Manila Dental Implants

Garry : Hi Dic! may denture ako dalawa sa harap, dati kasi sa pagitan ng dalawang malaking ipin ko may sungki, nabunot yung sungki at pinabunot din yung isang malaki kaya nung ginawan ako ng denture, dalawa, isanang size ng sungki at isang size ng malaking ipin sa harap. yung sa baba naman po ng ngipin ko eh may gaps po yung harapan. gusto ko po malaman kung ano pong magandang procedure sa taas (denture) at gaps sa ibabang bahagi. salamat po

Garry : doc san po yung mismong clinic nyo?

Ask the Dentist : Dental implants o kaya bridge sa taas, Pasta sa baba.

Garry : san po doc yung clinic nyo?

Ask the Dentist : Sorry hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Tignan mo na lang recommended dentist page ko. http://www.askthedentist.tv/clinics/

Garry : ganun po ba. salamat po

Dental Implants & Dentures Philippines

Anna : Hi Doc. Advisable pa ba ang dental implant for senior citizens na nag-recede na (yata) ang gums? The person wears a full set of upper dentures but getting tired of it.

Ask the Dentist : Paanong full set? Wala ng ngipin ang patient? Pwede ang implant sa senior citizen, provided na healthy ang patient.
Kung wala ng ngipin ang pasyente, possible na bridge na sa implant kumakapit. Yun lang expect na mahal ang gastos. Pwede ring implant retained denture, yun lang parang complete denture din lang na mas makapit, dahil retained siya ng implant.
Kapag senior citizen, expect na mahal ang gagastusin. Maliit na ang buto nila kaya kailangan magdagdag ng buto. Mahal ang bone graft.

Anna : Wala nang upper teeth, doc. Actually, okay na sa kanya ang (full) dentures. Kaya lang, tatlong beses na sya nagpagawa …panay pangit. Nasasayang lang. The current one she wears has thinned out na. Doc, gumagawa ka din siguro ng full dentures. Siguro magaling kang gumawa. Can you give a price estimate … Where’s yur clinic located, doc?

Ask the Dentist : Oo, gumagawa ako ng dentures. Pero hindi ako tumatanggap ng patient galing sa website. Masyaong delikado. Nasa FAQ page ko kung bakit. Tignan mo na lang yung recommended dentists ko na nakapost sa website.

Anna : Huh? Ang haba ng FAQs hirap hanapin. Anyway, I hope to consult with you one of these days. SM Santa Mesa clinic mo?

Ask the Dentist : Nasa website ang FAQ. Sa fb ka ba galing directly o sa website? http://www.askthedentist.tv/faq/

Ask the Dentist : Sorry. Hindi ako tumatanggap ng pasyente galing sa website o galing dito sa FB. Sumasagot lang ako sa tanong for free. Hindi marketing strategy yang website.

Bridge or Dental Implants

Rose Ann : Good day! Doc, nakadenture po ako ngayon, isang ngipin, removable po ito. Gusto ko sana ipagawa yung permanent na. Tanong ko po, ano po ang tawag dun sa ipapagawa ko, fixed bridge po or implant? Ano po ang pagkakaiba ng fixed bridge sa implant?
Doc, follow-up question po, ano po ang disadvantage ng fixed bridge?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Nasa sayo kung ano ang gusto mo. Ang bridge ibang ngipin mo ang pinagkakapitan. Ang dental implant, metal ang kakapitan.

Rose Ann : Oo nga naman po, Doc, walang permanenteng bagay sa mundo. Thank you, Doc!
Nagbasa po ako ng FAQ, very informative. Thanks for the public service

Ask the Dentist : Ilan ba ang bungi mo?

Rose Ann : Isa po sa harap sa itaas.

Ask the Dentist : Kung isa lang, at may pondo ka, pinakaok ang dental implant. Conservative ang treatment. Pero yun lang P70 thousand pataas ang isang implant. Sa bridge, dapat makahanap ka ng magaling na dentist para magmukhang ngipin ang kalalabasan.

Rose Ann : Opo, ganon nga po, pag-iipunan ko po yung implant, bago pa lang po kasi sa work eh. For now, fixed bridge muna. Salamat, Doc! God bless po.

