Braces FAQ

Ask the Dentist’s Legendary Frequently Asked Questions about Braces

Question : Pwede po bang upper lang ang braces?
Answer : Hindi. Upper at lower lagi ang braces. Magkatapat ang upper at lower na mga ngipin mo. Kapag inayos mo ang taas, aayusin mo din ang babang ngipin. Kahit sa tingin mo maayos sa baba, tiyak na magulo yan dahil magulo nga yung taas.

Question : Pwede po bang lower lang ang braces?
Answer : Hindi. Lower at upper lagi ang braces. Magkatapat ang lower at upper na mga ngipin mo. Kapag inayos mo ang baba, aayusin mo din ang taas na ngipin. Kahit sa tingin mo maayos sa taas, tiyak na magulo yan dahil magulo nga yung baba.

Q : Gusto kong magtipid. Pwede po bang retainer ang isuot ko para maayos ang ngipin ko?
A: Walang inaayos ang retainer. Ang retainer ay sinusuot lamang pagkatapos ng orthodontic treatment. Pwedeng isuot, pagkatapos ng ortho treatment.

Q : May pasta ako, pwede ba ako magpabraces?
A : Oo pwede.

Q : May bungi ako, pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede.

Q : May sira ang ngipin ko, pwede pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede. Papastahan muna lahat ng may sira bago ibrace.

Q : May sumasakit na ngipin ko, pwede ba ako magpabrace?
A : Oo pwede. I-a-RCT muna or bubunutin ang sumasakit na ngipin bago ibraces.

Q : Kanino po ako pwede magpabraces?
A : Sa dentist na may post graduate study/training sa ORTHODONTICS. Ang dentist pagkagraduate at nagkaroon ng lisensya, pwede syang maglagay ng brace. Pero hindi nangangahulugang marunong sya sa brace. Kailangan ng formal training para makapagayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. Ang training sa orthodontics ay pwedeng sa pamamagitan ng MASTERAL sa Dental School. Ang Masteral ay 3 years na pagaaral sa isang dental school tungkol sa orthodontics. Pwede ding sa PRECEPTORSHIP. Ang Preceptorship ay 6 months and above na training sa isang institution. Hindi natutunan nang buo ang Orthodontics sa seminars at youtube. Kahit ilang seminars yan. Kahit ilang youtube videos yan.

Q : Sa dental clinic po na pinag-Brace-an ko, iba ibang dentist ang nagaadjust sa akin. Okay lang po ba yun?
A : Hindi okay. Sa braces, isa lang dapat ang orthodontist mo. Hindi pa iba iba. Isa lang dapat ang nagaadjust sayo mula umpisa. Hindi pare pareho ang iniisip ng iba’t ibang ortho sa isang bagay. At ang level ng kaalaman at pinagaralan nila ay hindi pare pareho. Madalas ding mangyari na nageemploy ang mga clinic ng bagong graduate na dentist, kaya sa buwan buwan na pagpunta mo doon ay ibang dentist ang nagaadjust sayo. Mali yun, dahil hindi alam ng bagong graduate ang orthondontics agad agad. Kailangan niya pang magspecialize para malaman ang tungkol sa braces.

Q : Ano ang kailangan bago makapagbraces?
A : Mabuting magpatingin ka muna sa orthdontist mo. Sa consultation, titignan ang ngipin mo, condition ng gilagid mo, mukha mo, profile mo etc. Kung madetermine na pwede kang magundergo sa orthdontic treatment (Braces). Irerefer ka nya for X-Rays, Study Casts, Photos.

Q : Sabi ng dentist ko hindi ko na kailangan ng Panoramic x-ray. Kailangan ko ba nun?
A : Oo, kailangan mo lagi ng x rays. Kung sinabi yan ng dentist mo na hindi mo kailangan ng panoramic x ray, magpalit ka ng dentist. Unless, gusto mo magpabraces sa MANGHUHULA. Kahit gaano kagaling ang manghuhula, hindi niya makikita ang nasa ilalim ng gilagid, ngipin at buto mo.

