.
        Maghintay umepekto ang gamot.
        Hintaying makarecover ang katawan mula sa pamamaga.
        Kung ganyan pa din ang sitwasyon matapos sundin ang sinabi ng dentist sayo, bumalik ka sa kanya.

        1. okay na po sb daw po ipapabiopsy po ako kc bka tb of the bone daw po or tumor sn ng dentist.nalackjaw na po ako nito panu po ito???

          1. pabalikbalik na po ako sa dentist biopsy daw talaga po kelangan para malaman kung bket maga pa rin.anung possible disease kaya po ito may bilog sa ilalim ng gums?

          2. Okay po..anu po bang sakit or infection pagmay mga bilog bilog sa ilalim ng panga ko po???nana po ba ito ??baka tumor po ito????

  3. Doc, may mabibili bang dentemp or recapit dito sa pinas?
    Okay ba gamitin to temporarily para sa nasirang crown until makapagpatingin ako ng dentist?

    1. Magpatingin ka. Mura lang ang dental crown sa Pilipinas. Porcelain dental crown ang ipalagay mo. Wag acrylic or plastic jacket crown. Wag din metal dental crown. Mga maton at taong grasa lang ang may karapatang magpaplastic at metal dental crown.

      1. doc ,balak ko sanang magpabunot ng ngipin ko dito sa baba .kazi sira na ,pagminsan masakit .malapit narin kazi pasukan ,pwede po bang 2 weeks lang pagpapagaling ko sa gums ko ?bago pwede magpapustiso ?zabi kazi papa ,1month bago pede lagay pustiso ,para mas ok daw ?

  4. Doc, nagkafracture yung isa kong ipin, tabi ng pangil malapit sa mga molars. May pasta siya before pero biglang nagcrack and nabasag ng tuluyan yung gilid, nakikita ko pa yung pasta pero pag kinapa ko ng dila ko, may part na butas. Sumasakit na siya ngayon, pwede pa kaya itong pastahan? kahit parang abot na sa gumline yung fracture? Hanggat maari kasi ayoko pabunot kasi medyo malapit na siya sa front teeth, makikita pag nagsmile ako na may gap. Nung pinapastahan ko to mababaw lang naman siya, kaya taka ako why bigla nabasag. Btw, pinastahan siya i think 2 years ago. Thank you.

  5. good pm doc, ask q lng po kung ano dapat gawin q kc po nung magpatingin po q sa dentista q kung pwede po bang ipabrace ung ngipin q kaso may false teeth po q sabi nya pwede daw. inalis nya ung false teeth q nun lagyan nya ng brace kc iuusog ng brace ung spaces ng ngipin q sa harap after months sabi nya ung space dw lalagyan ng rebonding na tinatawag para makakangiti na dw q nagulat nga q kc kala q mismong ung brace ang gagawa ng paraan para mawala ung space na dating my false teeth. Tapos ginawa na nga ung rebonding na sinasabi nya. Nawala ung space napalitan ng parang ngipin dahil sa rebonding na un after weeks namaga at lumubo ung gums q dahil sa ginawang rebonding kya binutasan nya ng kaunti ung katabing ngipin pra mawala daw ung nana or imfections. after 5 days ok na un maga pero afters 5 months po lumuwag po ung ginawa nyang rebonding pati ung katabing ngipin na pinagbutasan nya nadamay eh di nabungi na q 2 ngipin pa nawala sa halip na isa lng false teeth q noon. Sabi nya di daw nagsuccess ung rebonding q kaya papalitan ng jacket…eh di pinagbayad na naman nya q sa jacket bukod sa rebonding na ginawa nya. Grabe naman ung jacket na ginawa nya kc ang laki ng ngipin q pati ung 2 katabing ngipin nag iba rin ung hitsura…after a months habang nag aadjust siya ng braces q sabi q kung pwede bang nipisan ung ginawa nyang jacket kc sabi ng mga tao ako dw ung taong nakabraces na may pustiso kc laki nga. Ninipisan nya ng kaunti pero siningil nya parin q sa pagpapanipis, nagulat nga ko kc 4000 siningil sakin…eh 1000 lng naman kada adjust sa braces..Ngaun nagkakaproblema po ko dahil habang lumuluwag po ung braces ko lumalaglag naman ung jacket na ginawa nya tapos ang ikinakaba q ngayon baka tulad ng dati madamay din ung mga katabing ngipin ko… Natatakot q ngayon. Pwede kayang maghabol sa kanya? ano po ba dapat q gawin?

  6. Hello po at Happy New Year. Ito po tanong ko. Ang canine ko po sa Upper Left ay nagka-cavity and nabutas. Then sa tingin ko may abscess na po ako kasi may bukol na po malapit sa ilong ko pero di naman masyadong malaki at matigas po. Umiinom ako ng amoxicillin paminsan-minsan.
    Ano po ba dapat ko gawin para mawala ang abscess at bukol?
    Kung ipapabunot ko ang pangil gaano katagal para mabunot?
    Maraming anesthesia ba kelangan?
    Nakakatulong ba ang pag gargle ng may asin?
    If root canal,ilang canal po ba sa palagay niyo?

    Salamat.

  7. doc, magandang araw po, nagpa pasta ako ng ngipin sa ibabang bahagi bandang kaliwa, dati na itong me pasta (6yrs) pero natanggal ang ibang bahagi… napastahan ito kagabi pero natanggal agad kninang umaga (9 hours after the procedure) tama po bang matanggal ang pasta ng ganun-ganun na lang? hindi po nya tinanggal lahat ng lumang pasta, binawasan lang nya at tinapalan ang ibang bahagi nito. at ngyon nagtitiis ako sa matinding ngilo…balak kong ibalik ito sa knya pero ayoko ng ipahawak sa knya balak ko lang ipaalam sa knya na palpak ang gawa nya sa akin…mababawi ko po ba ang binayad ko? salamat doc.

