Kailangan ba ng Surgery

Reash : Good afternoon.
Ask po sana ako ng questions.
Pinadala ko po un pics ng mouth ko para po makita nyo kahit paano situation ng teeth ko.
Napabayaan ko po kasi ang teeth ko dahil sa kakulangan sa pera para magpa dentist.
E ngaun po un wisdom tooth ko po at molars e namamaga at sumasakit po mga 2 weeks na. I am taking ibufrooen,mefenamic an amoxicilkin for the pain at inflamation.
Ask ko lang po kung kaya pa po bunutin un molars ko na under the gums na halos na hindi nag undergo ng oral surgery? May kamahalan po kasi siya..
How much po kung sakali magagastos ko para sa bunot at pede po ba ko mag pustiso na molars lng?
Sana po mahelp nyo po ako sa inquiries ko.
Maraming maraming salamat po…

Ask the Dentist : Kailangan ng surgery diyan. Odontectomy ang tawag. http://dental.tips/odontectomy-and-braces/

Unlimited Braces

Carmela : Hi dok! Masasabi po bang fake yubg braces pag installment ? 3k daw po ang down then 1k monthly up and down na daw po yun, tapos kahit ilang year na daw po! Pag ok na yung ngipin saka daw po tatanggalin yung braces. Thanks doc in advance sa sagot nyo!

Ask the Dentist : Oo. Walang dentistang magbibraces na ganyan kamura.

Braces FAQ

Carmela : Ok doc thank you po!

Umuuga ang Ngipin

Marc Damian : Hello Doc., ask ko lng po, ksi po umuuga na ung ngipin ko sa left side ktabi po ng bagang, bali kpg ntnggal na po sya dlwa na po ang ntnggal lht lht sa left side ng ngipin ko. Tnong ko lng po kung pwde pa po ba β€˜to maagapan? Pwde bng hndi mtloy ung pagtnggal sa knya? Or kpg ntnggal nmn po, meron po bng replacement na pwedeng ilgay? O ipalit? Thank you po!

Ask the Dentist : Patingin.
Kailan ka huling nagpadentist. Baka dahil yan sa gum disease. : http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/

Umaalog ang permanent teeth

Jann Carl : Can i ask questions pag umaalog na yung permanent teeth may paraan pa po ba para ndi na umalog?

Ask the Dentist : Depende sa lala ng pagalog

Jann Carl : NDi panaman po malala

Ask the Dentist : Oks.

Jann Carl : Maagapan ba?

Ask the Dentist : Depende sa lala ng pagalog.

Jann Carl : Ndi pa maalog masiyado
Maagapan pa pag onti lang?
Mam/sir?

Ask the Dentist : Bisita ka sa clinic para makita. Www.dentistquezoncity.com

Jann Carl : Pag nagpapasta ba ndi na aalog ngipin?

Ask the Dentist : Hindi remedyo ang pasta sa pagalog. Sakit sa gilagid ang dahilan. http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/

Pwede ba lumipat ng dentist kapag braces

Genelyn : Doc
May nag offer sakin ng brace na start to 25k
Sa ur—- sm—- po un.. Kaso ung dentist n unang gumawa is umalis n so nilipat ako sa bagong dentist.. Nilinis at agad ding nilagay ang brace .. Tas pinapirma agad ng contract.. Ilang session din cnabihan ako na ung case q ay malala kaya mas mahal dapat.. So binago nila… Doc sabi ko sa skul n lang ako magpapapasta para mura..
Pumayag cla.. Tas binunutan pa ko ng ngipin.. Doc panu po un? Pwede b ko lumipat ng dentist?

Ask the Dentist : SIla ang kausapin mo tungkol diyan. Hindi ako.

Genelyn : E doc pwede po ba papasta sa ibang dentist kahit may brace ako?
Syaka doc ganun po b talga yun? Binubunutan ng ngipin?
Salamat s response

Ask the Dentist : YUng ortho mo ang dapat magpasta.
Depende sa kaso kung may bubunutan. Either 3rd molar or premolar. For more info read:

Braces FAQ

Genelyn : Pumayag sya n hndi aq mgppasta s knya..
Tama b yun n ginawa nya un? Na pumayag sya..

So sa madaling salita hndi aq tatanggapin ng ibang dentist for pasta?

Ask the Dentist : Kung sa kaso mong kuripot, pumapayag na ang dentist. Usually kapag ortho px, tapos nagpapasta sa estudyante, hindi mo sigurado kung alam ng estudyante ang ginagawa niya sa kasong ganyan.

Tandaan mo, ang quality laging may presyo. Kung talagang nagtitipid ka, wag ka na magpabraces. Magastos ang braces.

Genelyn : E yun n nga po e.. Nandito n kasi.. Tas pag pinatanggal ko ung braces kitang kita yung bungi

Genelyn : Syaka tanong ko n rin po..
Sa 40k n bayad ko na hndi kasama ang pasta.. Tama lang po ba ang presyo?
Hndi rin po jan kasma mga xray ..
Salamat s response

Ask the Dentist : Parang sa bayad ng kuryente yan. Magkano ang bayad mo sa kuryente? Hindi mo sasagutin ng “2K kasama ang bayad sa tubig at upa sa bahay”.

Fake braces, fake dentist

Erickross : Hi doc gusto ko lang ask ano gawin ko napeke po yata ako ng pag gawa sakin ng brace ung dentist at place nya wala na po sa place nung balikan at i contact ko d ko po tuloy alam kung legit yung ginawa sa ngipin ko nagdududa ako baka peke ito kase nung natanggalan ako ng bracket at ipapaayos ko d na sya nag ttx o wala na ung office nya ano po ba magandang gawin ko?

Fake braces
Fake braces

At may maluwag na po n bracket sa front teeth ko… Natatakot po ako baka madamage ngipin ko kung peke nga po to. Parang ung rubber bnd na lang po nagkakapit sa bracket

Ask the Dentist : Ipatanggal mo, tapos punta ka sa siguradong dentist. Wag ka maghanap ng cheapest. http://dental.tips/dental-braces/

Erickross : Ok po.. Base on pic you can say po ba na peke nga po nakabit sakin? Pero muka naman po skilled ung gumawa sakin? All i worry po eh ung contract kase po once mag pa brace ka sa dentist dapat po diba duty nya i adjust if if kung legit sya?
Kung peke how do i know po pacheck ko sa real dentist?
Should i sue the dentist po ba for what he done to me for amounting 10,000 pesos initial pay?

Ask the Dentist : 10K ay sobrang mura.
Walang conclusion sa picture na yan. Punta ka sa tunay an dentist.

%d