May TMJ

Lynch : Hello po. Ask ko lang po may tmj daw po ako sabi ng dentist ko at kaylangan ko magundergo ng treatment ang mahal po kasi ng sinisingil at hindi kaya ng budget ko. Eto po ang xray ko pede po bang paki check if meron po talaga? Salamat po

Dr. Jesus Lecitona : Patingin ng panoramic x ray.

Lynch : Eto lang po ung pinakuha sakin. Ung request po eh transcrenial lang

Dr. Jesus Lecitona : Okie.

Lynch : Pede nyo na po ba makita if may tmj ako?

Dr. Jesus Lecitona : Makikita ko sa panoramic x ray.

Lynch : Kelangan ko pa po magpanoramic?

Lynch : Ang weird naman po. Bakit transcranial ung pinakuha sakin to check if my tmj ako

Dr. Jesus Lecitona : Tmd siguro. Hindi tmj. Parte ng katawan ng tao ang tmj.
Kung kaya nyang malaman ang problem mo sa pamamagitan nyan, bakit hindi. Pero kung ako ang tatanungin mo, panoramic x ray ang pagbabasehan ko. Clear na x ray dapat.

Lynch : Tmj po talaga kasi tmj specialist daw po sya. Madalas po maglock ang jaw ko at may clicking sound

Dr. Jesus Lecitona : Kamay. Parte ng tao. Paa parte ng tao. Mata parte ng tao. Tmj, parte ng tao.
Google mo. Tmj. Google mo din ang tmd.

Lynch : If may tmj po ba anung pedeng treatment. Pede naman po ako magpanoramic xray paki makita nyo po

Dr. Jesus Lecitona : Part ng katawan ng tao ang tmj.
Ang pwedeng treatment ay depende sa kung anong dahilan. Makikita sa panoramic x ray kung anong dahilan ng tmd.

Lynch : Ai ganun po ba.? Sige po try ko magpa xray. Wala po akong referal baka hindi alo payagan mgpanoramic xray

Dr. Jesus Lecitona : Okie.

Gusto Magstay ang Ngipin

Anjherica : Ano po ba mga options ko po para magstay lang po sya na ganyan po kahit kulang po ng 1 ngipin yung baba at taas po.

Anjherica : Another alternative options po, na hindi po implants, fix brige, braces po. Wala pa po kasing budget.
At magpantay nadin po yung ngipin ko nakausli po kasi ng konti yung sa front teeth po na parang ngipin po ng rabbit.

Dr. Jesus Lecitona : Ang gawin mo, wala muna. Dalasan nmo mGbrush. Magfloss gabi gabi. Every 6 months magpalinis ka ng ngipin sa dentist. Para maalagan anh natira. Ipapasta mo ang mga may sira. Tapos kapag may pera ka na, saka ka mgpabrace.
Magpalinis ka every 6 months para maiwasan ang gum disease.

Anjherica : Pano po yun. Kasi lagi pong sumasakit po yung ngipin ko po gusto ko nadin po talaga ipabunot. Pwede po ba ang retainer po muna po para mapigilan po yung pagkakaroon po ng gap.

Dr. Jesus Lecitona : Okie pabunot ka.

Anjherica : Pwede po ba iparetainer muna po yun?

Dr. Jesus Lecitona : Mga natapos lang sa brace ang retainer.

Pwede ba dagdagan ang pustiso

Charmaine : Doc. Pwde po ba magpabunot ang nagbbreastfeed ? Tska ask lng po. May pustiso na po akong apat sa harap. May sira ndin po ngipin ko sa upper part. Balak ko po na ipapostiso na lahat. Kelangan po ba gumawa ng bago o pwde po xa idagdag nlng dun sa lumang postiso ? Magkano po ang pinakamurang aabutin ?

Dr. Jesus Lecitona : Papagawa ka ng bago. Read : http://www.dentures.com.ph/

Hindi na nakabalik sa Dentist

Wewell : doc … ask q lang po … 3 months akong ndi nkapagadjust ng braces at ndi rin aq makabalik sa dentist q ano kaya mangyayari makaksuhan po ba ako ?
alam muna nagipit . nawalan ng work , natunganga . kaya ndi nkapagpa adjust..
tsaka parang ayoko na din bumalik sa dentist ko kasi ung mga cement lagpas lagpas eh . nireklamo q na sya before okay lang daw un kaya lang para sakin parang tinga ndi ako kumportable
salamat doc sa reply

Dr. Jesus Lecitona : Possible.