  8. hi doc. may tanong lang ako. nagpabunit ako kahapon tapos may naiwang ngipin daw (little according the dentist). tapos tinahi na nia kasi daw malakas ang dugo kung lumabas. ang tanong ko po is it okay lang po ba o safe ba na may naiwang ngipin? im worried kasi eh.please help me.

  9. hi doc. planning ko pong magpa.braces. nagkaspace po kasi yung gitnang ngipin ko sa itaas dahil sa kulang ng isang ngipin (premolar), kailangan po ba bunutin ang isa o pwed ng hindi?

  10. Hi Doc, good afternoon po,. I have a gap in front of my teeth, pag nag smile po ako kitang kita, so i can’t smile na open yung bibig ko.. smile na tikom lang..ask ko lang po kung ano po ba maganda gawin sa ngipin ko??wala naman pung nawalang ngipin sa harap ko,kaso awang lang sya kunti..what kind of dental service po pagawa sa ngipin ko? thank’s doc

  11. Diastema closure. Cosmetic dentistry. Simpleng restoration ang gagawin sa una.
    Pwedeng may missing tooth ka sa posterior, premolar etc. O masyado malawak ang frenum mo. O may supernumerary tooth ka. May x ray ka na ba? Magpapanoramic xray ka, para at least may record ka na kung ano sitwayon ng mga ngipin mo. Hanap ka ng malinaw magxray. Hanap ka ng Lapid Dental Clinic Branch. Hindi ako affiliated sa Lapid, pero yun lang ang alam kong may mga branches sa iba’t ibang lugar na malinaw magxray.

  12. hello po ask ko lang po about fixed bridge pwd ko po ba ipatanggal ksi po sumasakit po ung panga ko saka ulo pwd po kaya bumalik s dati ko ung ipin ko..pls reply tnx.

  13. hello doc ask ko po kung delikado b mag pa fixed bridge ksi npapadalas po sakit at pangangawit ng panga ko saka pag mag open ako ng mouth lumalagutok po ung panga ko minsan parang nagla lock or naninigas ung panga ko anu po dapat ko gawin,pls reply po tnx.nsa baba po pla ung bridge ko.

    1. Kung mali ang pagkakagawa o mali para sa kundisyun ng pangkalahatang kundisyong pangdental, delikado. Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentista, at huwag mo masyadong tipirin ang sarili mo, at huwag ka masyadong pumili ng pinakamurang option. Maghanap ng marunong na dentista tungkol sa dentures ( prosthodontics).

  14. DOC TANONG KO LANG PO MAGKANI PO BA ANG MAGPAPALIT NG BRIDGE KSE PO NAG CRACK NA PO UNG BRIDGE KO. ELEVEN PO LHAT AT TATLO LANG PO UNG MAY CROWN UNG WALO E MISSING TEETH. MAGKANO PO KYA PAG PORCELAIN BRIDGE

    1. Hindi yan indicated for dental bridge. Mauubos ang mga ngipin mo pag nagpabridge ka pang muli. Bibigay at bibigay yang mga ngipin mo. Magremovable partial denture ka o kaya ay implants. Huwag mong pilitin. Tanga na lang ang dentistang gagawan ka ng bridge sa sitwasyong binanggit mo. 😉

      Usually, ang pinakamababa, 5 thousand per unit. Kaya 11 times 5 equals 55 thousand pesos. Kung mas mababa sa 5 thousand pesos per unit ang naipagawa mo, kwestyonable na ang quality ng bridge. May presyo ang kalidad. Binabayaran mo ang presyo ng materyales, pagkakagawa ng lab at sa kaalaman ng Dentist.

  15. Hello Doc! I want to have a general dental check up. I dont have any probs with my teeth but i still want a check up. Gusto ko po sana i try yung dental x-ray but i dont know what kind of x ray should i undergo. Meron po ba yung buong teeth ma x-ray to see baka may cavities inside? And how much is the usual average cost ng ganung x-ray? Salamat po!

    Its better to prevent po than to cure. Kaya gsto ko na agapan if meron problem.

  16. Hi Doc! tanong ko lang po kung ang anak ko na 3 years old masakit ang ipin.natural po bang lagnatin sya at masakit ang ulo. bagang po ata ang masakit sa kanya. ano po ang dapat gawin? thank you po

    1. Ipatingin mo sa dentist. Yan ang dapat mong gawin. Alam mo na palang sumasakit ang ngipin. Para sa isang bata at kahit sa isang matanda o kaya ay gitna, hindi natural ang pananakit at lagnat, kaya dapat mo ito ipakita agad. Hindi ka dapat maging pabaya.

      1. hi good day tanong ko lang pwede pa po bang ipa root canal treatment yung pudpud na ngipin?? nabutas po kasi sya eh tapos biglang nagpayuloy na masira bali meron panaman pong koning natira.

  17. Magandang Umaga po,

    May ngipin po ako na may malaking butas na pero di naman ganon kalaki. ano po ang masuggest niyo po para maayos toh? sumasakit po kasi pagnalagyan ng anong bagay like kanin dun sa butas ang ngipin ko, hm, makaya pa po ba ito ipa cement?

    Salamat po sa mag tugon.

  18. hi doc,,ask ko lang po kung maaari po bang magpabunot ng ngipin kapag mayroong sakit na hepatitis b?

  19. hi! im mitch, 18 yrs.old. ask q lang po after po ba ng root canal, pwede na q magpa jacket ng ngipin q? actually kc may cra na yung uper teeth q. now q lang naisipang magpakonsulta sa detista, kc mejo takot aq eh.. ok lang kaya? umfft… mostly mga magkano kaya magagastos q 2 ngipin lang nmn xa, nakakaiya kc sa front p. 🙁 salamat!

  20. hello po.
    ask ko lang po kung ok lang magpa-braces kahit wala na yung second molar sa lower left? before po ba magpa-braces kelangan muna ng panoramic x-ray?

    tnx po in advance 🙂

  21. doc, sa bandang bagang ko, nde q pa po napapabunot,. natatakot po ksi ako, bale pudpod na ung gitna kita na poh ung gums. kapag nasasagi poh e msakit at dumudugo. di po ba delikado ipabunot un? hntayin ko po sagot neo. thank you.

