Dental Implant Price

Lee : Good Afternoon poh!!, tanung koh lng poh kung magkano magpa-implant ng 4 nah ngipin sa harap?, un medyo maganda nah un quality.. as in exact price poh sana.. thank you poh!!..
Good Afternoon poh!!, tanung koh lng poh kung magkano magpa-implant ng 4 nah ngipin sa harap?, un medyo maganda nah un quality at un tlgang maputing ngipin.. as in exact price poh sana.. thank you poh!!..

Ask the Dentist : Usually 70K kada isang ngipin. Kaya yang 4 ay 280 thousand.

Lee : Thank you so much 4 d info!!..

Braces para sa Nakausling Ngipin

Cristine : Good pm po Doc, nagpplano po kase ako magbrace gawa po kase ng ngipin ko sa taas na mejo nakausli palabas, kumpleto po ang ngipin ko and wala naman sira except po napapangitan ako sa upper teeth ko na nakausli and natatakot po ako na magpaextract ng tooth, posible po ba na magunder go ako ng dental braces without extracting any? Nagsend po ako ng pictures ng teeth ko,, sana mareplyan nyo po,salamat,,

Ask the Dentist : Base sa picture, may mga dapat bunutin. Pero para makasiguro, makikita sa panoramic x ray. Una mo gawin, magpalinis ka ng ngipin tapos ipapasta mo ang mga dapat pastahan.

Cristine : Ok po, maraming salamat

Braces para sa Nakausling Ngipin - askthedentist.tv
Braces para sa Nakausling Ngipin – askthedentist.tv

Pwede pastahan ulit ang napastahan na dati

Mj : Hi po,ask ko lng po.. Yung pinastahan po b,pwedeng pastahin ulet? Kc po nag iba n Ang kulay,ma tagal npo kc,nung 2005 pa.. Kea nag color yellow n.. D nmn po sumasakit..

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Mj : Thanks po…

Ask the Dentist : Alright.

Cheapest Braces Philippines.

Jonathan : Doc good afternoon po. Ask ko lang po if magkano ang cheapest braces? Wla na pong aayusin na ngipin ko. Lalagyan lang po. Slamat po:)

Ask the Dentist : Wag ka magpalagay kung ganun.

Jonathan : Bakit naman po??? May sira po kasi ung lower front teeth ko .. Ang inaalala q baka mag karoon sya ng spaces in between when i under go cleaning??? Pwde po ba???

Ask the Dentist : Ikaw na ang nagsabing wala nang aayusin. Wag ka na magpalagay.

Dental Insurance Card Philippines : RCT

Mhatet : Hi doc… Ask ko lang po kaxe may cavity ung ngipin q s harap pero sobrang liit nya lang,pinapastahan q po… After nun nag cmula ng mangilo ang ipin q then last tuesday sumakit ca ng sobra,bumalik aq sa dentist ang sabi nya makapal daw ung pasta skin kaya binwasan nya,kinabukasan namaga na po nguso q at may nana n ung gilagid q,nag ka tooth abscess aq,pmunta pa q sa ibang dentist kinabukasa at inalis nya po ung nana… Ni rrecommend nya aq i root canal… Doc eto po ung tanong ko:
1)sobrang liit lng ng cavity q sa ipin tuldok lng bkit umabot aq sa tooth abscess na aabot pa sa root canal?
2) kung aq po yaw q po mag pa root canal dhil po mag iiba dw ang color ng teeth mangingitim… Huhu yaw ko po ng ganun… Yaw q din po mag pabunot kaxe sa front po ung teeth n un… Wala n po bang ibang paraan??
3)kung mag papa root canal po aq totoo po bang mag iiba ung color ng ipin?? At kaylan xa mag iiba ganu katagal??
Salamat doc sana marplyan nyo n po aq agad kaxe pinapbalik nq ng dentist q sa tue. For RCT

Ask the Dentist :
1. Madalas ganyan, maliit sa labas, malaki ang sira sa loob. Kaya nga yung sinasabi ng pasyente na dapat mas mura ang bayad kasi maliit lang ang butas, mali yun, kasi malaki sa loob. Kaya kung minsan dahil sa laki ng sira sa loob, umaabot na sa pulp ang infection. AT kapag ang infection ay abot na sa pulp, wala ka choice kundi ipa-RCT or bunot.
2. Ipa-RCT mo. After RCT, kung maliit lang ang damage, papastahan lang. Kung malaki ang damage, i-ve-veneer or crown.
3. Kung after RCT ay maliit lang ang damage, at papastahan, may gagawin para hindi mabilis magbago ang shade. Kung mangitim man, pwede gawin ang “single tooth bleaching”.

Napakaliit na bagay ang inaalala mo. Hanap ka lang ng magaling na dentist para hindi katangahang gawa ang gawin sayo.

Mhatet : Eh doc ang need q po kxe ung accredited ng health card q dhil nag absent aq sa work.. Other than single tooth bleach ano pa p ung ibang pwdeng gawin pag nag dark ung teeth q na na root canal!! Ung permanet po na hnd n magbbago ung kulay?? Ung nga porcelain crown ba doc? Ung bleaching po ba prrmanent din po un?