Q : Ano po bang silbi ng X rays?
A : Pinakamahalagang diagnostic aid ang x ray. Ginagamit ang ceph at panoramic analysis sa kung ano ang treatment plan sa isang kaso.
Ilan din sa makikita sa x rays ang sumusunod:

Hindi tumubong ngipin

Hindi tumubong lateral incisor
Hindi tumubong lateral incisor

Extrang ngipin

Extrang premolar.
Extrang premolar.

Infected na ngipin

Periapical infection sa lateral incisor.
Periapical infection sa lateral incisor.

Q : Sabi ng kaibigan ko, nilitratuhan ang ngipin niya, mukha niya at profile niya. Sa dentist ko, hindi ako kinuhanan ng photos. Kailangan po ba ng photos ng ngipin at mukha?
A : Kailangan. Kinukuhanan ng photos ang ngipin, sa occlusal, sa front, sa side. Kinukuhanan din ng picture ang mukha. Ganun din ang side view, profile ng pasyente. Kung hindi ka kinuhanan ng photos ng dentist mo, malamang na hindi siya nakapagaral ng tungkol sa brace. Isa siya sa mga dentist na nagoortho-ortho-han lang.

Q : Hi doc. Yung dentist ko po kasi 2months nkong d pinapalitan ng wire. palit rubber lang pag adjustment. okay lang po ba yun?
A : Hindi buwan buwang pinapalitan ang wire. Hindi kada adjust papalitan ang wire. Kung sigurado kang orthodontist ang dentist mo, wala ka dapat alalahanin.

Q : Ano po ba ang Rubber change?
A : Kapag nadinig mo ang rubber change, isa yan sa senyales na magpalit ka ng dentist. Mapariwara ang buhay mo niyan sa kapalpakan.

Q : Pwede ba ipabrace ang may RCT?
A : Oo pwede

Q : Mura po ang DIY Braces. Pwede po kayang ako na lang magbraces sa sarili ko.
A : Kung sa mga dentista na nga nagaral ng mahabang panahon, may pumapalpak pa din. Yun pa kayang ikaw? Malalagas ang ngipin mo sa DIY braces, garantisado yan.

Q : Bakit masama sa DIY braces?
A : Ang braces ay hindi simpleng dikitan lang. Pagkapasa ng dentist, hindi pa niya alam ang magayos ng ngipin sa pamamagitan ng braces. May karagdagang pagaaral na tinatawag na specialization. Ang masteral ay nagtatagal ng 3 years sa isang dental school. Pwede ding preceptorship na pwedeng magtagal ng 1 year. Matapos ang specialization saka lang siya makakapanggamot sa pamamagitan ng braces. Kung ang simpleng tao ang naglagay ng braces, sa tingin mo alam niya ang pinagaralan ng isang dentist sa loob ng 7-9 years? Kahit magbasa siya nang magbasa o manood ng videos ng braces, hindi niya matututunan yun. Sa maling position pa lang ng brackets, malaking damage na ang pwedeng magawa. Dagdag mo pa ang wire na ginamit, maling force lang ang maapply sa ngipin, pwede na yung maging dahilan ng pagkamatay ng ngipin.

Q : Ano ang pwedeng idulot ng DIY braces?
A : Pagkalagas ng ngipin ang final result. Sa simula, pamamaga ng gilagid, paglihis ng ngipin, maling position ng ngipin, labis na paguga ng ngipin, pagkakaroon ng caries, pagkabali ng ngipin, infection ng ngipin. at iba pa.

PDA Warning
PDA Warning
DIY Brace is dangerous
DIY Brace is dangerous
Effect of DIY Braces
Effect of DIY Braces
DIY Braces are harmful to your oral health.
DIY Braces are harmful to your oral health.

For more info visit us @
Quezon City Dental Clinic
Pangasinan Dentist
Pangasinan Dental Clinic

352 thoughts on “Braces FAQ”

  1. Hi doc. Normal lang po ba sa ipon na parang lalabs sa gums pag bagong braces kc nagmmove? Ung sa kaibigan q kc ganun. Salamat doc.