  22. sungki po ung isang ngipin ko sa taas. ano po pwede remedyo bukod sa brace pra pumantay sya? at mga magkano po? salamat po

    1. Depende yan, may mga sungking hindi na dapat ayusin kung optimum ang function niya at nagpapataas ng esthetics ng tao. I will suggest na pabayaan siya. Kung mapilit ka, at ayaw mong ipabrace, bonding ang dapat gawin diyan. Maghanap ka ng dentist na graduate sa esthetic dentistry course o yung mga dentist na may Masteral sa Prosthodontics. 🙂

  23. Good day!
    tanong q lng po kung anong advantage at disadvantage ng pasta at jacket.
    kc po ung 4 na front teeth q, twice na po na pastahan. Ngaun naiisip q po na ipa-jacket nlang. ideal po b iyon?
    salamat.

  24. Hello po. Pwede po mgtanong kung ok lang naman ipabunot ang ngipin kahit namamaga ang pisngi? May mga ilang linggo narin po kasi sumasakit ang ngipin ko pero inaagapan ko ng amoxicillin at mefenamic, dahil may trabaho po ako. salamat po sa advise.

  25. Doc ask ko lang po… Kasi po yung mga ngipin ko po kasi sa unahan sa taas ay overbite po… Bale apat na ngipin yung overbite ko.. Ask ko lang po kung pwedeng ipabunot ko na lang ito kaysa ipa brace pa… Cant afford po kasi.. Thank you po:)

  26. Good day po. Doc ask ko lang po sa may front teeth ko po kasi.. medyo malaki na po yung butas at may black na po sa gilid nito.. pwede ko pa po bang papastahan ito pero minsan po medyo sumasakit po yung ngipin ko.

  27. Doc, ang case ko po is I have two lost teeth at the top. Nung binunot yng isa yung mga katabing teeth naghiwalay.kailangan po bang magpabrace at mag dentures or brace lang or anything???

  28. Hello po. Yung first premolar tooth (tooth after canine) ko po ay binunot, so nakikita po ung space when i smile. Ano po an magandang gawin na dental procedure for this? I’ve read na pwede po ang fixed dental bridge. Totoo po ba un? And usually, magkano po ang gnung procedure? Thank you!

      1. Meron pa po ako na 2nd premolar. Last year lang po nabunot yung 1st premolar so mejo wide pa po ang space. Sa tingen nio po ba okay po ang fixed dental bridge? At mejo nagka space na din po teeth ko sa harap, are braces still advisable? I will try to send the pic through fb thanks!

  29. Hi Doc! 🙂 I’m leigh, a newbie mom.. Pwede po ba akong magpabunot ng ngipin kahit mejo sumsakit po ito? yung last na ngipin po sa baba, right part.. nagcrack na din po yung ibang part nya kasi decayed na po. Nag-umpisa po ito nung nagubuntis po ako, hindi ko pa po napapasta or napabunot gang ngayon kasi nagbebreastfeed po ako,full time mom po ako at dependent po sa akin yung baby ko, kaya hindi ko po maasikaso.. baka hindi din po kasi ako pagpabreastfeed-in pag nagpabunot ako ng ngipin ko, gusto ko na pong ipabunot talaga, mukang hindi na po kayo ito ng filling. may suggestions po ba kayo regarding sa iinuming gamot after ng pagpapabunot na pwede pong safe sa pagbreastfeed?

  30. Hi po Doc! Ask ko lang po sana kung pwede po bang magpa-braces muna bago magpa-pasta? Tsaka ask ko din po kung pwede pa rin magpa-braces kung may jacket yung front teeth ko. Thanks po.

  31. hi po doc… kapag ang tmj ba gaano katagal bago mawala..? kasi po simula nong nabunutan ako noong 2009 sa bagang nagsimula n palagi sumasakit ung side ng nabunutan tpos sumasakit pati mga ngipin ko at ung gums..pati dila ko minsan parang naninigas at leeg… maraming salamat po…

    1. Hindi mawawala ang TMJ. Unless, nagkacancer ang TMJ mo, at kailangang tanggalin. Ang TMJ ay parte ng katawan ng tao. Kaya hindi ito dapat mawala.

      Baka TMD ang pinuproblema mo? Kapag nawala ang ngipin, sa posterior, kailangan itong i-restore sa pamamagitan ng pustiso. Dahil habang walang mga ngipin dito, hahanapin ng katapat nito ang mga ngipin na nawala. Maghahanap ito ng katapat, magsusupraeruption, magmove ang mandible at iba pa. Dito magsisimula magkakaroonng pwersa ang muscle mo sa side ng missing.Habang nagpipwersa ang muscle mo, at walang pahinga, mararamdaman mo ang pananakit. May mga nerve ding pwedeng maipit. Pati vertical relation of occlusion mo ay bababa sa isang side.

      Kaya ang maipapayo ko, maghanap ka ng dentist na may specialization sa prosthodontics. Para magawan ka ng tamang pustiso. Iwas ka sa mga dentist na nagsusukat, pagbalik mo lagay agad ang pustiso. Sugal yun. Ang tunay na paggawa ng pustiso ay mga procedure, step by step. Walang short cut.

  32. hehehe tmd po pala sorry… maraming salamat po doc…sige po papacheck ko po sa dentis..medyo natakot na po kasi ako bumisita sa mga dentista dahilsa nangyari noon.na confine pa kasi ako noon sa sobrang sakit after ko mabunutan ng ipen. kahit kasi me anesthesia na sya ramdam na ramdam ko pa rin yong sakit habang hinihila ung ipen ko. :((

  33. Hello doc. Tanong ko lng po, mahirap po ba ang pagiging dentist? Kasi po balak ko mgdentist this year po. Enjoy po ba or stressfull?

