Braces Cost in the Philippines

Edward Angle: How much do braces cost in the Philippines? Is orthodontic treatment really affordable in the PH?

Ask the Dentist : Hello Edward Angle. Thanks for asking the dentist! Dental braces in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in Asian countries are affordable. Because of lower cost of living, the prices of services are naturally lower than European countries. There are also steps in a dental procedure na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo.

Sa Cost of Braces, madaming factors na makakaimpluwensya dito. Una, gaano kalala ang alignment. Gaano kalala ang overjet at overbite. Gaano kalala ang oral health status mo. Pangalawa, anong uri ng brackets ang gusto mo? Metal ba? Ceramics? White? Transparent ba? Self ligating ba? Pangatlo anong materyales ang gagamitin sa pagkabit?

Pangapat, specialization ng dentist na gagawa sa orthodontic treatment mo. GP practicing orthodontics ba? Or may MS o may PhD? International Association for Orthodontics member ba? O member ba ng Association of Philippine Orthodontists.

Panglima, location ng clinic. Kung sa manila, mas mahal, kung sa city mas mahal. Kung sa liblib na lugar, syempre mas mura.

Panganim, kung may iba pang problema sa ngipin mo, kung may dapat lagyan ng dental crown. Kung may dapat bang pastahan, o dapat i-root canal treatment. Or kung may dapat bunutin. Dapat inuunang ayusin ang mga ito bago ilagay ang braces mo. Para sa karagdagang impormasyon visit mo itong site: a guide on Braces Cost.

Walang fixed price sa braces. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. Hindi siya tulad ng pagpapa-pedicure Iba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng bibig. At iba iba din ang kailangang orthodontic treatment. Iba iba ding materyales.

The cost of dental braces in the Philippines is much cheaper compared to other countries. Kaya nauuso ang dental tourism. Panlaban natin ang high quality at low cost ng dental treatment.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality Orthodontic treatment. Ask your friends about their dentists. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na inandertake niya. Magpagawa ka sa province. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan. Itanong mo kung member siya ng International Association of Ortho or Association of Philippine Orthodontists. Kung may MS of PhD siya mas mabuti, nakakasiguro kang napakagaling ng dentist mo, yun lang siguradong medyo mas mahal.

Salamat sa pagbisita mo sa aming website. Kapag may gusto ka pang itanong, bisitahin mo ulit ang Dental website na ito o kaya’y pumunta ka sa iyong pinagkakatiwalaang dentista. Pinakamainam pa ding makita ng personal ng isang dentista ang iyong dental na kalagayan.

For free dental braces consultation, visit Braces Quezon City Philippines.

Phone : 0927 984 8895, clinic address : #75 15th Avenue cor. Main Avenue 1101 Cubao, Quezon City

1,976 thoughts on “Braces Cost in the Philippines”

  1. Doc mayroon po akong butas sa harap ng ngipin ipapapasta po namin pwede din po ba kong mag-palagay ng retainers?? madami din po akong sungki mga 4 po. ano po ba ipapalagay ko braces,retainers or wag na po

  2. doc. meron somewhere in manila, 5000 un downpayment for braces. magandang quality po ba ung mga ganung nagpapadownpayment? tapos ung installment, 1,500 monthly. aun po.

  3. Doc!
    Mura lang ba ‘yung mga downpayment ng mga ni-recommend mo? Patansya naman po ako ng price hehe. Medyo mahiyain po kase ako kaya hindi ako makapag-inquire ng personal hahaha!

    1. Ang pagkamura ng isang bagay ay nakadepende sa tao, nakahandang pera at antas ng kanyang pamumuhay. Ikaw ang bahalang humanap ng dentist mo, sinasagot ko lang ang tanong ng mga mananananong tungkol sa dental.

  4. Hi Doc! Ask ko lang kung pwede ba yung ginawa akin nung nagpa brace ako, Nilagyan ako sa baba pero sa taas hindi muna kai nabunutan ako milkteeth, After 1month daw yung a taas. Okay lang ba yun? Tsaka mura lang ng DP 5k, then 1k monthly. Kinakabahan ako.

  5. doc ask ko lang anu dapat gawin sa teeth ng anak.ko natamaan ng bola ng basketball kaya hnd n pantay ngayun 3rd year high school xa ngyun..

