Hindi Pantay ang Kulay ng Pasta

Qia Ni Quan : yan po doc ung pic ng nafilling ngan na ngipin q..ndi pumantay s ngipin q ung pinastahan doc..

Hindi pantay ang kulay.
Hindi pantay ang kulay.

Qia Ni Quan : plan q po sana magpa braces kung ndi na kailangang ijacket..may isnag bungi po kc aq s gilid..magkano po pajacket doc approximately lng po pra mapaghandaan q,.thanks po

Ask the Dentist : Bale ano ang tanong mo?

Qia Ni Quan : Anong treatment po ggawin pra magistrate kulay s lahat doc

Qia Ni Quan : Magpagpantay

Ask the Dentist : Saan ba diyan ang pinastahan?

Ask the Dentist : Kung hindi magpantay ang kulay, ipapasta mo ulit. Huwag ka maghanap ng cheapest.

Gusto jacket muna

Chenee : Hi doc! Eto po yung teeth ko na kelangan daw e porcelain.

Maitim na Ngipin
Maitim na Ngipin

Ask the Dentist : PInastahan ba yan?

Chenee : Yes po. Kelangan po ba tlga e porcelain?

Chenee : Sabi po ng dentist ko porcelain attached to metal ang gagawin.

Ask the Dentist : IPaxray mo muna. Mukhang dapat iRCT. Wag ka magpajacket crown na may impeksyon yan.

Ask the Dentist : IPaxray mo, tapos picture-an mo ang xray, send mo dito.

Chenee : Sabi po ng dentist ko..okay lang daw po e jacket kasi daw madali naman sya e RCT after nun. Naguguluhan po ako.

Chenee : May other ways pa po ba maliban sa pag papajacket ng teeth?

Ask the Dentist : No. RCT muna bago jacket. Kasi kapag may jacket na yan tapos kailangan pala i-RCT, bubutasin ang jacket crown mo. Itanong mo sa kanya, para lumitaw ang katangahan ng dentist mo. Kapag sinuggest niya na tanggalin ang jacket para i-RCT. Itanong mo, mailalapat pa din ba ang margin ng crown? Lilitaw ang mga katangahan niya kung ipinilit niya yang suggestion niya.

Ask the Dentist : Meron other ways. Ipa-xray mo, para malaman natin ang other ways.

Ask the Dentist : Sa xray makikita natin kung dapat nga iRCT. or kung ano ang dapat gawin.

Chenee : Okay doc. Thank you po tlaga. Kasi everytime po na pumupunta ako dun..naglalabas lng po ako ng pera dahil di ko tlga alam kung ano ang mga dapat itanong sa dentist ko. Mga how much po kaya ang x-ray? And parang natural lang po ba ang kalalabasan ng porcelain fused to metal?

Ask the Dentist : Hindi. Kaya nga ang suggestion ko lithium disilicate : http://costdentures.com/fixed/ips-e-max-restoration/ . Halatang hindi mo binabasa mga reply ko. Hahaha! Mura lang ang x ray.

Chenee : Haha. Di ko po kasi nabasa yung link. Pero may tendency ba na pagsisihan ko ang gagawin ni dentist ko? pano po pla pag pina x-ray ko sya tapos wala naman pong problem..ano po kaya pwede gawin para gumanda ang color nya?

Ask the Dentist : Well, pinakamura ang suggestion ko. X-ray muna para siguradong tama ang gagawin. Murang mura ang x ray. Saka siguradong pagsisihan mo yan, dahil mali yung balak niyang gawin base na lang sa suggestion niya. Isa pa, bago lagyan ng jacket ang isang ngipin, dapat inixray muna. Bakit hindi ka pa niya inixray? Eh nagsuggest na siya ng jacket?

Chenee : Opo. Di po sya nag suggest na ipa xray..kaya kakausapin ko muna sya tomorrow kung bakit di nya sinuggest. And mejo mabigat po kasi saken ngayon ang 32k at baka magsisi lang ako.

Anong Denture ang Maganda

Rustom : Anu maganda pagawa denture type. Meron po kc aq 1 missing teeth xa front

Ask the Dentist : Implant: http://costofdentalimplant.com/dental-implant/

Rustom : Pde po bh mag pa braces kht meron na fixed bridge xa upper front. May sungki po kc aq

Ask the Dentist : Pwede. Pero dapat makahanap ka ng magaling na dentist.

Rustom : panu q malaman na magaling ang dentist

Ask the Dentist : Sa pagtatanong sa kanya. Sa trainings niya.

Rustom : May ma recomend po kyo dentist sta.rosa laguna area q

Gusto bunot tapos bridge
Gusto bunot tapos bridge

Rustom : Anu po bh way ang ggwn sken regard xa case q..

Ask the Dentist : Akala ko ba may fixed bridge?

