Braces Cost in the Philippines

Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?

Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.

Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?

Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.

Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.

Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.

Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

1,976 thoughts on “Braces Cost in the Philippines”

  1. hi doc. uhm, may gap po sa gitna ng dalawang front teeth ko pero straight naman lahat sila. kung magpapabraces po ako, magkano po ang bayad? pls answer me doc, nilalait kasi ako ng mga classmates ko. Thank you doc, God Bless. More power!

  2. Hi Doc, mag oone month na po akong may brace, pero natanggal po yung isang bato na nakadikit sa ngipin ko, normal lang po ba yun? Nag addjust daw po kasi sabi sakin ng Dentist ko. At aayusin daw po nya next adjustment. Pero hindi naman po sya natanggal kasi may rubber na nakapatong hehe. Gumagalaw lang po. Thanks!

          1. Okay po, nilagyan po tasi ako ng braces last couple weeks. Then one day, natanggal po yung isang bato (brace) sa ngipin ko, sa may pangil ko po. Kaya gumagalaw po sya. Pero di po sya natatanggal kasi may wire na nakaharang sa kanya at goma.

          2. Nah Doc. May parang pandikit lang po na white na kinabit sa ngipin ko para mag dikit yung mga braces pero natanggal yung isang dickit.

  3. hello po. what if nagkaron lang po ng space sa gitna sa taas ng ngipin at yung isang ngipin na katabi nagfoforward po yung posisyon?

  4. hi doc,

    ano po ba ang the best type of brace pra sa mga seaman kc 6 to 8 months po ang contract nmen and how much syya? thank u po

  5. Hi doc, meron po akong sungki na ipin, yung 2 parang pangil tas pumasok sa loob ang dalawa sa upper teeth ko po. Then nagpa check up po kami sabi ng dentist retainer lang daw muna ilagay after 6mos. i-bbrace na daw po. eh parang hindi naman umaayos kapag retainer. ano po mas better magpaparetainer muna o brace?

  6. Hello po Doc. May sungki po ako sa likod ng front teeth ko, bali po naghihiwalay na yung dalawang ngipin ko sa harap kasi pa slant tubo ng sungki. Tanong ko lang po sana kung okay lang po ba bunutin tong sungki? Hindi po ba delikado? Kasi nakakatakot po. Thanks doc

  7. Hi Doc! May false-teeth kasi ako sa upper teeth ko, ung dalawang front teeth sa gitna, im planning na magpabraces, ok lang po ba na magpakabit ako (braces) kahit may false-teeth? thank you !

          1. doc. hello pooo~!!! mg magkano po ba ang braces? sa tingin niyo po? yung average na binabayran ng patients niyo? ilang thousand po? ket approximation lang po. pleaseeee? pag-iipunan ko na :3

  8. Hi po doc,
    Yun 2 upper teeth ko po ay naka forward po ng konti ano po marerecomend nyo braces po ba or retainer po? 11 years old palang po ako. Pati po may alam po ba kayong dental clinic na mura laguna especially santa rosa po
    T..Y

  9. Hi Doc,
    Tanong ko lang po ano pong marerecommend nyo po sakin na11 years old yun 2 ko po kasing ngipin sa upper part ay medyo naka forward po Braces po ba or Retainer with treatment po? Pati po may alam po ba kayong dental clinic na mura sa laguna especially santa rosa po?
    Thank U po

  10. Hi Doc,
    Na notice ko lang.. bat ang taray ng mga sagot nyo sa mga tanong nila?
    anyway, ang tanong ko, ang ngipin ko po. parang ngipin ng shark.. at sa tuwing meron akong nakikilalang mataray na tao, parang ko siyang lapain. Normal po ba yun?
    Thank you.

    1. Niriregla ka kasi kaya akala mo mataray ang mga sagot na nababasa mo. Ang hindi mo napagtatanto ay puro tama ang nababasa mo. Ang katotohanan ay nagpapalala ng kondisyon ng nirireglang lalaki. 😀

      1. Hahahahaha xD palabiro din po pala kayo doc. lol. anyway kelan pa niriregla ang mga lalaki? xD hahahah natatawa po ako sa sagot nyo ….

  11. Hello Doc,
    wants to inquire how much po aabutin ng bridge pag entire upper bridge teeth. Want to ask po kung bridge din yung ginagamit ng mga artista? 🙂 Thanks!

  12. Hi Doc ask ko po if how much ung magpabrace sa inyo po? wala pong sira or sungki ang ngipin ko maayos siya.. malalaki lang siya. pero di naman sobrang laki. Yung tamang laki lang ngipin.

