Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?
Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.
Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.
Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?
Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.
Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.
Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.
Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.
The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.
Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.
Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.
For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.
Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

hi po ! im arrianne . inquire po sana ako if how much ang dental implant . 2 teeth infront . and can i have braces at the same time with implant ? or any other procedures u can recommend me ?
Depende. Send ka ng panoramic x ray sa fb ko.
i cant po ei . andito po kasi ako sa canada so sobrang mahal dito . so plan ko po dyan sa pinas na lang . can i have the estimated cost of implant with the braces po ? maganda naman po ngipin ko un lang nasira ung 2 teeth ko sa harap nung pregnant ako . so kelangan ko ipabunot after ko nanganak . the rest na teeth ko po maganda na
HIndi ka pwedeng magpabraces dito tapos diyan ka nakatira. Kung saan ka madalas doon ka magpabraces. Kailangan ng monthly adjustment sa braces. Paano ka makakapagajust ng braces kung bumalik ka diyan? Ikaw ang kawawa.
Ang implant kailangan ng 6 months healing bago ilagay ang crown. Kaya kung dito ka magpapaopera para ilagay ang implant, kailangan mo pa bumalik after 6 months para ilagay ang crown. Kaya medyo imposible ang binabalak mo. Visit this website for more info: http://www.dentalimplantscostguide.org/dental-implants/
doc, may isang ipin po ako sa lower teeth ko na ndi nka allign sa ibang ipin ko. required po bang mgpa brace pag ganito ang case?
Mas mabuti. Kasi imposibleng yan lang ang problem mo. Unless may dugo ka ng Elf or Spartan.
dok ask q lng po kung ok lng na tanggalin ung tooth q s lower teeth po?sabi kc nung dentist skin ok lng dw n tanggalin kc mukhang kompleto nman n dw ung ngipin q s baba..ok lng po ba un?tnx po
Anong ngipin yan? 3rd molar?
dok ask q lng po kung ok lng na extrackan aq ng tooth s lower teeth.d kc xia na ka align s mga ngipin q.sbi skin ng dentist ok lng dw n tanggalin kc mukha nman dw kompleto teeth q if ever n tanggalin xia..ask q lng po kung ok lng un?tnx po
Picture-an mo, send mo sa FB ko. Same question ang ilagay mo.
doc, saan po ba ang affordable na magpa brace sa metro manila? affordable pero quality naman po. thank you
Mahirap hanapin na combination yan. Kahit ikaw, kung high quality ang product mo, mura kaya?
Doc Okay ba yung braces pag tag 18k lang? Baka kasi di mag work.
HIndi.
May medyo malaking space/gap po between ng dalawa kong ngipin. ano po ang gagawin para mawala yung space?
Braces. Or send mo yung photo sa FB ko, para makita ko.
Hi Doc, nagpaextract po ako kanina, ano po ba ang maipapayo niyo para hindi magka dry socket?
Bakit mo natanong ang tungkol sa dry socket? Wag mo alalahanin, hindi mo yan magiging problem.
Ahhh ganun po ba? Salamat po doc, youre d best :>
Oks
Hi doc ask ko lng po pno mllman na licensed ung dentist k?worried po kc ako kc ngpa braces po ako pro d nya ako na xray at 2 tyms a month lng cia mg clinic
Lahat ng dentist pwede maglagay ng braces. Ang tanong kung ano ang level ng training niya sa orthodontics.
Hi doc ask ko lng po pno ko mllamn kubg licensed dentist nga po ung nglgay skn ng braces d nya po kc ako pna xray at 2tyms a month lng cia mg clinic kc ngrent lng po cia ng apartment thanks
Oks.
magkano pa po magagastos sa pagpapabrace kung meron ng sariling set ng brace?? kelangan nalang po ay ang magkakabit na dentist
Hindi yan gagamitin ng dentist mo. Kapag ang dentist nakapagaral ng orthodontics, may pili silang brand na ginagamit. May mga bracket na nabibili ng mura dahil ang metal may impurities sa pagkakagawa. Kaya mura, hindi maganda ang pagkakagawa. Sa impurities nagkakaroon ng reaction ang katawan ng pasyente. Allergic reaction etc. Ang masama nito unti unting nilalason nito ang katawan, habang nagcocorrode, unti unti nitong nilalabas ang toxic composition ng impurities sa metal. Kaya ang dentist na may alam sa orthdontics, hindi nila gagamitin ang materials na provided ng patient.
