Mahal ba talaga ang root canal treatment?

Sthepen Cohen : Dok! Kumusta? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Ang tanong ko po ay: Mahal ba talaga ang root canal treatment?

Ask the Dentist : Hi Sthepen Cohen. Oo, nasa mabuti akong kalagayan. Nasagot ko na ito dati: RCT Cost. Mura ang root canal treatment kung long term ang iisipin mo. Kung ang plano mo ay mabuhay pa ng matagal, mura ang root canal treatment kumpara sa ipabunot mo saka bridge o pustiso. Mas conservative ang onlay or crown para sa na-root canal na ngipin kaysa pustiso sa bunging ngipin. At mas masarap ipangkain ang ngipin o ngipin na may crown kaysa sa bridge o pustiso. Basahin mo na lang ang inilink kong post para sa impormasyon.

Ngipin na may jacket crown, puwede bang i-root canal

Stephanie Cohen : Doc, ngipin na may jacket crown, puwede bang i-root canal?

Ask the Dentist : Hi Stephanie Cohen. Oo naman. Pwedeng pwede. Ganito ang madalas mangyari. Badly broken na ngipin or fractured crown or badly decayed na ngipin, pwede pa ba icrown? After the tests, pwede pa. Ang ngipin ito-toothprep ng dentist for crown restoration. Sa kasamaang palad, ang pulp nainvolve. Pwedeng nainvolve dahil sa tooth prep pwede ding dahil sa lala ng sira at hindi lang lumitaw sa tests na ginawa ng dentist. At ang pananakit ay lumitaw lamang pagkatapos i-cement ang napakagandang crown na ginawa. Matapos ang ilang linggo sumakit at lumala matapos ang ilang buwan.

Pwede bang i-root canal at hindi na tanggalin ang bagong lagay na crown? Oo pwede. Maghanap ka lang ng magaling na dentist. Ikwento mo lang ang nangyari.

Pwede ding tanggalin na lang ang crown, at i-root canal at palitan ng bago ulit na crown.

Affordable Fixed Bridge Philippines

For Root Canal Treatment
Patient’s old denture

Venus : hi good day. pls advice me what to do …napapagod nako sa pustiso ko laging natatangal yung ipin,kakabalik ko nga langg ulit sa dentista ko kahapon yan para marepair.. kaso nung ifit sakit di na ganun kaganda yung lapat at pagkakabit ng ipin di na panaty…in short di nako satisfied sa di tangal na pustiso ang hirap kasi istorbo sa trabaho..sumasakit yung upper right tooth ko as described in the picture e..gusto ko sana yung nakafix na,,,para di na natatangal ng ilang buwan lang anu po bang mest na gawin para dito,, pls see attached pictures..and magkanu po kaya ang affordable price but good and quality ang output..and ur recommended orthodentist…pls advice me naman po,,,, sobrang burden napo kasi sakin to at nasstress nako dito.. sasakit po ba mga ipin kong my pasta if ever na magbuntis ako…plan ko na kasi iapbunot yung magkabilang side ng upper front kasi yung isa sumasakit ngayun iniinuman ko ng mefenamic muna para mwala ang maga. my konting kirot kasi at mapula yung gums na parang my dugo… yung other side naman in good condition pa yung pasta pero sa loob nun pudpod narin yun di lang kita dahil sa pasta…..pls help me po where po ako pwedeng pumuntang dentist/orthodentist para mapaayos ko na to…im from las pinas po…thanks po.. pls let me know po asap…

Ask the Dentist : Ipa-RCT (Root Canal Treatment) mo yung ngipin na sumasakit. Pagkatapos ng RCT, ipa-fix bridge mo. See this page for my recommended dentists. 🙂

Tooth Fracture

Ejhay : Ask ko lang po.
Nagkaroon po kc ng horizontal crack line ung front teeth ko dahl nauntog ng malakas sa pader po. .eh blak ko po kc mgpalinis ng ngipn nxt week. .knakbhan po ako kc bka mputol,, ung my crack , anu po gagawin ko? Tnx in advance po

Ask the Dentist Philippines : Ang iyong dapat gawin ay sabihin sa iyong denstist ang tungkol sa crack ng iyong ngipin upang maexamine ng husto at mabigyan ng karampatang lunas bago simulan ang paglilinis ng iyong mga ngipin.

