Magkano po ba magpabrace

Christian : Hello po Doc nag send po ako sa isang fb account mo po.Heto po pala yung pic send ko din dito.

Yan po Doc masakit man aminin haha peri hindi po ako maka smile ng litaw ang ngipin.Ano po mapapayo niyo sakin Doc 18 palang po ako.
Brace po ba kulang na po ng dalawa ang ngipin ko sa taas

Dr. Jesus Lecitona : Oo brace. Hanap ka ng magaling na dentist.

Christian : Salamat po doc.Mga magkano po ba mag pa brace?

Dr. Jesus Lecitona : Depende sa lala, lugar ng clinic at galing ng dentist. Magtanong ka na sa lugar mo.

Ipapabunot ang lahat ng ngipin

内斯 : Good evening doc, May itatanung lang po ako . Di ko po kasi makita comment box po sa Ask the dentist ph kaya dito nlng po ako magtatanung..
Doc , sa work po kasi nid po ng dental certificate.. Ang sbe po kailangan ipabunot lahat ng may sira .. Ang problema ko po anim po ang sira ng ngipin ko , puro bagang po . May 3-4 days lang po ako para asikasuhin ang requirements . Pwede ko po ba pagsabay sabayin po lahat ng ipapabunot at ilang araw po kaya healing process po .. Maraming salamat po ay Pasenxa na po sa istorbo sa friday pa po kasi schedule ng dentista po sa center. Salamat po

Dr. Jesus Lecitona : Yung dentist na titingin sayo ang magdidecdie kung ilan ang kakayanin mo na hindi ka mamamatay.Seen by 内斯内斯 at October 25th, 10:53pm

内斯 : Maraming salamat po

Fix my teeth

Yeon : Doc goodmorning ..ask ko lng po kung ano po gawin ko to fix my teeth..may sungki po kc at hindi pantay2 gusto ko pong ipaayos to pg uwi ko ng pinas..magkano po pg magpa ayos ng ngipin doc..

Dr. Jesus Lecitona : Send photo.

Yeon : Yan pod doc

Dr. Jesus Lecitona : Ilang buwan ka sa pinas?

Yeon : Dto pa po ako jordan doc..pag uwi ko po plano ko po tlga ipaayos ngipin ko …gusto ko lng po malaman kung magkano magastos ko pra po mka budget ako ngayun..
Pag uwi ko po bakasyon lng po ..maybe 45 days doc..

Dr. Jesus Lecitona : Possible ang veneers. http://costdentures.com/fixed/esthetic-veneers/

Gustong bawiin ang ibinayad sa dentista

Jason : Pwede po ba magtanong?

Dr. Jesus Lecitona : Oo.

Jason : Good afternoon po… anu po ba dapat ko gawin. Kasi po nagpagawa ako ng denture sa MCY clinic. Ang nangyari po kc una kong complain lumuwag po agad within 2days nung nagawa tpos po bumalik ako sa clinic nila para ipaayos. Ang ginawa po ng doctor eh pinatungan lng po ng gums ung original na denture ang nangyari naman po eh sumikip at nagkasugat yung gilagid ko. Halos hindi ko rin po matanggal ng maayos yung denture ko at pag tinatanggal ko masakit sa gums at ngipin. Pwede ko pa po ba mabawi ang binayad ko oh dapat gawan nila ulit ako ng bagong denture kc hindi na po sukat sa gums ko ung ginawa nila. Salamat po

Dr. Jesus Lecitona : Magusap na lang kayo ng dentist mo. Yang mga gnyan kayo dapat magusap.

Ugat na lang ang natira sa ngipin

Kier : Good pm doc tanong ko lang po Hindi na po ata pwede ayusin yung ipin ko sa upper left side ng ipin ko 3 sobrang basag na po tska po sa upper right side ko dalawa nman po na isa lang ang pagitan ganun din po basag sobra maliit nlang po ang tira ano po kaya ang gagawin ko kung ipapabunot ko po ba ito mag hi hiwalay hiwalay po ba ang ipin ko ano po gagawin pra hndi mag hiwalay hndi rin po pantay ang isang ipin ko sa harap salamat po doc

Dr. Jesus Lecitona : Send photo baka pwede pa rct.

Root Canal Treatment

Kier : Yan po doc pwede po ba yan I brace pra mag pantay po yung sa harap tska Hindi mag hiwalay hiwalay

Dr. Jesus Lecitona : Wag mo muna isipin ang brace. Ipabunot mo muna yang root fragment.
After mabunot saka ka magdentures.

Kier : Sge po doc kramihan po ksi pudpod na eh. Ipapabunot po ba un magkano po kya aabutin lhat kung ipapaayos ko po yung ipin ko.

Dr. Jesus Lecitona : Iba iba kada lugar. Ang mabuti mo gawin, itanong mo s dentist sa lugar mo.

Kier : Sge po doc salamat po

Kier : Gud pm po ulit doc tanong ko lang po kelangan na po ba tlga ipustiso to? Wla na po ba ibang praan ayoko pa po ksi mag pa pustiso sana

Dr. Jesus Lecitona : Kung ayawmo ng denture, pwede ang dental implants.

Dental Implants Cost

Kier : Sge po doc salamat

Gusto ipabunot ang milk teeth

Judith : Doc good day!
Daughtet ko po is 3 yrs old turning 4 this end of oct. Sumasakit po un ipin nya sa bagang.pina check ko po sa dentist sabi po need i root canal and pasta. I sedate daw po sya para hindi matrauma. Ask konlang doc, di po kaya pwdeng upabunot nlng kasi milkteeth lang naman.? Nag aalala po kasi ako baka hindi mafanda ang pagkaka root canal sasakit labg din or kung hindi pantay ang pagkaka pasta sasakit din. Bata un doc eh patulugin pa nila..

Judith : Pinag aantibiotic po muna today for 5 days.
Un procedure kasi doc ako ang natatakot. 3yrs old i root canal.sbi nun dentist di nmn dw sagad un root canal sa ibabaw lang daw po papatayin un ugat. Itira pa din dw nya un ipin para may guide un permanent pag labas. Di po kaya pwdeng bunot na lang?

Dr. Jesus Lecitona : Sabihin mo sa dentist mo ang kinatatakutan mo. At kung ano an desisyon mo. Sa bata kasi, dapat nandyan ang ngipin niya bago tumubo ang kapalit. Pero kung ayaw talaga ng magulang na isave, nasa magulang pa rin ang huling desisyon.

Judith : Cge doc sabihin ko po sa dentista. Syempre doc gusto ko ma save din un ipin ng anak ko. Medyo weird labg kasi 3yrs old plng pasta na. Parang unusual po.

Dr. Jesus Lecitona : Yun ang dapat gawin, pasta or RCT. Isave. Madalang lang gawin sa pinas dahil karamihan ng pinoy naghihirap, kaya pinapabunot na nila kahit ano ang kahihinatnan.

%d