Good Day Doc, nagpalagay po ako ang detal braces dito sa KSA, pero dahil exit dito sa KSA, probleama ko pwedi po kayang ipatuloy jan sa Pinas ang check-up ng braces ko, kasi almost 3mos palang ito. at magkano po kasi ang bayad every check-up of adjustment.
Salamat po!
Malaki ang probability na tatanggalin yan at panibagong bayad ulit. Lalo na’t mali mali ang pagkakalagay.
doc,braces po ba marerecommend nio sa ngipin ko.ung sa right na pangil,nakaangat xa.tpos noticed ko ung katabi neto(ung katabi ng front tooth,parang pumapasok sa loob..pde po ba patanggal ko nlng?kya lng sayang eh. hehe
Ipabraces mo na lang.
Hi Doc, I got my ceramic braces na po here in Singapore. Sobrang mahal nya nga lang kung icconvert ay nasa P150,000++ pero I know it’s worth it naman. Salamat sa mga payo mo. 1st monthly adjustment ko na on August 8. Thanks ulit doc and sana marami ka pang matulungan na tulad ko na confused nong una bago magpabraces. God bless! 🙂
No problem Happy Molecules.
hi doc, yung dalawang ngipin ko po sa harap magka connect yung dulo so kinalabasan parang may butas yung ngipin ko sa harap. ano po magandang gawin?
Braces.
okay lang po ba doc kung sa dentist student magpa brace?
HIndi.
Hi doc, ask ko lang. Kailangan ba talagang bunutan ng ipin sa itaas both side katabi ng pangil bago i brace kung my dalawang sungki sa hrap at over bite ang case? Thanks doc!!
Send ka ng panoramic x ray sa fb ko.
Mga magkano po magpa brace sayo doc? 20k- 40k?
Depende sa lala ng case. Walang 20K na braces sa mga nakapagaral ng ortho. Baka pagpraktisan ka lang sa 20K.
ask ko lang po pwede po bang mag pa brace ng upper lang kapag ayus naman yung lower teeth ? sabi kasi nung dentist na napuntahan ko kahit maayos daw yung lower kaylangan paring ibrace para maayus din yung pag bite.
Upper at lower lagi ang braces. http://www.askthedentist.tv/faq/
doc meron po ako apat na denture sa harap gusto ko po mag pbrace dahil na notice ko humihiwalay n yung teeth ko sa baba is it posibble na magbrace ako kahit may denture please advise thanks.
Possible. Hanap ka ng magaling na dentist.
hi doc,,pwede bang magpabrace kapag ang ngipin ko na may sira na extraction of teeth num. 54?
Hmmm. Saan mo nahagilap ang 54? Ilang taon ka na?
hanggang 48 lang ata ang tawag sa mga ngipin e.
Oks.
hi po.Meron po akong gustong itanong kasi po may dlawang ngipin akong hindi nkalinya bali na sungki po silang dlawa nasa taas po sila hbang ung iba pantay dlawa lng po sila sa taas. Mapapantay pa po b yan pag nagbraces ako?sana msagot nyo po. thank you po.
Yes.
Okay lang po ba magpabrace kahit sira yung dalawang bagang ko sa baba? Or kaylangan ko muna po yung ipabunot?
Bago braces, kailangan maayos muna lahat ng ngipin na may sira.
Hello po Dok. Actually feel ko talaga ang magpadental check up kasi nahihiya ako magsmile . And I know I have some problems with my teeth. May mairerefer ka po ba or san po clinic mo? Magkano po ang dental check up?
See this page: http://www.askthedentist.tv/clinics/ or PM me in FB.
Magkano po ba ang magiging minimum kung butterfly lang po ang problema ng teeth?
Para sa akin, bilang alagad ng Spartan Dentistry, nagagandahan ako sa butterfly na ngipin. Kaya ang suggestion ko kung ibabase sa litrato mo, bagay sayo ang butterfly na central incisors.
The best mo sumagot. Just saying.
Thanks.
H! Dra,gudday po nbsa ko po conversation nyo above at hanga po ako s sgot nyo kyapomgtatanung ndin po kung ok lng n alisin ko n ung splint ko n dko inadvice dentist ko,nhihirapan po kcko kumain,nlagay po ng dentist ko un for tmj dw,wla ndn po ako kcng ngipin ko tig 2 n bagang s dulo s lower part,nid dw po taniman un pg aalisin ko n ung splint,1yr and 6mo npo ako nkabrace pero ngpntay lng ung sungki pero di pumasok.thank you
Oks.
hi doc 🙂 , just want to ask if meron po kayung clinic dito sa cebu?