  2. Hello po, mag 3 years na po akong nakabraces this may 2015. Fully paid na pong 40k yung nabayaran ko bago mag 1 year. Nung nagpabrace po ako, hindi po ako ini-xray, pinicturan etc. tinignan lang po ang ngipin ko and nilagyan na ng braces. Ang teeth ko po noon sa taas is yung 2 front teeth ko is parang book na nakabukas, yun lang po ang problem and sa baba naman po ay sungki. nung napansin kong nagiging outward na yung position ng teeth ko lately kasama yung mga normal sa taas na ngipin ko kasi po nahihirapan na po akong ngumiti at ngusong nguso na po ako talaga, i do researching na po if may same cases po ako. malalaki po yung ngipin ko, gusto ko nga po sanang ipatrim sa gilid para matulungan na maging in yung sa taas and baba. pinaalis na po yung braces sa baba kasi raw po maayos na  (opo maayos na kaso paoutward naman ang nangyari sa baba), kaso parang hindi magiging papasok yung ngipin ko sa taas kasi nakaharang yung pagoutward sa baba. parang ganito po

      \
    /

    ano po bang suggestions niyo para po umayos papasok yung ngipin ko? I need po ng opinions. kasi po parang hindi na po ako tiwala sa dentist ko. oo lang po kasi siya ng oo.

      1. Well isa yan sa mga payment terms. May patients, they want to pay off the entire treatment ng isang payment lang. May iba, they want to pay off the treatment for a longer period of time. However, the mode of payment is usually 50% downpayment and the remaining balance is paid off in 24 months time

  3. hi doc.tanong ko lang po nagpabrace po ako yung sa baba po may umuugang ngipin.sabi po ng dentista hindi pa raw nya malalagay yung wire sa baba kasi po umuuga bago daw po matanggal lang yung mga ngipin na umuuga.sabi nya po babalik daw ako pagdumating na yung ortho dentist ba yun?d po ako sure.doc ano po kaya mangyayari sa mga ngipin ko.at pano po patibayin ulit ang ngipin para d na umuuga doc?

  4. doc tanong ko lng po kasi 2 years na po ako naka brace wala pa din po pag babago sa ngipin ko iba po kasi bite ko gusto ko ipasok yung lower na ngipin ko, puro lng din adjust ginagawa ng dentist ko sa ngipin wala na din ako bagang sa lower mag kabilaan pano po ba masasaayos ang ngipin ko? salamat

  5. Pwede po bng mgpalagay ng brace o mglagay ng brace ang general dentist? Orthodontist po b dapat? Ngpanoramic xray nmn po aq at ngpicture xa s cell nia ng teeth at face ko… Un isa jo pong ngipin lumabas n pero ung isang sunki ay lalong pumasok kc ung nsa baba ay nkaharang s nsa taas…pinastahan din nia ung 2 kong ngipin khit tuldok lng ng krayum ang itim…

  6. pwede po bang mag pa adjust ng braces sa ibang dental clinic and hindi mismo sa dental clinic kung saan ka nagplagay ng braces? wala na daw po kasi yung record ko sa dental clinic kung saan ako nagpalagay ng braces. based kasi sa contract nila, after 6 months of not having braces adjustment, aalisin na ang record. I was not able to come back for a year ’cause I went abroad. thanks

  7. Good pm po doc. 3 weeks palang po ako na naka-braces. But nung first week palang po napansin ko na po kaagad na umatras na po kaagad yung isang front tooth ko. Normal po ba yun na may ganung change kaagad in just one week?

  8. hi.. tanong ko lang po.. gusto ko na icancel ung contract ko 1 month plng nmn . and hnd pko bmblik for adjustment. ngdown ako 5k. hindi ako bngyn ng contract copy at receipt. anong consequence ng pgcancel ng contract and khit san b pde ko ptnggal to? bka kc mgalit ung ortho ko 🙂 hnd nya tnggalin.

  9. Hi pohh doc dapat po ba pag nag pa brace ehh walanG sira ang ngipin????
    At mag kano po ba ang brace????

  10. Hello po doc! Gusto ko sana magpabraces kasi may sungki sa upper ko pero mahal kapos ako haha meron po bang dentist na per month pwede bayaran?

