Dentist in Rizal

Gloria : Good day, Doc!

Magpapabraces po kasi ako next week. And 2 dentist po yung kinunsult ko. Yung 1st dentist ko po, di ako nirequire na mag-x-ray kaya medyo nagduda ako. Dito sa 2nd dentist, nirequire nya naman po akong mag-X-Ray kaya lang 35k lang ang cost. Sabi nyo po kasi 40k pataas dapat ang braces. Ano pong tingin nyo dito sa 2nd dentist ko? Itatawag ko rin po sa PDA kung member sya to make sure. BTW, taga-Cainta po ako.

Thank you in advance!

Ask the Dentist : Name.

Gloria : Dr. J—————— po yung name nung 2nd dentist ko.

Ask the Dentist : Oks yun. Magaling siya.

Gloria : Pano nyo naman po nasabi? Do you know her personally? Wag nyo pong isusumbong na nagtatanong ako. Gusto ko lang makasiguro.
Pero chineck ko po board passer naman po sya ng dental board exam ng 2009.

Ask the Dentist : Base sa kwento mo. Sa price din. Pero kung may duda ka, follow your instinct.

Ask the Dentist : Wala ako kilala sa Rizal. Ito recommended dentists ko:

Recommended Dental Clinics
Dental clinics na aking isinasuggest. Kumbaga, may seal of approval ng website na ito. Kung may papuri kayo sa mga dentist na narito, pakifill-upan lang ang comment for sa baba. Metro Manila Manila…

Gloria : Actually sa tingin ko po ok naman sya compared dun sa 1st dentist ko. Buti po di ako natuloy dun sa una kasi nabasa ko yung page nyo. It was really a big help! Medyo kinakabahan lang po ako kaya kung anu-ano naiisip ko. Syempre gusto ko po magaling yung titingin saking dentist. Thank you doc!

Ask the Dentist : Oks. Mukha naman ok siya.

Dental Clinic Quezon City

Farah Christie : And saan po yang clinic ninyo?
thank you po…
pa quote po kung anong material ang ginamit i need a cheap but efficient enough to last na denture since i could not afford to always buy thanks po ulit

Ask the Dentist : Sorry hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Tignan mo na lang bagong recommended dentist ko.

Manyakis na Dentista

Diana : hi dok… ako po c yani…ung nagkwento sa manyakis na dentist ko.

sabi nyo po i pm ko kayo sa fb…

now ko lng po kase nabasa un..

Ask the Dentist : Ano ba nangyari, bakit mo nasabing manyakis?

Diana : sinukatan po ako crown.ung braso nya po idinidiin nya po sa dibdib ko
akala ko nung una di lng sinasadya.kaya dedma nlng ako kase baka sabihin pa assuming lng ako.
kaso nung ikinakabit npo npo ung crown talaga po plng nnanadya. nadulas pa po xa sa pagsasalita…sabi nya ang lambot nmn ng…..
ayun nabigla po xa di npo nya tinuloy ung sasabihin
nakakainis po.
kaya hindi npo ako nagsabi ng further adjustment…kase ayaw ko npo magtagal na nkasalang ako sa knya

Dental Clinics Philippines

Jayvee : doc san dental clinic nyo pra ipa.tingin ko mga ngipin ko

Ask the Dentist : Sorry. Hindi ako tumatanggap ng patient galing dito. May patient ako dati na galing sa website. Takas yata sa mental. Hanggang ngayon piniperwisyo pa din ako. Bisitahin mo na lang ang recommended dentists ko.

Dentist in the Philippines

ELa : Hi Doc! May mairerecommend po ba kayo na dental clinic sa carmona, cavite or dasma po? saan po ang clinic nyo? Nakapag decide na po kasi ako na magpa braces this week kaso not sure pa kung saan. Maraming salamat po. have a great day!

Ask the Dentist : Wala eh. Tagaytay pinamalapit diyan. http://www.askthedentist.tv/clinics/

ELa : aah ganon po. Salamat na din po. Hindi ko po alam pero hindi ko ma access yung site nyo. kanina naman po okay sya. Doc.. saan po clinic nyo?

Ask the Dentist : Naaccess ko naman.

ELa : okay na po. naaaccess ko na.

Ask the Dentist : No problem

Dentistry Philippines

Inna : Good evening! I’m Inna , studying BS Biology. We have a project in our subject and we have to choose a certain profession and conduct a research about it. I chose Dentistry as the profession. The questions given to us are these:
1. How much is the salary?
2. What are the requirements to become a (profession)?
3. What is the ratio of male/female working as a (profession)?
4. Is there a discrimination present among the (profession) with regards to gender, fellow workers etc.?
The answers should be Philippines based and I can’t find links for my answers. Please I really need help.
Thank you. God bless!

Ask the Dentist : Hi Inna. Ito ang mga sagot ko. 🙂
1. Depende sa lugar at specialization. Probinsya ako, Prosthodontics ang specialization, – – K pataas ang kita.
2. 6 years dentistry at kailangang pumasa sa board exam.
3. 5:1 siguro. Madaming babae. Kaya masaya kaming mga lalaki, napapalibutan ng magagandang kaklase sa school. 🙂
4. None. Well sa part naming mga lalaki ha.

Fake Dentist

Sheryl : Hi doc. Fake yata ang dentist ko. Ano ba ang dds?

Ask the Dentist : Hi Sheryl. Apat ang nakikita ko na common DMD, DDM, DDS at BDS. Ang DDS ay Doctor of Dental Surgery. Mga dentist na graduate sa US ang kadalasang may DDS. DMD at DDM ang madami sa Pilipinas. Ang BDS ay madami sa India. Ang gamit nila ay nakadepende kung ano ang ibinibigay na title ng School kung saan sila nagtapos. Pare pareho lang silang Dentist. Para makasiguro ka, laging nakalagay sa dental clinic sa Pinas ang school diploma at PRC Certificate. Required yan ng batas sa Pilipinas.

%d