    1. Paul. Alam mo bang walang mahirap na bagay kung nag-i-enjoy kang gawin ang nasabing bagay? Kapag masaya ka sa ginagawa mo hindi ito mahirap. Ni hindi mo ito tatawaging trabaho. Kahit sa pagaaral ng dentistry, kung nandoon ang pangarap mong maging dentist, hindi mahirap. Magastos oo. Pero hindi mahirap.

      Masaya. At bilang lalaki, ikaw ay tiyak na magi-enjoy dahil mapapalibutan ka ng magagandang kaklase. Ang dentistry ang choice ng mga magagandang babaeng estudyante. Kahit saang school ng dentistry, madaming madami kang magiging kaklaseng magaganda.

      Kahit anong kurso may stress. Nakakatuwa ang stress. Dahil kapag walang stress, paano ang buhay? Hindi na exciting? Hindi mo na tatawaging buhay ang buhay kung walang stress.

      Go! Magdentistry ka. Wag ka masyadong magbalak, gawin mo agad. Dahil ang sagana sa balak kadalasan hindi natutuloy.

  34. Hi doc, ask ko lang po. Nagpa-anterior root canal po ko for one tooth. After the RCT minor pain lang po siya pero since magpapabraces po ako along with the other dental procedures to restore my teeth inadvise ako ng dentist ko not to fill yung naRCT na tooth until wala ng pain and malinis na pero nung nagstart na magsubside yung pain kinabit na nya po yung braces ko. After some weeks nagkaron ng blood and infection yung tooth so i had to take meds for it. So nagkakaron po kami ng cleaning ng tooth everytime magaadjust until mainfect and magantibiotics ulit ako. And from the time na naRCT ako until at this very moment nagiincrease yung pain ng tooth lalo na po ngayon na throbbing na tlga siya. My dentist recently opened the temporary pasta to check whether we have blood and infection again but this time malinis siya. Honestly di ko na po alam kung anong nangyayari kasi sobrang sakit na niya. she tried removing the brackets for that tooth and the tooth beside it to remove pressure but still sobrang sakit pa din niya. I do not know whether its my gums or my tooth kasi the pain is all over. It is very sensitive to pressure at kahit di siya nagagalaw right now masakit siya though m not sure if its because of the wire na nakapatong even though wala ng brackets pero kasi natatamaan pa rin siya. I really hope you can give your thoughts on this doc. I need some guidance before going back to my dentist or going to another dentist for a second opinion. 🙁

    1. May dental x ray ka ba na pwede ipakita sa akin? Pwedeng okay na iyan. Possible na ang nararamdaman mong discomfort ay galing sa force na inaapply sa iba pang mga ngipin mo mula sa dental braces treatment. Sa orthodontic treatment, meron talagang discomfort o depende sa pain tolerance mo, masakit din talaga kapag kaka-adjust.

      Tapos na ba ang RCT? Kasi sabi mo “after ng RCT”. Pero mukhang hindi pa tapos dahil hindi pa nafill-up-an? Bigyan mo ako ng x ray para malaman ko kung ano ang kinukuwento mo.

      Makikita natin sa x ray kung ano pwede gawin o ano ang gagawin pa at pwede din natin malaman kung ano ang treatment plan ng dentist mo. Bigyan mo ako ng x ray at photo ng ngipin mo. Send mo sa FB.

      Isa pang hindi malinaw, “she tried removing”, ano yan, try lang ang ginawa niya o naremove niya? Tagalugin mo na lang, pinoy naman ako. 🙂

      Pwede ka humingi ng second opinion, tulad ng ginagawa mo ngayon. Pero tandaan mo, huwag ka agad maniniwala sa second opinion. Nasubukan ko na yan, may px ako dati may malaki siyan bukol. After xray at exam, dapat tanggalin yung bukol kasi kapag nairritate yun, pwedeng lumala pa at maging cancer. Pinayuhan ko sinabi ang lahat ng info na dapat niyang malaman. Ang ginawa ng patient, pumunta sa isa pang dentist at humingi siya ng second opinion, at alam mo ginawa ng dentist? Sinukatan niyang bigla at ginawan ng flexible denture with flexible framework ang patient. Sa flexible denture, laging maiirritate ang gums mo. Kaya ano ang kahihinatnan ng malaki niyang bukol?

  35. Doc , gusto ko po sana magpa-braces kaso may mga sira po akong ngipin , pwede po ba yun ? saka sabi po ng kaibigan ko bawal daw mag pa-brace kung sira daw ang bagang ?

  36. good day doc… eto po ang case ko. crooked teeth upper and lower sides pero hindi naman grabe…. pero ung 2 sa upper sides ay may butas na at masyadong malaki na kahit ipabrace q, pangit pa din tingnan. plan q sana crown nalang ung 2 sa taas tapos saka ko ipapabrace… ano sa tingin mo doc? may nag advice kasi sakin na dentist na ipacrown nalang daw ung apat na sungki sa taas para mas madali… please advice po… plan ko kasi early next year. or may clinic po ba kayo?

    1. Sa tingin ko, hindi ko makita. Hahaha! Crooked pero hindi grabe, gaano ba kagrabe ang grabe sayo? Hehehe! Ganito, Smile ka nang tuwang tuwa, gamitin mo macro sa cam, tapos click, then send mo sa FB. Or, send ka ng X-Ray. Hindi ako makapagdecide kasi gusto mo opinyo ko tunkol sa kagandahan, eh hindi ko naman makita. Option mo kung gusto mo smile with mukha, mas ok. Walang halong kamanyakan, pero mas okyun, kasi babagay ang ayos ng ngipin mo sa ayos ng iba pang parte ng mukha mo.

      Isa pa, for your crowns, kung gusto mo talaga ng maganda, hanap ka ng dentist na may specialization sa prosthdontics. Or esthetic dentistry.

      Oks? Send the photo through FB.

