Ayaw na sa Pustiso, ano ang pwede

Joshua : Hi. Goodeve po. Ask ko lang po. Pustiso po kasi teeth ko sa harap sa taas po dalawa po. Ano po pde irecommend nyo, kasi ayaw ko na po pustiso. Thanks po.

Ask the Dentist : Bridge or implant
http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/

Joshua : Kelangan ko po ba muna mag visit dyan para ma check yung bungi ko?

Ask the Dentist : Ask the Dentist ito. Kung clinic na mabibisita ang hanap mo : http://dentistquezoncity.com/

Paano Malalaman Kung Ortho Talaga ang Dentist

Jesrael : Hi doc. tanong ko lang po pano ko malalaman kung ortho talaga ung dentista? saang website po pwde malaman?

Ask the Dentist : Walang paraan. Tanong mo sya kung saan nagaral. Mapapansin mo din sa sisanabi niya sayo. KUng humingi ng panoramic x ray, cast, photos ibig sabihin, nagaral nga talaga siya.

Ask the Dentist : Kung nagaral sya sa seminars, wag din. Hindi napagaaralan ang ortho sa seminars. May training yan. sa School, or sa preceptorship.

Ask the Dentist : http://www.askthedentist.tv/braces-faq/

Jesrael : Thanks doc.

doc magkano po ba papalit ng rubber ng brace sa ibang dentista? kasi ung dentist ko last na punta ko tinatanong nya kung kelan ko daw ba papaalis ung brace ko (upper lang po ung brace ko) eh pakiramdam ko di pa sya ayus kasi my mga space pa sa specialy sa front teeth. sabi nya nxt time na balik ko ilaligate na raw nya ung brace ko “para di na ko pabalik balik”. ano po ung ilaligate?

gusto ko po sana lumipat ng ibang dentist at ipabrace na rin ung baba ko. magkano po kaya pbrace sa baba tapos pacontinue ko na rin sa ibang dentist ung brace ko sa taas? sa ngaun kasi doc wala pa ko pampabrace sa baba kaya gusto ko sa iba muna ko magpachange mg rubber hanggat wala pa ko pera.

Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Sa kalagayan mo ngayon, mas mabuting ipatanggal mo na muna yan.

Nangingitim na Ngipin na gusto i-Retain

Janine Mae : Goodeve po doc. Tatanong ko lang po kung ano po yung pwede ninyo po iadvise sa gnitong case. Hmm nagpapasta po ksi ako , mga 3yrs. Na dn po tpos, napapansin ko po na nagingitim na sya. Gusto ko po sana retained yung permanent teeth ko po. Thankyou po.

For RCT
For RCT

Janine Mae : Gusto ko dn po sana ipabrace po.

Ask the Dentist : Parang for RCT yan. Sumakit na ba?

Ask the Dentist : http://dental.tips/rct/

Janine Mae : Hnd po. Nangangati lng po

Janine Mae : Hnd po ba pangit mag rtc? Sabi po ksi mangingitim dn po.

Janine Mae : Pwedee po ba ipabraacee para sa correction po ng teeth? Pag katpos irtc

Ask the Dentist : Pwede.

Janine Mae : Ah sgee po doc. Thankyou po. Lifetime po ba ang benefits pag na jacket yung na irooot canal po

Ask the Dentist : Depende sa gumawa. Depende sa pangagalaga.

Janine Mae : Ay gnon po rtc lng po ba pwedee gwn po dto

Ask the Dentist : RCT tapos braces.

Interview sa Jessica Soho tungkol sa DIY braces

Ang 1/2 ng Ask the Dentist ay madalas mainterview sa TV. Noong May 24, sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ang feature ay “DIY Braces is dangerous”.

