Orthodontics – Braces

Nina: good pm doc, ask q lng po kung ano dapat gawin q kc po nung magpatingin po q sa dentista q kung pwede po bang ipabrace ung ngipin q kaso may false teeth po q sabi nya pwede daw. inalis nya ung false teeth q nun lagyan nya ng brace kc iuusog ng brace ung spaces ng ngipin q sa harap after months sabi nya ung space dw lalagyan ng rebonding na tinatawag para makakangiti na dw q nagulat nga q kc kala q mismong ung brace ang gagawa ng paraan para mawala ung space na dating my false teeth.

Tapos ginawa na nga ung rebonding na sinasabi nya. Nawala ung space napalitan ng parang ngipin dahil sa rebonding na un after weeks namaga at lumubo ung gums q dahil sa ginawang rebonding kya binutasan nya ng kaunti ung katabing ngipin pra mawala daw ung nana or imfections. after 5 days ok na un maga pero afters 5 months po lumuwag po ung ginawa nyang rebonding pati ung katabing ngipin na pinagbutasan nya nadamay eh di nabungi na q 2 ngipin pa nawala sa halip na isa lng false teeth q noon.

Sabi nya di daw nagsuccess ung rebonding q kaya papalitan ng jacket…eh di pinagbayad na naman nya q sa jacket bukod sa rebonding na ginawa nya. Grabe naman ung jacket na ginawa nya kc ang laki ng ngipin q pati ung 2 katabing ngipin nag iba rin ung hitsura…after a months habang nag aadjust siya ng braces q sabi q kung pwede bang nipisan ung ginawa nyang jacket kc sabi ng mga tao ako dw ung taong nakabraces na may pustiso kc laki nga. Ninipisan nya ng kaunti pero siningil nya parin q sa pagpapanipis, nagulat nga ko kc 4000 siningil sakin…eh 1000 lng naman kada adjust sa braces..Ngaun nagkakaproblema po ko dahil habang lumuluwag po ung braces ko lumalaglag naman ung jacket na ginawa nya tapos ang ikinakaba q ngayon baka tulad ng dati madamay din ung mga katabing ngipin ko… Natatakot q ngayon. Pwede kayang maghabol sa kanya? ano po ba dapat q gawin?

Ask the Dentist Philippines: May kulang sa kuwento mo. Okay ba ang Oral Hygiene mo? Sinusunod mo ba yung instructions ng Dentist mo? Ang success naman ng orthodontic treatment ay nakadepende sa dentist at pasyente.

Bonding ang tawag doon. Hindi rebonding. Depende sa treatment plan, pwedeng gawin ng dentist ang bonding.

Para sa akin, mura ang yung siningil niyang P4,000 sa prosthetic procedure.

Hindi naman kakaiba ang may fixed bridge o crown na nakabraces.

Dapat mo ipakita sa ibang Dentist kung may duda ka. Oras kasi mawala ang tiwala mo sa Dentist, lahat ng procedure na gagawin niya sayo, pagdududahan mo na. Para mawala ang duda mo, ipakita mo sa ibang dentist, second opinion. Hindi ko sinasabing magpalit ka ng dentist, nakadepende sayo yan at sa napagusapan niyo.

Ikonsulta mo sa aktwal at hindi sa internet. Karamihan ng nababasa mo tungkol sa Dentistry sa internet ngayon, hindi gawa ng Dentist.

260 thoughts on “Orthodontics – Braces”

  1. Hi doc..ask ko po if pwede magpa braces ..nputol po kasi isang teeth ko sa harap sa taas lampas kalahati tas dinugtungan po dentist ko ..pwede pa po ba pa braces kahit ganon?

    1. Makikita sa panoramic x ray mo. Kapag nagpabraces ka, naghahanap ang dentist ng x ray. Kapag hindi ka hinananapan ng dentist ng x ray, wag mo ituloy ang braces. Bobo ang dentist na nagbibraces na walang x ray.

  2. Hello po nakabraces po ako. Pero yung natatanggal na gaya ng Retainer pero may bracket. Nakakaayos po ba ito ng ipin?

      1. Good Day doc. Ask ko lang po. Pano po magagawan ng paraan ang may nga sira kong ngipin up and down. Balak ko din po kase magpa Brace. Pano masulusyonan po doc?

  3. Goodmorning Doc! Ask ko lang po kung pwede akong magtransfer ng orthodontist? Hnd pa po tapos treatment ko, e kailangan na po namin lumipat ng bahay sa samar. nakabase po dto sa manila dentist ko kaya sobrang layo at mahal ang pamasahe pag lilipad ako dto buwan buwan.. nakabraces po ako for 2years na, pero hnd parin okay yung upper teeth at lower teeth ko..pabalik balik yung gap. Natapos narin po payment ko! Ang problem ko ngayon kung may tatanggap po ba sakin na orthodontist para sila magcontinue ng treatment. Hope to hear from u doc.. thank u so much..

  4. Hi doc ask ko lng po nalunok konkc yung bracket ng brace eh buntis pa po akô delikado po ba yun para sa baby ko? Maitatae ko po ba yun?

  5. Normal lang na na umuuga ang ngipin kapag may braces ka? O magkano patanggal ng braces sainyo

  6. Hi doc, nagpa pasta po ako nung sept 7 tapos natanggal yung pinasta ngayon lang so two weeks palang yung pasta. Ibabalik ko dun sa dentist. Tanong ko po kung mag babayad ba ulit ako ng panibago?

  7. Hi doc. Ask ko lang po if okay lang ba na walang molar binder or buccal tube ang braces ko? Nilagyan kase ako ng brace pero puro bracket lang. Nagtataka yung mga officemates ko bakit daw ako walang ganun pero sila meron. Before po ako lagyan ng braces nirequire ako gumamit ng bite splint. Nagamit ko sya for 4 months. kase pag kase binubuka ko po yung bibig ko nagki-click yung jaw ko.

    May improvement naman po yung paggamit ko ng bite splint. Nakakanganga na ko ng hindi natatakot na baka mag-lock jaw ako. Pero yung sa ngipin ko hindi ko pa napapansin kung okay na kase 2 mos. Pa lng naman yung braces ko. Thank you po. Sana po masagot nyo ko.

  8. Doc, ask ko lang po. Kailangan po ba tanggalin yung impacted tooth ko sa may canine Bago mag braces? Sa xray kasi dun ko lang nalaman na may impacted pala, tapos yung dalawang wisdom tooth ko impacted din. Natatakot ksi ako mag pasurgery kasi nakita ko yunh video. Salamat.

  9. Pano po ba ang gagawin? Natanggal po ung rubber ko at dahil nakachain sya nagdire diretso so ang tendency matatanggal din ung wire . Ano po ang dpaat gawin?

Leave a Reply

%d