  37. eto pa doc ung 2 (gitna) teeth sa taas may butas, pero maliit lang. kailangan po ba un ipa RCT? takot kasi ako. sabi masakit daw po. help doc please

  38. Doc tanong lang po. Share ko muna po yung story ko. Sungki po yung ngipin ko sa front upper po. And hs po ako non nagpaconsult sa dentist po. And gustong gusto ko na po matuwid teeth ko. Ang nirecommend po nung dentist ay braces. Kaso lang aabutin daw po ng 35k yung braces ko. eh wala po kaming pera that time pang down, so yung dentist po nirecommend niya na ijacket nlng daw po mas mura pa. (which is wala po talaga akong idea sa jacket that time kaya pumayag nlng ako) And ayun po, binunot po isa kong ngipin sa harap, tapos yung tatlo po niliitan niya tas kinabit na po yung jacket. Bali apat na front teeth ko po ay nakajcket. Mejo nalungkot lang po ako kasi fake na yung teeth ko, at pinagsisisihan ko po yung pagpapajacket ko. I got too excited na maayos ngipin ko. Ni hindi ko nagawang maghintay. At ngayong college ako parang ang dali dali lang magpabraces dahil kahit ako kaya ko ng bayaran yung braces ng hindi humihingi sa parents ko ng pera. At ngayon po eto po ang problema ko, ano po ban pwedeng gawin sa ngipin ko? Or treatment? Para po mas gumanda yung smile ko. Ang gara po kasi ng jacket, hindi pantay pantay yung sizes kasi nga daw po sungki ao dati. At dikit dikit tlga siya. Recommend naman po kayo ng pwedeng gawin para po mas mukang natural at mas maging maganda. Thankyou po. Sana po magreply kayo sa drama kong ito. Nakakainsecure na din po kasi hindi talaga ako makangiti at makatawa ng ayos 🙁

    1. Madaming patient na pareho ng kuwento mo. Natural na kapag bata ka pa lang, sakop ng magulang mo ang desisyon tungkol sa health mo. Ganun din sa dental. Siyempre ang magulang, gustong makapagtipid, at minsan dahil sa sobrang pagtitipid, ang desisyon apektado. Pwedeng mali, pwedeng tama. Pwedeng tama ang desisyon niyo noon dahil nga sa kakulangan ng pera.

      Madalas, nagbibigay ako ng treatment option sa patient. Mahabang paliwanagan, na mas okay ang iconserve ang ngipin, para sa esthetics, function at overall dental health. At kahit anong highlight mo sa pinakamainam na option, pinipili ng karamihan ang drastic measure para lang makatipid. Ang dentist pa mismo ang madidisappoint. Sayang lang sa paliwanag, gusto din lang ipabunot at pustiso kaysa braces. O kaysa rct plus crown ang piliin, ang bunot at pustiso ang pinili para makatipid. Pero makikita mo, nakakagasto ng malaki sa bags at wallet, pero sa bibig ng anak, ayaw gumastos.

      Minsan apektado din ng kung anong nakagisnan. Madaming pasyente din ang nakagisnan ay ang bunot at pustiso. Hindi alam na madaming mas karapat dapat na treatment.

    2. Picturan mo ang smile mo, tapos send through facebook. Unang photo, macro with flash. Second photo, macro without flash. Para makita ko at mabigyan kita ng pwede mong ipagawa. Anong location mo?

  39. Yung mga pinaliit na ngipin ko po sa taas ( yung tatlo po) my pag-asa pa po bang maibalik siya sa dati? Kahit sungki pa din okay lang. 🙁

  40. Yes doc. Yun po talaga yung pinakapinagsisisihan kong desisyon na nagawa as of now. :(( Picturan ko po pag my time na po at isend ko sa fb niyo po doc. Thankyou!

    1. Mas maganda kung may pustiso ka. Para hindi madisrupt ang function, form and esthetics. Pwede rin namang hindi, kung may lakas ka ng loob na humarap sa mundo na bungi at kung malakas ang loob mong hayaang magcollapse ang dental health mo. At kung may lahi kang spartan, pwedeng walang pustiso.

  41. doc bigyan mo naman aq idea magkano po ung difference sa down ng ceramic at metal brackets at kung ano po mas maganda… thanks

    1. Hehehe! Bisitahin mo itong page na ito. http://www.askthedentist.tv/clinics/ Tapos, click mo yung “Dentist in Urdaneta”. Tapos mapupunta ka sa website niya. Tapos, click mo yung “Location”. Tapos magugulat kang bigla at mapapabigkas ka ng “Ha!”. Makikita mo ang mapa. Masasabi mo sa sarili, “Naku! Malapit na ang tagumpay!”. Hanapin mo ang mapa na may nakalagay “Urdaneta Pangasinan Dentist Location”. Congrats nahanap mo na ang contact number at pangalan ng dental clinic. 🙂

    1. Kapag:
      1. may nagrequest
      2. nagkataong nasa Pangasinan ako
      3. kapag wala akong patient.
      4. may special case na mahal ang maibabayad sa akin (kasi kailangan ko din ng pera pangdate).

      Wag ka magalala, magaling ang mga dentist na nakalagay ang info dito. Kayya nga recommended ko sila eh. 🙂

  42. nakita ko na po sya…hehehe ay me gnon..ano po name nyo? kc kung irerequest ko kau, need ko ung name nyo po hehehe.. siguro hindi naman po masyadong mahal ang fee nyo 😀 😀

  43. doc ung son ko po na 3yrs old may parang bukol na tumutubo sa gilid nang ngipin nia sa gums na malambot na my dugo sa loob panu po ba matatanggal un? masakit po kc di xa makakaen.. may nagsabe kc kuskusin lng daw nang asin para pumutok e masakit po ata un para sa 3yrs old.. nag aantibiotic xa pero di pa din natatanggal anung gamot po ba ang dapat?

    1. Ganito ang gawin mo. Punta ka sa pediatric dentist. Hindi natin malalaman yan sa simpleng description lang. Kahit nga ako, nasira ang pasta ko kanina, may nagsabi din sa akin na kuskusin ko ng asin hanggang sa pumutok. Pero hindi ko ginawa. Hindi naman kasi dentist yung nagsabi.