      1. Doc pwede ba ipabrace lang taas lang? wla.na b tlgang ibang paraan para mtnggal sungki kundi brace? tutol kai mga parents ko kht mpera nmn sila

  6. Good afternoon po Doc. 🙂 ano po bang mas maganda na braces? metal or ceramic? ano pong mas madaling makapantay sa dalawa? Yung tagal po ba ng treatment nakadepende sa galing ng doc? or sa case ng ngipin? Yung ngipin ko po kasi malaki ang 6 front upper teeth tapos sa lower teeth pantay pantay naman lahat ng laki. Anong po bang dapat gawin maliban sa braces para lumiit ang ngipin ko sa upper? para maging pantay sya sa lower teeth..

    And ano po ang mga dahilan bakit nasisira ang braces?

    Thanks po sa advice. More power and Godbless..

      1. Madalas masira ang mga ngipin na may braes dahil hindi nalilinis ng pasyente.
        O hindi ipinapasta ng pasyente bago ibraces.
        O hindi din alam ng dentist kung ano ang gagawin.

  7. doc. nagpabunot ako date ng isang bagang ko sa baba mga 6 yrs ago, tapos napansin ko as time passed by ung isang ngipin ko sa harap eh slightly nakatagilid na at di na aligned sa iba kong ipin sa harap medyo umangat sya. meron akong isang sirang ipin, na bagang dn at sa baba din that i plan na ipabunot, nd na sya masesave (i know), so, ang tanong ko lalala ba ung hindi na aligned na isa kong ipin? un lang naman, at advisable na bang magpabrace ako para maayos sya?

      1. What if your upper teeth are your problem and nothing else even the bite isn’t a problem.. the most probably you may only brace your upper teeth..

        1. Malaki ang probability na isa kang dentist. Wag mong mamasamain, pero ang braces, upper at lower lagi. Imposibleng mangyari na walang problema sa baba pero sa taas ay meron. Magkapares yan iha, kung inayos mo ang taas, aayusin mo ang baba. Try mo sa ngiping mounted sa wax, galawin mo ang ngipin sa taas, subukan mo iarticulate sa baba, tiyak ako makikita mo kung bakit.

  8. Doc, yung 2 upper teeth ko po sa itaas ay may distansya kung baga (separated po sila) nagsimula po itong masira nung 13 ako.. ask ko lang po kung possible pa po ba itong maayos? at pwede pa po ba itong malagyan ng pasta? para hindi na po siya separated tingnan..

  9. Doc ano po dapat gawin pag yung dalawang ngipin mo sa upper di pantay. Yun po prob ko gusto ko maging kapantay siya ng iba. Mas mahaba yung dalawa

  10. nka atras po ung isang ngipin ko sa harap kya po ng brace un magkano po ang aabutin nun? magkano po ang bayad dun?

      1. kung ganun doc, ano mas mganda treatment sa teeth ng isang seafarer? tulad ko na unti-unting nawawala sa align ung teeth ko kasi kulang na ung teeth ko sa right side upper. wala na ung 1st premolar, 2nd premolar at 1st molar? e gus2 ko po maaus ang ngipin ko. advice naman po. salamat po.

  11. Doc, kinabit po ung braces ko 1 week ago.. nag tataka ung sister ko bakit daw hindi kinabit ung dental bands. Yung pinapasok sa ipin..Ung parang shoe sa dulo ng ipin.. pwede po ba yun? or baka next visit ikakabit?

      1. so talagang kailangan po doc unang kabit pa lang ng braces dapat nilagay na ung dental bands? tatanungin ko nga ung dentist ko next visit. 🙁 ung mga dulo po kasi ng ipin ko di nya pa nilagyan ng bracket..

        1. Siguruhin mo munang dentist yang napuntahan mo. Madami ngayon, uso ang online seller na pinapalabas na ganun kasimple ang braces na bastabasta dinidikit lang tapos bahala na si batman malagas man ang ngipin ng tao o hindi.

  12. hi doc, kaya bang agapan ung ngipin ko na may itim, mejo maitim na sa lower molar ko, hmmm, hindi sya sumasakit kahit inguya sa matamis or tubig na malamig, actually mas sumasakit pa ung mga ngipin kong wala namang itim, kaya po ba ng pasta ung lower molar ko na may itim or anu pong recommend nyo? thanks doc.

  13. doc pwede bang every after two months ang visit sa dentist after maikabit ang braces? OFW kasi…every two months lang ang uwi. thanks!

  14. hi doc, ask ko lang po kung magkano po ang cost pag yung case ng ngipin ay slanting?? naging slanting po yung ngipin ko kasi po nawala yung isang canine tooth ko so as a result naging slanting po teeth ko tapos nagsara or nagconnect po yung lateral incisor tsaka yung first premolar ko. thank you po..