  13. Hi, GoodDay! Im Melissa. Tanong ko lang po sana kung ano ang treatment na pwede sa ngipin ko? May nasend po ako na photos below. Wala pa po akong xray. Hindi pa po kasi ako nakakapunta ng dental clinic. Kaya po medyo takot po ako, baka imbis na mapaganda baka lalong magkasama. kaya nagsearh po muna ako at nakita ko ito. At malaki ang naitulong nito sa lahat. Gusto ko po malaman kung ano treatment na pwede since gusto ko po makasigurado. Hindi po pantaypantay ngipin kp may sungki po ako at nagkabulok na ngipin na din po sa leftside. May mga kailangan po bang bunutin? At mga magkno po ang nga magagastos sa lahat? At ssan po ang clinic niyo? Im located here po sa cavite Thank you po! !!

    1. Base sa bolang kristal, napapanahon na pumunta ka sa dentist bukas. Kumbaga, wag puro online. Kailangan mo ding isabuhay. Base sa tarot cards, hindi ko makita ang bibig mo para masagot ko kung ilang ang bubunutin. Minsan natanong ko din si Nostradamus, ang tanong ko ay, “Anong pangalan ko? Anong pangalan ko?”. Ang sagot ni Nostrdamus, “Eye to Eye po”.

  14. I can’t send the photos po pala

    Hi, GoodDay! Im Melissa. Tanong ko lang po sana kung ano ang treatment na pwede sa ngipin ko? May nasend po ako na photos below. Wala pa po akong xray. Hindi pa po kasi ako nakakapunta ng dental clinic. Kaya po medyo takot po ako, baka imbis na mapaganda baka lalong magkasama. kaya nagsearh po muna ako at nakita ko ito. At malaki ang naitulong nito sa lahat. Gusto ko po malaman kung ano treatment na pwede since gusto ko po makasigurado. Hindi po pantaypantay ngipin kp may sungki po ako at nagkabulok na ngipin na din po sa leftside. May mga kailangan po bang bunutin? At mga magkno po ang nga magagastos sa lahat? At ssan po ang clinic niyo? Im located here po sa cavite Thank you po! !!

  15. Doc, pag yung teeth po na-cut ng kunti sa may gilid..kaya po bang ayosin sa dati?…nadapa po kasi ako minsan at tumama sa sementong hagdan…kaya po ba ng pasta? anu po ba dapat ang treatment? at anu po ang estimate price. thanks

  16. Hell Doc ask lang po,
    Tatanggalin na raw ang braces ko dahil ayos na. Pero hanggang ngayon overbite pa ‘ko. Pumupunta naman ako every month para mapapalitan yung rubber. Recently, pinalitan nya lang ng mas makapal na wire, at sinabi niya na ngang tatanggalin na after two months. Ano pa po ba dapat yung supposed na ginagawa para matreat to? Nagkakadoubt na tuloy ako sa kanya na di siya credible dentist.

  17. Ayy! HAHA Nagsend po ako ng msg sa fb page niy o may photos po doon, hehe. di po kasi ako makasend dto ng photos

  18. goodevening po! tabinge po yung teeth ko sa harap konti lang naman po yung pagkatabinge niya how much po yung pabraces pag ganun? Thank po doc! 🙂

  19. Gud eve. po,
    From Batangas po aq. Ask q lng po kung magkano po mgpametal brace kpg my wisdom tooth at my isang bungi? D naman po malala ung problema ng ngipin q hnd lng po tlga xa nkaalign.
    Thanks in advance po.

  20. kc po tatlo bagang ko sa upper left side and right side wala na.. pwede po bang dental bridges gawin dun. at how much it will cost.. kindly do reply po

      1. Bale doc ung first molar second molar scone premolar wala napo tapnt ung front teeth meron papo tapos sa kabila din po wala na din po ipin. So may tendency po na pwede papo xia ng dental bridge if ever doc. Nkakita napo ako ng dentist na galing sa website nyo. Ask ko lang po if ever isa pong crown magkano

        1. Mag dentures ka na lang. Tagilid na sa bridge yang isang side. Sa kabilang side, hindi na. Imagine mo ang tulay, tatawid ka ba kung ang poste ay nasa isang side lang? At paano kung ang layo ng baway poste ay isang kilometro?

  21. Hi doc. Ask ko lang anu muna gagawin before braces if ung tig-isang bagang sa baba (left and right) wala na po? And nagcause po ito para maghiwalay ung ngipin ko sa baba ung gitnang part po. Thanks

  22. Hi doc
    My two lower wisdom tooth are both impacted how much is the cost for the removal of both? Also i have a bad overbite is it possible to get braces in the philippines and come back home to australia and have it adjusted here. Apologies for too much questions. Good humor by the way doc .
    Cheers!