May kakilala ako diyan. PM mo ako sa FB.
hi doc 🙂 , just want to ask if meron po kayung clinic dito sa cebu? or any clinic na maerrecommnd mo here in cebu?..
PM mo ako sa FB.
dra. ano po bang mura brace or jacket? salamat po
Depende sa dapat sayo at sa pangangailangan mo.
sabi po ng dentist dati,brace lng po dw mag kano po ba mag pa brace sainyo clinic? salamat po ulit. 🙂
HIndi ako tumatanggap ng pasyente galing sa internet. 🙂
Doc, magkano po usually ang treatment pag magpapa-bite plane? TIA! 🙂
Never heard. Malamang isang malaking kalokohan.
doc.. pwede pa po ba ako mag braces sobra sungki po ang lhat ng ngipin ko.. im 28 na po.. kaya pa po ba?
Yes.
Dok meron bang limit age ang magpabrace?
Wala.
Pwede po ba mag pa brace kahit anong age?
Yes.
Doc, I’m 16 .. meron akong overjet.. since ‘d fixed ang price ng braces.. san po naglalaro yung price ng brace?? at gaano din po katagal?? approximately. thanks
Minimum ng 2 years ang treatment. Kapag lumampas ng 2 years, hindi kagalingan ang dentist mo.
doc tanong q lng po kung kelangan i-brace ngipin q kc po yung dalwa kong pnagil sa taas at baba ndi cia nka-align nkaangat po yun tpos medyo lumulubog pa yung katabi nyang ngipin.
Yes. Kung may pera ka, kailangan. KUng wala, hindi kailangan.
doc pwede mag ask , may false tooth ako sa front isa lang , pde ba mag pa brace nun? may sungki kc ako sa both sides upper , parang pangil
Yes.
Dok how much ang pabrace? Up and down??
Basahin mo itong post.
Hi doc pwede po ba magparetainers kahit hindi sungki yung ipin? How much po kaya magparetainers?
Hindi. Masisira lang ang kinabukasan mo.
Doc ask ko lng..nabunutan aq ng dalawang ipin tabi ng pangil. that cause na lumuwang ung mga ipin ko. nabunutan aq way back 2008 pa ata. now gusto ko mgdikit dikit uli ung mga ipin ko. ipapaustiso ko muna po ba or agagd agad brace na ang gagawin???
Depende sa kaso. Send x ray.
doc tanong ko lng po maaayos pa kya itong ngipin ko,.,may butas po kc ung 2 front ng ngipin ko po tpos ung pangil ko po tumubo nman po cya sa may gilagid ko pinabunot ko na po,.,ano pong pwde pong pwde po nyong maerecommend?
Ipapasta mo.
pwde n po nian magpabraces?
Hindi malinaw.
Tanong ko lang po kung magkano ang braces niyo Up and Down, sa taas po ang defect umuusli at sa baba po sungki. Mga magkano po yung braces? Thank you po.
Hindi ako tumatanggap ng px galing sa website. See this page for recommended dentists : http://www.askthedentist.tv/clinics/
Doc, may isang ngipin pong nagtatago sa likod ng isa ko pa pong ngipin sa upper part . MGa how much po yun kapag ipina brace?
Depende sa kung gaano kalala. Kahit ganyan ang description mo, hindi ko malalaman ang hirap ng case hanggat hindi ko nakikita ang bibig mo at panoramic x ray. Ang una mong gawin, magpapanoramic x ray ka. Lahat ng mga dentist na nakapagaral ng orthodontics, yan ang unang hihingin.
Recquired po ba na magpa’brace pag may konting pagka’apart ung teeth?
Nasa sayo, kung may panggastos ka sa braces, oo ipabraces mo.
Hi Doctor. =) We went to the dentist yesterday para magpaayos ng ipin.. Then nagtanong yung doctor kung merong masakit. Sabi ko sa kanya yung spaces. Tiningnan niya yung teeth ko at ang sabi niya, marami nga daw talagang spaces. Then she told my dad na may 2 optons daw para sa gantong klase ng ipin. Yung retainer daw po saka yung braces. Kung kayo po tatanungin, ano mas okay? Retainer or Braces? Saka required na po ba talaga yung braces o hindi pa naman?
Magpalit ka ng dentist. Walang inaayos ang retainer.
Pang maintain Lang ata ang retainer ?
“Retain”er.
Hi Doc, ask ko lang po kasi lahat ng ngipin ko po may spaces , as in di sila dikit dikit ng konti tapos ung sa upper front teeth ko na dalawa medio malayo ang agwat, magkano po ba ang mag pa brace ng ganun ?