Toothache

Brendyll : gud am po ask ko lang po if ano po ung mga effective na gamot or medicines kc sumaskit po ang ngipin ko sa may pangal na ngipin sa upper right and left na pangal kc po alternate na sumasakit minsan sa left minsan sa right?

Ask the Dentist Philippines : May butas ba?

Brendyll Narvas : opo

Ask the Dentist Philippines : Biogesic, tapos punta ka agad sa dentist para makita kung ano kalagayan ng ngipin mo. Kung dahil sa infection ng pulp, malamang RCT ang solution sa sakit ng ngipin mo.

RCT Philippines

ryco: dok,sumasakit po kasi ang pasta sakin at parang may nana yata sa loob kasi may kumubukol na maliit kapag ginagamit ko pangkagat yung 1st and 2nd molars ko sa lower teeth.ano po bang dapat kong gawin sa ngipin ko?ipapabunot ko na po ba?

Ask the Dentist Philippines: Thanks ryco sa tanong. Dahil puno ka ng “yata” ng duda eh ganito ang gawin mo. Ipatingin mo sa dentist. Kapag iyan ay napatunayang may infection, may dalawa kang option, iparct mo, o ipabunot mo. Kung wala pa namang infection, aayusin lang ang pasta mo. Iyan ay matitignang mabuti sa pamamagitan ng x-ray at iba pang tests.

Para sa karagdagang impormasyon sa RCT, iclick mo lang ang Endodontics sa category o kaya’y bisitahin mo ang post na ito:
RCT

Root Canal Treatment (RCT) – Canine Tooth

Glenn Junio: Hello po at Happy New Year. Ito po tanong ko. Ang canine ko po sa Upper Left ay nagka-cavity and nabutas. Then sa tingin ko may abscess na po ako kasi may bukol na po malapit sa ilong ko pero di naman masyadong malaki at matigas po. Umiinom ako ng amoxicillin paminsan-minsan.
Ano po ba dapat ko gawin para mawala ang abscess at bukol?
Kung ipapabunot ko ang pangil gaano katagal para mabunot?
Maraming anesthesia ba kelangan?
Nakakatulong ba ang pag gargle ng may asin?
If root canal,ilang canal po ba sa palagay niyo?

Ask the Dentist Philippines: Hi Glenn. May 2 options ka, ipabunot mo or ipa-root canal treatment mo.

Dapat ipatingin mo sa dentist iyan agad dahil hindi natin masasabi kung mas malala pa kaysa sa simpleng panakitnakit. Malay mo cancer na pala. Dumadami ang kaso ng oral cancer ngayon, kaya dapat ipakita mo agad iyan.
Continue reading “Root Canal Treatment (RCT) – Canine Tooth”

Root Canal Treatment (RCT) Endodontics

Jenie: Doc, nagkafracture yung isa kong ipin, tabi ng pangil malapit sa mga molars. May pasta siya before pero biglang nagcrack and nabasag ng tuluyan yung gilid, nakikita ko pa yung pasta pero pag kinapa ko ng dila ko, may part na butas. Sumasakit na siya ngayon, pwede pa kaya itong pastahan? kahit parang abot na sa gumline yung fracture? Hanggat maari kasi ayoko pabunot kasi medyo malapit na siya sa front teeth, makikita pag nagsmile ako na may gap. Nung pinapastahan ko to mababaw lang naman siya, kaya taka ako why bigla nabasag. Btw, pinastahan siya i think 2 years ago. Thank you

Ask the Dentist Philippines: Hi Jenie. Base sa pagkakakuwento mo, malamang na nagkaroon ng recurrent caries yang ngipin mo. O pwede ding nagcrack dahil sa may nakagat kang bato sa kanin, o iba pang matigas na bagay. O pwede ding nagcrack lang talaga, dahil siyempre ginagamit mo naman lagi ang ngipin mo. Hehehe! Hindi na yan pwedeng pastahan. Base sa kuwento mo, malamang infected na yan. Ang pwede mong gawin, iparoot canal treatment mo. Kapag sumakit na, ipaRCT mo. Kung infected, hindi pwedeng pastahan lang. Lalala lang yang kalagayan ng ngipin mo.

Ang ginagawa sa RCT, nililinis ang infected na canal, kapag malinis na, lalagyan ng gutta percha pamalit sa infected na soft tissue na inalis sa loob ng ngipin mo.
Continue reading “Root Canal Treatment (RCT) Endodontics”