Orthodontics – Braces

Nina: good pm doc, ask q lng po kung ano dapat gawin q kc po nung magpatingin po q sa dentista q kung pwede po bang ipabrace ung ngipin q kaso may false teeth po q sabi nya pwede daw. inalis nya ung false teeth q nun lagyan nya ng brace kc iuusog ng brace ung spaces ng ngipin q sa harap after months sabi nya ung space dw lalagyan ng rebonding na tinatawag para makakangiti na dw q nagulat nga q kc kala q mismong ung brace ang gagawa ng paraan para mawala ung space na dating my false teeth.

Tapos ginawa na nga ung rebonding na sinasabi nya. Nawala ung space napalitan ng parang ngipin dahil sa rebonding na un after weeks namaga at lumubo ung gums q dahil sa ginawang rebonding kya binutasan nya ng kaunti ung katabing ngipin pra mawala daw ung nana or imfections. after 5 days ok na un maga pero afters 5 months po lumuwag po ung ginawa nyang rebonding pati ung katabing ngipin na pinagbutasan nya nadamay eh di nabungi na q 2 ngipin pa nawala sa halip na isa lng false teeth q noon.

Sabi nya di daw nagsuccess ung rebonding q kaya papalitan ng jacket…eh di pinagbayad na naman nya q sa jacket bukod sa rebonding na ginawa nya. Grabe naman ung jacket na ginawa nya kc ang laki ng ngipin q pati ung 2 katabing ngipin nag iba rin ung hitsura…after a months habang nag aadjust siya ng braces q sabi q kung pwede bang nipisan ung ginawa nyang jacket kc sabi ng mga tao ako dw ung taong nakabraces na may pustiso kc laki nga. Ninipisan nya ng kaunti pero siningil nya parin q sa pagpapanipis, nagulat nga ko kc 4000 siningil sakin…eh 1000 lng naman kada adjust sa braces..Ngaun nagkakaproblema po ko dahil habang lumuluwag po ung braces ko lumalaglag naman ung jacket na ginawa nya tapos ang ikinakaba q ngayon baka tulad ng dati madamay din ung mga katabing ngipin ko… Natatakot q ngayon. Pwede kayang maghabol sa kanya? ano po ba dapat q gawin?

Ask the Dentist Philippines: May kulang sa kuwento mo. Okay ba ang Oral Hygiene mo? Sinusunod mo ba yung instructions ng Dentist mo? Ang success naman ng orthodontic treatment ay nakadepende sa dentist at pasyente.

Bonding ang tawag doon. Hindi rebonding. Depende sa treatment plan, pwedeng gawin ng dentist ang bonding.

Para sa akin, mura ang yung siningil niyang P4,000 sa prosthetic procedure.

Hindi naman kakaiba ang may fixed bridge o crown na nakabraces.

Dapat mo ipakita sa ibang Dentist kung may duda ka. Oras kasi mawala ang tiwala mo sa Dentist, lahat ng procedure na gagawin niya sayo, pagdududahan mo na. Para mawala ang duda mo, ipakita mo sa ibang dentist, second opinion. Hindi ko sinasabing magpalit ka ng dentist, nakadepende sayo yan at sa napagusapan niyo.

Ikonsulta mo sa aktwal at hindi sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist.

260 thoughts on “Orthodontics – Braces”

  1. Doon sa sinasabi mong bonding. Sa tingin ko, may caries kang malaki. Ang ginawa niya, pinastahan niya. Maaring involved na ang pulp mo dahil sa caries. Kaya namaga, infected na ang ngipin mo bago pa man pastahan. Hindi lang naipaliwanag mabuti ng dentist mo. Bingyan ka ba ng option na Iroot canal bago tanggalin? Ang nangyayari kasi, kahit isuggest ng dentist na i-root canal, pinapabunot pa din ng pasyente dahil ang akala niya mas makakatipid siya.

    1. doc, good pm po! Nagpatingin na po q sa ibang dentista ang halos sa 3 dentistang tumingin ng situation ng ngipin at braces q ang sabi nila pwede daw po q magreklamo dahil sa halip na gumanda ang ngipin q ay lalo itong pumangit at nasira. Bago q magpabraces at wlang ginagalaw sakin isa lng false teeth q after ng ginawa ng bonding nasira un katbi ng false teeth q kya naging 2 bungi ko after unsuccesful bonding jacket pinalit nya 2 ngipin q naman ang nanganganib na masira dahil sumuuga na rin ewan q kung anong ginawa nya sa mga ngipin ko.
      Doc, san po ba q pwede magreklamo? kaylangan ba pumunta mo na q sa kanya? di na q binababalik sa kanya ng aswa q dahil nga di na gusto ung mga ginawa nya sa ngipin ko. Help me doc, ano po pwedeng gawin ko.?