  15. Paano po pag ang sungki ay kasunod ng two front teeth and yung dalwang sungki na yun ay mas maiksi kesa sa two front teeth? Ano po magiging itsura nun pag nagpabraces na ako?

  16. Doc, dati po nangingilo ang ngipin ko sa baba tapos ngayon po hindi na. pwede na po ba ako magpa brace?

      1. Im just curious, if a person is experiencing a jolting pain or “pangingilo” does xray really show the condition of the teth… i think its much better if the patient find an certified dentist.. coz i’ve been there before and in my case its in the nerves of my teeth is the problem… hmmm?

        1. Yes makikita kung bakit. Usually, sa level na lang ng buto makikita na kung bakit nangingilo. Periodontal problem. Maging calcular deposit nakikita. Madaming ichicheck sa xray. Pwede mo ako ipm sa FB kung may ikukunsulta kang patient mo.

          At balak niyang magpabraces, gusto kong makita, dahil kapag may periodontal problem, hindi siya kandidato sa braces. Kailangang malunasan muna ang perio problem niya bago i-braces.

          Sa kaso mo, pakidescribe kung ano ang sabi ng “dentist” mo. Nerves ang nagtatransmit ng kahit anong pakiramdam papunta sa brain. Mukhang malabo ang paliwanag ng dentist mo.

  17. Doc natawa naman ako dun sa Canyn na Thumygas…:))) anu po fb nyo..nagkaka gum recession po ako…anu po dpat Gawin?

  18. pwede po va mag pabrace kahit na wala ng first and second molar sa lower left? third molar lang natira pero sa lower right side, meron pang third and second molar.

  19. hi doc.. pinaExtract po ang dalawang molar ko left and right sa lower jaw nung 2006 then last year october pinaExtract ko po ung 1 moral ko sa right upper jaw..

    pede pa po ba ako magpabrace? kasi napansin ko pong parang naghihiwalay ang mga ngipin ko..

  20. doc tanung lang po ako… malala po ba ung case kung may isa akong false teeth sa taas at isa din sa baba tpos pareho silang nakapsok sa gitna ng katabi nitong mga ngipintpos pag tinatantya ko ung space kung kakasya ba ung ngipin sa space pag nagpabrace ako parang di sya kaakasya masyadomaliitung space…. makukuha po kayang paluwagin ung space kpag ngbrace ako para maalign ung ngipin ko?

      1. Doc ask lng po pwede din po ba mag pa brace kaht wala ng 2 ipin sa baba, pero sa taas nmn napasta na un may sira ?!! Tnx po and godbless..

  21. doc, malalaman mo ba kung magkano ang possible cost kung magpapabraces ako kapag nakita mo yung teeth ko?

        1. Hindi. Pero malay mo kung may pwersa ka ng isang mandirigma ng Sparta, pwede mo subukan at baka maalis. Kapag ang Spartan nagbrush, tanggal ang itim pati ang ngipin.

  22. Doc ask ko lang po ng paplano po kasi aq mgpbraces mga magkano po kaya ang aabutin ng braces.. ksama lhat ng bunot pasta and xray.. estimate lng po para my idea aq.. salamat po

  23. Doc nagpalagay ako ng braces para maayos aligned ng teeth ko. madadala o maayos din ba ang case ng mis aligned jaw ko dahil hindi proportion at tabingi ang bite.

  24. Doc pwede bang twice a month ang paadjust sa brace ? Halimbawa 15 and 30 ? Pra mas mabilis ang pagayos ng ipin po?

  25. Ano po ang dapat gawin kung ang dentista ay umalis for morethan 2 months na at walang definite date kung kelan babalik dahil hindi na din po ma contact.. Yung brace po ng daughter ko ay hindi po na adjust ulit at ngayon ay pumapangit na yung alignment ng ipin nya..nag try kmi pa adjust sa ibang dentist pero wala pong mag accept. Pwede po ba ireklamo yung dentist namin. Thanks.

    1. Try mo hanapin sa facebook at tanungin mo kung pwede irelease ang anak mo para magawan ng ibang dentist. Kung hindi na talaga mahanap, maghnap ka na ng ibang dentist.

  26. Doc need po bang ipabrace ung ngipin ko na tumubo nmn pero hindi nagpantay sa mga iba kong ngipin grade 5 pa ako un natanggal tpos hanggang ngayon 3rd yr college nko hindi pa din totally tumutubo ng maayos hindi na nagpantay sa iba ko pang ngipin para tuloy akong bungi tignan..