      1. Dok gusto ko po sana mag pa brace pero yung 2 molar teeth ( katabi ng wisdom tooth)ko po e wala na. E hindi po maganda yung structure ng teeth ko. Pwede pa po ba ko mag pa brace? Yung upper set of teeth ko po kumpleto pa . 2 lang talaga yung problema. Please help me po

  11. sir mag paakabit na po akong brace kulang po ngipin ko sa dulo sa may ibaba lalagyan pa po ba ng ngipin yung akin yung parang may turnilyo po na ilalagay sa jaw?

  12. hello po Doc.. ask ko lang po if pwede po bang magpa braces kapag my sira na po sa unahan na parang nangingitim po .. tnx po

  13. hello po Doc.. ask ko lang po if pwede po bang magpa braces kapag my sira na po sa unahan na parang nangingitim po .. tnx po

    ipapabunot ko po muna sana then pinag iisipan ko pa po kung ipapa pustiso or ipapasta ko nlang po…tnx po

  14. Doc, ask ko lang po, okay lang po bang magpagawa ng retainer sa ibng ortho after magpabrace? kasi po yung previous ortho ko, separate pa po pala yung bayad sa retainer ang napagusapan po namin na presyo ay 40k wala po kaming kontrata at 6k ang isang retainer, malapit ko na po yung mkompleto at nakikita ko naman po yung improvements sa ngipin ko ngaun. mga 1 year and 6months na po ako nakabraces. tatapusin ko lang po yung sa dati ko tas yung balak ko po mgpagawa nalang sa iba ng retainer. wala naman pong epekto sa ngipin ko kung sa iba na po ako mgpapagawa ng retainer? thanks.

  15. pano malalaman na may improvement sa ipin na nilagyan ng braces?
    sempre may makikita ka na nanyayare..ndi nman po biglaan un..gs2 ko malaman kelan at panu mo makikita na naaus ang ipin mo after lagyan ng braces? for example.. ung sakin kc usli ang ipin ko…ung wires po ba e para bang nahahatak paloob kaya expected na lumalabas ung dulo ng wires..dun sa dulo ng braces?

  16. Good day! Doc I just want to ask kung pwede Lang po ba magpalit ng dentist kahit may remaining balance ka pa, Hindi po kasi ako satisfied sa dentist ko. And one thing po like others walang xray or something procedure before doing braces. Thank you and God bless Doc!

  17. 1.Ask lng po doc, nkabrace po ako then ung upper front teeth ko is mejo nkapasok ng konti sa katabing teeth…ano po ba pwd gawin or ok lng po?mejo tabingi at mejo mahaba ng konti kysa sa katabing fron teeth..
    2. Ok lng po ba khit nauna ug brace kaysa pasta sa sirang ngipin i mean tuldok na itim..ano po disadvantage nun?
    thanks for the response

  18. Dagdag sa question ko sa number 1, is pag tnignan mo sya harapan sa salamin is pantay nmn pero pag sinalat ko ng dila sa likod ng ngipin eh prang nkapasok ng konti? Ok lng po ba and pano ggwin if d same lenght ung haba ng ngipin sa upper teeth?

  19. hi po doc…pwede po ba ako magpalit ng dentist kung feeling ko pineperahan lang ako?ang usapan kasi namin fix cost sa isang buwan,e nagka emergency kaya hindi ako nakapunta ng isang buwan,nung ika 6weeks na ako nakapunta at dapat ko daw bayaran ay isa’t kalahating buwan na amount..so pag di ako nakapunta ng 2mons,doble ang bayad for an adjustment?e bakit naman ako magbabayad for those times na di naman na adjust ung ngipin ko?parang common sense lang///1.5k per month ako..10kdownpayment..close bite ang case ko…tapos may click sa right part ng jaw ko pag bite ko..nagsimula un nung nagkabraces na ko…maayos kaya un?salamat po…im hoping for ur kind response.