      1. Sa kanya ka unang dapat magreklamo. Para maipaliwanag niya at malaman niya kung saan nagmula ang problema. Maaring sayo galing ang problema. Kung hindi ka nakuntento, sa Dental Chapter ka magreklamo. Sa Chapter kung saan siya nagcliclinic. Kung ayaw niyo nang bumalik, pumunta ka sa Dentist na pinagkakatiwalaan mo. Ang mga susunod mo pang pwedeng gawin ay malalaman natin pagkatapos mong gawin ang mga dapat mong gawin.

    2. Gud day ask ko lang po if kung nalunok ko po yung retainer what to do? before po kasi ako matulog nung new year day alam ko pa po na suot ko. then pag gisinf ko yung upper side po ang nawawala. bale yung lower nalang po ang naiwan. so mas malaki yung upper than lower side. wala naman po ako naramdaman nung natutulog ako. if pa xray po madedetect po ba don kung sakali tlaga nalunok ko? sasama din po ba yun if mag pupu ako? or maooperahan ako sakali nasa loob tlaga sya ng katawan ko?give me more advice. everyday nalang ako napapaisip.tnx po more power

  2. Doc, tanong lang po. May braces po kasi ako ngayon. And honestly, hindi po kasi ako tiwala sa ortho ko. First of all, kasi po, he put on my braces with a .very cheap price compare sa other clinic. Second, hindi po ako niya nirecommend i-X-ray ang ipin ko. Tapos po, may mali po siyang lagay na bracket sa ipin ko. Bali, nakarotate po. Tulungan niyo po ako kasi, hindi ko maplease yung Tatay ko kahit umiiyak na ko na mag pacheck ako sa ibang dentista. Hindi naman daw ako doctor para masabing mali yung ginagawa. But, iba po talaga yung instincts ko sakanya eh. and, Biology student naman po ako kaya, kahit pano, may idea akong kaunti sa ginagawa niya. Ang masaklap po kasi, tatanggalin na raw po niya ang braces ko but it’s obvious that my teeth are not aligned or correctly positioned yet. Ang I can say, he just messed it up. Please help. Salamat po.

  3. Doc, tanong lang po. May braces po kasi ako ngayon. And honestly, hindi po kasi ako tiwala sa ortho ko. First of all, kasi po, he put on my braces with a very cheap price compare sa other clinic. Second, hindi po ako niya nirecommend i-X-ray ang ipin ko. Tapos po, may mali po siyang lagay na bracket sa ipin ko. Bali, nakarotate po. Tulungan niyo po ako kasi, hindi ko maplease yung Tatay ko kahit umiiyak na ko na mag pacheck ako sa ibang dentista. Hindi naman daw ako doctor para masabing mali yung ginagawa. But, iba po talaga yung instincts ko sakanya eh. And, Biology student naman po ako kaya, kahit pano, may idea akong kaunti sa ginagawa niya. Ang masaklap po kasi, tatanggalin na raw po niya ang braces ko but it’s obvious that my teeth are not aligned or correctly positioned yet. Ang I can say, he just messed it up. Please help. Salamat po.

  4. Doc ask ko lng po kung pwd mg p braces ung my bungi? bandang taas po sya sa dlwang gilid mg katapat.

  5. hello po doc, i just want to share my story and if you have time pakisagot naman po yung mga tanong ko.. salamat po in advance…

    i got loose brackets for the third time, the same bracket that were used to get loose. My dentist fixed it 3 days ago and after 23 hours they became loose again. I don’t wanna tell her about it ’cause i’ll just get disappointed with the response that i get from her. Can you tell me what is the best way that i can do aside from waiting for 2 weeks to get the loose brackets fixed?

    i asked my dentist if she is going to clean my teeth every month. she told me that it is not advisable to clean the teeth with braces every month because the enamel of the teeth becomes thin. is it true??

    Should i have to have my teeth clean every month? i mean the teeth with dental brace?

    help me po please.. THANK YOU! 🙂

    1. Natatanggal din talaga ang bracket. May mga factors kung bakit natatanggal iyan. The best way is ipakabit mo ulit sa dentist mo. Kasi kapag ipinakabit mo sa iba iyan, mahihirapan lang ang dentist mo sa treatment mo.

      Depende sa napagusapan niyo at sa sitwasyon. Para sa akin, every adjustment dapat, nililinis yung sa naiipit ng brackets, rubber, wires. Not tooth scaling. Linis sa mga naiipit.

  6. Doc tanong lang po ako nakadentures po ako ngaun 4 teeth sa upper tanong lang po anu po bang ibang way na pwedeng gawin para hindi na po dentures.. maliban po sa implant.. (masyado na po kasing mahal un) maganda po ba ang fixed bridge?? kung fixed bridge po may tendency po bang maging forever pag-iningatan?? please reply thanks.. God Bless..

