Ngipin na may jacket crown, puwede bang i-root canal

Stephanie Cohen : Doc, ngipin na may jacket crown, puwede bang i-root canal?

Ask the Dentist : Hi Stephanie Cohen. Oo naman. Pwedeng pwede. Ganito ang madalas mangyari. Badly broken na ngipin or fractured crown or badly decayed na ngipin, pwede pa ba icrown? After the tests, pwede pa. Ang ngipin ito-toothprep ng dentist for crown restoration. Sa kasamaang palad, ang pulp nainvolve. Pwedeng nainvolve dahil sa tooth prep pwede ding dahil sa lala ng sira at hindi lang lumitaw sa tests na ginawa ng dentist. At ang pananakit ay lumitaw lamang pagkatapos i-cement ang napakagandang crown na ginawa. Matapos ang ilang linggo sumakit at lumala matapos ang ilang buwan.

Pwede bang i-root canal at hindi na tanggalin ang bagong lagay na crown? Oo pwede. Maghanap ka lang ng magaling na dentist. Ikwento mo lang ang nangyari.

Pwede ding tanggalin na lang ang crown, at i-root canal at palitan ng bago ulit na crown.

4 thoughts on “Ngipin na may jacket crown, puwede bang i-root canal”

Leave a Reply

%d