  27. Hi Doc, ask ko lng kung maaayos ba ng braces yung overbite na ngipin kahit nasa lahi niyo na? Thanks po.

  28. doc, yung upper teeth ko po kasi eh paloob, yung prang bunny teeth po. dapat po ba akong magpabraces? saka kulang napo ako ng dalawang ngipin na permanent. pwde pa po ba akong magpabrace? thankyou po.

  29. Hi po Doc kakabunot lang ng bagang ko. pero pakiramdam ko na may natira pang ipin. possible po kaya na bone po yung nakakapa ng dila ko? Sabi naman po ng dentist after niya ko bunutan roots daw yung nakakapa ko.
    Doc. Color white po yun and patulis.
    Mraming salamat

  30. Doc yung 2 upper central ko po is nabasag 5 yrs ago almost half nalang yung tira then pina-pasta ko po 5 yrs na rin siya, problem is yung 2 upper lateral ko po ay nakaurong yung tubo. Possible pa po bang maayos yun ng brace w/o removing the 2 central? para naman po makapagsmile na ako w full of confidence 🙁

  31. doc pwede ko bang palagyan ng braces ang ngipin ko para mag sara po yung bungi na binunutan o para mawala yung bakante?

  32. hi doc ask ko lamh po kung pwede ung taas lng muna nilagyan ng brace ng dentist ko then sbi nia after 2 to 3 months daw muna bgo lgyan un ibaba ? ok lang b ayun? sabi niya din antayin muna daw lumabas ung ngipin ko

  33. Pakabit po ko self ligating braces mga almost 2 mos. na po pero ung bracket nya sa mga molars ko nilagay nya lang after one month. Ok lang po ba yun? At natatanggal ung bracket sa lower molar ko kc dahil po cguro may space ung ngipin ko bago sa may molar na pinagkabitan ng bracket.

  34. hi doc, may binunot po sakin na pre molar upper right, pag nagpabraces po ba ako possible po bang umurong yung molars ko para i occupy yung space na pinag bunutan? thanks

  35. Hellow! poh Pwd po mgtanung? Pwd po mgpalagay ng braces pg meringue artificial teeth dalwang piraso?thanks po:)

  36. I mean po dalwang postiso sa Harap doc,Pwd po ba Magpalagay ng braces?kasi gsto q po sana mgpalagay eh.thanks po:)

  37. So anu po ang gagawin doc as dawalang piraso na wlang ipin doc?kasi sa Harap po tlaga ung postiso q eh.thaks po!

  38. Hello Doc. Ask ko po sana yung ngipin ko kasi may spaces po…gusto ko magkadikit sana….ano po ba dapat gawin dito? Tapos yung pina ka dulong teeth na crack po siya..bali tatlong ngipin…

  39. Doc panu po pag ung isang ipin tumubo dun sa likod ng front teeth ko na nagcause po ng d pantay na ipin? malala po ba ung ganung kondisyon.?

  40. Hi doc! Tanong ko lang, kasi nasa Pangasinan po ang dentist ko at andito naman po ako sa manila nagwowork. Possible po kayang magpaadjust ako ng braces dito sa ibang dentist? Magkano po kaya yun?

  41. Good afternoon Doc,hingi lang po sana ako ng advise,Ang Front teeth sa taas ko po ay malaki ang isa tapos ung isa maliit parang na occupy po ung space noong malaki at may gap po.sa gawing kanan po ng front teeth(taas) may isa po na sungki ang pagkatubo ng ngipin.Ao po kaya magandang gawin dito doc?

  42. Doc, may nagbunot kasi ng ngipin ko nung 10 ako. Legit na dentist naman siya kaso hindi maayos yung pagbunot niya, may naiwan po kasi pero nakabaon sa gums. Ano pong dapat gawin? Thanks.

  43. Doc, pag self ligating po ba ang pinalagay ko pwede bang after 6months na ang balik ko sa dentist? OFW kasi ako at semi-annual lang ang vacation namin.

  44. Hola! Doc ask lng ako kung pwede ba magpalagay ng Braces sa Pinas, tas sa ibang Doctor ako magpapa check-up for my braces, kase im going to work in abroad. 🙁 I hope possible yun, gusto ko kasi pumantay ang ngipin ko.

  45. Doc hello po. Ask ko lng po. Ung sa bagang ko po ksi sa kaliwang baba humihiwalay ung gums. Pnu po kya un if ever mag pa brace ako apektado po b un?