  7. Pwede po ba mag pa brace me jacket sa harap 2 tapos me bungi ipin gilid Sa taas . Kung pwede po after mag dikit nung bungi ipin ano po gagawin?m

  8. pwede po ba ako mag pa brace khit my 3 false teeth ako sa harapan…. kase parang pumapaling ung ngipin ko eh… advice po…
    salamat

  9. Pwede po ba mag pa brace kahit may fixed bridge ako sa lower right? Ung Abutment ko po ung 2nd pre molar then missing ung 1 st moloar kaya linagyan ng pontic..
    Pwde po ba un?:)

  10. tanong ko lng po, nagpabunot po ako nung monday, bali one week na ngaun, ngaun kko lng po napansin na ung katabing ipin ng binunutan po ay me parang nakausling buto..front po ung binunot upper…root canal po kc ung binunot nia…pag bumalik po ba akok at ipinatanggal ko ung parang naiwan , magbbayad pa po ba ako sa kanya?pahilom na sugat ko ttapos papabunot pa ulit..hay…salamat po

  11. ,yung pinsan ko po bulok na yung front teeth nya sa harapan . nag pnta sa sya dentist sabi hindi naraw pwede ipasta kaylangan daw bunot na. pwede ba i jacket yun?

  12. hi po doc. ask ko lng po kung anu treament maganda sa 2 ko tooth s harap.. cra n po kc xa,, sb po kc skn fixed bridge po dw.. kaso aabutin po dw aq ng 8 n ngipin ee 2 lng nmn po un cra ko un isa po kc cra n tlga un klhti un isa nmn po un 1/4 lng…help me nmn po .. slamt po..

  13. ge po ppkita ko sa inu nd po xa sumskit un isa po kc my butas na po.. un isa nmn un 1/4 po sa gilid xa,, dte ko po to pnpsta maliit plng po cra kso non ntngal n un pasta skn nkta ko po lumaki n un cra ..
    hanggng s ngng gnito n po xa.. mrming slmt po..

    1. Ipa-root canal treatment mo yung nginin mo. Tapos jacket crown. 🙂 Nakita ko na ang picture na sinend mo. Malaki ang probability na patay na ang pulp, kaya required kang ipa-RCT. 🙂

  14. slmt po.. mgknu po b estimate nio.? s rtc txka crown po..
    . ah jacket po? bli pg jacket po 2 teeth ko to aausin po.. d tulad ng fixed bridge 8 po dw.. kc my sungki aq..

    1. Kung sungki, ipa braces mo. Hindi bridge ang remedyo ng sungki. Kung long term ang iisipin mo mas makakamura ka kung ipa-rct at jacket yung mga ngipin na sira na, tapos braces sa sungki. Kaya kung balak mo pang mabuhay ng matagal, yan ang gawin mo.

  15. ee doc kung ipafalse teeth ko po to.. pde po b ko mg pabraces non..? kc po cross bite aq ee. gusto ko lng po kc un maaus po to.. tnx po nga mrmi..

  16. ge po slmt po.. bkt po sb skn i prtc ko po muna tps i jacket crowns ko po.my recommed po b kau dentist dto s pasay.. tgn mo doc ilng po un ipprtc ko 2 po ba? bka kc doc mshort ee.

    slmt po ulit..

    1. Kung ilan ang i-a-rct ay depende sa kung ilan ang makikita sa examination at x ray ng ngipin mo. Para sa recommended dentists ko, click mo yung “approved dental clinics” button sa taas. 🙂

  17. Good evening po.Plano ko po sanang mag palagay ng metal braces.Ok lang po bang ipa adjust ko sa abroad ang braces ko.Magtatrabaho po kasi ako sa Taiwan at papaalis na din ako.Maraming salamat po.

    1. Malayo ka sa dentist mo. Pangalawa, hindi mo alam kung ang dentist na gagawa sa treatment mo sa abroad ay pareho ng plano ng dentist mo dito. Pangatlo, baka domoble ka ng bayad. Pangapat, ikaw na ang bahala, try mo na lang kung ano ang plano mo baka balang araw magsisi ka kung bakit sunod ka ng sunod sa payo ko. Tandaan mo, kapag sinunod mo ang payo ko, at hindi mo nagustuhan ang resulta, balang araw magiisip ka na sana may time machine. At sana bumalik ka sa time na binabasa mo itong payo ko na sana hindi mo na lang ako sinunod. Siguro sana ngayon nalaman mo ang resulta na paano kung hindi mo sinunod ang nabasa mo sa askthedentist.tv. Paano kung ang pagsunod sa sarili mong plano ang magpapaunlad sayo na higit pa kay Bill Gates. 🙂 Humayo ka at ipakabit ang braces mo sa kung saan mo plano. 🙂