Rustom : Blak q po kc unahin muna ung fixed bridge.. den xa dubai na lng aq mag pa brace… kc ofw po aq

Rustom : Hello dok. Ask ko lng kung pde lagyan muna ng temporary denture ung missing teeth bgo magpa braces ang pangit po kc tgnan pag may missing. Tnx dok

Ask the Dentist :
Pwede. Pero hindi mo yan isusuot kapag may braces ka na. http://costdentures.com/removable/temporary-removable-partial-denture/

Rustom : Dun po xa case q.. anu po bh ggmitin braces ceramic or metallic.. ganu katagal bgo mag pantay lahat ng ngpn q.. xlamat dok

Ask the Dentist : Patingin ng x ray para malaman natin kung gaano katagal.

Rustom : Pde po bh ung xray na gnmit xa wisdom tooth.. nag pa xray ka muna aq bgo bunutan ng wisdom tooth

Ask the Dentist : Yes.

Rustom : Scan or camera

Ask the Dentist : Kung ano ang malinaw.

Denture na may retainer design

Erna Joy : gud am po sir or mam ask q lng po sana f pwede bang palagyan ng retainer or brace ang pustiso para d xa halatang pustiso tnx. po

Ask the Dentist : Pwede. Pero hindi advisable. Maghanap ka ng magaling gumawa ng pustiso na hindi halatang pustiso..

Erna Joy : ok po tnx po

Pekeng Dentista – Fake Dentist

Masamang dulot ng DIY Braces = Pagkalagas ng Ngipin
Masamang dulot ng DIY Braces = Pagkalagas ng Ngipin

Sheryl : Nagpabraces po ako. Nakita ko lang ang page niya sa Facebook ang page niyang Affordable Braces.. Murang mura po kasi. Doc, paano ko ba malalaman kung peke ang dentista ko?

Ask the Dentist : Hi Sheryl. Unang una. Quality comes with a price. Lagi kong sinasabi, wag mo hanapin ang cheapest. Ang cheapest siguradong low quality. Tama nga na magduda ka kung murang mura.

Maraming paraan para malaman kung peke ang dentist mo.

Sa Dental Clinic
Required ang dentist na nakasabit ang certificates at mga papeles niya galing sa Professional Regulation Commission (PRC). Hanapin mo ang mga nakasabit. Kung may mga papeles siya mula DTI at school kung saan siya graduate ay mabuti. Pero ang pinaka mahalaga ay ang mga certificate niya mula PRC Board of Dentistry.

Pero hindi porke kumpleto siya ng papeles mula PRC ay sigurado nang dentist siya. Madaling mameke ng mga certificate na sinasabit. Madaling magscan, photoshop at magprint ngayon dahil sa technology. Kaya, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, nasa dulo ng post na ito ang pinakaeffective na pamamaraan.

Sa Google, Yahoo at Bing
Search mo sa Google (Yahoo or Bing) ang pangalan niya. Kung lumitaw ang website ng clinic niya, mabuti. Karamihan sa mga tunay na dentista naman nagpapagawa na talaga sila ng website. Pero hindi porke nahanap mo sa google ang pangalan niya ay siguradong tunay siyang dentista. Sa PRC mo malalaman kung tunay ba o peke siyang dentist. Kaya, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, nasa dulo ng post na ito ang pinakaeffective na pamamaraan.

Sa PRC
Pwede kang pumunta sa main office ng PRC sa Manila. Kuhanin ang buong pangalan ng dentist mo. At itanong doon kung tunay ang dentist mo. Ang Main office nila ay:

PRC map location
PRC map location

Professional Regulation Commission
P. Paredes St. corner Morayta St. in Sampaloc, Manila.
Tel. (632) 3100026
Telefax (632) 7354476
License Verification
(632) 3102020

PDA Warning about DIY Dental Products
PDA Warning about DIY Dental Product

Sa PRC website
Ito ang pinakaeffective na pamamaraan. Bisitahin mo ang website ng PRC, http://www.prc.gov.ph/

Click to enlarge
Click to enlarge

Hanapin mo ang button na ito:

Verification of Dentist
Verification of Dentist

Piliin sa drop down form ang “Dentist”

Itype ang kumpletong pangalan ng dentist (example George John Michael K. Rocks)
Itype ang kumpletong pangalan ng dentist (example George John Michael K. Rocks)

Itype ang buong pangalan ng dentist. Kailangan buong pangalan. Buong pangalan ang kailangan. Tama ang spelling. Hindi spelling ng taga-Star Bucks.

Kung, ang lumabas ay:

VERIFICATION RESULT:
Error No matching record found

Possible na peke ang dentist mo.

Pero
1. Dapat mong siguruhing buong pangalan ang itype mo. Kanina ko pa inuulit ito. Kung dalawa ang pangalan (John Michael), dapat itype mo buong pangalan din. Kung dalawa ang pangalan niya, halimbawa George Johnny, at naitype mo ay George lang, hindi yan lilitaw.
2. Dapat mong malaman na kung kakapasa ng dentist mo, kunyari, kahapon lang naiannounce ang dental board exam results, malamang wala pa sa listahan ng PRC website ang pangalan ng dentist mo.
3. May mga dentist na hindi nila inilalagay sa prescription pad nila ang buong pangalan nila. Halimbawa, yung kaibigan ko, napakaganda ng pangalan niyang ginagamit, pinaikli niya mula sa tunay na pangalan niya. Dahil ang tunay na pangalan niya ay pangalan ng bold star ilang dekada na ang nakakaraan. Matagal na misteryo yun noon sa dental school kung ano ang tunay na pangalan niya. Noong grumaduate, saka ko lang nakita buong pangalan niya noong inannounce ang mga graduates sa stage.