Ask the Dentist : Sample ng fixed bridge
http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/
http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Affordable Bridge Philippines

Junar : ask ko lang po if mag kanu mag p fixed bridge.. 3 teeht po s front?

Ask the Dentist : Ilan ang bungi? 3?

Junar : opo tatlo..

Ask the Dentist : Magkakatabing bungi?

Junar : opo.. magkatabi 3 sa harap upper teeth.. magkanu po aabutin?

Ask the Dentist : Kung 3 ang missing, 3 din ang kakapitan. Kaya 6 x 5 = 30 thousand din pataas ang gagastusin mo. Yun eh kung mukhang ngipin ang gusto mo. Click this for more info.

For bridge
For bridge

Immediate Dentures Philippines

Dlarej : hi po.. ask ko lng po kung pde na mag papustiso after 3 days mabunutan ng 3teeth?? tnx po.. anu po ba ang other option? kc po balak ko mag papustiso cra n kc ung 3 teeth sa front and my work po ako posible po ba un within 3days?? tnx po!

Ask the Dentist : Possible.

Dentures with Fangs

Prince Jhon : can i ask the dentist to make slightly crooked or uneven dentures for me?

Ask the Dentist : Yes.

Prince Jhon : ok. :))
who do you know? do you think dentures can make what they call yaeba or fangs in Japanese?

Ask the Dentist : Magtagalog ka na lang. Dinudugo ilong ko sa english mo.

Ask the Dentist :
Q: Who do you know?
A: Kilala ko ang nanay ko.

Q: Do you think dentures can make bla bla.
A: Hindi. Hindi buhay ang dentures para gumawa.

Prince Jhon : what?
hey! i dont know tagalog pls.
pwd b magpagawa ng sungking denture na kagaya nung kay gretchen baretto?

Prince Jhon : kala nyu po pinagttrpan q kau. nagjajapan po aq. dati sungki ung ngpn q
andami qng buking. tas nagpafix bridge aq. wla nang kumukuha sken kya po gs2 q mgng sungki ulet ung teeth q.
kaso parang pti mga dentists hirap gawn :((

Ask the Dentist : Kayang gawin kung ano ang gusto mo sa pustiso, basta may pambayad ka sa gagawa. Syempre pag tinipid mo, pangit ang magiging resulta. Ipaliwanag mong mabuti sa dentist mo kung ano ang gusto mo.

Dentures with Dental Braces Design

Mayf : hi doc, tanong ko lng po, my ordinary dentures po kasi ako s upper ko, pwd po b ako magpalagay ng braces or ung kahit palamuti lng kunyari braces, para lng po hindi mahalata na ako ay my dentures. plano ko din pong mag flex denture ok po b un doc? tapos ung flex pwd din un lagyan ng braces na kunyari? hehe.. thank u doc. nakakahiya kasi doc kaya naicp ko kung my braces dun ung attention nila hindi sa ngipin. napakamahal ng implant doc un din sana ang pangarap ko. thank u po. sana po magreply ka doc.

Ask the Dentist : Maghanap ka ng dentist na magaling. Yung marunong gumawa ng parang tunay na ngipin.

Fixed Bridge Cost in the Philippines

Marve : hi doc. ask ko lang po how much magpa fix bridge? i have one missing tooth (lateral incisor). and ilang hours/days po ba ung procedure? salamat po..

Ask the Dentist : Depende sa quality. Sa pinakakaraniwan na porcelain fused to metal bridge 15 thousand pataas yung mukhang ngipin. Sa all ceramics papatak din ng 30 – 60 thousand. Kung lateral ang missing mas mabuti magpadental implant ka na lang. 60k pataas ang implant.

All ceramics http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
Dental implants http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Marve : the problem doc is ang vacation ko sa pinas is for 2 weeks lang. how long will the implant take po? thanks

Ask the Dentist : Medyo tagilid nga sa implant sa 2 weeks.

Marve : eh ung bridge po ba doc, how long ba ung procedure? salamt po

Ask the Dentist : Pwede na yung 2 weeks. Provided makakabalik balik ka sa dentist mo.

%d