  18. Good morning doc,thanks for d advice you’ve given to me.I just realized na magkakaroon ng problema talaga kapag lalayo c dentist especially mag abroad.Baka magka problema din po kapag andon nah.Doon nalang po siguro magpalagay c abroad para malapit din sa dentist.Maraming salamat po sa payo binigay niyo,laking tulong din po sa akin na nalaman ko ng maaga din sa inyo.God Bless U Always…

  19. doc good pm po. ang balak ko po kasi is mag pabrace kasi po naka umbok ung pangil ko ng kaunti tsaka may pagka upper bite din po ung teeth ko. hndi pa po ako makahanap ng dental clinic kasi busy kaya dto po ako nagtanong…. tsaka papayagan ba nila ako mag ortho para gumanda yung smile ko? kasi i had 4 matutulis na ngipin. (parang fangs.) tapos yung 2 po sa upper is naka umbok . Thanks po

      1. Di na dapat ako magcocomment Doc, kaya lang di ko mapgigilan lalo na dun sa part na “Kung si Sam at Piolo nga eh pinayagan, kaw pa kaya”. Nadali nyo Doc! Ang galing nyo talagang ipag-connect ang mga bagay bagay.

  20. Hi Doc, I have 3 porcelain dental crown in my left canine, 1st & 2nd left premolar. My canine undergo a root canal treatment while the 1st premoral was already missing kaya po nagpafixed bridge na lang ako. Now I’m planning na magpabrace po. Ok lang po ba na magpabrace kahit na I had this dental treatment before? Thank you in advance and more power. 🙂

    1. Yes pwede. Pero mas kumplikado kaysa walang bridge. Depende kung gaano kagrabe, maaring hayaan na ang bridge part or tanggalin ang bridge at palitan muna ng temporary para magalaw ang mga ngipin.

  21. GoodPM po.. ask ko lang po kung pwede po ako magpalagy ng braces kahit may pasta yung lateral incisor ko? thank you po!

  22. hello po, natanggal po kasi yung ipin ko as in super duper tanggal, natanggal na po yung ipin as in hugot kasama yung matulis na chuchu, ano po ba magandang gawin? ayoko po magpapustiso eh huhuhuh :((

  23. doc may 2 po akong bungi sa harapan tapos may sungki din po akog dalawa sa harapn 🙁 gusto ko po sana ipa brace pwede po ba? may pag asa pa po ba yung ngipin ko?

  24. Doc, dba po need muna tlga mag xray before ibraces? skin ksi nilagay nya na kagad ung braces pero hndi pa nman nya ni lock. and meron need pastahan .. hndi pa pinastahan.. nakakaasar late ko lang ng figure out na dpt nag xray muna ko .. bat ganun ?>/? ughh gsto ko sna sa lumipat ng clinic kso naka pag down na ko ee :((((

  25. hndi nga po ee.. pero ung sa baba po hndi ako pumayag na lagyan nya kagad ng braces ksi po my bubutin pa dun then my sungki pa po.. kaya papa xray muna po ako just to make sure .. papa explain ko na din po results ng xray ko po.

  26. gsto ko nga po sna mag change ng ortho kso nakapag down na po ako Doc,. hmm .. after 1yr if tapos na ko mag bayad saka na lang po ako lilipat ng ortho .. tapusin ko lang po to.. papa xray na lang din po ako for now.. halos lahat din po ksi ng co employees ko dun nag pa braces sa kanya ee,. kasalanan ko din po ksi nagmamadali ako.. hehe aun..
    hintay hintay na lang ako sa magiging results :D. SALAMAT DOC

  27. Doc, ask ko po kung anong possible treatment sa teeth ko kasi po parang natanggal na po yung pagkapasta tapos po nasisira nadin sya pati po yung katabing ipin. balak ko din po sana magpabraces pero gusto ko po muna maaus yung may pasta ko na ngipin. ano po dapat ko gawin and mga magkano po magagastos? thank you po!

      1. thank you po sa reply Doc, sabi po kasi ng dentist ko dati, pag nasira na yung pasta di na pwedeng pastahan ulit, jacket crown na daw po di na daw po kasi matatanggal yung pasta nung ngipin ko. ganun po ba tlga yun?

        1. Kung mas malaki ang pasta sa ngipin na kakapitan mas mabuting i-jacket crown or laminate. Depende sa laki at contact sa katapat na ngipin. Kung yan ay ngipin sa harap at ang pasta ay sakop buong incisal mas mabuting i-crown or laminate. Kung hindi ka sigurado at hindi mo maintindihan ang inihahayag ko, picture-an mo ang iyong ngipin at isend sa king through pm sa FB.

