Natural Bang Sumakit ang Ngipin na may Pasta

Michael : Doc ask ko lng kng natural lng ba sumakit yung ipin ko na pinastaha

Michael : Pag katapos po pastahan noon gabi po sumakit

Michael : Kanina po bumalik ako sa dental clinic sabi po ng dentist 2 to 3 day daw bago mawala ang sakit ng ipin na pinastahan

Ask the Dentist : Pangingilo ang mawawala. Pero kung masakit, RCT ang kailangan mo. Send photo.

Michael : Ofw po ako d2 sa korea sabi ng koreano na dentist eh 2 to 3 days bago mawala ang sakit ng ipin kc po dati nka amalgum n po yung ipin ko hindi
Po talaga na sakit pina ayus ko lng po yu kunting crak ng ipin n my amalgum eh ang ginawa nya po ay tinangal yung amalgum at pinudpud yu ipinko dun n po nag simula sumakit yun ipin ko

Michael : Sakit po ng ipin ko ngyn wla nmn po nereseta na gamot sbi wag daw po ako iinom ng gamot eh sakit nga po ng ipin ko ano po dapat ko gawin

Amalgam
Amalgam

Ask the Dentist : Okie. Mukhang pang RCT na yan + jacket crown: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Ano ang dapat gawin sa sumasakit na ngipin

Mitch : Hello po Doc. Bago lang po ako sa page at website niyo.
Me prob po kasi ako sa front tooth ko. Kasi a few months ago, pinapastahan ko po sya, pero sabi ng dentist yung harap lang ng ngipin papastahan niya, hindi na po pwede sa likod kasi malaki na daw butas. Tapos a few weeks after, sumakit sya kasi po nasa stuck po yung pagkain minsan sa butas. Bumalik ako sa dentist. I asked kung pwede pang pastahan sabi naman niya pwede pa raw po. Ano po ba talaga ang pwedeng gawin dito doc? Pwede pa bang ma save yung front tooth ko? Thanks po.

Ask the Dentist : Kung sumakit na, malamang na for RCT na yan tapos crown. Pero kung nangingilo lang, pwede pa pastahan. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Ang kaibahan ng pagpapabunot ng normal na tao sa pagpapabunot ni Wolverine

RiKi : Good Pm po…
Doc ask ko lng po regarding sa tooth extraction ko. Old molar na po kc kya po pinabunot ko na 2 po un. Dahil sa old at blackish na po ung natirang roots nya. Main problem po, after 4days ng extraction sa dentist ko. Lagi na pong sumasakit hndi nmn po xa swollen. Para lng po bruise ung pkrmdam kpag natotouch ng dila ko ung gums. may somewhat sharp po sa gilid o wall nya.

Ano po kaya cause nito? Balak ko po ibalik sa dentist ng weekdays para matreat ung pain na din po. Slamat.

Ask the Dentist : Ang cause ng sugat ng pinagbunutan ay nagpabunot ka. Dahil hindi ikaw si wolverine, asahan mong hindi agad yan magsasara sa loob ng 4 days. AT sasakit din yan dahil hindi ka si wolverine na pagkasugat ay gagaling agad at mawawala ang sugat ng pinagbunutan. Kaya ka niresetahan ng gamot ng dentist mo dahil alam din niyang hindi ikaw si wolverine, at hindi ka din Spartan.

RiKi : Hehehehe yes doc. Thanks po. Is it ok dn b n bumalik s dentist since may nakakapa pa po ako na sharp and hard walling the gum?

Ask the Dentist : Buto yun. Maswerte ka, isa kang normal na tao. May buto.

RiKi : Im in thought po na may naiwang part ng ngipin. Thanks po.

DIY Braces

Venus : Hi doc … Bat ganun sobrang tagal matapos ng brace ko . 2.5 years na po… Evry two weeks po ako nagpapa adjust.. Di naman po ganun kalala teeth ko… Thanks po

Ask the Dentist : Dentist ba ang nagbraces sayo? Send x ray and photo. Nakakamatay ng ngipin ang every 2 weeks na adjustment.

Venus : Opo. May clinic naman po sya and madami po syang patient. Hindi naman po ako nag pa X-ray dati eh . Bale nung first year po once a month. Pero after that every two weeks na po adjustment kasi po need ko na po toh matanggal until December…
Thanks doc.

Ask the Dentist : Oks.

Ask the Dentist : Sa mga nakapagaral ng orthodontics, ang unang hinahanap ay panoramic xray at cephalometric x ray.

Venus : So meaning to say doc? Possible po na fake si dra.

