Shai : Hi Doc. Good afternoon po. Inquire ko po sana magkano abutin ng gastos for dental brace. I will send you the pictures po. Thank u in advance. Nakaumbok
Ask the Dentist : 45 K pataas sa ganyang kaso. Read: http://www.askthedentist.tv/braces-cost-philippines/
Shai : thank you
Shai : Sa abroad po kasi ako nag work, plan ko lang magpa install ng dental brace sa pinas then dito na papa adjust. magkano po estimate pag installing lang ng braces? wala ng monthly check up,2 months lang kasi ang vacation ko.
Shai : sa december pa ako mag bakasyon.
Ask the Dentist : Wag mo na ituloy. Palpak yan. Kung saan ka nakatira, diyan ka mapabraces.
Shai Antenor : Mahal po kasi dito sa abroad. Bihira po bang maging succesful and dental brace pag ganun ang gagawin?
Ask the Dentist : Oo. Parang nagsasayang ka lang ng pera. Ibigay mo na lang sa akin.
Ask the Dentist : Dito mo ibigay: https://www.facebook.com/AdvancedDentistryPH Hehehe!
Chenee : Hi doc! Eto po yung teeth ko na kelangan daw e porcelain. Maitim na Ngipin
Ask the Dentist : PInastahan ba yan?
Chenee : Yes po. Kelangan po ba tlga e porcelain?
Chenee : Sabi po ng dentist ko porcelain attached to metal ang gagawin.
Ask the Dentist : IPaxray mo muna. Mukhang dapat iRCT. Wag ka magpajacket crown na may impeksyon yan.
Ask the Dentist : IPaxray mo, tapos picture-an mo ang xray, send mo dito.
Chenee : Sabi po ng dentist ko..okay lang daw po e jacket kasi daw madali naman sya e RCT after nun. Naguguluhan po ako.
Chenee : May other ways pa po ba maliban sa pag papajacket ng teeth?
Ask the Dentist : No. RCT muna bago jacket. Kasi kapag may jacket na yan tapos kailangan pala i-RCT, bubutasin ang jacket crown mo. Itanong mo sa kanya, para lumitaw ang katangahan ng dentist mo. Kapag sinuggest niya na tanggalin ang jacket para i-RCT. Itanong mo, mailalapat pa din ba ang margin ng crown? Lilitaw ang mga katangahan niya kung ipinilit niya yang suggestion niya.
Ask the Dentist : Meron other ways. Ipa-xray mo, para malaman natin ang other ways.
Ask the Dentist : Sa xray makikita natin kung dapat nga iRCT. or kung ano ang dapat gawin.
Chenee : Okay doc. Thank you po tlaga. Kasi everytime po na pumupunta ako dun..naglalabas lng po ako ng pera dahil di ko tlga alam kung ano ang mga dapat itanong sa dentist ko. Mga how much po kaya ang x-ray? And parang natural lang po ba ang kalalabasan ng porcelain fused to metal?
Ask the Dentist : Hindi. Kaya nga ang suggestion ko lithium disilicate : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/ . Halatang hindi mo binabasa mga reply ko. Hahaha! Mura lang ang x ray.
Chenee : Haha. Di ko po kasi nabasa yung link. Pero may tendency ba na pagsisihan ko ang gagawin ni dentist ko? pano po pla pag pina x-ray ko sya tapos wala naman pong problem..ano po kaya pwede gawin para gumanda ang color nya?
Ask the Dentist : Well, pinakamura ang suggestion ko. X-ray muna para siguradong tama ang gagawin. Murang mura ang x ray. Saka siguradong pagsisihan mo yan, dahil mali yung balak niyang gawin base na lang sa suggestion niya. Isa pa, bago lagyan ng jacket ang isang ngipin, dapat inixray muna. Bakit hindi ka pa niya inixray? Eh nagsuggest na siya ng jacket?
Chenee : Opo. Di po sya nag suggest na ipa xray..kaya kakausapin ko muna sya tomorrow kung bakit di nya sinuggest. And mejo mabigat po kasi saken ngayon ang 32k at baka magsisi lang ako.