  28. pwede po bang mag braces kahit may pasta at may bunot pero maayos naman po ung ngipin ko for fashion lng po pwede po ba?

  29. Doc, meron po akong sira na ngipin sa upper part..bale 3 sila pero mgkahiwalay..dalawang ngipin yung agwat nila sa isat-isa,ppwde po ba itong ipa jacket? Ung jacket po ba di na natatanggal?thnx Doc..

  30. Doc, I lost one of the brackets of my braces today I dunno where, must have fallen off while i was brushing or when was chewing food…. i dunno, was just gonna as how much usually kapag papalitan ung single piece of bracket? thx

  31. Doc tanong ko lng po bakit po natatanggal ung parte ng brace sa ngipin anu po b any dahilan at doc paano kung nagsara young dentist tapos Hindi n po siya macontact , Hindi kuna po makapg pa adjust pwede po ba sa ibang dentist help?

  32. hi dok, kung my fixed bridge sa taas, pwd pa bang mgbrace , sbi kse hindi na daw kakapit yung bracket kse madulas yung crown?

  33. phabol pa po… macorrect p po b ung ngipin khit may tooth jacket kpag pinabrace ko n po? pinagiisipan ko p po kc kung magppabrace ako o hndi

    1. Hanap ka ng magaling na dentist. Ako, alam ko ang process para diyan. Kung inilagay ko dito kung paano, dadami ang magaling na dentist, dahil itong website ko ay binabasa din ng kapwa ko dentist. Kaya, hanap ka ng magaling na dentist.

  34. ang prob ko po kc ung ngipin ko na nakatooth jacket eh ung dlawang ngipin sa harap ung taas n part kya nag aalanganin ako kung mgpapabrace p po ko kc my dentist po na nirerefer sakin -k dw po ung down taas at babang ngipin

  35. magkano po b dapat ang singil pag gnung cases? -k dw kc tlga ang down payment dun sa dentist n un eh

  36. Pwede po bang mag pa lagay ng braces kahit may dalawang bunot sa kabilaan ,ng upper teeth? thanks

  37. Doc may braces po ako. Nakabit ng dentist ko kahit may papastahan pa sa teeth ko. Ok lang po ba un? D ba masisira lalo ang tit ko nun?

  38. Hello po. Just wanna ask po if I can still have braces kahit na may 2 Jacket po ako sa central incisor? I have consulted my dentist already about my jacket po sabi niya sakin I have to undergo RCT pero di ko po kasi natanong if pwede pa po ako magpabrace. Thank you 🙂

  39. Doc, ask ko lang po kung kasama na po sa bayad yung pagpapaayos ng ngipin if in case may aausin pa pag nagpa-braces po. Thanks po 😉

  40. Hello po Doc. tanong ko lang po .. i’m planning po kasing mag-pa.brace ngayong summer na talaga .. ^_^ tanong ko lang,, required po ba talagang putulan ang ilang mga tooths? at.. pwede na po bang kunin ang brace after a month .. tnx po ^_^

      1. ahhh ganun po ba ..sige,salamat po 🙂 pero,, anu po bang mangyayari pagkatapos kunin ang braces sa ngipin ,, magkakaroon po ba ito ng decay??

  41. hi doc, question po, mula po kasi ng nabunot yung isang ipin ko sa baba, napansin ko po na naghihiwaly yung ipin ko, ano po dapat gawin?

  42. HI GOOD DAY DOC .. MEI QUES. LNG AQ I HAVE 3 FALSE TEETH FRONTAL AND I ASK MY ORTHO TO BRACE IT. AND OK NMN PO XA HBNG TMTGAL NAG LOLOOSE XA.. NGAUN SHE SUGGEST ME THE PLTAN UNG FALSE TEETH NG PLASTIC JCKET AND THE NXT IS PORCELAIN JCKET.. PLTAN NPO NIA NG PORCELAIN PRO SHE SAID SHE WILL REMOVED MY BRACES.. CONCERNED Q LNG PO KNG PWEDE PO BA IBRACE ANG PORELAIN TEETH .. THNX IN ADV.

  43. Doc Natanggal po yung bracket ng braces ko sa molar tooth ko today, after two weeks pa po kase ang balik ko saknya for adjustment, pwede po ba na isabay ko na Lang sa pagpapaadjust ang pagpapadikit ulit ng bracket?

  44. Ano po bang pwedeng mangyare sa sirang ngipin na nalagyan ng brace? Kase yung sira nalang po yung sumasakit e, Yung iba hindi na masasalba papo ba ng pasta?

