Fixed Bridge Price

Krissy : Hi balak ko po sana magpa fixed bridge.Tanong ko lang po kung magkano aabutin.Tanggal na po ung first molar ko sa right side(upper teeth) pati ung second molar ko sa left (upper teeth).Yun po sana ung papaaus ko.Salamat po.

P.S. paano po kung buong upper teeth gawing fixed bridge magkano po? Salamat po

Ask the Dentist : Ilan ang bungi? Sa taas at baba?

Krissy : bale 2 po ang bungi ko sa taas.first molar po sa right side tas second molar po sa left side

Ask the Dentist : Bale aabot din ng 15 thousand pataas sa isang side. Sa kabilang side 15 thousand din pataas. Yun yung bridge na mukhang ngipin. Click here for more info.

Removable Dentures Cost

Ronel : hi dok! tanong ko lang po, yun po kasing pasta sa two upper front teeth ko ay nangitim na po. ano po kayang magandang gawing remedyo? balak ko po sana ipabunot tas papustiso na lang po, ayos lang po ba yun?

Ask the Dentist : Ipakita mo sa dentist kung pwede pa ipapasta. Kung hindi na, ipa-RCT mo.

Ronel : Ah RCT po nirecommend nya kaso medyo wala pa po kong budget. Ano po magandang alternative? Willing nman po akong magpapustiso…

Ask the Dentist : Later on, mas mahal magagastos mo sa pustiso.

Ronel : Magkano po kaya papustiso ng dalawang ngipin? Yung magandang klase po ng pustiso..

Ask the Dentist : Tsk tsk. Hindi ko tiyak. Kung ako gumagawa 7K.

Ronel : Ah sige po dok thank you po ng marami!

Dental Implants for 2 Missing Teeth

Jenny : hello po. gusto ko po sanang palagyan ng false teeth ung dalawang binabunot kong ngipin sa unahan at ipaayos ung dalawa pang katabi dahil medyo sira na po, medyo decayed na po e. ano po bang treatment ang kailangan ko para maging maganda ang ngipin ko.

and kung crowning po ba, pede pa po ba un ipa-braces? magkano po ba ang aabutin sa crowning ng 4 na ngipin?

Ask the Dentist : Dental implants. Pwede ding bridge. Pinakamura ang removable denture. Mabuting sabihin mo muna sa dentist kung anong plano mo, para yung treatment plan, maibagay sa gusto mo mangyari.

Implant Dentistry Price

Noyzki : doc magkano pa implant ?
mga 4 n ngipin lng magkano ka aabutin?
send ko sa inyo ang pic..

Noyzki : Doc. mganda din b ung fixed bridge? ano po pinag kaiba nia sa dental implant?

Ask the Dentist : 70 thousand bawat isa usually. Kaya 280 thousand ang aabutin. Read this post for more info.

Ang kagandahan ng bridge ay depende sa gagawang dentist.

Dental Implant for 1 Missing Tooth

Noel : doc may bungi po ako 1 ngipin sa harapan. naka dentures po ako. ayoko na po mag dentures kasi halata kapag nagsmile ako, halata dahil hindi sya lapat na lapat sa magkabilang gilid ng ngipin. implant na po ba talaga ang solusyon dito?

Ask the Dentist : Okay ang implant. Okay din ang bridge. Pero kung may pera ka, pinakaok ang dental implant.

Fixed Partial Denture Cost

Noeme : Hello Doc,

I am so glad to have found your website that led me to your FB page. Upon reading your website there was a part there that you said na as much as possible never to have your tooth extracted then I felt so frustrated with a dentist in Dumaguete, that was years ago and I was in my college. I complained of pain and he had my tooth extracted :((((((((((( grrrr In the future I will go back to his clinic and I will really talk to him.

Anyway, so I have that missing tooth for years now and wants to have it bridged. My friends bf who is a dentis quoted me 7,500 for that 1 upper premolar teeth :(( do you think that is reasonable?