    2. Wag ka manghinayang sa gagastusin kapag ipinakita mo sa pediatric dentist yang baby mo. Kapalit naman ng gastos mo ay dental health ng baby mo. Wag ka magtiwala sa kuskos kuskos na iyan. Saka bago mo painumin ng kahit anong gamot, itanong mo muna sa dentist at siguraduhin mong nakita niya ang bibig ng baby mo.

  44. Good pm po doc, tanong ko lng ung kapatid ng pabunot ng ngipin sa ospital ng maynila way back 2000 tpos ilang linggo lng napansin nia may natirang mga ngipin kaya binalik nia sa ospital kaso ayw n cia tanggapin ng doctor …ngprivate clinic po ung kapatid ko same p rin ayw bunutin ung mga natirang ngipin na binunot dati sa knya…so until now nandun p rin ung mga natirang ngipin at sumasakit ..ano bang pwede niang gawin ?? help nman po

  45. doc ang RCT po ba pag inulit same price parin or mas mataas? Sa case ko kasi nagRCT ulit, last RCT ko ng front teeth na dalawa ay 2008 di naman nasakit kaya nagulat ako need ulit RCT e mas madali na ung rct procedure ngaun dahil di na bubutasan kasi meron ng dating gawa, parang niliinis lang tapos ang mahal pa. :'(

    1. Mas mahal ng higit kapag inulit ang RCT. Kung ako pagpipiliin mo, mas gusto ko magRCT ng hindi pa na-RCT na ngipin. Mas delikado gawing ang na-RCT na dati. At yung gagawa dapat nakapag-aral nang mabuti tungkol sa Endo. At alam mo kung ano ang pampaaral? Pera. Saan kukunin ng dentist ang pampaaral niya sa sarili niya? Sa puno? Sa bukirin? O mamalimos? Syempre alam mo na, qualified siyang maningil ng ganung halaga dahil nag-aral siya at alam niya ang ginagawa niya..

  46. Hello po. Ask ko lang po, ano pa po pwede gawen sa malaking ngipin sa harap bukod sa brace? Masakit daw po kasi ang brace 🙁

  47. doc may parang “pimple” or pus sa gums ko sa gawing ngipin ko na may crown,hindi nmn po sumasakit ung ngipin pero may kulang 1 year na po yung pus,so tinanggal po ng dentist ko (piniga) pero after gumaling ng mga 3 days bumabalik po ulit, 2 times na pong ganun…and yung 1 front tooth ko po after mapastahan nangingilo pa dn po,nireopen na po un ng 3 beses yung last pasta pinag antibiotic po ako for 1 week kapag daw po mangilo pa din,for root canal na,pang 4th day na po ng antibiotic pero may ngilo pa din po,wala na po bang ibang alternative pwera sa rct or extraction?thank you po…

    1. Since wala ka namang tanong tungkol sa unang ngipin na dinidescribe mo, wala akong sagot. Walang tanong, walang sagot.

      Sa second na ngipin na dinidescribe mo, iisang dentist ba yung nagpasta? saan banda ang pasta? Sa gilid, sa harap o likod? Litratuhan mo nga yang ngipin mo. O kaya x ray.

      May alternative naman sa RCT or extraction. Ito ay lihim na gamot sa lahat ng uri ng sakit. Maghanap ka ng dahon ng sampaloc. Ang puno ng sampaloc ay dapat lumaki sa puting lupa. Maghanap ka din ng tanglad. Ang tanglad dapat pinalaki sa pagmamahal. At syempre virgin coconut oil. Ang puno ng buko ay dapat inakyat ng isa sa iyong minamahal.

      Dikdikin mo ang dahon ng sampaloc. Sige lang dikdik lang, wag mo akong tignan dikdik ka lang ng dikdik. Putulin ang tanglad sa tatlong piraso. Ang mga pirasong iyan ay sumisimbulo ng iyong pagmamahal sa sarili at sa bayan. Dikdikin! Dikdik pa. Sige lang, malapit na ang tagumpay. Ibuhos ang virgin coconut oil. Wag diyan. Sa kamay mo. Ngayong may coconut oil na sa kamay mo, ipahid ang oil sa ngipin habang nakangiti ka sa kawalan. Kapag hindi natanggal ang ngilo, bisitahin mo ulit ang website ko at magtanong sa dentista!

  48. hahaha! doc,yung unang tanong po pala is bakit po ayaw mawala nung pus? ano po dapat gawin? at yung pasta po ng 1 kong ngipin ay sa bandang likod, at salamat po sa sagot nyo,natuwa po ako at natouch dahil sobrang nageffort po kayo sa sagot,yun nga lang po mangilo pa din ngipin ko 🙂

    1. Dalawa ang possibility. Periodontal problem or endodontic problem. Pwedeng involved na ang pulp noon bago lagyan ng jacket at hindi nakita sa x ray at sa bibig mo. Pwede ding hindi ka naturuang linisan ang jacket crown mo kaya hindi mo nalilinis or tinatamad kang linisan ang crown mo kaya yung gingiva sa paligid ay namamaga. At dahil namamaga na nga ng pagkatagal tagal, nagkaroon ng periodontal disease. Makikita sa x ray yan kung perio or endo. Ang magagawa mo, punta ka sa dentist at magpa-x-ray. At ipakita mo na din ang crown mo kung okay pa at syempre kung okay pa ang condition ng periodontal health mo.

      Litratuhan mo yung ngipin mong nangingilo tapos send mo sa FB. Mag “E” ka tapos picture, dapat kita ang taas at babang ngipin at gilagid. Or pwede ding x ray tapos picturan mo ang xray tapos send sa FB ko. May missing na ngipin ka ba?

