Cavities – Butas sa Ngipin

Richard Mounce: Good day ask ko lng po kung may possibilities po matanggal ang mga unwanted cavity sa ngipin? Paano po mapuputi yung teeth kung ito po ay yellowish?

Ask the Dentist Philippines: Hi Richard Mounce. Salamat sa iyong tanong. Napaisip ako ng matagal sa tanong mo. Meron nga bang wanted na cavity? Tuwing kailan mo gugustuhing magkaroon ng cavity sa ngipin? Hehehehe!

Matatanggal iyang cavity sa ngipin mo kapag pinapasta mo na. Kung hindi pa naman umabot sa pulp ang cavity, pwede pa iyang ipapasta. Para naman maiwasan mo na magkaroon ng cavities, matoothbrush ka after kumain. Gumamit ka ng dental floss para naman malinis ang pagitan ng iyong mga ngipin.

Mapapaputi ng bahagya ang iyong ngipin sa pamamagitan ng paggamit ng whitening toothpaste. Pero hindi masyadong halata ang pagputi. Kung gusto mo ng results na mahahalata at makikita mo talaga, kumunsulta ka sa dentist offline tungkol dito. Teeth whitening o teeth bleaching ang tawag sa dental treatment na iyon. Malalaman mo kung ito ba ay nararapat sa iyong kaso at kundisyon.

Paalala Richard, “There is no online material nor website that can substitute a professional advice.

6 thoughts on “Cavities – Butas sa Ngipin”

  1. Good morning Doc I’m daisy samosa po .. From cavite ahmmm ung mga butas po kaya sa ipin ? Paano sya matatanggal ? Takot puh kcii ko sa injection kaya ayoko na pong mag pabunot ahaha .. Anuh puh kayang effective way para mwala sya ng dii kuna kailangan mag pabunot? Thankyou po

Leave a Reply