      1. Doc apat ang jacket q sa harap, after 3 years naninilaw na ., ano ggwin q ?? San q po pede isend ang pic ? Tnx po

  45. kapag ba lumipat ako ng dentista, back to square 1 ba ang procedure, like babalik ba ko uli sa simula? Yung dentista ko kasi kapag kino-contact namin siya di siya nagrereply, di man lang late eh, kailangan pang makarami. Pero ngayon di na talaga namin siya ma-contact. may tanggal po ako, yung bracket ko tanggal po, pati yung wire ko tanggal, naka-rubber bands po kasi ako, para daw mag-close na daw at makapag-retainer na ko, kaso feeling ko matatagalan pa ko lalo, mag 5 years na ko naka-brace, samantalang sabi niya 3 years lang. kaya ayun gusto ko lumipat ng dentist. tanong ko lang kung mas magastos ba yun?

  46. Hi po, ask ko lang po kung pwede po ba akong lumipat ng ibang dentist, kasi po yung dentist ko po parang deads na ata, sarado na po yung clinic niya and wala man lang pong sinabi kung aalis ba siya or what.. ang tagal na din po niang nawala, and di na po active mga numbers niya

  47. Hi Doc! Nka-denture po akong isa sa front for about 5 yrs. Before po kasi when I was grade 5, yun lng po yung baby tooth sa ngipin ko. Sabi po ng dentist namin ipa-xray namin para makita kung may kapalit tapos after nun pwede ng bunutin. Kaya yun naman po yung ginawa namin sabi po after 5 months bababa na daw po yun kaso di naman po yun yung nangyari. Binalikan po namin yung dentist namin kaso pumunta na daw pong US. So my mom decided na magpa-consult kami sa ibang dentist. Sabi po nung dentist na-trauma daw po kaya di na lumabas yung ngipin ko. Yun daw po yung katabing ngipin ay natamaan or something. Nakwento ko po na nung bata ako natamaan ng bato yung katabing ngipin na yun. Nagtanong po kami kung anong pwedeng gawin kasi nga po nabungi ako nun sabi po ng dentist ipapabrace daw po. Yung impacted tooth ibaba din po. Kaso mahal kaya sabi ng mom ko dentures nlng po kaya until now naka-denture ako.

    Pero ayoko na po magsuot ng denture. Kasi I notice na nagkakaroon ng space between my teeth. Eh before nung bago palang yung denture ko masikip tapos dati kapantay lng sya ng katabing tooth ngayon parang ang liit na tignan kasi sumasagad sa gums.

    Nagsearch po ako ng ibang alternative sa dentures yung fixed bridge (jacket). Mas affordable kaso pagnagtagal nagkakaron ng color black between tooth and gums.
    Yung isa nman po tooth implant. My questions are; Ok lng po ba yung tooth implant sakin even if I had an impacted tooth?
    Kung magpapabrace po ako na ibababa yung impacted tooth, how much it will cost and how long bago bumaba yung tooth?

    Thank you po.

    1. Your questions are so interesting that I want to answer them so bad but I couldn’t coz I don’t want to give out false hope, particularly on your case.

      The options on correcting this toothless area and continual spacing & drifting of teeth which you have mentioned are Orthodontic Braces together with the combination of Dental Implant/ Fixed Bridge and/or Removable dentures.

      You asked “Ok lng po ba yung tooth implant sakin even if I had an impacted tooth?” My answer is is No.

      If you want to be seen, you are more than welcome to schedule for a consultation appointment. http://dentistquezoncity.com

  48. Hello po Doc! ung 2 front teeth ko infected na hndi pa nman po butas may other options pa po ba aside of bubunutin na? Sa email ko nlng po kayo rply. Salamat po

      1. ganun po ba sige po try ko po pag may oras po ako. sige po dto nlng po bka po hndi abot ng mukha ko ung standards nyo, hehe. nakakahiya nman po :). mrami po kasi ako problema sa ngipin ko sungki din po mga ito kaya magpapalagay po sana ako ng braces kaso napansin ko nga po ung sa front teeth ko pwede pa po ba ako magpabrace o dpat iRCT muna ung mga kelangan iRCT? salamat po

      1. Hello doc may itatanung lang po sana ako .

        Doc 3 month na po akong hndi nakakapag adjust ng brace dahil po busy po ako sa school, itatanung ko lang po sana kung okay lang po ba na 3 months po akong hndi nakapag adjust or hndimn makapagpalinis sa dentist ko po ?

        1. Hello po doc may tanong lang po sana ako .

          Doc, 3 months na po akong hindi nagpapa adjust at nagpapalinis ng brace sa dentist ko po kasi po sobrang busy na po sa school . Doc, itatanung ko lang po kung ayos lang po ba kahit po nxt month nalang po ako magpa adjust ng brace po ?.