Venus : Hindi nya po kasi ako ni required na mag X-ray eh

Venus : Pero doc yan po yung teeth ko ngayon . For more than 2 years

DIY braces
DIY braces

Venus : Yung dalawang teeth ko po sa taas yung middle. Tinaas po yan eh…. Siguro 4 mos ago pa po… Tas yung pangil ko mas mahaba kesa dun sa gitna… Ang panget po tignan

Ask the Dentist : Madaming dentist ang nagbibraces kahit walang formal training tungkol sa ortho. Kahit nga karaniwang tao, na inutusan bumili ng suka, naglalagay na din ng braces. Search mo sa facebook ang DIY braces, kahit mga pasyente, sila na mismo nagbibraces sa sarili nila.

Venus : Seryoso…. Ayyy grabe…. Sige po doc thank you

Ask the Dentist : Mas mahaba talaga ang pangil. Kumpara sa ibang ngipin.

Ask the Dentist : Kung hindi ka kuntento, tapusin mo na yung treatment sa kanya, tapos magpabraces ka sa iba. Hanap ka ng magaling na dentist.

Venus : Sige po doc…. Thank you po…

Pwede ba magpa-Braces ang jacket

Sheila : Hi good morning… merun po aqng 4 set of porcelain fixed bridged s front teeth 2 po ang pinaposte nun.. pwd p b aq magpabraces kasi overbite po aq eh…thanks.

Ask the Dentist : Hi. Bale ano ang tanong mo?

Sheila : Pwd p po b magpabraces ??

Ask the Dentist : Pwede. Pero mas mabuti, dental implants ang target-in mo: http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
Kung ibibraces yan, papalitan muna yang bridge mo para magalaw yang ngipin.
Send ka na din ng photo ng bridge mo, or visit ka sa clinic para makita ko:
http://dentistquezoncity.com/
Dental Implants Cost Guide
costofdentalimplant.com
Comprehensive information about dental implants cost. In the United States, Dental Implants Cost normally ranges from $3,500 to $12,000 depending on several factors. Some of these factors are: 1. N…

Sheila : Mahal nmn po kasi ng implants eh… at concern q din ung root canal… nd po nirequire n iroot canal aq pero nun ngkasipon aq nun nkaraan lng mejo namaga ung front part ng muka q.. nd nmn masakit teeth q tas sv nun ng pacheck aq possible n s kakasinga q un. Possible b un??

Sheila : Papalitan ng plastic bridge??dati nkaplastic aq kaso yearly un recement nd po un matibay during braces???

Ask the Dentist : Kung namaga, malamang na sa ngipin yan.

Ask the Dentist : Tiyak akong hindi kakapit ang bracket sa porcelain. Maghanap ka ng magaling na dentist para hindi ka mapariwara.

Sheila : Pa ganun po b paparoot canal n un??

Ask the Dentist : Ipaxray mo muna para makita kung for RCT nga.

Sheila : Ok po.. magsend po aq ng photo sainyo.

Jacket

Sheila : Anu po b ang pwdng gawin s case q???

Ask the Dentist : Sa ortho side, base sa photo, very minimal ang problem. Buti pa ipa-x-ray mo, picture-an mo ang x ray, tapos send mo dito.

Ask the Dentist : Alam mo, kanina pa ako sabi ng sabi ng xray, dahil wala akong power para manghula. Makikita sa xray kung may problem ba o wala.

Sheila : Ok po.. pasensya n… magsend nln po aq ng photo ng xray…thanks.

Magkano ang pa-Jacket

Queenboa : gud pm po”im veronica po”mgkanu po pa jacket sa inyo porcelien po sana 5 po s bagang bandang kanan po”thanks po

Ask the Dentist : Jacket ba or bridge? Ilan ang bungi? Madaming klase ng crown/bridge: http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Magsend ka ng photo or bisita ka sa clinic

Napapasta ba ang Putol na Ngipin

Jenimie : Napapasta po ba ang putol na ngipin.

Ask the Dentist : Kung abot na sa pulp, RCT tapos crown. Kung hindi pa abot sa pulp, kahit jacket crown lang: http://costdentures.com/ask-the-dentist/why-is-crown-needed/

Jenimie : Ano pong RCT! Kya po bang gawen yan ng isang araw

Ask the Dentist : Root canal treatment. Basahin mo na lang yung link na nasend ko. Depende sa galing ng dentist na mapuntahan mo.

Jenimie : Sana kaya itu ng pasta. Para di masyadong halata

Ask the Dentist : Oks.

Hindi Permanent ang Permanent na Pasta

Mkd : Hello po doc. Ask ko po kung gaano po ba kasakit ang mag pa root canal? Sabi po kasi parang pinupukpok ng martilyo ung ulo tapos 1 month daw ganun ka sakit. Magpapa rct po sana ako sayang kc ung ngipin ko ayaw ko mawala. Kesa sa pasta root canal nalang ung 4 na ngipin ko. kc ung pasta nasisira din. Thanks po.

Ask the Dentist : Lahat ng bagay nasisira.

%d