Juan McCkraken : Doc, ilang araw ang pustiso? Ilang araw po ba bago ko maisuot ang pustiso mula sa unang pagbisita ko sa dentista.
Ask the Dentist : Depende sa uri ng pustiso. Ito ba’y : Complete denture or removable partial denture or fixed partial denture. Depende din sa kung anong uri ng complete denture, uri ng removable partial denture at uri ng fixed partial denture.
Ito ang tandaan mo, mas matagal gawin, mas maayos ang denture treatment. Mas madaming balikan ng patient sa dentist, mas maayos ang kalalabasan ng denture treatment. Maniniwala ka bang kapag ni-rush ang isang bagay ay magiging maayos ang kalalabasan? Kahit ikaw kapag minadali ka ng boss mo sa isang trabaho, tiyak mo bang mapapaganda mo ang kalalabasang resulta?
Kung susundin ang treatment plan, matagal dapat at ilang balikan dapat.
Para sa akin, minimum ang 2 weeks. At lampas apat na balik ng patient.
Ilang araw po bago magpapustiso pagkatapos magpabunot ? Isang ngipin lng po sa harapan . Tnx
Depende sa purpose at klase. Immediate denture pwedeng nagawa na bago pa man nabunutan. Kung yan ay flipper lang, kapag nagsara ang sugat, pwede ka na magpagawa.
may gumagawa po ba nt partial removable denture ng isang araw lang, kanina kase nawala, kailangan ko na bukas
Meron. Ako.
Doc aabutin ba ng 2 buwan ang pagpustiso? kasama na yung pagpapatuyo bago mabunot.
Papatuyuin mo ang ano bago bunutin?
Opo
Doc, pwede na ba magpasukat ng pustiso pagkabunot?
Pwede. Pero mas mainam na magpasukat ka after 2 months.
Oks.
Ilan weeks naman pag ni rush. at maganda ba yung rush
Isang araw kung prosthodontist ang gagawa.
magkano po ba ang aabutin ng denture kung lahat ng ngipin sa top teeth?
Depende sa klase ng pustiso, hirap kang gawan at galing ng dentist. http://www.denturescostguide.com/
Doc. pwede po bang magpabunot ng apat n ipin ng sabay? tsaka balak ko rin magpa pustiso.kaso pede bang after one week magpa pustiso n ako?
Oo pwede, pero dentist mo ang magdidecide kung pwede apat. Depende sa klase ng pustiso.
Hi doc i got immediate denture po normal lang po ba naiiba yung pag bibigkas ko ng ibang word? Tapos po medyo maluwag sya natatangal at nahihirapan ako kumain.
Oo. Read: http://www.denturescostguide.com/dentures-change-way-speak/
Doc pde na po ba ako mgpapustiso ngpabunot po ako nung monday dlwa po magkabilaan ung magkadikit po mtgal ng nabunutan prehas sa hrap po pde na po kya tnx po
Depende sa klase ng denture. Browse : http://www.dentures.com.ph/
Halimbawa ng pasokat po ngayon ng posteso sa taas po tatlo nalang ngipin ang naiwan sa baba po lahat ulang araw po ba matapos ang posteso
May take 5-10 days time. Appointment will take about 2-4 appointments
hello po .. Ilan araw bago ikabit yun pustiso po ? Sira kc yun ngipin ko sa harap ky gusto kong ipagawa po eh limit lng po yun time ko .. 2 weeks lng yun vacation ko po …
Oo.
Doc ito naman tanong ko uuwi po ako ng pinas pagkakataon konadin magpabunot while i’m on my holidays pero 3weeks lang vacation ko.At magpakabit narin ako ng papalit sa ipin ko. Pede kaya agad agad doc kasi ayaw kong tumawa na walang ipin sa harap, at ayaw kong bumalik na walang ipin hu hu hu pakisagot po doc!
yung treating doctor mo ang makakasagot niya Aienne. Discuss mo yung time line mo. Pero for sure you need to provide time to your dentist for the series of dental appointments.