Tanungin mo ang dentist na makakakita ng ngipin mo. Or send ka ng panoramic x ray sa FB ko. Depende yan sa lala ng case.
Hi doc! Nacoconfused na po kami ng parents ko, I really wanted to take braces, kaso may rheumatic heart disease po ako. Yung docotr ko po sa heart may binigay po sya na reseta incase magtetake na ako ng braces, 1 hour before kailangan ko uminom ng 4 capsules of pain reliever 250g each. Natatakot po yung dentist, :'( She said, pabayaan ko na lang daw na ganito ang teeth ko. huhuhu
Kung ikaw doc ang tatanungin ko, ok lang ba na magpabrace ako? (-_-)
Ang una mong dapat gawin ay ipapasta mo ang lahat ng dapat pastahan. Since may magbibraces sayo, iniexpect ko na may panoramic x ray ka na. Send mo yung panoramic x ray mo sa FB ko. YUng condition mo ay hindi biro. Kaya dapat hindi din biro ang dentist mo. Tignan natin kung kailangan mo nga magbraces.
Okay po, Thank you doctor! Godbless (^▽^)
Oks. No problem.
Hi Doc, ask ko lang. Gusto ko sana mag pa-brace kasi sungki yun teeth ko. Kaso nga lang nag babarko ako e. Pano yun Doc ? hinde ako ako maka attend sa monthly session sa teeth ko.
I suggest na wag muna. Ang gawin mo, alagaan mo ang mga ngipin mo. Magbrush kada kumain. Magfloss gabi gabi. Magpalinis ng ngipin sa dentist kapag umuuwi sa Pinas.
hi doc . ung problem po ng front teeth ko is ung isa me sungki sa likod nito and nkalabas tuloy ung isang front teeth ko . makukuha pa po ba sa braces and how much po kung ung upper lang po ? TIA …
Yes. Yung dentist na makakakita ng bibig mo ang makakapagsabi sayo kung magkano.
Magkano po ang magpabraces pag may konting pagka’apart ung teeth sa harap?
Patingin ng panoramic x ray.
Hi doc! Nakakatuwa naman mga sagot mo sa questions. Anyway, I’m canvassing for a good dentist. I just visited 3 today kasi I wanted to have braces talaga. I have gap between my incisors, and mali din yung bite ko so I have TMD na din. I asked how much will it cost and around 60k lahat ng price nila. Yung isa, more on bunot yung treatment plan niya and self ligating yung braces niya, mejo malayo din xa sa residence ko. Yung isa naman, hindi ko natanong kung self ligating ba pero sinusuggest niya sa akin na may ilalagay daw na appliance sa teeth ko to correct yung TMJ apart from braces, malapit lang din xa sa house ko. I also need to have surgery kasi yung gap nga ng tooth ko lalala if hindi na operate. Who do you think is better? Is this price reasonable enough? I don’t want to push through kasi napaka mitikolosa ko sa kung sinu mang tumitingin ng tooth ko. Please help me.
Magpapanoramic x ray ka muna, tapos send mo sa FB ko para masabi ko ang mga dapat gawin.
Hello, just wanna ask if how much po yung braces sa lower teeth lang po. thankyou !
Upper at lower lagi ang braces. http://www.askthedentist.tv/faq/
Hi doc, meron po ba kayo branch dito Calamba or if wala po baka meron po kayo maisuggest na good dentist dito Calamba area. Plan ko po magpabraces. Thank you po.
Wala. See Recommended dentists : http://www.askthedentist.tv/clinics/
Dok,ask ko lang po sana if posible pa magpa braces kung 5 na po ang kulang na ngipin sa taas pero sa baba completo na po..thank u
Yes.
safe po ba magpa-brace kahit may pasta yung ngipin?
Yes.
eh may pasta po kasi yung front ‘tooth’ ko tapos nasa gitna pa mismo nung ngipin. eh dba dun po ikinakabit yung brace. okay pa rin po yun?
Yes.
Good day! May mga naiwan braces glue sa teeth ko at napaka awkward po. How much po magagastos ko dito?
Malamang na hindi dentist gumawa sayo. Bakit maiiwan ang cement ng brackets?
doc .,, paano kaya yun mag saudi na kasi ako tapos balak ko dun mag pa brace .,,, kung uuwe ako ng pinas anu po yun tatangalin ba ulit yun kung mag papa check up po ako sayo?????
2nd question malake damge ng ipon ko kasi may pag ka ngiwe po ako aabutin kaya ng mag kano doc??? 150k???
