Pwede ba Magpapasta ang bagong panganak lang

Odeza : Hi, ask ko lng po kung pwde ba magpapasta or magpabunot ang bagong panganak pa lang.? Wla pang 1 month ako nakakapanganak..

Ask the Dentist : Pwede.

Odeza : Eh kung halimbawa po nagpapabreast feed ako? My effect ba xa sa baby?

Ask the Dentist : Wala. Sabihan mo ang dentist mo para alam niya ang gagawin.

Odeza : Thank you poh.

Malalang kaso ng gustong magpabraces

Malalang kaso ng gustong magpabraces
Malalang kaso ng gustong magpabraces

Jaymar : doc.mgknu po pbraces f gnyan po ngipin..

Ask the Dentist : Mas malaking ngiti. Tapos nakakagat sa likod.

Ask the Dentist : Send photo. Mas malaking ngiti tapos sa likod ang kagat.

Jaymar : yan po doc

Ask the Dentist : Sa likod ang kagat. Bale ang ginawa mo ay nganga.

Jaymar : doc kagat n po yan d po tlaga pantay po.

Ask the Dentist : Dami mo nang bungi ah. Ilan na?

Jaymar : dalawa sa baba po sa likod po doc

Ask the Dentist : Dalawa? 1 sa left, dalawa sa harap 1 sa kanan.

Jaymar : opo doc gnun po cguro..

Jaymar : doc estimate po f mgbbraces po mga mgknu po?

Ask the Dentist : May mga limitation yang sa case mo. Dami nang kulang sa baba. Sa itaas madami ding bungi?

Jaymar : wala po doc.

Masakit ang Ngipin Quezon City

Mae : hello po !!
ung ipin ko sa baba ang katabi nong wisdom tooth ko nong pinalinisan ko nabutas iwan kusa dentist ko bakit ganon..ngayon ang problema ehh lumaki na sya ng husto gosto ko sana ipa pastahan lng kaya pa kaya ehh pag kumain ako malagyan sya ng kanin suma sakit nah kailangan ko talagang huminto sa pagkain para kunin ang kanin na nabaon sa butan nong ipin..
ok lng vah kng hindi ipabunot..ipapastahan lng ?

thanks in advance po sa sagot

Mae : hindi butan (butas pala) sorry..

Ask the Dentist : IpaRCT mo o bunot.

Mae : ohh my..mauubos nah talaga ang bagang ko nito kaka bunot..hehe

pero dba po pagka ipa root canal treatment masakit yon minsan dumu dugo pa ng dumudugo ..yon kasi nangyari sakin 6months ago..gang pina bunot kuna lng din..

Ask the Dentist : Kapag naghanap ka ng cheapest, usually tangang dentist ang mahahanap mo. May presyo kasi ang kalidad.

Mae : first ko yon nag pa root canal treatment dito sa maynila ni indorse ako ng kumpanya don sa pina gawaan ko..indi nga talaga ako kumbinsido non..iba nong dentist kusa negros..dito lng nag simula yong ipin ko dami ng problema…ang hirap sa
nag babayad ka para wala argghh ..

Mae : what a poor service
ung problema lng naman kasi sa ipin ko non ehh may umitim an dahil sa brace ..kaya pinalinis ko tapos ung gum namaga..
masakit,ang factory na pinag trabahuan ko kasi may hospital na affiliate sila don ako ni reffer..saklap imbis na rct ..bunot kasi na infect ang dna man dapat galawin ehh dipa ako lumipat ng doctor dku alam bakit..kaya true ang good service dmu makikita sa cheapest price..

Mae : salamat sa info.. God bless

Mae : Hello po doc !!
Yong dumudugo ang gum sa tuwing nag brush teeth or swelling ng gum posible po ba na meron kang gum disease ??

Ask the Dentist : Yes. http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/
Who can Suffer from Gum Disease
www.denturesaffordable.com
Gum disease can affect anyone at any age at any gender.…

Mae : Ohh know

Halitosis, maaalis pa ba?

Nami : hello po sir . sir ask lang ang halitosis po ba maaalis pa o hindi na po?

