Wala nang Pang-nguya

Joyce : Good day, doc! Hindi ko alam kung madali lang talaga masira ang mga ngipin ko, especially yung mga molars, or lack of proper hygiene na din. Yung premolars up and down ko malaki na ang sira. Honestly halos lahat ng molars ko nasira na and nabunot na din yung iba. Medyo may takot din kasi ako sa dental procedures kaya napabayaan na ng tuluyan yung mga maliliit na sira dati. Ayaw ko sana ipabunot yung premolars ko kasi it would affect my smile kasi mahahalata na. Gusto ko lang po sana itanong kung may pag asa pa marestore yung ipin ko. Nagsisisi ako na napabayaan ko yung teeth ko, lalo ngayon nahihirapan na ako kumain kasi sumasakit na sila at wala na halos ako pang-nguya. Hindi pa ako nakakapagpacheck sa dentist kasi busy din ako sa work and wala pa din kasi akong pera. Ano po kayang dental procedures ang pwede para sa akin? Thank you po, doc!

Joyce : As much as possible, ayoko po sana mag dentures. May ibang procedures pa po ba na pwede and how much po kaya?

Ask the Dentist : Sa kasamaang palad ay wala akong bolang kristal para mahulaan kung gaano kagrabe ang sira ng ngipin mo. Ang pinakamabuti mong gawin ay magpa-panoramic x ray nang malinaw at isend dito para malaman natin kung gaano kalala.

Nangitim na Pasta

Mae : Good day doc! Gusto ko lang pong malaman kung talaga po bang nangingitim yung pinastahan? April last year po pinaulit Kong papastahan yung two front teeth ko kasi akala ko bukbok. (dati na pong may pasta yung teeth ko)Eh sabi nun dentist na stain daw yun. Mahilig po kasi ako uminom ng tea kaya siguro po nagka-stain.After popastahan,tinanong ko po yung dentist bakit may nangingitim, ang sagot nya po eh di na daw nya tinanggal yun itim kasi mangingilo daw po ako pag tinanggal nya..sa isip isip ko eh talaga namang mangingilo talaga ako eh,, Hindi na Lang po ako umimik,, feeling ko po nagmamadali yun dentist kasi marami po syang pasyente,,

Pasta
Pasta

Mae : At kung bukbok man po yung nangingitim sa loob ng ngipin, hindi po ba la laki yung bukbok kahit maayos yung pagkakapasta?
Thanks po in advance ,, hoping po for your immediate response,, hehe

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit. Huwag maghanap ng cheapest.

Naputol ang ngipin, Natanggal ang jacket crown

Paula : hi doc ask ko lng po kasi yung jacket ko sa front teeth natanggal na cguro po sa katagalan nadin kasama sa pagkaputol ung pinagkabitan ng ngipin ko so pudpod na ung totoong ngipen.. pano po kaya yon makakabitan pakaya ng bagong jacket o tuluyan ng bubunutin at dentures nlng? thanks inadvance

Paula : doc

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita ko kung pwede pa isave. Send mo dito yung file or photo ng xray.

Putol na Ngipin

Kenneth : Doc Magandang gabi po. Eto po yung ngipin ko, taas lang naman po yung problema. Di po kase talaga sya pantay pantay sa harap. Tapos yung isa putol pa po with decay. Any possible solution to my problem doc? Di po kase ako matanggap sa inaaplyan ko dahil sa ngipin ko. Maraming salamat po !

Putol na Ngipin
Putol na Ngipin

Ask the Dentist : Magpapanoramic xray ka para makita ko ung ano pwede gawin diyan sa may bali. Yung ibang ngipin mo papastahan mo.

Flexible Denture ang Nirecommend ng Kanyang Dentist

Glace : Magandang araw sa iyo doc. Gusto ko po sanang itanong sa inyo kung ano ang magandang gawin dito sa ngipin ko. Matagal ko na rin pong problema ito at ngayon lang ako may lakas ng loob n ibahagi ito sa inyo. Since 2002 po ako gumagamit ng removable denture. Ngayon at mejo blessed naman po tayong magkaroon ng trabaho ay gusto ko na po sanang ipa fix bridge. Kaya lang diniscourage po ako ng dentist na napuntahan ko na gumamit ng bridge dahil babaho lang daw ito at mahirap daw pong i-brush. Nirecommend nya sa akin ang removable – flexite po yata tawag nya doc. Yun po sanang molar n gagawing poste sa bridge ay may nana na at balak ko na rin sanang ipa RCT. Malaki na rin po gap ng 2 front teeth ko. sana po ay matulungan nyo ako… God bless

Malalang problema sa Ngipin
Malalang problema sa Ngipin

Ask the Dentist : Wag ka magflexible. Lalo lang mababarag ang gums mo.

Glace : doc pwede po kayang daanin sa pasta front teeth ko para kahit papaano mabawasan yung gap?

Ask the Dentist : Mas malala pa ang problem kaysa gap.

Dapat bang Ipapasta Muli

Phloem : hi.. pinapasta ko po yung two front teeth ko 2 years ago, back part of my front teeth, ngayon po halata sa ipin ko na parang may stain sa harap but its the pasta before at the back.. help me po thanks!

Ask the Dentist : Alright. Bale ano ang tanong mo?

Phloem : dapat po bang ipapasta ko uli?

Ask the Dentist : Oo kung gusto mong maayos. Kung hindi naman, wag na.

Phloem : ty po

Pwede pastahan ulit ang napastahan na dati

Mj : Hi po,ask ko lng po.. Yung pinastahan po b,pwedeng pastahin ulet? Kc po nag iba n Ang kulay,ma tagal npo kc,nung 2005 pa.. Kea nag color yellow n.. D nmn po sumasakit..

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Mj : Thanks po…

Ask the Dentist : Alright.

%d