Kung mamamalagi ka sa isang lugar ng 1 – 2 years saka ka magpabraces. Depende ang presyo sa makita sa x ray at lala ng kaso.
good day po,im cae,i live in manila,but family dentist is mindoro.so basically,i have to get my braces done cause i have edge to edge bite and TMJ.Also had 2 impacted third molars extracted and one simple extraction last june.unfortunately i changed my dentist here,kc panay extractions ang suggestions niya and bridges.And nag worsen ung pag grind ko,my front teeth and 2nd upper premolar chipped.anyway,had one more simple extraction(root fragments to be exact)and had root canal(premolar that chipped)done just a week ago which is done by our family dentist.Now she suggested na ayusin bite ko para maayos din ung TMJ ko.and it’ll be better if sa manila na lang para convenient and ofcourse for monthly adjustments na rin.Before i went to our family dentist,nag pa consult ako with a dentist here and same sila ng sinabi,braces for 2 years,splint while on braces then retainers..then crown for the tooth na root canal and ung isa pa,kasi brittle na dw ung ngipin po.Sinced nandun na ko sa mindoro,pinagawa ko na ung rootcanal and the works.yung braces na lang and others dito.i want to ask po ung price range of ceramic sapphire braces?i know it’s a little bit pricey than metal ones.but ceramic is almost 30k more here than sa mindoro,let me say 90k all in all dito.reasonable po ba un or over priced?
Send mo ang panoramic x ray mo sa FB ko, para malaman natin kung ano ang dapat gawin. Madalang na madalang na madalang ako magsplint. Kadalasan, kita na sa panoramic x ray ang problema.
Dok, pwedi pu bang pabrace pag nakapasta po ung dalawang ngipin sa harap?
Yes.
gud day doc my pag-asa pa bo ba ang ngipen ko pag maraming sungki at hiwalay sa harap ang ngipen?
Habang may buhay may pagasa.
gud eve po doc meron po akong dalawang sungki sa likod ng dalawang ngipin ko sa harap,pag pina bunot ko na po ba ang sungki ko pwede na ako mag pa brace?…plz po pakisagot thanks po
Ipabraces mo. Hindi kailangan bunutin.
doc may isa pa po akong question marami po akong baby teeth im 17 yrs old pag nabunot po ba yun may tutubo po ba ulit na ngipin? thanks po
Magpapanoramic xrayka. Send mo sa FB ko, para malaman natin ang tunay na kalagayan.
hi doc..already send you asked for sa fb.hope to hear from you soon.,thanks much.
Malabo.
bakit po ba kailangang ipa bunot yung wisdom teeth? thanks po ulit
Dahil istorbo lang at mas malaking damage ang pwedeng mangyari kapag hindi binunot.
Hi doc, nagceceramic braces po ba kayo? And invisalign? Ano pong pinagkaiba nun? Balak ko po sana magpabraces yung hindi masyado halat pero looking for affordable. compare naman dito sa US super mahal. so planning to have it done next year paguwi ko. thanks!
Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces.
Are self ligating braces more expensive than regular braces?
Yes.
Hi, doc, pwede pa po bang magpabrace kung may bungal ka?
Bungal. Wala ka ng ngipin, ano pa ang aayusin?
Doc nagttanong LNG po,magkano po BA cost Ng apat n ipin Sa bagang pag magpapa implant po,,,
Aabot din ng 280 thousand pataas.
hi doc, yung anak ko po 9 years old, magtwo-two na years napo yung bungi nya sa december di pa rin tumutubo. Bale 4 po ung sabay sabay na binunot, 2 upper at 2 lower front tooth. Ung 3 po ok na pero ung isa po naiwan hanggang ngayon bungi pa din. Normal pa po ba na ganun katagal bago tumubo? Bumalik po kami sa dentist last feb sabi po ok lang daw, hintayin na lang daw tumubo. Tnx po.
Ipapanoramic x ray mo. Send mo sa FB ko. Para makita ko.
hi doc!yung husband ko po ineencourage ako mag brush gamit yung baking soda sa tinunaw sa tubig. it whitens teeth daw po.totoo ba yun? napanood nya kasi sa youtube. 🙂
Gamit ka ng toothpaste. Mamaya sakit sa bato makuha ng asawa mo.
mas mahal po ba self ligating braces kesa sa regular braces?
Oo.
Good day po. Ask ko lang po kung pwedeng magpa brace kahit manipis lang ung front teeth ko. Thanks po.
Yes.
Tsaka po pala, nka ilang pasta na yung teeth ko. Okay lang po ba yun? Balak ko din po magpa bleach ng teeth kasi ndi po okay yung kulay nya. Mga magkano po ba yung price range ng teeth bleaching? Thanks po ulit Doc.
