Best Dentist

Jotjot : Doc gud pm…magtatanong lng sna ako doc kng sino b tlga ang mas kadalasang mas magaling n dentist? Lalaki po ba o babae? Cge po doc more power po……

Ask the Dentist : Madaming factors para masabing magaling. Nakadepende rin sa mga pinagaralan,

Jotjot : Ah cge doc ok po…..

Jotjot : Hi doc…tnong ko lng po sna kc nagpabrace po ako nung friday….eh tnong ko po doc kng kelangan pa bang magpa retainer ako pagkatapos magbrace?
o pwedeng hindi na..

Jotjot : Thank u po and more power….

Ask the Dentist : Magriretainer ka. HIndi man lang ipinaliwanag ng dentist mo yan?

Jotjot : D po niya sinabi ang bagay na yan doc pro slamat po doc sa advice.

Pagpapa-braces sa Hindi Dentist, nakakasira ng ngipin ng tao

Maicah : Good pm po doc. Ask ko lang po kasi ung pagitan nang gitnang ngipin ko parang nalulusaw na po. Para pong nabubutas pero pag po tinitignan ko ung likod, wala naman pong kulay black. Malaaks po feeling ko na sira po eh. Naka brace po ako, pano po kaya un uubra pa po ba ung pasta dun? Ayoko po mawalan nang ngipin sa harap pa naman. hope youll answer. Thanks po

Fake Braces
Fake Braces

Maicah : Ayan po doc ung dalawa sa pinaka gitna.

Ask the Dentist : Ipapasta mo sa nagbibraces sayo. Usually, siya ang magsasuggest sayo niyan. Isa pa, mukhang may gum disease ka. http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/

Maicah : Pero sa tingin nyo po okay pa at pwede pa pastahan? Thankyou po sa pag sagot.

Ask the Dentist : Ano ba sabi ng dentist mo?

Ask the Dentist : Mukhang hindi gawa ng dentist.

Maicah : Di pa po ako nkakapunta. Kaka paadjust ko lang po kasi.

Ask the Dentist : Olrayt.

Fashionable Braces / DIY Braces

Lara Isabel : Doc . Ako po yung nag ask kagabi about sa umuugang ngipin , dhl sa fashionable braces . Last na tanong na doc, may alternative pa po kayang paraan para hndi na umuga ung ngipin ko . After ko ipatanggal to ? Kase po pag ngumunguya ako, nakakagat ko po , mukang lalong umuuga. Thankyou po ulet .

Ask the Dentist : Ang epekto ng DIY Braces at fashionable Braces ay pagkalagas ng ngipin. Mauubos ang ngipin ng nilagyan ng ganitong uri ng kalokohan.

Ang dentist, bago makapaglagay ng Braces, nagaaral ng 9 years. Anim na taon para maging dentist at tatlong taon para maging specialist, bilang orthodontist. Imagine mo na lang kung hindi dentist ang naglagay ng braces.

Kaya dapat mong ipatanggal yang Fashionable Braces mo, yun eh kung ayaw mong maubos yang ngipin mo.

Ask the Dentist : Pagkatanggal ng braces mo, magdidecide ang orthodontist mo kung ano ang dapat gawin. Sa orthodontist ka pumunta at ikuwento mo ang nangyari para alam niya ang gagawin niya. Hanap ka dito: http://www.askthedentist.tv/clinics/

Lara Isabel : Ok doc thankyou po ng madami..

Braces Marikina

Lenient : hello, po uli:)May question po uli Ako yesterday po kasi my appointment Ako sa dentist ko po, sabi po nila ilalagay po nila yong molar kasi po Hindi mo nila nilagay nun installed nila yong brace next visit ko na daw po yon tapos yong bunot ng ipin ko, binigyan po nila Ako ng amoxicillin good for one week, pag balik ko po kahapon tinanong po Ako nun dentist bakit daw po Ako nandon sabi ko po may sked Ako today pasta bunot and molar. nawala daw po sa isip niya yon po Hindi Nya po Ako binunutan kasi skin test po Nya Ako. parang ang dami nyang excuse nag karoon tuloy po Ako ng feeling na Hindi siya marunong mag bunot ng ipin. yong sa pasta po. actually yong papastahan po sa Harap nakailang turo po Ako Hindi Nya po makita e, madali lang naman po makita yon, iba po yong pinastahan Nya yong feeling ka na wala naman po dapat pastahan, nun tapos na po 2ipin ko yong pinastahan Nya na mukang ok naman po, at Hindi kaylangan ng pasta, tinuro ko po uli yong gusto ko pa pastahan, sabi po Nya yong malapit daw po sa braket Hindi daw po maganda pastahan kasi po mag kakalas pa daw kami ng braces sabi Nya dapat daw po bago I kabit yong braces dapat pinastahan na sabi ko po bakit po Hindi nyo pinastahan bago ikabit yong braces sabi po Nya Hindi pa namn daw po masyado sira, pwede naman daw po Ayusin pag tangal nun braces. e dipoba pag pinatagal lalo lalaki yong dapat pastahan? totoo po ba yong sinabi ng dentist na yon? Hindi na po ba talaga pede pastahan pag na installed na yong braces ayoko pa lumaki yong butas ng ipin ko sa Harap panaman po ano po dapat ko gawin Baka po imbes na maayos teeth ko lalo pa po masira sorry po Kung pang maalaala mo kaya yong haba ng message ko sobrang na stress na po Ako sa ipin ko e.