  49. Hi doc. Nagpabraces po ako last May then ang sabi ng dentest 35k daw ang pagpabraces at 10k DP.. Pumayag po ako June to Dec nagpapa adjust ako everymonth po at nagbabayad po ako ng 2k kada adjustment (para dun sa 35k)
    Pero now ko lang po nalaman na kada pag pa adjust ko po my charge pa po palang 200 na akala ko po ay yung 35k lahat lahat na yun kasi ang pag pa adjust kasama nmn tlaga po yun sa pagpabraces kaya nagtanong ako sa dentist ko at sabi nya sa iba pa nga daw 500 ang singil nila. Ganun po ba talga yun my bayad pa po ba talaga yun so ibig pong sabihin kahit bayad ko na yung 35k pag hindi pa maayus ang ngipin ko e magbabayad pa ako ng 200 (hindi matatapos mabayarin ko.akala ko kasi 35k wla ng ibang fees)

  50. Doc. tanong ko lang po, pwde po ba ako mag palagay nang braces kahit na wla namn deperensya sa teeth ko? heheh. style lang po..
    slamat po

  51. Doc may tanong po ako kasi nagpabrace po ako last january e 1month palang po ang braces ko ok lang po na nauna braces kesa ung pasta ? kasi doc may 5 sira ipin ko natakot po ako kasi baka lalong magcrack ipin ko.

  52. Hi Doc. I just wanna ask. Nilagyan po kasi ako ng braces pero nagtataka lang po ako bakit hindi po nalagyan lahat? Kalahati lang po sa taas and sa baba. Wala din pong lock sa baba. Pero sa taas meron 🙂 thank you

  53. Hi po! Kakakabit ko lang po ng braces. And I just wanna ask if bakit half lang po sa taas yung nilagyan? and same din po sa baba, Half lang. pero yung sa taas po may lock na, sa baba wala po. Na-curious lang po ako. hehe thank you 🙂

  54. hi doc ..ask ko lng po ..pde po magpabraces ang nakaporcelane jacket ??nakajacket po kc ang isang ngipin ko sa itaas ..gusto ko po sanang magpabraces..isa ngipin lng nman ang nakajacket ..pingas po kc yun dati …pinapasta ko .tapos after a year naputol ulit ..kya pinaporcelaine jcket ko na po ..di na daw po kya sa pasta ..sav ng dentista ko

  55. Ahh doc, yung po kaseng isang ngipin ko sa may unahan ehh parang mabubunge, pero ayoko pong mabunge, di pa naman po sya matatanggal kaya lang parang nauga ng onte, makakatulong po ba ang brace para di matanggal yun ng tuluyan ??

  56. Hi doc! Good Day! Mag tatrabaho po kasi ako sa Airline, pero may sungki po kasi ako sa may bandang harapan, gusto ko sanang ipa brace kaso it takes time at bawal daw sa work, meron pa bang ibang way para mapantay ung ngipin ko? bawal din po kasi ang pustiso. Thank You 🙂

      1. Hi doc! I’m having braces for almost 8months na sa upper teeth.. Gusto kong ipabraces ang lower teeth ko this year dn… Pero sa ibang dentst naman po…. Is it okay to have two dentist at the same time?

        1. Your orthodontic treatment is absurd. There is no such thing as upper braces or lower braces only. The dentist who placed those brackets on your teeth is either stupid, incompetent, or a fake!

  57. Ask ko lang po kasi matagal na di tumutubo ung isang pangil ko tapos sa may bandang gums ko po doon po sa walang pangil parang may patusok na maliit kulay puti hindi po kaya iyon ung pangil ko nasa gum pero maliit po tapos po pinabrace ko po kahapon lng ang sabi ng dentista ko dati ipaxray ko daw tapos itong dentista ko sa braces sinabi ko, sabi nman nya sa pagbalik ko ng 2weeks daw sa adjustment ko doon nya ako ipapaxray okay ba yon na nauna braces kaysa sa xray? Tapos 3500 one time payment kada month ng adjustment 350 promo daw po kasi tsaka madami na po sya napabrace nakapost po sa FB mga picture and may mga feedbacks din ung iba nya customer

    1. What? I don’t get to see the bigger picture here. Provide a photo of you panoramix xray. I am dead sure the dentist who is currently doing your ortho requested that diagnostic radiograph. This is ridiculous. Diagnostic radiograph is necessary. That is imperative. Your doctor is either incompetent or lacks the necessary knowledge

  58. Hi Doc! i’m having braces at the upper teeth for almost 8 months…. and i can see my teeth almost fixed na… and i’m planning to have braces at the lower teeth this year to fix my bite naman… pero i’m wondering sa ibang dentist naman kasi my dentist is always wala kaya brother nya ang nagcchange ng rubber ko… so doc, ask ko lang if it’s okay to have two dentist at the same time…

  59. Hi Doc! i’m having braces sa taas for almost 8 months…. and i can see my teeth almost fixed na… and i’m planning to have braces sa baba this year to fix my bite naman… pero i’m wondering sa ibang dentist naman kasi my dentist is always wala kaya brother nya ang nagcchange ng rubber ko… so doc, ask ko lang if it’s okay to have two dentist at the same time…

  60. Good day po :)gusto ko lang po itanong kung pwede po bang mag pa brace kahit maayos ang ngipin? Ano po ba ang mangyayari sa ngipin?