  20. Ask ko lang po, sa left side po tabi po ng pAngil wala na po akong teeth dun. Binunot na po ksi di na dw po pwedeng i pasta. Tapos po nagpa brace ako, ngaun po nlagyan ako ng bridge na teeth. Pero di na daw po pwede lagyan ng brackets kc di daw po didikit. Ang pNget po tgnan prang putol po braces ko. Tama po ba un?

  21. Tapos po ang layo pa po ng color ng bridge po ata or jacket ang nlagay sakin. Kitang kita po na naiiba sya sa ngipin ko. Sabi po ng dentista ko mag babago pa dw po ng kulay.

      1. Doc i was advised na mag self ligating brace (hnd ko po natanong kng anong brand) dhl need ko po umalis ng bansa in 6 or 8mos from now. Okay naman po sa akin un kaya lang po ang naka bother sa akin nun tnanong ko kng anong xrays ang kelangan (nakapa brace nako dati, pauulit ko lng dhl nagrelapse), sbi ng ortho na hnd na dw need ng xrays dhl iclose lng nman un 1 gap sa ibaba at ipapasok lng ng konti ang taas (minimally protruded/ overjet). Possible po ba ung gnun? 95k po ang quote doc.

        1. Kailangan mo ng x ray bago ka magpabraces. Wag kang magtiwala sa dentist na nagsasabing hindi mo kailangan ng x rays sa braces. Self ligating man yan kailangan mong bumalik sa dentist mo every month. Ikaw ang kawawa kapag itinuloy mo yan. Halimbawa, kung may natanggal na bracket, sino ang magbabalik, ikaw? Sa braces kailangang nasa malapit lang ang dentist mo.

  22. Hi doc. Naka denture na po kasi yung isang ngipin ko sa harap, pwwde po ba magpabrave without removing the denture po?

  23. how bout po ung me dental implants sa harap pede po bng kabitan ng brace? or me other procedure pa pong ggawin? kc po ala po sa gitna ung ngipin ko sa harap nausog po sya at some degrees to the left dahil matagal po akong nbungi at late nang nakapagpaayos ng ngipin. I would also like to add na very helpful po ung thread nyo. even ung comments section me natutunan ako. salamat po.

  24. Good afternoon, doc, meron akong canine denture kaya lang yun isang tooth eh pinili ko nlng ioverlap as the option given by my dentist. Kasi medyo matagal na rin kasi nabungi yung sa harap kaya yung teeth na katabi eh tumabingi. Possible bang ipabraces ko yun doc? Kung pwede, ang kaso nmn doc, my missing tooth na din ako sa ibaba, kung magbibilang ako mula sa left molar ko, #3,4,5, 14,15 yung missing teeth. Sa taas nmn doc, mula kaliwa, 20,23,25,29. Metal case yung denture ko (chromium iron). Bale yung #23 and 25 lang po yung falseteeth na nilagay ng dentist kasi yung #20 at 29 po medyo maliit yung space kaya metal filling nlng yung ginawa according sa design nung denture ko po para daw hindi na gumalaw pa yung ngipin. So possible parin po ba ako mag pa braces? Medyo nag aalangan kasi ako sa dentist ko. Thanks.

  25. hello po doc, concern lang po ako sa nilagay sakin na wire for the braces, sadyang manipis lang ba tlga yun ?? or kalaunan papalitan din nila ng mas makapal?? salamat po sa sagot, more power

  26. pde po ba mag pa brace pag tumutunog po yung jaw lagi..kc lagi ko po yung na experience eh..pde po bang mag p brace pag ganun? thank u

  27. Hi doc Pwede po bang mag pa brace kasi tinubuan po ako ng ngipin sa gilid kasi hindi napo siya kasya pwede poba Yun?

  28. Doc ndi ba pede na taas lang may brace sapilitan pa kasi ako ngaun.. na mag pa brace mahal po kasi masyado .. dlwa lang naman sa harap ng ngipin ko ang sungki papasok kasi ung isa sa loob kaya pumangit tignan ? nahihiya akong ngumiti lalo na pag may kausap ako