  46. doc pwede po ba magpabraces yung false teeth ang isang ipin. bale ang ginawa ng dentist yung false teeth eh ikinabit sa isang ipin ko na ginawang jacket.

  47. opo cantilever bridge po sya doc. tapos po doc yung 1st molar ko sa lower left and right wala na po pareho. bale second molars na lang po both na nasa dulo sa lower ko. sa upper naman po wala na ako 2nd molar sa right side po. maari pa rin po ba ako magbraces kahit wala na ako second molars.

  48. Hi doc, i had braces before pero po pinaalis ko po yung sa baba dahil feeling ko di po tlga magawan ng paraan ng dentist ko yung teeth ko. I have deep bite problem po tpos po may sungki(down). Can you suggest what procedure i should take??? Thank you po! 🙂

  49. doc pwedi bang mag pa brace sa baba lang kasi hiwahiwalay kasi ngipin ko sa baba at sa taas naka postiso pwedi po ba yan i brace sa baba lang?

        1. Yes. Of course depende sa lokasyon ng implant at goal ng braces. Kapag ang lokasyon ng implant ay kulang sa space, gumagawa kami ng space para sa implant or sa restoration ng implant.

  50. sabi mo sa mga comment na iba sabi mo taas at baba ang brace lage, ang tanong kung pwedi sa baba lang?

  51. Doc, yung anak ko po kasi naputol yung isang teeth niya, ang akala ko yung maliit na teeth niya kng saan naputulan ng ngipin ay bagong putol, yun pala kaputol lang pala yon na di natanggal, ngayon tinubuan siya ng ngipin sa gums, ang masama po eh pataas yung tubo ng ngipin, ano po kaya ang magandang gawin don, ipapabunot ko po ba yung teeth niya sa gums kc pataas yung tubo eh, nasa gilagid na po. kung bubunutin po ba yon magkakangipin pa po ba ulit ang 5 yr old baby ko??

  52. Doc, yung anak ko po kasi naputol yung isang teeth niya, ang akala ko yung maliit na teeth niya kng saan naputulan ng ngipin ay bagong tubo (tubo pala), yun pala kaputol lang pala yon na di natanggal, ngayon tinubuan siya ng ngipin sa gums, ang masama po eh pataas yung tubo ng ngipin, ano po kaya ang magandang gawin don, ipapabunot ko po ba yung teeth niya sa gums kc pataas yung tubo eh, nasa gilagid na po. kung bubunutin po ba yon magkakangipin pa po ba ulit ang 5 yr old baby ko??

  53. Hi Doc,

    Just want to ask if feasible po ba mag pa brace even complete ang teeth (Upper and lower)? Then kaya naman po ako magpapa brace kasi sungki sungki ang lower ko.

  54. Sa seafarer po advisable po ba magbrace? Gusto lang maayos ngipin to preserve the normal teeth. Then kulang ng isang teeth ang pangitaas. Wala na sa alignment.

  55. .. hi doc kce po sumasakit ung kaliwang bagang ko may sira tapos binunutan po tas sbi ko masakit padin tas binunutan po ung dalawang magkatabi tas ang nangyare eh wala na po ung magkakasunod na ipin ko sa baba
    . tatlo .. ask ko lang po if pwede pa pu bang ipa brace pag wala ng ipin ung bagang ko sa
    kaliwa?? bali tatlo pong magkakasunod ang wal ng ipin..

    1. Pwede. Pero kumplikado. Hanap ka ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara.

      Base sa nangyari sayo, mukhang naghanap ka ng cheapest dental treatment. Wag ka maghanap ng cheapest. Ang kalidad ng kahit anong gawa may bayad. Unless, mahal ka nung gumawa.

  56. Doc, its been 4days na since magpa brace ako. Tanong ko lang if natural bang di muna ako makanguya even rice kasi pakiramdam ko ngilo sya?

  57. Doc. Pina bunot ko po ung 1st molar ko both side. pwede pa po ba pa braces?? At wala na bang iba pang treatment nagagawin dun sa bunge ko??

  58. hi doc ask ko lang po pwde po ba ako mag pah adjust dto satin kasi po nag pa brace po aq sa Taiwan at end of contract n po ako sa company nmin .nung waiting po aq sa pag punta ng Taiwan at inaantay ko lng po yung hiring let ng company namin ang kaso po bigla nag sarado n po kaya hanggang ngayon d pa aq nkapag pah adjust masakit n po ang ngipin ko po doc sana matulungan nyo po ako doc.

Leave a Reply to chaCancel reply

%d