Libreng Bunot Manila

Ben : hi ako po si Marvin ung nagtanong about po sa kundisyon ng mga ngipin ko po. kasi nga po dun sa picture na pi nost ko po. durug durog na po ung ngipin ko. sa paanong paraan po un masusulusyunan?
surgery po ba un o ordinary lang na pagbunot ng ngipin??
gusto ko na po kasi mag pa pustiso kaso po sabi ni mama mahal daw po ung kundisyon ng akin kasi may surgery daw sa tingin niya.

Ask the Dentist : Send photo.

Ben :
Libreng Bunot
Ask the Dentist Philippines
21 August 21:41
Madali lang yan.

Ben : anu pong operasyon??? simpleng bunot po ba ??

Ben : o surgery???

Ask the Dentist : Walang simple. Hanap ka lang ng magaling na dentist.

Ben : ahm may alam po ba kayong nagbibigay ng libreng bunot ng ngipin???

Ask the Dentist : Wala. Pero tingin ka sa health center.

Ben : a ok po salamat po

Braces sa Health Center

Diana : hello doc! si diana mae datul po 2! aq po ung nagpost nung pic,kanina

Diana : hope u help me doc! nahi2rpn na ksi aq dahil sa sungking ngipin na to e!

Diana : doc? andian pa po ba kau??

Braces sa Center
Braces sa Center

Diana : tskk..

Diana : doc? s tngn nio po magkano ang braces n2!??

Ask the Dentist : Mga 40K pataas. Mahirap gawin yang case mo.

Diana : chaka dok, my bulok pa po aq? kelangan po ba un tangaln bago magpabrace?

Diana : pwede po ba doc sa taas lng ang ipa-brace?

Ask the Dentist : Bunot or RCT ang gagawin.

Ask the Dentist : Taas at baba ang Braces.

Diana : ano ung rct doc?

Diana : doc, sa tingin nio po ilang years bago maayos ung teeth ko kpag nagpabrace ako?

Ask the Dentist : max of 2 years.

Ask the Dentist : RCT http://iaskthedentist.com/root-canal-treatment/

Diana : may alam po ba kau doc na center near in las pinas?

Diana : may alam po ba kau doc na center near in las pinas?

Diana : ???

Diana : may alam po ba kau doc na center near in las pinas?

Ask the Dentist : Walang braces sa center.

QC Braces, Sobrang Sungki ng Ngipin

Sharmaine : Please tulungan nyo po ako mapabrcace yung ngipin ko sobrang sungki po kasi eh . Salamat po

Ask the Dentist : Bale ano ang tanong mo sharmaine?

Sharmaine : Pede po b matulungan maayos yung sungki ko .brace po?

Ask the Dentist : Oo, braces ang gagawin. Magpabraces ka sa dentist.

Sharmaine : Nagbrabrace po ba kayo?

Ask the Dentist : Oo.

Sharmaine : Magkano po?

Sharmaine : Magkano po?

Ask the Dentist : Depende sa lala. Usually, downpaymeent. Tapos yung balance every month babayaran tuwing adjustment..

Biktima ng Fashionable Braces

Arjhay : Hello po doc. kapag po ba may malaking butas na ang bagang pwede pa po bang pastahan ito? kung hindi na po pwede ano po ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Kapag sumakit na or umabot na sa pulp, RCT na ang gagawin.

Arjhay : Ano po yung pulp? Pero po kapag malaki lang po yung sira pero wala pang butas pwede pa po ipa pasta? dipa po sumasakit yung sira na yun. ty po sa reply

Ask the Dentist : Imposible yata yung sira na pero walang butas. Eh ano yung sira, hindi butas?

Arjhay : butas na po ba kahit parang cavity palang

Ask the Dentist : butas = cavity

Arjhay : ganun po ba. e pero magkaiba po kasi, yung isa dipa kita yung loob ng ngipin pero yung isa kitang kita na po.

Ask the Dentist : Anong sabi ng orthodontist mo?

Arjhay : Kapag nagttnong po ako gusto lang niya bunutin daw po.

Ask the Dentist : Sa nagbibraces sayo mo itanong. Bakit hindi niya pinastahan or ina-RCT bago lagyan ng braces.

Arjhay : upper palang po pinalagay ko kasi nga po walang lalagyan ng parang lock sa may dulo ng ngipin dahil sira

Ask the Dentist : Upper at lower lagi ang braces. Mukhang hindi nakapagaral ng braces yang dentist mo. O malamang na hindi dentist yan.

Arjhay : May mga certificate naman po siya ng orthodontist atbp.. dko po alam baka nga po di yun nakapag aral ng braces

%d