Rabbit na Ngipin

Moorine : Hai doc pwede mag ask??

Ask the Dentist : Yes Moorine. ANo yun?

Moorine : Ung ngipin ko kasi para ng rabbit tignan:/ tapos minsan bulol na aku mag salita:( hindi nman to talaga ganito nung bata pa ako..

Ask the Dentist : Sa tingin ko bagay naman sayo.

Moorine : Eeee dok seryoso po-_- nver pa kasi aku nag pa check ng ngipin..

Ask the Dentist : Seryoso din ako. Magpacheck up ka, kasi kapag nabungi ka, mababawasan ang kagandahan mo ng 90%. ANg una mong gawin ay magpalinis ng ngipin. Tapos nun, magpapasta. Since first time mo, malamang madaming sira ang ngipin mo.
Moorine : Hehe okay dok ;)) kung sayo dok magkano po ang magpalinis. Ng ngipin?

Ask the Dentist : Depende kung gaano kadumi. Average, P1,000.

Okay bang Hindi Magretainer

Ayah : magandang gabi po pde po ba magtanung nagpapasta po kc ako sa front teeth ang kaso dcu po gusto ang pagkagawa halatang halata po kc hating hati kulay dpu kagaya sa iba na nakilala ko maayos nmn po kaya nagreretainer nlng po ako para maayos tingnan. ubg kulay.. at tago… kaso iba pdn po ang wlang anu mang kolorete. sa ipin maypagasa pa po ba itong maayos magkano po kaya? front teeth po kc nakakahiya college na po ako nbbwasan ang confidence ko gstu ko po sana maayos para po mgkarun ako ng magandang trabaho salamat po sana magrespons kyu

Okay bang Hindi Magretainer
Okay bang Hindi Magretainer

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit Ayah.

Ayah : ganun po ba sige po salamat po. mas okey napu bang hindi na ako magretainer pansin ko dn po kac namamaga ang gums ko e

Ask the Dentist : Yes. Hindi ka dapat nagriretainer dahil hindi ka naman nagbraces.

Ayah : pero pwede pa po ba ako magpabrace? kht napastahan po ung konteng part sa frontteeth ko,?
naku.thank.u po talaga sa pagreply nyu atlis nllman ko muna ang gagawin bago po magdeside

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Ayah : wow tlga po salamat po

Gaano Katagal ang Pasta

Joshua : Doc bakit po sumasakit yung pasta na ngipin ko pag kumakagat ako?

Ask the Dentist : Dapat mong ipakita sa dentist na nagpasta.

Joshua : Matanong ko lang po , Masakit po ba yung Mag pa Crown?
At ilang buwan po bago mawala ang pasta?

Ask the Dentist : KUng magaling ang gagawa hindi masakit.

Joshua : ilang buwan po bago mawala ang pasta?

Ask the Dentist : Depende sa pangangalaga mo ng mga ngipin mo.

Joshua : Buwan po ba ang mag pa pustiso?
Buwan din po ba yung crown?

Ask the Dentist : Depende sa klase.

Types of Porcelain Dental Crowns
Types of ceramic dental crowns that are commonly availa…

Ask the Dentist : Depende sa klase ng pustiso.

Restorative Dentistry and Braces

John : Good evening Doc ,I have a small space sa upper front teeth ko po, how can I prevent cavities sa space na yun? By flossing and pagtotoothbrush lang doc? One more pa po, 11 nalang po ngipin ko sa taas, is it okay/possible pa rin po ba na ipa-brace siya together with the lower teeth (syempre)

Ask the Dentist : Yes. Oo.

John : Doc nagpapasta na po ako kanina, I thought 3 ngipin lang ang kailangang pastahan. Nagulat po ako 6 daw po kailangan. So umo-oo nalang ako para matapos na. Talaga po ba dapat ng pastahan kahit may medyo mga brown ng lines yung ngipin? Hindi pa siya black. Bagang po. Thanks

Ask the Dentist : Yes. Butas yun.

John : ahh thanks Doc you’re really helping :))) pano doc for eg. After 5 years nasira na yung pasta, pwede ulit siyang pastahan or kailangan ng bunutin?

Ask the Dentist : Kung walang problema sa pulp, papastahan mo lang ulit.

John : what causes po the pulp na magkadamage? diba po may pasta na siya?

Ask the Dentist : Kung nagkaroon ng caries ulit. Hindi porke may pasta, super tooth na yan. Kung napabayaan mo, pwedeng magkacaries ulit. AT pag lumalim, pwede madamage ang pulp.