  29. Hi doc. Minsan na po akong nagpa brace for like almost 2 yrs then pinatanggal ko po kasi lumipat na po kami ng lugar. Pero yung dentist po na naglagay ng braces ko hindi po ako in-xray. So magtwo-2 yrs na po akong walang braces na. Ang napansin ko po sa ngipin ko ay yung upper two front teeth ko po ay hindi mgka level sa lower teeth. Ganito po yung position ng ngipin ko po.
    xx
    xxxx

    Kung titingnan naman po yung ngipin ko para lang nman pong walang problema.Kaso lang po ay pag humuhikab po ako may tumtunog po at parang nag zi-zigzag yung bibig ko po. Nagpa check-up po ako, ang sabi po ng dentist ay kailangan ko daw po muna ng splint bago daw po ako ibraces para ma correct daw po yung alignment ng jaw ko.
    Are there any other options doc sa case ko or kailangan ko talagang mag splint?
    Thank you po. 🙂

  30. ask ko lang po sana kinabitan ksi ako ng braces ng wala xray at cast?pde po b un? pero my license nman po clinic nila…tnx

  31. Hello po tanong ko lng po ung mga nagaaral na dentistry students, marami po kasing ganun e, ung mga graduating na, kumikita na po sila, nagkakaron pa ng experience sa braces. sila po ang naglalagay ng braces sa halagang 5k. 400 pesos ang adjustment. safe po ba tong mga to? nakakatakot magtiwala. hehe

    1. Hindi. Hindi tinuturo ang braces sa dental student. May specialization para matutunan ang brace. Kapag licensed dentist na ang dentist may dagdag na 3 years na masteral. Meron ding 1 year na preceptorship.

  32. Hi Doc, nakabraces napo ako since February 2013 until now, pero parang walang improvements sa ipin ko. My case is underbite , nakapasok po ang upper teeth ko dahil natubuan ng sungki at naka protrude ang lower teeth… Wala pong hininging XRAY, pictures, etc before ikabit ang braces, di na daw po kailangan un when I ask my dentist.. I fully paid the P30K during the first year of treatment. Ngayon po monthly ako nag papa-adjust at pinapalitan ang rubber pero wala pong improvements, worse parang mas lumala ang underbite ko kasi hindi na halos makita ang upper teeth ko when I smile.:(
    Gusto ko po ipa-redo sa ibang dentist, tumatanggap po ba kayo ng dati nang nagpabraces? and what will be the last thing na ipapagawa ko sa detist ko? ipapatanggal ko napo ang brackets? thanks po.

  33. Doc yung mga bracket sa brace ng anak kong 15 years old sa lower laging natatanggal, weelky laging nasa 4 to 5 bracket ang laging tanggal sa dikit at paulit ulit lang na yun mismong mga bracket na yun ang laging natatanggal. Sabi ng dentist nya splint daw dapat para hindi na natatanggal ang mga bracket. 300pesos kada dikit sa bawat isang bracket kasi. Pero yung upper portion ayos naman po, yung sa lower lang laging may natatanggal. Dapat po ba kaming pumayag sa splint? 15k po daw po yung splint

  34. Doc, may mga sira akong ngipin, as in bulok na po.. Pwede pa po ba akong mag pa braces? Or kailangan muna matanggal lahat ng sirang ngipin ko?

  35. Hi, doc ask ko lang po mga ilang months po bago ma allign ang sungki sa ngipin kasi po 2 months na mahigit yung braces ko pero parang wala pa ring pagbabago

  36. pwede po ba mg pa braces kahit mg 5years ka nang my 2 ngipin na my tooth filling sa unahang bahagi ng ngipin sa taas…

  37. Hi doc. Natanggal po kasi 2 kong bracket. Ok lng po ba na sa ibang dentista muna ako magpakabit or kailangan talaga kung saan ako nagpa braces?

  38. doc posible po ba na mauuna makabitan ng braces kesa bunutan ng teeth sa taas . ? kasi sabi ng dentist ko may bubunutan sya dalawa sa taas para mag move paloob . eh kinabitan nako ng braces sa taas sa baba appliance muna . posible ba yun ?