Nami : at ano po magandang sulosyon para dito?

Ask the Dentist : Kadalasan ang dahilan ay kada isa dekadang pagpapalinis ng ngipin sa dentist. Bisita ka sa clinic : http://dentistquezoncity.com/

Ask the Dentist : Read for more info : http://www.denturesaffordable.com/bleeding-gums-bad-breath/

Nami : salamt po .

Natanggal ang Bridge

Lalaine : Goodafternoon po. Nagpajacket crown po kase ako yung porcelain with metal, tapos after 3 months natanggal po. Then, pinakabit ko po ulit sa dentist ko. Pero siningil nya po ko ng 1300. Tatlong ngipin po yun. Eh sya naman po yung mali dba? Mahina yung pagkakacement nya.

Lalaine : Natatanggal po ba talaga yun o di lang tlga sya magaling magkabit?

Ask the Dentist : Send photo.

Kaya pa ba sa Pasta

Makoy : Good evening po doc. Saw your site po sa internet. Ask ko lang po ano pwede gawin dun ngipin kong may butas? Kaya pa po ba ng pasta yan or ipapa bunot na ba? Gusto ko pa sana sya marestore. And how much po kapag lalagyan ng pustiso yung isang ngipin na nabunot? Thanks po.

Malaking Butas
Malaking Butas

Ask the Dentist : Kapag sumakit na, dapat i-RCT. Tapos jacket crown. : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Mabaho ba ang Pinagbunutan ng Ngipin

Ai : Hello po..just want to ask po kung talagang mabaho ang pinagbunutan ng wisdom tooth?

Ai : Nagpabunot po ako nung sept 7. Tapos a day after e ambaho po.
Di ko matake haha.what should i do po?

Ask the Dentist : Contact mo yung nagbunot sayo para macheck.

Ai : Ok po thanks doc.pero di po usual un?

Ask the Dentist : After 2 weeks medyo sarado na yan.

Ai : Ok doc. Youre a big help.thanks.Godbless

Nag-discolor ang Pangil

Nea : Hi doc! I’m Nea. Il just ask po kasi yung pangil ko nag discolor sya into dark gray. Nakita ko nalang pagka tanggal ng braces ko. Ano po kaya ang magandang gawin ko? And may nabasa po ako bout pfm.. Magkano naman po kaya yun? Ang pangit po kasi nags smile ako. Parang untidy tingnan .thanks so much.

Nea : Ako din po un nag post ng msg sa asktgedentist page nyo sa web.

Ask the Dentist : Send photo. TIgnan ko yang pangil mo. Baka for RCT muna yan. Tapos crown : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Nea : Ito po doc.

Ask the Dentist : Send ka ng close up ng ngipin. Oo, napakaganda mo. Pero tignan ko yung close up ng pangil mo ah. Hawakan mo yung upper lip mo, tapos picture-an mo yung pangil lang kasama gilagid. Tapos, tignan yung bandang gilagid niyan.
1. May parang pimple ba?
2. Tapos sa loob, may nakakapa ba ang dila mo na umbok?
3. May naaamoy ka ba?
4. Sumakit na ba yan?
5. Napastahan na ba yan?

Ask the Dentist : Sagutin mo yang mga question ko ha. Base sa picture lang na yan, kunyari intact yan. Malamang na yang pangil mo ay namatayan ng pulp. Kung ganun ang nangyari, RCT lang yan, tapos ibibleach yang loob ng ngipin na yan. Tapos tapos na. Pero kung ang ngipin na yan ay napastahan na pala at malaki na ang pasta, ang gagawin ay RCT tapos crown. Pero kung halimbawa, hindi pa pala patay yang ngipin, ang gagawin diyan ay veneers. Para sigurado, ipaxray mo. Dahil sa parang model ka, hindi dapat sayo ang porcelain fused to metal crown. Kung magpapacrown ka, dapat sayo ay full ceramics crown. http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/ . Dahil ang porcelain fused to metal ay nakakangitim ng gilagid.