  61. DOC pano po malalaman pag ka bago po yung brackets ng braces ? sabi nyu nga po may ilang dentis na nagrerecycle ng brackets salamat po …..

  62. Hi po. Ask ko lang po kung magpapabrace po ako dito sa philippines pwede ko po bang doon nalang ipa adjust/treatment sa canada?? Kase po mag ma-migrate po kme dun. so pwede po kaya yun??

  63. Bakit po matagal ma-aligned yung ipin ko? 5 months na hindi pa rin po lumalabas yung “sungki”? Every month naman ako nagpapa-check

  64. ask ko lang po hindi po ba maalis yung brackets kse may rubber nmn po kso naalis sa dikit e. baka po kse malunok ko. salamat po. tagal ppo kse ng sched ko sa dentist

  65. Good afternoon Doc,what if maputol yung wire ng braces at nalunok ng di namamalayan. Kasi naputol yung saken and hindi ko alam kung nalunok ko ba habang kumakain or sa pagbrush sumama, napansin ko lang putol na. Mailalabas ko rin ba ito in case nga na nalunok ko nga?

  66. hello po doc!!! safe po ba ung nabibili lang online selling n mga braces ?????at sb po mg guide daw po na ibbgy pra gwin ko lamang ,, gusto ko po kc maayos ngipin ko pero ala ako enof money pra doc.ang gagawa…

  67. Hi po doc.. Nakapagpa braces na po ako dati kaya lng po ngaun madami na po pasta ngipin ko.. Pwede po kaya ibraces ulit? Sumasakit din po panga ko.. Dati po pag nanganga po ako natunog tapos po nawala nung natanggal ung braces ang nangyari naman po pag nanganga po ako natabingi po bibig ko.. D ko na din po kaya ang matagal na pagnganga pag nagpapalinis ng ngipin.. Ano po treatment para sa jaw ko? Braces po ba ulit? Thanks po

  68. Pwede po bang mag pa brace kahit walang sungki yung ngipin? Yung parang pang design lang? Di ba nakakasira ng ngipin yon?

  69. hello doc ask ko lang po kung pwede magpabrace yung may dentures na 2 sa harap pero magkahiwalay sila then 2 sa bagang mag kahiwalay din po sa upper part po ng ngipin ng kapatid ko. ano po kaya mas magandang gawin dun .. then sa pwede po kaya lagyan ng braces yung ngipin pa implant ,,, yung nakadikit lang na ngipin yung walang gums po ?

    Thank you

  70. ask ko lang po .. kasi po parang lumolobo yung gums sa isang part ng ngipin ko po sa sa bagang .. anu po kaya yung tendency na mangyari pag ganun yung gums… pero hinid po sumasakit .. prang nagaulbok lang po siya … then pag pinisa po ee prang tubig siya

  71. Doc pwede mag tanong may bayad ba ang retainer. nag pa brace kasi ako fully paid na. ang pag kaalam ko kasama na sa bayad yun. tapos tinangal yung brackets bago sinabi na may bayad na dalawang libo yung retainer nakalimutan niya raw bangitin. yung lower yung tinangal niya paano pag tinanggal yung upper dalawang libo ulit yun?

    1. Oo hiwalay na bayad yun. Kapag nagtanong ka naman ng presyo ng braces ang sasabihin sayo ay presyo ng braces. Kapag nagtanong ka ng presyo ng retainer, presyo ng retainer ang sasabihin sayo. Same sa magkano ang adobo, kapag hindi nabangggit ang presyo ng kanin, wag ka na magtaka. 🙂

  72. Good morning po doc…ask KO LNG po PDE po ba mgpabrace khit my 4 false teeth as harapan..thanks in advance ..god bless po..

  73. DOC MERON PO BANG NAKAKAPAGURONG NG NGIPIN KO KASI MALAKI NA PO ANG NGIPIN KO PANGET NA PO TIGNAN PA NAKA SIDE VIEW DOC MERON PO BANG SOLUTION DTO?

  74. Hi pho ask ko lng po if pwd kayo mg kabit ng brace pero sakin po yung bracket gling at wire? Service fee lng pho yung babayaran and how much po?? Meron pho ba na dentist service fee lng yung pwd bayaran?

Leave a Reply

%d