Pls pls reply Doc.. TIA

Ask the Dentist : Sa isang missing tooth, ang usual na babayaran mo para sa mukhang ngipin na bridge ay 15 thousand pataas. Kasi, dalawa ang kakapitan ng pontic. Kaya tatlo. 3 times 5 equals 15 thousand.

Noeme : OMG! so mas cheaper pag 3 yung missing teeth doc?
doc ano nga yung best na bridge?

Ask the Dentist : Ha? Para sa isang bungi, 15 thousand usually ang presyo. Kasi dalawang ngipin ang kakapitan. Isang pekeng ngipin, tapos kakabit sa dalawang crown. Anong 3 missing na sinasabi mo? Hehehe!

Ask the Dentist : Yung pinakamaganda usually, 60 thousand para sa isang bungi. Read this. 🙂

Noeme : lols hehe hindi ata tayu nagkakaintindihan doc hehe sorry ha. akala ko kasi yung price depende kung ilang porcelain na ngipin ang gagawin, i just learned na sa kakabitan pala.

sa kaso ko 1 missing teeth na premolar sa upper left side anong magandang bride doc?

Ask the Dentist : Depende sa ilan ang missing at ilan ang required na kakapitan.

About Flexible Denture and RCT

Azenith : Sumasakit po kc ung ngipin ko. Ung mga molar cra n po kc.
Gusto ko po kc ipa rct tpos restore. Kaya lng kakatakot and mahal. Hehehe. Meron po b kaung kakilalang dentist n accredited din ng medicard na malapit po dito sa san juan? Thank u

Ask the Dentist : Mahal nga yan kasi molar. Buti pa ipaxray mo muna. Panoramic x ray. Wala ako kilalang tumatanggap ng medicard. Nalulugi ang dentist doon eh. Tignan mo na lang kung ano clinic ang malapit sayo. http://www.askthedentist.tv/clinics/

Azenith : Naka pustiso n din kc ung taas kong ngipin. Auko sanang pati ung baba mging pustiso. thank u po pala sa pagsagot. Takot din ako sa dentist kaya ng matanggal ang pasta d ko n po binalik.

Ask the Dentist : Oks.

Azenith : Ipa xray ko po muna then picturan and send ko po sau thru fb. Bigyan nio po ko ng recommendation. Salamat in advance

Ask the Dentist : Recommendation saan?

Azenith : Kung papabunot ko n po ba ung mga bagang ko. Mula sa right pangil may 3 ngipin. Cra po n kc lahat un. Naka amoxicilin po ako kc sobra ung ngilo last week. Tapos doc bakit d po maganda ungflexible n false teeth? Magpapaganun po sana ko e

Ask the Dentist : Pangtemporary lang ang flexible denture. Nakakamaga ng gilagid at nakakapagpabilis ng resorption ng buto ang flexible denture.

Azenith : Ah un pala un. Dto ko doc kay dr. Salazar sa bright smile. Nakapagpanoramic xray n po ko. Gusto nia irehabilitate ung ngipin ko then i fixed bridge ung taas. Kakaiyak. Mga 60k ung fixed bridge. Later send ko po sau ung xray

Ask the Dentist : Oks.

Azenith : Thank u for entertaining all my inquiries. God bless you po

Ask the Dentist : No problem.

Indicated for Bridge

Veronika : Good morning Doc!
I just came across your site po and I was wondering what’s my best option sa condition ko. Yung 9 ko pong ngipin sa taas ay nakafixed bridge na for almost 5 years and 6 sa baba. May naiwan po akong isa sa taas kase di na kinaya ng budget ko noon kaya may space. Advice po sakin ng dentist ko is ipalahat ko nalang para mas okay. Naisip ko din po na mas ok siguro kase madali po magcrack mga ngipin ko and I know I am not blessed with strong nice set of teeth po. So if ipagawa ko na lahat eh di 32 pieces po yun. Mga how much po kaya yun and advisable po ba? Thank you very much po for sparing your time reading my note.

Looking forward to hear from you po.

Cheers, Veronika

Ask the Dentist : Ang una mong gawin ay magpa-panoramic x ray ka. Isend mo sa akin at malaman natin kung ano ang mabuti.

%d