Lou : Good Day po. May plano po kasi akong magpalagay ng braces. Magkano po ang range ang prices para sa pagpapa-braces? Sa upper at lower portion.
Hoping to hear from you soon. Thank you.
Arjhay : Hello po doc. kapag po ba may malaking butas na ang bagang pwede pa po bang pastahan ito? kung hindi na po pwede ano po ang dapat gawin?
Ask the Dentist : Kapag sumakit na or umabot na sa pulp, RCT na ang gagawin.
Arjhay : Ano po yung pulp? Pero po kapag malaki lang po yung sira pero wala pang butas pwede pa po ipa pasta? dipa po sumasakit yung sira na yun. ty po sa reply
Ask the Dentist : Imposible yata yung sira na pero walang butas. Eh ano yung sira, hindi butas?
Arjhay : butas na po ba kahit parang cavity palang
Ask the Dentist : butas = cavity
Arjhay : ganun po ba. e pero magkaiba po kasi, yung isa dipa kita yung loob ng ngipin pero yung isa kitang kita na po.
Ask the Dentist : Anong sabi ng orthodontist mo?
Arjhay : Kapag nagttnong po ako gusto lang niya bunutin daw po.
Ask the Dentist : Sa nagbibraces sayo mo itanong. Bakit hindi niya pinastahan or ina-RCT bago lagyan ng braces.
Arjhay : upper palang po pinalagay ko kasi nga po walang lalagyan ng parang lock sa may dulo ng ngipin dahil sira
Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Mukhang hindi nakapagaral ng braces yang dentist mo. O malamang na hindi dentist yan.
Arjhay : May mga certificate naman po siya ng orthodontist atbp.. dko po alam baka nga po di yun nakapag aral ng braces
El’s :Hi doc. I regret not taking care of my teeth properly. I’m a tourism student po and if I’m right in this industry strict sila sa physical appearance. What do you suggest po to fix my teeth? Thanks po
Ask the Dentist : HIndi ko alam kung bagay ang ayos ng ngipin mo sa mukha mo. Since nagtatago ka sa likod ng El’s Closet na account wala akong basehan para sabihing maganda ka. Magpalinis ka ng ngipin. Magpapasta. Tapos magpabraces. Kapag naayos na ng braces yang mga sungki, magpaimplants ka. http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
Lorie : Doc ask kulang po,kung what cause kung bakit laging sumasakit ung gums ko in between 1st premolar and 2nd premolar?ano po bang cause ng ganito?
I have braces po,hindi po ba ito cause ng sobrang grinding?kinikil po kasi ng dentists ko ung pre-molars ko,para malabas daw ung sungki.?Even nung hindi pa po ako naka braces sumasakit na hindi nga lang ganito kadalas.But now madalas nang sumasakit ung gums ko,anu po ba ung causes nito?and whats the best treatments on my gums to ease the pain?pls.reply..I need ur feedback po.
Ask the Dentist : MAgpapanoramic x ray ka tapos send mo dito.
Lorie : Hi Doc! A pleasant evening to u. I do wear braces po! Ngayon po yung dentist ko she grinded my 1st and 2nd molar teeth to create a bit spaces daw para lumabas ung sungki! ngaun po doc nag ka space naman siya at lumabas ung sungki but the problem is sumasakit ung mga molars ko na grind niya! Im worried po baka hindi maalis ung sakit hindi naman po consistent ung sakit almost how many months kuna tong nararamdaman.My dentist told me to use sensodyne to relieve the sensitivity pain,pero parang useless lang,i saw may molars po parang lumiit after she grinded..May lunas pa po ba ito?para mawala ung kirot??My question doc is tama bang i grind ung teeth to create a space?and what alternatives that u should suggest para mawala ung kirot aside for using sensodyne? Thanks a lot looking forward to ur response.
Ask the Dentist : Ipapanoramic x ray mo. Send mo dito para makita ko kung ano ang nagyari at malaman natin kung ano ang dapat gawin.