  49. may tanung po ako ung ipin ko po kc sa dulo sa bagang na po un ung dulo sa left side .. namamaga na po ung maga nya nsa ilalim tas nhihrpn akong lumunok .then sbi po nun destist nsa 3rd degree na daw po un impacted na .. gusto ko po mlmn kung bubunutin po ba un after mwala nun maga o anu po ang gagawin dun at magkanu po kaya sa tingin nio just bracket lang need ko po asap

  50. hello po, ask ko lang po kasi last sept nagpapasta po ako ng front upper teeth ko, sa gitna po ksi ang sira so bali dalawa daw po yung cost, then yung isa teeth ko sa unahan may konting basag ung edge na nilagayan nya din po ng pasta para magpantay. kaso after 3mos parang natatanggal na po yung pasta sa front teeth ko sa itaas. and naffeel ko po na matalas na sya and obvious na rin po yung paghiwalay ng pasta sa original teeth ko sa unahan. ask ko po sna kung ganon ba talga kabilis masira ang pasta or hindi lang maganda ung pagkakagawa nya. thanks po.

  51. A year ago, nag swell po yung harap na ngipin ko until sa nose ko tapos sabi ng dentist, root canal treatment ang kailangan so nag pa x-ray po ako then yung result ng x-ray is may abscess yung 2 na ngipin ko sa harap. after ko po magpa root canal nung may 2012, jinaket po yung 2 na teeth ko na naroot canal pero plastic jacket palang po yung nilagay. nung klinose na po yung teeth ko, in x-ray ulit tas may abscess nanaman daw yung isa kong teeth. this september po, nag swell ulit yung teeth ko, so ano po kayang problem doc? mali yung procedure ng RCT ko or kailangan nanaman i RCT ung 2 ko pang teeth sa harapan? is it necessary po ba na pag nag swell sa bandang gums eh RCT talaga ang kailangang gawin kasi sabi po ng isang dentist, hndi daw po kailangan lahat RCT kasi ung ibang patients daw is kailangan lang i drain ung nana para hndi na magswell?

    1. Send ka ng x ray through FB para makita ko. Usually kung hindi naayos sa unang RCT, I-arct ulit. Magsend ka ng photo ng x ray sa FB ko para makita ko kung ano talaga dahilan niyan. Yung nagsabi na dentist ng drain-drain, nakita niya ba ang X-Ray mo?

      1. Yung nagsabi na dentist doc na drain-dain is hindi pa nya nakikita yung x-ray ko, kasi daw ung ibang patients nya na ganito ang case is hndi kailangang i RCT ung iba kasi daw idedrain lang not necessary na iroroot canal. Pa x-ray po ako ulit kasi nung may pa po yung last x-ray ko doc. May tanong pa po pala ako, diba ang braces po is case to case basis? Is it necessary po ba na may specified na bracket na gagamitin sa case mo or depende po yun sa patient kung anong bracket ang gusto niyang gamitin? At ano pong size ng niti archwire ang gagamitin sa bondable edgewise bracket na mini 0.22? thank you po 🙂

          1. At kaya ko din sinagot. Hindi yan pang-pasyenteng tanong. Bakit, maglalagay ka ba ng braces? Para malaman mo ang info na yan? Itanong mo sa Ortho Study Club mo. 🙂

        1. Wala po akong ka ortho club or what. Bali bumili lang kasi ako ng brackets for my braces eh hndi ko po alam ang gagamitin na wire kaya po nagtatanong sa inyo.

          1. mali na palang maging prac. ngayon, ok ill ask nalang sa ibang dentist wala din lang palang makakatulong dito.

          2. Oo maling mali talaga. Hindi yan simpleng pagkabit ng brackets tapos yun na. Yun pa ngang dentist na nakapagaral ng matagal tungkol sa ortho ay nahihirapan sa ilang case, yun pa kayang ikaw na walang background ng kahit ano sa dentistry. Makakasama yan sa kalusugan mo. Talagang walang tutulong sayo dito tungkol sa pagsira mo sa dental health mo. Kahit tumambling tumbling ka pa. 🙂

  52. doc itatanung ko lang po kung my pag asa pang gumanda tong ngipin kp, hindi po kase pantay pantay ang laki ng ngipin ko, hiwahiwalay din po at iba iba ang shape..my paraan po ba para maging normal ang itsura ng ngipin, nahihiya po kase ako ipakunsulta sa dentista,

  53. doc. tanong lang po. ung 4 front teeth ko po wala na. nakapustiso na po aq for 8years. gusto ko po sana palitan ng something permanent. ano po tawag sa ganun? nagssearch po kasi aq net di q naman maintindihan puro english 🙂 and qng meron po ba na affordable? ano rin pong tawag. 🙂

  54. hello po… Doc, ung bunso ko po kasi, 6yo eh lagi nagkikiskis ng mga ngipin nya pag tulog sya, ang lakas po nagigising pa ako at ang tagal,, nag-aalala po ako baka mapudpod ang mga ipin nya??? Doc, naa-outgrow po ba ito? Pano po kung hindi? naalala ko nabasa ko na ung artista na si Aljur Abrenica eh ganito din at may sinusuot po sya na parang pustiso pam-protect sa ipin nya,, naku, for sure di kumportable un.

    Isa pa po doc, kailan po tumitigil ang paglaki ng ipin ng bata??? ung talagang wala na pong ilalaki ang ipin, mga kelan po iyon nangyayari?

    thanks po in advance=).

    1. Mapapalitan na yang mga ngipin niya. Ilan ba ang bungi niya? Kapag may bungi, nagkikiskis ang ngipin, dahil naghahanap ng contact.

      Mas mabuti, ipakita mo sa dentist ng personal, wag online.

      Tumutubo ba ang ibig mong sabihin? Depende sa kung anong ngipin. Usually sa pinoy, pagpatak ng 17 – 21 years old tumutubo ang 3rd molars.

  55. hello po doc,, yes po, i-schedule ko pa ipa-check sa pedia dentist anak ko sa january 2013.. isa lang po ang bungi nya doc, un po ang isang front tooth na papatubo na.

    ung isa ko po kasi ring anak doc, 8yo eh nabasag ung front teeth nya pero maliit lang naman na portion, pero alam nyo po un, wala na pong corner talaga kasi un ang nabasag… di naman po sumasakit… ano po kaya ang gagawin dito pag pinakita ko sa dentist? naisip ko lang po na since 8yo pa lang sya en di pa talaga full ang laki ng mga permanent teeth nya eh di po ideal na galawin un.