Ask the Dentist : Alright. Ang comment ko sa card, low quality na dental service makukuha mo. Kasi ang nagbabayad diyan, card. Kapag card ang nagbayad, binabarat nila ang dentist. Kaya ang dentist syempre, murang materials ang gagamitin. At mabilisan na paggawa. At kadalasan yung mga low quality dentist ang tumatanggap ng cards.

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo.

Mhatet : Pero po ung mga operation po like root canal hnd na po sagot ng card q sarling bulsa q na po… Ang need q po kaxe ung med cert nila bkit aq nag absent ganun doc so kung walangvpermanent ang gastos pla nun hehe… Salamat doc

Ask the Dentist : Kapag sinabi ng dentist mo na nagooffer siya ng permanent na restoration at iba pa permanent na mga bagay. Hindi siya magaling na dentist. Magaling lang sa salita. Sa pagbebenta. Dahil walang permanent sa dentistry.

Ask the Dentist : Kahit nga relationhip eh. Kadalasan, buwan lang inaabot. Pero ang panagako noong nanliligaw, forever. Permanent pero buwan lang pala.

Mhatet : Hahhaha… Ok po doc…

Ask the Dentist : Sa RCT, inixray yan ha. Kapag ina-RCT ka na hindi ini-xray, wag mo na ituloy.
ITanong mosa dentist bago ka magpagawa sa kanya ang procedure na gagawin niya. Kung sinabi niyang kukuhanan ka ng madaming x ray. Magaling yun. After RCT, picture-an mo ang final x-ray.
Tapos, send mo yung malinaw na picture ng malinaw na x ray sa akin, dito sa PM, para makita natin kung tama ang pagkakagawa.

Mhatet : Meron dw doc laxe nulay nya na po ung bbyaran q at nkita q nmn may xray umabot po sa 5k plus… Xge doc sa tue na po nya q ii RTC….
Doc kung hnd permanent ung bleaching eh ganu katgal nag llast un bago bumalik sa tunay na kulay?

Ask the Dentist : Hindi ko masyado maintindihan matet. Tagalog ako.
Kung gaano katagal ay depende sa galing ng dentist mo at iba pang factors.

Mhatet : Haha na mis typ doc… Meron pong xray kaxe po cnulat nya na ung mga bbyaran q po at may nkita po aq na xray.. Umabot po sa 5k plus ung bbyaran q doc… Sa tue po q i root canal send q po sau ung pic ng xray q doc after nun..

Ask the Dentist : Example ng x ray.

Fixed Partial Denture – Endodontically Treated Tooth
Tooth preparation for endodontically treated teeth for Fixed Partial Denture Root canal Remove only minimal tooth structure. Overenlargement can perforate or weaken the root. The thickness of the r…

Mhatet : Nga pala dic sbi ng dentist q machine n ung gagamitin n pang root canal sakin… May idea po ba kau dun?

Ask the Dentist : Sa paglilinis ng canal, may manual, rotary at ultrasonic. Sa fill-up ganun din, may manual, at may de-kuryente. Pero kahit ano pa ang gamitin, kailangan i-x-ray para makita kung tama. Hindi makakapagsinungaling ang x ray kung may mali.

Mhatet : Habang online kau doc llubusin q na ung tanong w… Doc pag hnd po q nag pa root canal ano mangyayare sa ipin w?

Ask the Dentist : Una, hahanap yan ng paglalabasan. Habang nandiyan ang infection pipilitin ng katawan labanan. Mabubuo ang nana sa loob. Hahanap ng butas. Kapag nahanap niya sa giliagid. sa gilagid lalabas. Lalaki ng lalaki, hanggang yung buto sa area, liliiit. Mabaho yan syempre. Yung pinakamalalang pwedeng mangyari ay cancer.

Ask the Dentist : Pero kung isa kang spartan. Pwede mo na hindi ipa-RCT yan. Or kung taong grasa ka, pwede din. Pwede mo ding hindi ipagawa kung isa kang pangit na tao.

Mhatet : Pero kaxe doc na drinage nya nmn na ung nana eh… Pag ba abcess root canal agad…??
Kaxe yaw q mag iba ung color ng teeth q at d nmn aq naging pabaya sa teeth q… Huhu… Nkaka depress lng doc

Ask the Dentist : Ganun talaga ang buhay kung minsan nasa ibabaw, kung minsan nasa ilalim. Saan mo ba gusto sa ibabaw o sa ilalim?

Mhatet : Hahahaha

Teeth Extraction in the Philippines

Billy : sir tanong ko lang po, mga 7yrs na po ako hndi nag pupunta sa dentista. ngaun po prang bulok na po at basag basag na ung ngipin sa magkabilang gilagid, prang butas na po tapos kita na ung gum. kung ipatangal ko po mga magkano po ang ihahanda kong pera? salamat po

Ask the Dentist : Hindi ikaw ang maghahanda, magulang mo. Mura lang yan Billy.