  23. Hi Doc! mayroon po akong dalawang sungking ngipin sa harap sa upper teeth, parang bampira lang po ung itsura. 😀 then nabunutan din po ako sa bagang at tig isa sa upper and lower teeth, ang pangit po kasi tignan kasi wala na pong ngipin. ano po ang suggestion nyo for this? kailangan po ba ng braces nito? Salamat po. 🙂

  24. Hi Doc may tanong lang po ako meron po kasi ako ngipin sa harap ung dalawang pong malaki ung right po kasi na malaki may crackedor sa english Broken Teeth ano pong pwede kong gawin para maayos ito by the way im 13 years old

  25. Happy Day to You Doc!! 🙂
    Kaya ba ng braces na paliitin ung panga?? kc ayaw kupu talagang magpa sergery!!! 🙁

  26. Hi doc, may kakilala po kasi ako na nag offer magkabit ng braces, P5,000 up and down na po, and P400 for adjustment every month. Medyo liblib na lugar po, and student pa lang sya. Okay naman po ang feedback from her other clients. Sa sobrang murang price na yun, possible po ba na good quality talaga ung materials na ginagamit niya? reasonable po ba yung price or masyadong mura?

    1. Hindi ko kakilala. Pero nadidinig ko dahil pinaguusapan siya ng mga dentist. Ang problema kung pumunta ka sa hindi dentist, ay sumusugal ka na tungkol sa dental health mo. Tulad na din sa pagpunta sa albularyo para magpaopera ng kanser.

      Bago maging dentist, aabutin ka ng 6 years sa college. Pagkatapos grumaduate, kailangan mo magboardexam bago ka maging licensed dentist. Hindi doon nagtatapos. Bago makapaglagay ng braces at manggamot bilang ortho, kailangan makapagaral ng karagdagang 3 years. 9 years para maglagay ng braces.

      Kung pupunta ka sa karaniwang tao para magpalagay ng braces, anong alam niya? 🙂 Syempre ok ang feedback, pero tignan mo ang ngipin ng pasyente niya, naayos kaya?

  27. Hi doc. ang prob ko po ay ang 2front upper teeth ko po n s sobrang laki umusli po ganun din po s ibaba, as in malala po tlga kc hindi po cla align Doc bigyan nyo naman po ak ng cost estimation para mkapag ipon po ako at kung uuwi n po ako s bansa natin ready n po akong mkipagmeet po sa inyo. Thanksssssss

          1. baket mas maganda ung normal doc? pakiexplain dic. haha. may clinic ba kayo doc? ang galing nyo kasi eh.

  28. Hi doc.

    Pa advice naman 7 months na kong naka braces e ppunta akong ibang bansa gusto ko ipatangal na at mag retainer muna kase mag hahanap pa ko sa ppuntahan ko na mura braces. Pede ko bang ipatangal muna??? Thanx

          1. Hi doc! 🙂 Ano po fb page nyo? Pwede ko po ba send yung panoramic xray ko para makita nyo yung case nung sakin? Thanks po. 🙂

  29. Hi doc may question ako.. Im from cagayan de oro city, i will be working in manila soon at may 1 year pa po akong natitirang treatment kasi 2 years yung treatment sakin sabi ng dentist.. Ano po gagawin ko? Fully paid ko na po yung bayarin ko sa clinic nya. Pwede po bang ipacontinue yung treatment sa ibang dentist po doon sa manila? Thanks po

  30. Hey Doc, hiwahiwalay mga ngipin ko. as in there’s gap between each tooth. what’s the worst that can happen and ano po ang best kind of braces to be use?

  31. Hello Doc, I have Diastema sa lowercase teeth ko. The gap is only present in between the two front tooth but the rest is okay. Hindi daw ako pwede mag pa dental bond kasi magmumukang cartoons daw yung ipin ko. He suggested me to have braces instead. Usually how long will it take for the gap to disappear… 6 months / 1 year?
    Kung lower case lang ipapa brace ko, how much is the estimated cost? Salamat!

  32. hello po..

    tanung ko lng po, iba iba po b price magpalagay ng BRACE depende s iaayos n ngipin?

    and how much po ung “pinka mura” palgay ng brace.. estimate po…

    thnks

  33. Hi Doc!

    Natuwa po ako sa mga comment niyo, medyo straight forward po at kenkoy. Hahaha tanung ko lang po if san clinic niyo? My nearest po ba dito bandang paranaque? O kahit recommended dentist po na my clinic dito. Thanx po.

  34. hello po im currently residing here in jeddah saudi arabia.nagpaconsult na po ako sa orthodontist.ang price po na binigay nya sakin para sa metal braces is 1000 riyals or 12000 pesos.tapos ang adjustment po is every month and a half.so parang twice in every 3mos po.tapos for every adjustment ay may payment na 5oo riyals or 6000 pesos.tapos ung braces ay gagamitin ko daw po for 2years and half.reasonable po ba ung price na binigay nya?thank you po.