Temporary Pasta

Vharry : Doc gusto ko po ipakita sainyo yung picture ng napastahan kong ngipin, mejo alanganin padin po kasi ako mag patingin dito kasi hindi po Pilipino yung mga dentist dito, natatakot po ako ng baka pag praktisan lang ako, eto po, sana po matulungan nyo po ako salamat po ulit. . .

Temporary pasta
Temporary pasta

Ask the Dentist : Eh hindi ka pala sumunod sa sinabi ng dentist mo eh. Kaya naman pala sumakit. Base sa picture na iyan, pinapabalik ka ng dentist mo. Pero hindi ka bumalik.

Vharry : Sir wala po sinabi sakin na bumalik ako, kung sinabi naman po nya na bumalik ako babalik ako ee
Kaso po wala talaga
Loko yung dentist na yun aa, doc ano po maipapayo nyo?

Ask the Dentist : Hindi ka din nagpalinis ng ngipin. Magdudugo talaga yan, may gingivitis ka din.
Sigurado ako pinapabalik ka.

Vharry : Doc wala po talaga sya sinabing bumalik ako di pa naman ako ganun makakalimutin para diko matandaan yung mga sinabi nya, ang sinabi nya lang sakin ee ” temporary lang yung ilalagay ko sayo, maganda din naman to at tumatagal so nga nga, ” pag kanga nga ko nilinis po nya yung butas ng ngipin ko tapos nag halo sya ng mixture na ilalagay dito sa ngipin ko, tpos nung pinasta na nya ko tapos ayun po after ng pasta pinirmahan na nya yung kelangan ko para sa requirment ko tapos pinaalis n nya ko, ayan po yung nangyari

Ask the Dentist : Alright. Yun ang sagot temporary. May 2 option ka. IpaRCT mo or ipabunot mo.

Vharry : maraming salamat po doc:) ee yung about naman po sa gingivitis ko?? pano po kayang treatment ang pwede gawin?

Ask the Dentist : Magpalinis ka ng ngipin nang madalas. Twice a year.

Vharry : sige po doc maraming salamat po… last question po doc, mag kano po kaya ang rct?

Ask the Dentist :
http://www.askthedentist.tv/root-canal-treatment-rct-canine-tooth/

Importance of Dental X ray in Dentistry

Napakalinaw na X-ray. Sobrang linaw. Sobra.
Napakalinaw na X-ray. Sobrang linaw. Sobra.

AnNhey : Doc un pong gitna ung damage n tooth. Ayan po ung xray. Doc, ngpaxray (peri-apical) & consult po ako kanina po, ung findings nya po is “extensive caries on disto-occlusal surface of tooth #35., at ung recommend nya po rct. Kya lng po super mhal,sbi nia 10k po total nun rct sknya.,kung sa probince po ba, particularly laguna areas mgkno po?.. sa case ko po b asap na dapat po? And if ever po kung wla talaga budget pde nman pong bunutin? me damage., thnks po. Godbless.

Ask the Dentist : Malabo ang camera mo. Sumasakit ba? Sumakit na ba? May camera ka bang medyo malinaw?

AnNhey : Nde nmn po sumasakit.,

Ask the Dentist : Sumakit na ba? Alam mo madam, mas mabuti kung sasagutin mo ng totoo at kumpleto yung tanong ko para malaman ko yung tunay na kalagayan niyan. Picture-an mo ng malinaw para makita ko.

AnNhey : totoo po hinde pa po sya sumasakit talaga., pero parang nangingilo po., try ko po mgsent ulet ako ng xray.,

AnNhey : eto po ba malinaw?

Ask the Dentist : Oks. Ganito. Hanap ka ng magaling na dentist. Ipapasta mo. Yun lang, may possibility na magkaroon ng pulp exposure kasi malapit na malapit na sa pulp. Oras na magkaroon ng pulp exposure, fifty fifty ang ngipin. Kung naipapasta mo, at maayos ang naging pasta, malaki ang tsansang hindi na kailangan ng RCT.

Ask the Dentist : Baunin mo yang X ray at ipakita sa dentist na magpapasta.
Guide niya yan.

AnNhey : ahh kaya pa po ng pasta?., opo sbi po nung dentist malapit na nga raw po sa pulp., paano ko po ba malalaman kung magaling ung dentista?., ska magkano po ba pasta?., ayoko po ksi sana ipabunot, ung rct po ksi super mhal.,

AnNhey : ahh kaya pa po ng pasta?., opo sbi po nung dentist malapit na nga raw po sa pulp., paano ko po ba malalaman kung magaling ung dentista?., ska magkano po ba pasta?., ayoko po ksi sana ipabunot, ung rct po ksi super mhal.,

Ask the Dentist : Malalaman mong magaling ang dentist kung sinabing papastahan muna. Kung sumakit saka ia-RCT. Malalaman mo ding magaling ang dentist kung walang fixed price sa pasta. Kung gaano kahirap ginawa ang pasta, ganun ang taas ng halaga ng pasta.
Hindi ka pa nagpapapasta kahit kailan? Hehehe!