Ask the Dentist : Pwedeng pastahan. Madali lang. Send ka nga ng photo niyang sinasabi mo.

Ask the Dentist : Kung maayos ang dentist mo, sinusulat niya sa record mo ang next na gagawin.

Lenient : hehehe salamat po sige po send ko picture Hindi panaman po siya masyado kita kaso ayoko ko na pong ma obvious at lalo po siyang lumaki wait po

Ask the Dentist : Ipapasta mo. Madali lang yan.

Lenient : Hindi po ba totoo yong sabi ng dentist ko na kaylangan ko pa daw mo kasi ipakalas yong brace ko para mapastahan yan. ayoko na po bumalik don Baka masira pa lalo yong ipin ko, kaso po Baka magalit sila kasi 15k palang po yong na bayad ko e, 35k po yong braces ko. pano po kaya yon? pati pano ko po malalaman Kung ok yong lilipatan ko dentist if ever po na makakalipat ako?

Ask the Dentist : Sa lilipatan mong orthodontist mo ipapasta. Malalaman mong ok yung lilipatan mong dentist kung ayaw ka tanggapin ng walang release sa dati mong dentist.

Lenient : e, pano po Kung ayaw Ako I release nun dentist ko? pati totoo po ba na nakaka rupok ng ipin yong mga mouth wash?

Ask the Dentist : Yun ang problem mo.

Hindi nakakarupok. Andami dami talagang kagaguhan kumakalat na info dito sa internet.

Lenient : hehehe, oo nga po, Sana po I release nila Ako kasi Hindi naman nila Ako kaya asikasuhin ng maayos Sana po wag silang greedy maraming salamat po sa inyo uli god bless po ang bait nyo po kasi.

Braces para sa Balikbayan

Ahvie : Hi gud am po. Eto po ang photos ng teeth ko..problem po gusto ko sana magkadikit yan sa harap..any possible solutions po with this.. thanks

Space sa ngipin
Space sa ngipin

Ask the Dentist : Pinakamabuti diyan ay braces. Next ang veneers: http://costdentures.com/ask-the-dentist/spaces-between-teeth/

IPS e.max Veneers – Lithium Disilicate Veneers

Ahvie : Thanks!. Kung ipapaayos ko po ito mga how much po ang expected amount na iprepare ko. And my problem po is hndi ako makapag monthly check up since 6mos to once a year lang ako nakakauwi ng pinas.

Ask the Dentist : Ah. Diyan sa Singapore ka magpabraces.

Gusto Braces sa Malalang Kondisyon ng mga Ngipin

Leonard : Maayos pa po ba nang Brace and Gap nang tooth ko? nabunutan napuyan kasi nang isang tooth, saka yung naka usli na tooth sa Harap nang ipin ko maaayos pa?Saka Ask ok lang din po may naiwan po kasi na mga tooth sa ilalim nang gums,bale anu po gagawin doon?

Leonard : Yan pa po XD

Bali at bungi
Bali at bungi

Ask the Dentist : Pwedeng braces. Pero mas mabuti magpabridge ka diyan sa bungi, tapos crown diyan sa putol. Yung naiwan na ngipin sa loob ng gums mo, dapat bunutin.

Leonard : Pero sir kung walang choice.maayos panaman nang brace yung gap?

Leonard : SIR SIR SIR !:)

Ask the Dentist : Maaayos, hanap ka ng magaling na dentist.

Leonard : Ah eh thanks sir

Pwede ba Magpabrace ang Walang Sungki

Armie : doc pwede po ba magpa brace kahit walang sungki ang ngipin? at may pasta? thankyou po

Ask the Dentist : Imposibleng walang sungki. Maliban na lang kung isa kang elf. Pwede kang magpabraces dahil tiyak ako may sungki ka.

Armie : Hahahaha. Sige po doc balak ko sana magpa brace kaso natakot ako kase masakit daw kada adjust.

Armie : Eto pa po pala doc. Nabunutan kase ako ng bagang mag kabilaan.

Ask the Dentist : Sabi ko na eh. Hahaha! Mas malala kaysa sa description mo.

Armie : Pwede i braces kahit nabunutan ako ng 2 bagang doc?

Ask the Dentist : Oo, pero mas mahirap ang case mo.

Armie : Sige doc thankyou.

%d