Billy : nag ttrabaho na po kc ako 28yrs old na po,
prang tingin ko po kelangan na tangalin ung buong taas mga magkano po un ska magkano po ung buong taas na pustiso po
nka jacket po ung 2 front teeth po un lang ang ayos

Ask the Dentist : Ah, akala ko 7 years old ka.

Billy : 7yrs wlang punta sa dentista po

Ask the Dentist : Bubunutin yung mga hindi na kayang pastahan at iRCT. YUng kaya pang i-RCT, ipaRCT mo.

Billy : mga magkano po ireready ko dun rct

Ask the Dentist : Pinakamabuti gawin, magpapanoramic x ray ka muna para makita kung ano ang dapat gawin.

Billy : ganito na po itsura po , nahihiya na nga po ako mgpunta sa dentist kc tlga bulok na po tlga.

For extraction
For extraction

Ask the Dentist : Oks.

Billy : pwede po ba normal na bunot jan sa ganyan? ska pwede pa po ba ifalse teeth yun ganyan po. sorry po kung makulit kc sau lang po ako nkakapagtanong ng ganito kc nahihiya po ako

Ask the Dentist : Pwede.

Billy : salamat po

Pustiso After Mabunutan

Darah : hi po doc. nagpabunot po ako ng ngipin kanina. ask ko lng po kng kelan ako pede magpalagay ng dentures. sa harap po kasi siya. isa lang naman po.

Ask the Dentist : Yay! Bakit ka nagpabunot? Kung sa long term, mas makakamura ka sa RCT plus crown.

Darah : e kasi po ndi na daw kaya iroot canal. trusted naman po ung dentist kasi matagal na po namin ung dentist. any suggestions? ang weird naman po kasi nung feeling and binabasa ko po ung forum niyo. pede naman po cguro magpadenture na bukas db?
ndi naman po cguro masama na magpadenture muna db?

Ask the Dentist : Halos pwede lagi iroot canal.

Darah : ngak. e nabunot na po e. pero pede naman cguro po mgpadenture na bukas db?

Ask the Dentist : Depende sa purpose ng denture. Kung for esthetic purpose, oo pwede. Pero asahan mong hindi pa yan ang definite na denture mo dahil luluwag yan after 3-4 weeks.

Darah : pero magkano naman po kaya yun?

Ask the Dentist : Madalang na madalan na hindi na pwede iRCT. Base na din sa photos mong nakapost.

Darah : kht pantapal na lng po muna. kasi db mas prone po sa infections kpg bagong bunot?
ahhhh. may cnasabi po kasi ung dentist kanina. ndi ko lng po naintindihan kasi sobrang kabado ako. hahahaha. btw, magkano naman po kaya un?

Ask the Dentist : Kung madalang ka magbrush at kada-dekada magpalinis ng ngipin sa dentist, oo prone sa infection.
Since ang dentist mo ay napakagaling at sinabi niyang hindi ka na pwede iRCT ay siyang makakasagot kung magkano ang pustiso.

Darah : tsaka po kasi kanina akala ko may natira dun sa nabunot ung pala may kanin na naiwan. magkano po kaya ung denture? kpg gumaling na po ng tuluyan ng gum tsaka ako mgpapagawa ng denture
kung kayo po magkano kaya?
pero pede naman po na bukas na ako mgpalagay bukas db?

Ask the Dentist : Kung ikaw ay wala pang asawa, iyong sinayang ang iyong kagandahan. Ito ang simula ng iyong pagpangit.

Darah : hahahaha. grabe naman po doc. hindi na rin po ako papabunot. gusto ko lng naman po malaman kung pede

Ask the Dentist : Sinasabi ko lang ang totoo. After ilang buwan, mapapansin mo na na mali ang desisyon mo.

Darah : na mali po na nagpabunot ako?
e ung dentist din po kasi ung nagbunot. so hindi po muna ako dapat mgpadenture?

Ask the Dentist : After 2 weeks, magsasara ang sugat. Pwede ka magpagawa ng interim denture. After 6-8 weeks, pwede ka na magpagawa ng definite denture.

Darah : pero ngayon ndi na po muna?

Ask the Dentist : O siya, magtanong ka sa dentist mo. Hehehe!

Darah : thank you po sa advice. ndi na rin po ako papabunot. sundin ko n lng po ung advice niyo na magpaRCT na lng.

Ask the Dentist : Pwede kang wag magpagawa kung ikaw ay may lakas ng loob na humarap sa mundo na bungi. Or kung may dugo ka ng Spartan.

Darah : HAHAHAHAHAHA. magpapagawa na po ako bukas. salamat po sa advice. kahit pangtapal lng muna.

Masakit ang 2nd Molar

Zynon : Doc ask ko po nsakit po yung lower right 2nd molar teeth ko 2days na tuwing gabi nsa isang part lng po yung butas nya at magkakalahati na at nkita ko po natouch na ng butas yung lahat kaya nasakit..pde pa po ba ito ipapasta?or ano po kaya remedy dito?sna po masagot nyo po agad slamat po

Ask the Dentist : Ipa-RCT or ipabunot mo.

%d