  56. Regarding po sa 2 front teeth ko, yung isa naka jacket tapos nakabridge para dun sa isa. Mga ten years na po. Pwede pa po bang lagyan ng implant yung nakabridge at kung magkano ang aabutin? Salamat po.

  57. Doc, pano pag sirang sira na ung dalawang molar teeth ko sa left and right at abot na sya sa gumline ko? Dpt ko na po bang ipabunot to? If possible kasi, ayoko tlga. Pde bang i-braces nlng kung ipapabunt ko ung 2 kong ngipin or root canal para maisave pa ang ngipin ko? Please reply doc. Thank you!

  58. hi po last Nov 2012 pinagawa ko po teeth ng 9 y/o daughter ko kasi po sumasakit ang ipin nya (bagang) ginawa ng dentist ay what she called “TLC” sabi nya para malagyan daw sa loob ng gamot lilinisin and papastahan (malaki na daw kasi butas) yung masakit na ngipin it cost Php 2,500. Nitong Dec 22, 2012 bumalik kami kasi sumasakit nanaman yung ginamot nagbayad ulit ako ng Php 2,500 inulit yung TLC. Tama po ba yun or dapat hindi na nya kami sinigil ulit? Anyway parang ayaw ko na bumalik duon kasi parang feel ko di maganda yung gawa. God Bless po and merry xmas 🙂

    1. Sorry. Hindi ko alam ang TLC.

      Kung expert siya sa ginagawa niya, dapat lang siyang maningil ng ganung halaga. Mahirap gawan ang mga batang pasyente. Ang madalas isipin ng tao, bata naman ang patient, dapat mura lang ang singil. Ang katotohanan, mas mataas ang bayad kapag bata ang pasyente. Dahil mahirap imanage ang bata. Nandiyan ang iyak ng iyak, nagwawala, malikot na paggalaw ng bibig, mas madami maglaway, at iba pa. Kailangan pa ng pasensya. At siyempre, espesyal na training para mag-manage ng pediatric patient. 🙂

  59. Ah okie lang naman po sa akin if sinigil nya ako ng Php 2,500 kaso tulad nga ng sabi nyo mahirap gawan ang bata at lalong mahirap para sa bata. Anyway sana lang okie na yung last na gagawa nya. thnx po.

    1. Oo mahirap sa bata, depende sa standard mo ng hirap at sa standard ng bata ng hirap. Pero kung iisipin mo, lahat ng tao nahihirapan. Boring ang buhay kung walang hirap. Isipin mo kung para sa isang tao, madali ang lahat. Siguro hihinto na siyang mabuhay. O kaya maghahanap siya ng bagay na mahirap. Or mahirap gawin. Or mahirap na hirap. Paano kung madali ang lahat? Wala na ang salitang hirap.

      Hindi exact science ang dentistry. Nakadepende sa iba’t ibang factors. Kung minsan hindi magamot sa unang pagkakataon, sa mga susunod pang pagkakataon saka lang gagaling. Nakadepende din sa reaction ng katawan mo, ng ngipin mo, pagsunod mo sa instruction ng dentist, etc.

    2. Saka alam mo ba na kapag ang tao dumaan sa maraming hirap noong bata siya, pagtanda niya, mas malakas siya. Sa lahat, at sa hirap mang pagdaanan pa niya, hindi na ganun ang tingin niya sa bagay bagay. Ikumpara mo sa taong hindi nakaranas ng hirap, oras na naexperience niya ang hirap, ang iba nagpapatiwakal, o kaya’y nasisiraan ng bait. Pero siyempre para sa akin, pahirapan mo ako ngayon, pero dapat bayaran mo ako pagkatapos. Kumbaga nahirapan ang dentist at nahirapan ang bata, pagkatapos ng hirap, gagaling ang bata at may pambili ng pagkain ang dentista.

  60. magandang gabi po,..

    nagpapasta po ako last week, tpos kagabi po ay may nakagat ako na na maliit na buto at biglang sumakit ang ngipin ko na may pasta,.. hindi na po natanggal ang sakit,.. uminom nlang po ako ng mefenamic para mawala ang kirot dahil sarado ang dental clinic ngayong pasko,.. ano po ba ang problema?

    salamat po,..

  61. Doc. happy holidays po! 🙂 may dental braces po ako.. 4 days pa lang tapos natanggal po yung pagkakadikit ng bracket sa pinakagilid.. eh ambagal po magreply nung dentist baka po nagbaksyon, may bayad po ba yung pagdikit ulit?

    1. Normal lang yan. Kaya kapag maghahanap ka ng dentist para sa braces dapat tinatanong mo kung magkano ang magpadikit ng bracket na natanggal. 🙂 May bayad. Usually ang bayad mo ay magcocover sa material na pandikit, pangsterilize ng gagamitin sayo tulad ng mouth mirror, bulak, bib, kuryente, tubig at iba pang paraphernalia at epektus.

      1. wow doc mas mabilis pa po kayo magreply sa dentist ko ah. Bakit lagi po kayong nasa internet? hehe Thanks po sa sagot pala. Magkano po ang singil nyo pag natatanggal ang brackets ng pasyente nyo?

          1. Naks naman po. Normal po ba yun kahit 4 na araw pa lang nilalagay nabaklas agad? XD Wala nga daw po bayad sabi ng dentist ko..Siguro kasalanan nya din kaya hindi ako siningil hehe. Si Jack po ay nasa kailaliman na ng karagatan…

          2. Bait ng dentist mo ah. Oo normal yun kasi lalagyan ng force eh. Tapos kung minsan pag gumalaw na at tumapat na pala sa direct force ng pagnguya, yun, tanggal. O kaya’y bigla mong naikagat sa matigas na pagkain, o kaya’y buto sa karne, tiyak tanggal yun.

Leave a Reply

%d