TMD Philippines

Maricon : How much po sa philippine approximately ang cost ng treatment for tmj

Ask the Dentist : Send ka ng panoramic x ray. Anong problem sa TMJ mo?

Maricon : Nag clicking ang popping po pero d nman nsakit

Ask the Dentist : Ah. Okie. Magpapanoramic x ray ka. Send mo dito, para malaman natin kung ano ang treatment.

Maricon : Nag clicking ang popping po pero d nman nsakit

Ask the Dentist : Ah. Okie. Magpapanoramic x ray ka. Send mo dito, para malaman natin kung ano ang treatment.

Maricon : Ah ok po.. pero approximately po how much

Ask the Dentist : Depende sa mga gagawin kung magkano.

Anong Dapat gawin sa Bungi

Jhenny : Good Day Doc! may questions po ako..ngipin ko po sa baba right side katabi ng bagang pudpod na po,katapat mo ng pudpod na ngipin na un sa taas ay bungi nmn,sa left side nmn po katabi ng bagang bungi,katabi ng bungi may pasta 7 years ago ng may pasta sumasakit..katapat po ng may pasta nag crack po,sira na rin po,ano po mga procedures ang dpat gawin sa ngipin ko? ayaw ko nmn pumunta sa basta clinic lng d2 near sa place namin..ano po dpat gawin sa 2 bungi sa itaas at baba? sa pudpod na?sa sumasakit na may pasta?sa nag crack? gusto ko kc mag pa braces.salamat po.More power.God Bless!

Ask the Dentist : Magpa-panoramic x ray ka. Send mo dito. O bisita ka sa clinic : http://dentistquezoncity.com/

Jhenny : ok po doc.thank u po.

May Anesthesia ba Kapag nagpa-RCT

Rosalyn : hi po. doc. ask ko lang po may anesthesia po ba kpag nagpa root canal? masakit po ba?

Ask the Dentist : Oo meron.

Root Canal Treatment

Rosalyn : Nagkaroon po kc ako ng phobia sa dentista. Nung nbunutan po ako ng ngipin…ramdam ko yung sakit napaiyak pa nga ako. Ang bigat ng kamay niya. Kaya yung isa kong ngipin na sumasakit tinitiis ko nlang kc maisip kolang na gagalawin ngipin ko nanginginig na po ako.

Ask the Dentist : Olrayt.

Kapag walang tanong ang nagkwento sa Ask the Dentist

Oda : doc

Oda : kakapasto ko lng doc last week…dalawa..yung isa za kanan sa taas bagang.. nasakit pag nainom ng malamig at nanguya.. doc anu to.. my tym din ba to..example 1month pa bago talagang di na sasakit..

Ask the Dentist : Oks.

Pudpod na ngipin, may bagong ngipin na tumutubo

JD : Hello po Doc, ask ko lang po about sa case ng anak ko. 6 years old po siya ang yung sa fronth teeth po nia na pudpod na eh may tumubong new teeth above sa gums po so tumutusok po sa upper lip. Anu po mangyayari dun and pwede pong gawin? Salamat po.

JD : Nagwoworry po kse ako kse natutusok yung sa loob na part parang may maliit na singaw po

JD : nagpaschedule kami sa dentist latest po is thursday pa, ok lang po ba na hindi agad matingnan yun?

Ask the Dentist : Okie nandiyan na yung kapalit. Kaya pwede na bunutin yung pudpod.

JD : kaso po yung tumubo po nandun xia sa gitna ng upper gums…bubunutin po din ba yun?

JD : hindi po xia tumubo dun sa mismong tinutubuan ng ngipin? nagwoworry lang po kse ako if need ko na po ipacheck up as in tomorrow or pde pa po yun makahintay until thursday

JD : baka po mgsugat yung bibig nia kse natutusok po nung tumubong ngipin

Ask the Dentist : Hindi bubunutin yung tumutubo.

Ask the Dentist : Hanap ka ng pediatric dentist.

JD : meron na po kso by appointment nga po sa thursday pa po kami nakaschedule…thanks po

Ask the Dentist : Oks.

Ameloblastoma

Danica : Hi po doc. Maari po b mgpa pustiso ang naoperahan na diagnose po kasi ako ameloblastoma mandible mejo malalim po yung natanggal saken pati pu ata gums tinanggal uhm ask lang po sana kung pede po. Lower anterior po doc. Thanks.

Ask the Dentist : HUmingi ka muna ng certification mula sa physician mo kung pwede ka na lagyan ng pustiso. Siya ang magsasabi kung pwede na.

Danica : Aa. Pero pwede po. Nung feb.6 lang po kasi ako naoperahan. D pa po mgaling until now mg1 month na po ito. Matagal po b gumaling talaga to?

Ask the Dentist : 6 to 8 weeks.

Ask the Dentist : Pero inoobserve yan ng doctor, habang gumagaling.

Ask the Dentist : Ano ba ang nagopera, dentist o physician?

Danica : Uhmm. Every week po npunta po ako sa dentist pra mgpa change dressing kyA lang po nitong nkaraan hindi po ako nkpunta.

Taga Hongkong, gusto magpabraces sa Philippines

Nina : hi po kmsta po kayo doc?

Nina : my tanong po sana ako about po sa brace kong maari ho ba akong magpa brace sa pinas pero yong dto sa hong kong ang monthly chk up ko po.babalik po kc ako dto dhil dto po ako ngwowork

Nina : sana po msagot nyo tanong ko bago ako umuwi dhil yon po kasi ang balak k gawin

Nina : slamat po aasa po ako sa sagot nyo at kong maari po advisan nyo po ko kong ano maganda gawin

Ask the Dentist : Not possible.

Nina : it mean po ba hindi pwdi?

Ask the Dentist : Ikaw ang kawawa.

Nina : gnun po b yon

Pwede bang walang clasp ang partial denture

Michelle : Hi po doc, magkano po magpapustiso 3 bagang? Flexible type po na pustiso. Thanks!

Ask the Dentist : Nakakasama sa gilagid ang flexible. May metal framework ang ipagawa mo : http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/

Michelle : Pwede po bang walang clasp un pustiso? Ayoko po kasi un kita un metal

Ask the Dentist : Pwede. Saluhin mo na lang kapag malaglag.

Pwede pa ba ipasta

Jobelle : Hi doc

Jobelle : Pwede p kya to pasta?

Ngipin
Ngipin

Ask the Dentist : Mukhang sumakit na yan, RCT na ang dapat diyan, tapos crown :
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
http://dental.tips/rct

Jobelle : hm po?

Jobelle : pero ungbulok po na magstart pa lang

Ask the Dentist : Anong magstart eh malala na.

Jobelle : Hndi po i mean yung ibang ngipin ko po kasi may mga dots ng bulok yun po may pagasa pa pong mapasta

Ask the Dentist : Oo.

Ask the Dentist : Habang may buhay may pagasa.

Jobelle : Ah salamat po!

Ano pa ang ibang option kung dapat magbunot pero ayaw magpabunot ng pasyente ng Braces

Cerise : Tanong ko lang po pag b mag papabrace pag my kailangan bunutin pero ayw mong ipabunot pde po b yon?my ibng option po b yon?

Ask the Dentist : Hindi. Option mo ang magdasal at umasang iatras ng dasal ang ngipin mo papaloob. 🙂

%d