Panoorin sa youtube ang Dangers of DIY Braces – Kapuso Mo, Jessica Soho, May 24 2015 GMA TV

Sakit ng lalamunan, matinding sakit ng ulo at ngalay sa panga

Den Den : sumakit po ung isang bagang ko sa rightside ng muka ko. 2bd to the last po sya nka experience po ako ng sakit ng lalamunan, mayinding sakit ng ulo at ngalay sa panga. hindi nga po ako mkatulog n msbaba ang unan. halos 90 degrees nga po ako. andami n punasok sa isip ko anu b tlga ang ngyyari. hindi ko din ma.identify tlga kung bakit at kung alin tlga ung masakit. nakita ko lng n may butas ung bagang n un and medyo may nagrradiate n pain po duon. what concerns me e ung pangangalay po tlga ng panga ko. sobrang sakit pati ulo ko. kahapon po nagtry ako n magpa. pasta but then semi permanent lang nilagay na pasta. iobserve daw muna. kung bubunutin or ippermanent na. hindi ko tlaga malaman kung san nanggagaling ung pain. umiinum n ko ng cefalexin and nabawasan na ung sakit at mejo nkakahiga na ko ng hindi masyadong nka incline. but still nakakaramdam pa din ako ng pressure sa panga ko that really bothers me. para na ding nakaangat ung bagang ko na may butas. un ung feeling. help po

Ask the Dentist : Oks.

Den Den : anu po maipapayo nyo sakin doc?

Ask the Dentist : Ang maipapayo ko ay pumunta sa dentist. Oras na makita ang ngipin mo, sasabihin niya ang dapat gawin.

Immediate Denture Manila

Shem : Hi.Doc! ask ko lang if pwede kopang ireklamo tong denture ko. .one month ago lang po ito nung ginawa. ganito po kasi last Feb 22 binunutan ako the after 3days sinukatan nako for denture then day after that nakuha ko agad pustiso ko. nung una okey sya. pero,now maluwag nasya dahil narin sa tuluyang nag hilom yung binunutan. tas ngayon another problem natagal naman yung isang ipin. as in kusang kumalas dun sa kinadidikitan nya. dinikit ko nlang tuloy nang mighty bond tongue emoticon pwede ko pabang ireklamo to dun sa dentist ko? at sabihing i repair nya denture ko? one month palang naman po eh?

Ask the Dentist : Pagawa ka ng bago. Immediate denture ang tawag sa pustiso mo.
Immediate Denture

Shem : hindi kona oba pwedebg ireklamo to? tinanong naman nya ko nung una if nag mamadali ako sabi ko hidi naman . ?

Ask the Dentist : Pwede mo pahigpitan sa kanya.

Shem : ah. tnx po. maraming tnx po (;

Kalokohan ang Oil Pulling sa Ngipin

JuReh : good eve po how much po b ang approximately cost ng root canal?

Ask the Dentist : Anong ngipin?

JuReh : yun po front yun 2

Ask the Dentist : Mga 10K up yang 2. Read: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

JuReh : doc every month po kasi umaatake sya tapos nagkakaron ng nana sa loob ng ilong pag po pumutok tanggal na yung maga

JuReh : pwede po b pagpumutok yung nana papastaan ko muna n d n pasukin ng bacteria nag iipon p po kasi ako ng pang RCT

JuReh : Thankyou po

Ask the Dentist : Malala na yan. Ikaw ang bahala.

JuReh : makakatulong po b ang oil pulling?

Ask the Dentist : Hindi.

Ipapabunot ba bago ibraces

Patrice Heart : hi doc sira po yung part ng ngipin ko ,(yung my circle) ..papabunot ko po ba to bago magpabrace o kahit bunutin d parin pdeng lagyan ng brace ???

Patrice Heart : tsaka eto po pala yung ngipin ko ,tingin nyo magkano po aabutin ?? .ty\

Ask the Dentist : Ngipin yan ng under 7 year old. Ang 7 year old, hindi pa pwede ibraces.

Patrice Heart : pero 13 na po ako ..bawal pa din ba ?

Ask the Dentist : Makikita sa xray kung pwede. Sumasakit ba ng ngipin mo?

Patrice Heart : hindi naman po .

Ask the Dentist : Ipapasta mo yang may sira.

%d