Pwede ba i-dental crowns

Biko : doc, hello po, mag ask lang po sana ako if yung ganitong condition pa po is still good for dental crowns? dati pa po kasi na may sira ung 4 upper front na ngipin ko. so ginawa sakin before is nilagyan ng jacket ung apat e medyo matagal na din po, may 10 yrs ago narin tapos natanggal na ung jacket so yan na po yung itsura nya. possible pa po kaya ma restore to? at base on your suggestion anong procedure po dapat ang ipagawa ko para sa condition na yan? to be honest hindi pa nman po nananakit yung apat na yan. maraming pong salamat godbless more power 🙂

Pwede ba i-dental crowns
Pwede ba i-dental crowns

Ask the Dentist : Root canal treatment tapos crown. http://iaskthedentist.com/root-canal-treatment/
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Biko : Salmat po ng marami godbless!

Magkano ang isang dental implant

Carlo : Magkano po ba ang isang ngipin pag nagpadental implant?

Ask the Dentist : 70k up.

Carlo : Aside from dental implant and denture ano po ba ang pwedeng alternative,natanggal na kc ung 3ipin ko dto sa upper left side

Ask the Dentist : Send photo ng bungi

Ask the Dentist : Baka pwede ang bridge. http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/

Carlo : Tatlong ipin po ung natangal jan

Ask the Dentist : Magpaimplant ka na lang or denture. Hindi kaya ng bridge yan.
Implant : http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
Denture : http://www.denturescostguide.com/

Namamaga ang Gilagid pero Gusto Magpabraces

Audi : Hi doc! Good day!
Itatanong q lang po pwd po ba ibrace ang ngipin q? Kc madumi,ang kso po need muna ipalinis at ipapasta, kso po 1month lang po ang bakasyon q sa pinas, balak q po kc ipalinis at kabit lang sa pinas tpos dto lang po abroad ang adjust, gaano po kaya katagal ang process? Salamat po! Magsesend na din po aq ng photo ng ngipin q pra alam q po kung magkano ang gagastusin q! Pasensya na po sa abala at more power po

Namamaga ang Gilagid pero Gusto Magpabraces
Namamaga ang Gilagid pero Gusto Magpabraces

Audi : Mahal po kc ang pabrace dto, pero ang adjust medyo kaya naman balak q po kc tlga maayos ang ngipin q, salamat po sa sagot nyo asahan q po

Ask the Dentist : Hindi ka pwede ibraces. Kailanagan munang malunasan ang pamamaga ng gilagid mo. http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/

Ask the Dentist : Wag ka ding magpabraces sa Pinas kung hindi ka nandito every month.

Audi : Hnd po ba pwd dto na lng iaadjust every month? Aww namamaga po pla yung gums q, salamat po!

Sobrang Madugo ang Bunot

Yza : doc nagpabunot po ako kahapon ng bagang kc sira na po sya.. pero bakit po ganun? bakit po sobrang madugo sya? tapos may buo-buo pa dugo na konte.. hanggang nagyon po madugo pa.. isang araw na nkakalipas pero bakit madugo pa rin, sobra! ano po dapat ko gawin? kc natatakot po aq. thanks po

Ask the Dentist : Itext mo ngayon ang dentist mo. Habang hindi nagrereply, ikagat mo muna sa tsaa/ tea bag ang pinagbunutan.

May Natirang Ngipin

ARnie : Hi magandang araw, tanong ko lang po.
kasi nagpabunot po ako ng isang ipin, then sabi ng dentist ay may naiwan na maliit na ipin which is di nya gagalawin kasi baka tamaan ang sinus maliit lang naman daw .
then sabi nya po is either lalabas nalang daw to kusa or hindi na.
ok lang po ba yung ganun and wala po bang harmful effect yun?
thanks po. godbless

Ask the Dentist : Ipatanggal mo ang natira.

Veneers or Braces

Queenie Ann : Hi Doc. May pasta po ang front teeth ko okay lang po ba mag pa brace ako? Kaka’ pasta ko lang po last october or nov. Pag ganon po ba pwede ko nalang ipabrace kasi po parang nagkaka gap nnaman sya ngayon? Thank you smile emoticon

Queenie Ann : Tapos po meron po akong crown teeth sa left up side po.

Ask the Dentist : Pwede. Hanap ka ng magaling na dentist para alam ang gagawin. Pwedeng lagyan ng bracket ang crown.

Queenie Ann : Wala na po bag ibang pwedeng gawin sa gap ko sa front? Pag pasta po kasi parang saglit lang e kaya po brace naisip ko.

Ask the Dentist : More info on Veneers http://www.denturescostguide.com/new-ceramic-veneers/

Queenie Ann : Ano po mas prefer nyo ceramic veneers or braces po? Thank you so much po.

Ask the Dentist : Braces.

Queenie Ann : Pag porcelain veneers or braces po?

Queenie Ann : Ceramic lang po ba ang veneers nabasa ko po kasi may porcelain.

Ask the Dentist : ceramic ay ibang katawagan sa porcelain.

Ask the Dentist : ceramic = porcelain

Queenie Ann : Ahh ganon po ba sige po maraning salamat po

Queenie Ann : Hello Doc. Ito po ang picture ng teeth ko. Ano po mas okay na gawin sa gap? Thank you po.

Braces or Veneers
Braces or Veneers

Ask the Dentist : Braces.

Queenie Ann : Thank you po.

Kung may Impacted Wisdom Tooth si Ask the Dentist, pwede ba magpabraces si Matt

Matt : good afternoon doc. ask ko lang if may impacted na wisdom tooth ka, pwede ba ipagpaliban muna yung extraction and mag undergo muna sa pag b’brace?

Ask the Dentist : Walang kinalaman ang wisdom tooth ko sa pagpapabraces mo.

Matt : so if may impacted po ko na wisdom tooth na kailangain ialis pwede ko muna unahin yung pag papabraces?

Matt : sir?

Ask the Dentist : Kailangan unahin tanggalin ang impacted na 3rd molars mo

Pwede ba magpabraces kapag may pasta ang front teeth

Kier Joseph : Doc pede po ba mag pa brace kahit po yung fronth teeth ko po ay pasta sa upper teeth po ty po.

Ask the Dentist : Yes.

Kier Joseph : Eh doc po kasi may itim po e ipapaayos po ba muna bago mag pa brace ??

Ask the Dentist : Yes.

Kier Joseph : Thank you doc 😋

Kier Joseph : Doc ask ko lang po masakit po ba ang root canal ??

Kier Joseph : At ito pa po ano po ba masakit root canal o bunot ?

Ask the Dentist : http://iaskthedentist.com/root-canal-treatment-painful/
http://dental.tips/rct/

Normal ba na Namamaga

Christian : Doc, magandang tanghali… Itanong ko lng po sana kung normal ba na namaga yung mukha ko dahil yung umuuga kong ngipin sa itaas ng bagang ko ay inuga uga ko last wed ng gabi… Kinabukasan pagkagising ko Doc namaga na mukha ko… Kya kahapon nagpunta ako ng dentist at niresetahan akong mefenamic, bactidol for gargle at antibiotic na ciprofloxacin….mawawala na po kaya pamamaga nito? Ndi naman po masakit…

Ask the Dentist : Kung normal yan, tatawagin mo yang normal at hindi “namaga yung mukha ko dahil…” Dahil may dentist ka nang napuntahan, siya ang tanungin mo dahil nakita niyan mismo.

%d