Yes.
doc, gusto ko po sna mgpalagay ng ceramaic,white r transparent braces, how much it cost? thanks
Depende sa lala ng kaso.
pwede po bang magpa brace khit po buntis? im.4 mos.pregnant po
Hintayin mo na after ka manganak.
dok ask ku lng ksi nauga yung isang ipin ku sa unahan pro gusto ku ipabraces ok lng pu ba yun?
Hindi.
Hello po doc. tanong ko lang po, kasi recenly lang po nabunot ung first molar ko.
Is it possible po na mag pa regular braces ako? if ever possible po kelangan ko po ba mag pa lagay ng TAD?
Send ka ng panoramic x ray sa FB ko.
Hi. Nangingilo po un frontal teeth ko and months ago, i noticed di na po pantay un teeth ko sa harap. nakaprotude na po un isa and nauusog palikod un isa. DO i need braces already? dOnt wanna wear braces. 🙁 can it be just retainer? iF not, how many months do you think i need to wear braces? Would greatly appreciate your help.
Magpapanoramic x ray ka muna. Tapos send mo sa FB ko para makita ko.
hi doc
balak ko po magpabraces
nun nag inquire aq dito sa kapwa ko pinoy dito sa singapore sabi nya need ko ng expander kasi daw vshape un upper teeth ko. is it really necesarry for adult braces na mag expander? hindi naman po crowded un ngipin ko. kulang pa nga eh. by the way sa bahay lang siya nagcclinic.
Hindi ko masasagot ito kasi hindi ko makita ang mga ngipin mo.
doc may ma irerecomend po ba kayo na orthodontists po or clinic gusto ko po kasi mag pa braces po THANKS po
Tignan mo ang malapit. http://www.askthedentist.tv/clinics/
doc may ma irerecomend po ba kayo na orthodontists po or clinic gusto ko po kasi mag pa braces po THANKS po na malapit here sa malabon or caloocan po thanks po
See this page: http://www.askthedentist.tv/clinics/
doc ask ko lng anong klase ng braces po ang mgandang ilagay? thanks po
Hanap ka ng magaling na dentist para maganda ang kalalabasang resulta.
pwde po bamagpa adjust ng braces sa ibang dentist…ung mga graduating students po kse ng ceu na gumawa ng braces namin biglang nwala na parang bula..ilang araw na pong close ung bahay na pinagawan ng braces namin…10k buo po ung down namin…tulong naman po
Hindi. Uulitin yan malamang lalo na’t student ang gumawa.
pwede bang mag braces kahit sira na ang bagang o may bulok ask kulang naman tnx’
Aayusin muna ang sira bago ibraces.
Doc, nasa magkano po ba ang braces kung sakaling sa province magpapagawa. Wala naman pong major problem sa teeth ko. Gusto po kc namin malaman kung afford ba. Thanks po 🙂
Depende sa lala. Send ka ng panoramic x ray sa FB ko para makita ko at mabigyan kita ng idea kung anu ano ang gagawin.
Doc based from dubai po ako posible po ba na mag pa scale,clean and braces installation ako sa Philippines for may next month vacation …meron na daw po nung self adjusting braces ? how much po yun … im planning to have it in Philippines then yung every 3months cleaning posible po ba sa Dubai na yun.
HIndi. Kung saan ka madalas, doon ka magpabraces.
doc,mas nauuna kasi po ung mga ngipin ko sa lower part kaysa sa upper part.Madadala po kaya eto ng brace or kung ano po?
Yes.
Doc ask lang po, pwedi po ba yon mg pa brace kahit age 27 na? Mga mgkano po ba yon pg sa taas lang? tnx.
Yes. Taas at baba lagi ang braces.
Doc ask lang po if age 27 pwedi po ba yan mg pa brace?
Pwede.
Metal braces ung skin……
How much does it cost??
Depende sa lala ng kaso.