    1. Hindi ko masabi kung reasonable. Kung magaling siya, oo. Isa pa, magkaiba ang presyo diyan at dito. Mas mahal diyan. Ganito ang gawin mo. Magtanong ka sa mga clinic diyan. Get the average, wag ka maghanap ng cheapest. Yung pumapatak ang singil sa average cost base sa pagtatanon mo, ang kunin mo. Ask the dentist. Malaman mo sa sagot kung magaling . Hindi lagi, pero madalas malalaman mo kung magaling ang dentist sa pagtatanong sa kanya.

  35. Hello po, magkano po ang braces kung may two missing teeth? Need pa po ba ng implant or kaya na iadjust yon ng braces? Ska alin po ba mas ok, braces or invisalign? Kaya po ba ng invisalign yung ganyang teeth problem?

  36. thank you po sa reply=)another question pa po.Most po kasi ng dentist or ortho ang binibigay na price is ung full amount na for 2 years.so mas mahal pakinggan at mas mabigat since parang liable ka for that amount in 2 years.Sabi po kasi ng ortho sakin na for 2years and half ko gagamitin ung braces.ei since hindi naman ung buong 2 years na un ang binigay nyang price sakin possible parin po ba na ung adjustment ng braces ay sa ibang ortho na example po kapag bumalik nako ng pilipinas.or dapat po ba ei committed lang to 1 ortho?thank you po.

    1. Iba-iba ang plano ng dentist tungkol sa ortho treatment ng isang pasyente, depende sa pinagaralan niya. In fact, may 4 school ng ortho sa Pilipinas at iba’t ibang technique ang tinutro nila. Pinaok ang turo ng UE.

  37. hello doc, haha tawang tawa talaga ko sa mga answers mo. Nkakaaliw basahin. Anyway, dto po sa parañaque dalawa lang po ba yung marerecommend nyo? Wla na po bang iba dito lang sa may paranaque? hehe chaka nakakawhite din po ba ng ngipin ang braces?

  38. hellow pohh.. doc. balak ko lng poh kasing mag pahh brace kso ndi ko lng pohh alam kung mag kno … mag kno poh b??depende pohh b unn?

  39. Just want to ask if how much po yung magparepair sainyo ng broken bracket? I accidentally swallowed my front bracket (left) so I have nothing to present to a dentist to just glue though. I haven’t seen my dentist for 6 months now, my bad i know, ’cause he’s in our province and would it be possible if I actually have someone here in Manila made the adjustments in my braces? Thanks!

    1. Nalunok mo, tapos kinalkal mo pagkatapos mong magpopoo kaya broken na? Kapag broken na dahil napakatatag ng digestive system mo at nadigest ang bracket, ay hindi yan nirirepair. Sa adjustment, hindi pwedeng iba ibang dentist ka magpaadjust, dahil iba iba ang edukasyon at plano ng dentist sa buhay.

  40. Yow doc! bale naka braces ako mag wa 1week pa lang to this monday, bale po nung nagttooth brush ako napansin ko yun isang teeth ko na may braces is gumagalaw , parang natanggal po sa pagkakakabit , bale ang problem po is lumuwag pero yung isang teeth lang yun di naman lahat , should i go to my dentist na ?

  41. one of my brackets ain’t glued to my tooth anymore and I was wondering if I go to the dentist would they make me pay to glue it back on ? should i immediately go to my dentist or it can wait until my next appointment which is sa 31 pa

    1. Yes, babayaran mo usually kapag may natanggal na bracket. Next appointment yan ilalagay. AT hingin mo ang number ng dentist mo kasi siya ang ortho mo, dapat makontak mo siya anytime.

    1. Kung may panggatos ka yan ang pinakamainam para maayos din ang iba mo pang ngipin. Pero mayroong din ibang pwedeng gawin depende sa lala ng sungki. Ang mabuti mong gawin ay magsend ng photo sa facebook ko na nakalink sa gilid.

  42. Hi doc. anu mangyayari kapag walang first molar sa lower part left and right?

    at ung 2nd molar teeth ko po lower part left and right eh hindi pantay sa wisdom teeth? what should i do?

    help me. 🙁

    1. Ang mangyayari ay makikita mo na may mga bungi ka kapag tinignan mo mamaya sa salamin. Ang dapat mong gawin ay pumunta mamaya sa dentist para malaman mo ang mga dapat gawin para maging pantay ang mga ngipin mo. Or magsend ka ng photo ng ngipin mo para makita ko at hindi ko ibase ang sagot ko sa tarrot cards at bolang kristal ni Madam Auring.

Leave a Reply to RinaCancel reply

%d