  39. hi po! nag pabrace po ako. pero parating may natatanggal na brace sakin . normal lang po ba un ?? di din ako kinuhanan ng xray nung nilagyan ako

  40. gud am doc nagpa brace po ako para maayos yung sungki ko n dalawa sa upper ko po. una po di nunutan. nung di pa po magaksaya maga ngipin ko sa taas binunot po yung wisdom tooth ko po. nagbago po yung sturcture ng mukha ko. dati pong pahaba naging pabilog at nagmuha po akong matanda (panget) tanong lang po.pwede pa po kayong maibalik ang dati kong itsura?

  41. Doc okay lang po ba na mag pa brace kahit may pasta na yung apat kong ipin sa harap at yung isa po sa kanila medyo malaki na yung butas

  42. Hi dok…mahaba po yung pangil ko.. dalawa pa nasa harapan… pano po yun?bubunutin po ba yun…kasama ba yun sa aayusin kasama sa braces?

  43. hi doc kinabitan ako ng braces agad pero walang xray chineck lng nia yung ipin ko tapos my mga bulok pa ako teeth ndi din tinanggal ang sabi lng isched na lng

  44. Hi Doc, Pwede ba magpa braces kahit tatlo ang bungi ko sa taas pero sa baba wala? Nababahala kasi ako.

      1. Hi doc,
        Mag tatanung po Sana aq about brace? Nasa abroad po aq, if ever po ba n mag bakasyon aq? At magpakabit ng brace, Ngunit babalik aq s abroad after 45 days magkakaroon po ba aq ng problema Kung sakaling after 2 years p po uli aq Maka balik s dentist q? Is there any option po ba? Heheh.. thank you po..

        1. Magkakaroon ka pa ng problema? Uhh, its more of Kung may patutunguhan ba ang treatment mo. Honestly, walang magiging development sa ngipin mo. Kung ano yung hitsura niyan before kang umalis, ganon pa rin ang magiging hitsura nito pagbalik mo in two years time. Other option mo if you are really interested in having your teeth aligned eh Invisalign.

      1. Hi po doc gusto ko po sana mag pa brace kac overbite po ako mag kano po ba ito.pwede po ba to buwan buwan bayaran

  45. Hi Doc, Kakapa brace ko lang last Saturday. Saglit lang ang pagpapabrace ko. Tiningnan niya yung ngipin ko tas cleaning then nilagyan na niya ng brace kahit hindi niya ako pinag xray. Kinakabahan ako ngayon kasi nabasa ko na need pala I xray muna bago kabitan ng brace. Graduate naman siya ng Dentistry at nabasa ko sa fb niya na nag aaral siya ng post grad niya. Sumasakit po ang ngipin which is normal lang po. 25k po ang total. Nag down po ako ng 5k. Pa help po ako, kasi kinakabahan ako ngayon. Nung nagpa brace po ako hindi ko pinaalam sa Nanay ko, umuwe na lang akong may brace. Nung nalaman niya, medyo na high blood siya. baka daw malagas ang ngipin ko.

  46. Yung sa binunutan kasi may yellow or white thingy. Okay lang ba yun linisin lagi o galawin o masama baka mainfect?

      1. Hi doc. Ask ko lng po. Mej0 mbaba po kc ung pglagay ng bracket sa upper teeth ko sa harap. Ok lng po b un? Tsaka ung sa braces ko po sa baba, may sungki po kse n dalawa sa harap. Sbi po ng dentist ko kelangan nya dw po bunutin ung mga wisd0m t0oth ko sa baba para mkapas0k ung dlawang sungki ko. Kelangan po b tlga tangalin ung wisd0m k0 d0c? Kse sayang naman po ndi naman po kc sira ung wisd0m t0oth ko tpos bubunutin ng dentist k0.

        1. First off Jovelle, how would you know yung tamang baba o taas ng paglagay ng bracket? Your dentist would know better. Yes kailangan tanggalin ang wisdom tooth kung hindi enough yung space sa lower arch mo.

Leave a Reply

%d