Hi! Doc ask ko lang yung sa case ko 6 months na ako nag pa brace until now hindi parin totaly nag a line tong ipin ko. Yung kaso ko naka twist yung isang upper front teeth ko and underbite ako, pero sabi nmn ng dentist ko kaya daw dayain, mahal nga naman mag pa surgery. ewan ko lang kasi may duda kasi ako sa dentist ko. etong august 4 binunutan niya ako sa lower isang ipin lang e nag reaserch ako, 1 month lang e dapat nag close na yung gap until now 2months hindi parin nag close. ewan ko kung praning lang ako. 35k ang pinag kasunduan 1 year daw tpos na. etong huling visit ko sabi niya baka di raw kayanin ng 1 year. Doc mahal ba tlga ang isang brackets natangal kasi yung tatlo ko sa lower pati yung pinaka dulo mahal daw yun 1k daw, sabi ko nmn ibalik na lang niya yun, nag hahanap siya ng stock wala siya makita kay kinabit na lang niya ulit. eto pa doc hindi niya ako pina panoramic x-ray eto lang last visit ko sinabi niya sa akin mag pa x-ray daw ako pero d pa daw ngayon. titignan niya ata, yung wisdom tooth isa palang kasi ang tumubo medyo sumasakit na yung gams ko kasi na bite na ng tooth wisdomn yung gams ko hirap tuloy kumain. tanong ko lang kung pwede ko recomend sa dentist ko na bunutin yung wisdom tooth?
Oo, binubunot ang 3rd molar kapag nagpabraces ka.
Doc kailangan ko po ba sabihin payan sa dentist ko na bunutin yung 3rd molar alam nmn ata lahat ng dentista ang procedure yung dapat gawin. Praning nanaman ako pinanapangunahan ko nanaman yung dentist ko?
Oks.
Doc ask ko lang kung hindi kasama yung bayad ng brace sa pag pasta ng ipin? naka brace ako ngayon e nag a line na yung teeth ko kita na yung mga cavities ang dami pa nmn.
Hindi. Hiwalay na bayad yun.
Doc ask ko lang kung pwede ko pag patuloy yung pag lagay ng toothpick parang sinisiksik ko siya sa wire para mag move yung ipin ko? yung front upper teeth ko naka twist ang tagal na akong naka brace 6 months d parin straight naiinip ako kailangan kasi mag straight nun para pumasok yung underbite ko. medyo pakalamero ako d ko sinasabi sa dentist ko. pakiramdam ko kasi noong sinabi niya nag kwento siya noong nilalagay niya yung brace ko may mga paciente siya parang tinakasan siya d na bumalik kinokontack niya d na sumagot wag ko raw gawin yun. sabi ko nmn sa sarili ko d nmn ako ganun tska matagal ko ng gusto maayos tong ipin ko. Naiinip tlga ako yung pinsan ko nag pa brace sa mall sa ortho siya 60k ang bayad niya 2 months straight na agad kaya nawalan ako ng tiwala sa dentist ko. doc yung tooth pick na paglagay ko effective tlga kaso noong medyo straight na tinangal ko mga 3 month ng pagtagal bumalik yung twist ng ipin ko. kagabi lang nilagyan ko ng tooth pick kinabukasan nag straight pero kunti nalang straight na talaga.
Hindi. Kagaguhan yang ginagawa mo. Natatapos ang braces maximum ang 2 years. Iba iba ang reaction ng ngipin, periodontal ligament at buto ng tao sa braces. May mabilis maayos, may mabagal maayos. Iba iba din ang galing dentist. Pero ang timing diyan, kapag umabot na ng 2 years at hindi pa naayos, hindi magaling ang dentist mo.
Ah ganun pala dapat. Tnx hindi ko na pangugunahan yung dentist ko. Doc tuwing adjusment diba po pinapalitan ng ruber yung nilalagay sa brackets pansin ko kasi hindi kaya ng rubber yung naka twist kong ipin. Ngayon po nilagyan ko ng sinulid para kumapit tlga sa wire tinangal ko na yung tooth pick. Naalako may binangit din yung dentist ko tunkol sa ligament at buto feeling ko tuloy ang sama ko. Ngayon po na straight na yung naka twist ang inaalala ko baka bumalik pag tinangal ko yung sinulid babalik nanaman d kaya ng rubber band. Doc napansin ko ang daming patiente na lumilipat ng dentist tulad ng pinsan ko yung ipin niya nag straight lang pero gustu niya parang lumiit yung nguso niya binunutan siya ng ipin pero bakit ganun wa effect tpos yung gap may tendecy na bumalik? Gusto ko kasi yung features ko pag naka side view hindi naka nguso.
