Bridge or Dental Implants

Rose Ann : Good day! Doc, nakadenture po ako ngayon, isang ngipin, removable po ito. Gusto ko sana ipagawa yung permanent na. Tanong ko po, ano po ang tawag dun sa ipapagawa ko, fixed bridge po or implant? Ano po ang pagkakaiba ng fixed bridge sa implant?
Doc, follow-up question po, ano po ang disadvantage ng fixed bridge?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Nasa sayo kung ano ang gusto mo. Ang bridge ibang ngipin mo ang pinagkakapitan. Ang dental implant, metal ang kakapitan.

Rose Ann : Oo nga naman po, Doc, walang permanenteng bagay sa mundo. Thank you, Doc!
Nagbasa po ako ng FAQ, very informative. Thanks for the public service

Ask the Dentist : Ilan ba ang bungi mo?

Rose Ann : Isa po sa harap sa itaas.

Ask the Dentist : Kung isa lang, at may pondo ka, pinakaok ang dental implant. Conservative ang treatment. Pero yun lang P70 thousand pataas ang isang implant. Sa bridge, dapat makahanap ka ng magaling na dentist para magmukhang ngipin ang kalalabasan.

Rose Ann : Opo, ganon nga po, pag-iipunan ko po yung implant, bago pa lang po kasi sa work eh. For now, fixed bridge muna. Salamat, Doc! God bless po.

Ask the Dentist : Sample ng fixed bridge
http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Leave a Reply

%d