AnNhey : ..nkapagpapasta napo ako before nun bata po ung silver nun college white. Actually po ung nabasag po pong ipin merun po pasta sa ibabaw un., kya lng po nasira pti ipin.. i mean po ngaun mgkano po ba price range? Kapag po magaling mgkano po sinisingil?
Doc kkonti napo ba gumagamit nun silver n pasta? Mas ok po ksi sya pra skin un mas tumagal po. Merun po ba kyong marerecommend na magaling n dentista sa laguna areas po calamba to be exact or sa malapit po sa workplace ko sa banda ortigas-megamall., thanks po.

Ask the Dentist : Medyo i-improve mo ang dental health mo. Hindi yung mula bata tapos college tapos ngayon ka lang ulit pupunta ng dentist. once or twice a year magpalinis ka ng ngipin.

Yung puti na pasta. Yung tagal niya ay depende sa pangangalaga mo ng dental health mo. Kung kada-dekada ka magpalinis sa dentist at once a month ka lang magbrush, tiyak masisira agad.

AnNhey : Nde naman po kada dekada ako ngpapadentista., ung pasta lng po ung kinuwento ko., ung una ko pong pasta silver since elem ok p., ung white po 3yrs lng tumagal ung isa., isa palang nman po ung nasira iponko the rest po buo pa merun nga lng po pasta ung iba., 6 mos ago ngpalinis po ako ipon., last sat po ngpunta pko dentist., this wik or may po ako papalinis inaantay ko lng po ung health card ko pra free check up at linis., saka grabe nman po ung once a month n mgtootbrush, anu n po kya amoy ng breath ko nun, khit nga po halfday or whole day n walang toothbrush pra mbaho npo hininga what more pa po month.. hehe: )..

AnNhey : Nde naman po kada dekada ako ngpapadentista., ung pasta lng po ung kinuwento ko., ung una ko pong pasta silver since elem ok p., ung white po 3yrs lng tumagal ung isa., isa palang nman po ung nasira ipinko the rest po buo pa merun nga lng po pasta ung iba., 6 mos ago ngpalinis po ako ipin., last sat po ngpunta pko dentist., this wik or may po ako papalinis inaantay ko lng po ung health card ko pra free check up at linis., saka grabe nman po ung once a month n mgtootbrush, anu n po kya amoy ng breath ko nun, khit nga po halfday or whole day n walang toothbrush pra mbaho npo hininga what more pa po month.. hehe: )..

Ask the Dentist : Sa presinto ka na magpaliwanag. Hehehe!

Amalgam, composite resin pasta Philippines

Kent : Hello po!

I just wanna ask kung sino po yung inererecommend mong dentist dito sa cebu city? Im planning to get braces na po kasi this May.. and may tanong lng po ako sa inyo.. is it safe po ba to use amalgam fillings? sabi ng ortho kasi may 5 na tooth akong ipapasta and im wondering whats the best filling to use that would last several years Thanks po!

Ask the Dentist : Safe ang amalgam. The best sa anong pamantayan?
Compositeb resin at amalgam, parehong tatagal, depende sa kalidad ng pagkakapasta, kalidad ng mismong pasta at kung maalaga ka sa ngipin mo.

Kent : ah thanks po.. tsaka po yung first molar ko salower left kaw ko po pinabunot ko.. possible pa rin bang mag pa brace?

Ask the Dentist : Yes.

Sumasakit na Pinastahang Ngipin

Gilbert : Doc, the other day ko lng pinapasta ang upper right 2nd molar ko at lower right 1st molar ko. Wala nman problema sa pinapasta ko sa baba pero yung sa itaas tuwing kumakain o umiinom ako ng tubig sumasakit. D kaya napastahan ng mabuti ung sa upper???

Ask the Dentist : Para makasiguro ka, ipaxray mo.

Gilbert : ok thnx po

Ngipin na may Pasta sumasakit

Ailen : meron po kasing free pasta sa school namin last march lng po ngpapasta po ako un
sa harap ung malaking ipin sa left side at ung katabi nya wala pong probs un after a month po cguro biglang sumakit pag kumakain ako nang hot or cold ano po ba dapat ko gawin ipabunot at ipapustiso nlng po ba?soory po kung mahaba tanong ko sana po makareply kau ang sakit na po sobra

Ask the Dentist : Ipaxray mo para makita kung ano ang problem.

%d