Wewell : possible po na makasuhan ako?

Dr. Jesus Lecitona : Possible.

Wewell : pang 3 months q kasi ngayong october pano pag bumalik naq by nov o dec .. wala bang kaso sa knila un as long na matapos q ung balance ko?

Dr. Jesus Lecitona : Magusap na lang kayo ng dentist mo.

Wewell : kunsabagay … pero since dentist din kayo okay lang ba sa inyo ung ganun?

Dr. Jesus Lecitona : Wag mo na ako idamay. Magusap na lang kayo.

Wewell : haha cge salamat po

Minor Surgery

Maria : Doc tanong ko po yung wisdom tooth ko po sa taas ndi naman siya impacted nakalabas po siya ng normal at kapantay po ng mga bagang ko ang tubo ngayon po nasira na sabi ng dentist ko consider po yun na minor surgery? At hindi basta bunot Ang asking po sakin 5thousand po. Ganun po ba talaga? Salamat po

Dr. Jesus Lecitona : Oo. ?

Pwede ba mareplenish ang ngipin na nabawasan for jacket

Ma Ana : Good eve po..
Ask ko lng po kng pede pba i reflenish ang ngipin na na prepare na for fixed bridge? Ung lateral ko po kasi ang gagamitin para sa porcelain.wala pong sira ang lateral ko.
Pede pa po ba ulit un ma reflenish ang dalawa kong lateralkahit ba prepare na

Dr. Jesus Lecitona : Hindi ko maintindihan. Anong replenish? ?
Read : http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/

Ma Ana : Ung ngipin ko po na nbawasan na prepare po for jacket pede pba i reflenish yun

Dr. Jesus Lecitona : Hindi na. Jacket na din anh restoration nun.
For more info read http://www.denturesaffordable.com/dental-crowns/

Ma Ana : Ganito po ung ginamit ko na temporary crown

Ung lateral po ung dalawang pinagkakapitan
Eto npo ung permanent

Mas maganda po ung tenporary na ginamit ko.nkapasok ung dalawang lateral.bkit po ganito ung kinalabasan?plastic lng po yan
Pede ko po ba i request sa dentist ko na kgaya nung sa lateral ang gawin na nkapasok ang dalawang lateral

Dr. Jesus Lecitona : Magusap kayo ng dentist mo.
Kung bakit ganyan ang kinalabasan ay hindi ko masasagot dahil hindi ako ang dentist mo. ?

Gusto Magpa-Bridge ng Apat na ngipin na lang

Mark Anthony : Good day po doc ask ko lang po kung magkano po ang bridge s upper po my apat p po natitira 2kanan at 2kaliwa?

Dr. Jesus Lecitona : Hindi na pwede ibridge kung apat na lang ang ngipin.
Denture yan or implant. Browse for info :

Dental Implants Cost


http://www.dentures.com.ph/

Mark Anthony : Mag kano po ang implant?

Dr. Jesus Lecitona : 70k pataas bawat implant.

Free Dental Check up

Usher : dito sa metromanila?yung huling binunot po ksing ngipin sa akin biglng may tumubo po na sungki e (17 yrs old npo ako nung binunot yung pangil ko then may tumubo bigla na sungki) sa ngayon po nagsusuot n lamang ako ng Pustiso spgkat 3 na ang nbunot na ngipin sa akin yung front teeth kl n nsa rghtside hnggng sa pangil, gusto ko po sana ipabunot yung sungki ko ngunit di ko po alam kung papaano ako makakapagbayad sa dentista dhil wla po akong spat na pera , sana po matulungan ninyo ako

*mayroon po bang free dental services or checkups dito po sa metro manila? or any charity na pwedeng makatulong po sa akin?

Dr. Jesus Lecitona : Sa dental school ka magpunta. Try mo sa ue college of dentistry sa recto.

Usher : Salamat po doc. Ittry kopo mag walk in patient ?

Dr. Jesus Lecitona : Hanapin mo ang clinicians club sa guard.

Usher : Ok po doc. Ty po ulit ?

%d