May hinala akong hindi ka talaga pumupunta sa dentist.
doc ayoko na tlga mag comment dito dalawang beses na ang haba haba na ng natype ko sabay pindot sa cancel reply, noong una sa cellphone na back ko wala na. doc complete attendance ako late lang minsan pag dumating. sasabihin ng dentisata ko late ka nanaman naunahan ka tuloy. pag napunta ako doon nag txt muna ako kung anoong oras ako pwede pumunta sa kanya. noong huli kong punta nag txt ako sa august 3 ako pupunta dyan e laging 4 ang balik ko eh d ako nakarating nakalimutang korin mag reply sa kanya kinabukasan nag txt ako doc ano oras ako pwede pumunta dyan ang reply kahapon sabi mo pupunta ka, anytime punta ka, galit ata naghintay sa wala d ko nmn sinasadya. Doc lahat ba ng dentista kasama sa training yung pakihalobilo ang kwento kasi nun kasama pa yung assistant niya. eh d nmn ako palakwento akward tuloy tpos pag katapos ng adjustment nagmamadali ako umuwi.
doc natatawa kasi ako kapag pianapapili ako ng kulya ng rubberband ang dami pasakaling papauri may comment pa. Nag karoon din ng time na sumama ang loob ko sa kanya paano nmn doc after 3 months tska nilagayan ng brace yung lower ko nag sorry pa nmn masakit daw, diba dapat yung malambot na wire muna ang nilalagay pag unag kabet ng brace yung matigas pa nmn yung nilagay pano siguro sa ibi niya pinaggamitan. kasar tlga 1 weak nangingilo yung ipin ko d man lang ako niresetahan ng mefenamic ehh d pa nmn ako aware sa gamot. netong nakaraan lang noong binunutan ako tska siya nga reseta. Kaya ang makakabasa neto wag nakayo mag pa brace masakit hassel pero worth it hahha. doc ask ko lang kung magakano ang set ng brackets yung traditional lang para malaman ko kung makano matitira sa dentista ko kasi binibili pa niya yun?..ang yaman na siguro ng dentista koang dami rin nag papabrace sa kanya. eto pa ang nakakasar nilalagyan niya ako ng stopertpos kinabukasan durog na nag grinde kasi ako sa gabi. sayang lang tuloy hussel lang sa pagkain. ilang beses rin niya ako nilag yan ng stoper useless toothpick ang katapat.
Oks.
Hi doc. How much po kaya clear retainers? Thanks
Tanungin mo ang nagbraces sayo.
Doc may brace ako noong nag straight na sila ang dami cavities. Doc kasama ba sa bayad ng brace yung pag pasta ng mga bulok? nahihiya kasi ako itanong doon sa dentist ko paulit ulit kasi niya binabangit yung cavities e sha nmn gagawa nun!
HIndi kasama. HIwalay yan na bayad.
Hi doc ask ko lang yung wire na kinakabit diba pinapalitan yun tuwing adjusment. Yung time na natangal yung brackets ko sa lower na tatlo na mag kakahelera, na paglaruan ng dila ko yung wire na putol. Noong adjustment ko na sabi ng dentist ko dapat daw bumalik ako noong natangal yung brackets sayang daw yung wire pwede paraw niya yun ayusin. Noong pinapalitan na yung wire may binabangit siya ng pangalan yung may ari ng wire ata madami rin kasi siyang patiente. May tendecy po ba na gamit na yung wire na nilagay sa akin? Pansin ko rin po yung wire na binabalik sa akin tuwing adjustment may mark ng hiwa yun yung wire na nagamit ko na? Anu yun sterilize lang nila?
Maghinala ka kung naghanap ka ng cheapest. Buti pa, magpapanoramic x ray ka tapos isend mo sa FB ko.
last na tlga to doc salamat tlga wala rin nmn ako magagawa puro tamang hinala lahat ipag dadasal ko na lang yung dentista ko na i blessed siya ni Lord na magkaroon ng maraming wire hahahah. Tnx tlga doc cguro ang yaman mo narin doc ang galing niyo kasi.
Oks.
Doc ang first premolar sa tass ba ay binubunot kpag nag pa brace? Thanks
Depende sa kaso.
Doc, kapag po ba nagpabrace ako, space ang problem, pagnatnggal na po ung braces ko, magrretainer po ba habang buhay? Ganun po Kasi ung sa classmate ko, space din ang problem sa teeth Nya, tas tatanggalin na braces nya maybe October or November tas magrretainer daw sya habang buhay dahil babalik daw sa dati pag di sya magrretainer sabi ng dentist Nya.
Hindi habambuhay.
E doc hanggang ilang months/years po magrretainer?
Itanong mo sa nagbibraces sayo.
Doc upper first premolar ba ang binubunot kpag mag pa brace?
Hindi automatic na may bubunutin.
doc ask ko lang pag nag pa brace po ba , kailangan po ba na may bunutin na ngipin para magkaroon ng space.
Depende sa kaso. Patingin ng x ray.