Ask the Dentist : Pwede ka din magpunta sa clinic. Pero magtxt ka muna bago pumunta para maayos ang sched.

Ask the Dentist : http://dentistquezoncity.com/

Nea : Hnd pa napastahan doc.hnd naman sya sumakit before magdiscolor ng ganito.wala naman po nakakapa ako.wala naman po parang pimple.

Nea : Doc, tuwing kelan po pala kayo nasa clinic? And ano po ang name nyo para makapagpa sched po ako.tnx

Ask the Dentist : Alright. Paxray mo yang ngipin na yan. Isa sa mga nangyayari sa nagpabraces na tulad mo, ang mamamatayan ng pulp. Dahil yan sa force na inaapply sa ngipin habang inoortho ka. Kung tama nga ang sinasabi ko na namatay ang pulp niyan, ang gagawin ay RCT lang tapos internal bleaching. Kung vital pa ang pulp, walang impeksyon, veneer ang ilalagay. http://costdentures.com/ask-the-dentist/veneers-patients-gum-disease/

Ask the Dentist : Makikita sa xray kung infected ang pulp or healthy pa.

Ask the Dentist : Ako si Dr. Jes. Pero malamang na for RCT yan. Kaya si Dr. Isabelle ang RCT. Magaling ako sa veneers, crowns etc. Pero kapag RCT, si Dr. ISabelle ang magaling.

Masakit ang Ngipin na Pinastahan

Gliezel : Hello po doc. Tanong ko lang po, ung 2 ngipin ko po kasi sa taas sa dulo sobrang sensitive sa malamig tas masakit po sya pag nillagyan ng sobrang pressure, ung kapag kumakagat ng mtitigas d ko po maikagat ng maayos, pinapastahan ko po un akala ko po kaya ganon kasi trauma pa ung ngipin ko sa kakadrill at bka d pa umeepekto ung gmot na nilgay tas after 3 weeks ganun pa din po although mejo nabawasn ung sakit kumpara nung bago pastahan pero maskit parin po. Sbi po nung dental clinc na pinapastahan ko for root canal na daw po, pero nung pinatgnan ko po sa ibng dentst ung xray at ung ngipin ko po sabi wala naman daw pong signs ng infection at baka daw po hndi nalinis maigi ung cavities. Ilang ulit na po ako nagpapa periapical xray pero gnun at ganun lang nmn po ang itsura. Nung pinasthan po sbi sa dulong ngipin may nakita daw pong dead nerve, at malalim na po lalo na po ung sa dulo, july pa po nung napastahn ito. Tas ngayon po araw araw pag ng ddental floss po ako, pag chinicheck ko naman po ung gums ko wala naman pong parang pimple na tumutubo atska ung sakit po consistent lang po ndi po siya ung parang tumitibok ang pakiramdam. Pano po ba yun doc?

Ask the Dentist : Send mo xray dito tignan ko.

Ask the Dentist : Or punta ka sa clinic, tignan namin. Set ka ng appointment: http://dentistquezoncity.com/

Gliezel : Yan po siya doc bago pastahan

Gliezel : Tas yan nman po ung after na pong napastahan.

Gliezel : Ung ngipin po na sinsbi ko doc yung dalawa po na magkatabi simula sa dulo.

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Kung tiyak na maayos na ang pasta at sumakit muli, ipaRCT mo.

Ask the Dentist : HIndi ko masabi kung maaayos ang pagkakapasta. Sa tunay na buhay ko lang malalaman. May ichecheck diyan.

Gliezel : Pero doc mkukuha pa ba ng pasta ung ngipin ko basi po don sa xray na pinakita ko?

Ask the Dentist : May mga pagkakataon na pangit lang ang pagkakapasta kaya ang pakiramdam ng pasyente ay masakit, pero nangingilo lang pala dahil tagas yung pasta. Ngayon, kapag napastahan na ulit at siguradong maayos ang pasta tapos sumakit, saka mo ipaRCT. Ang RCT ng ganyang ngipin ay aabot ng 9K pataas.

Gliezel : Okay po doc. Salamat po.

Ask the Dentist : No probs.

%d