Natanggal na Pasta

Loi : Hi Good morning Doc! Ask ko lang po sana if may pde pong gawin sa pasta na natanggal? nasa Macau kasi ung friend ko natanggal ung pasta nya. Gusto lang nyang malaman if ano po yung possible na solution ang pde nyang gawin for the meantime habang ndi pa sya umuuwi dito sa Pinas? Thank you po! God Bless!

Ask the Dentist : Ipapasta niya ulit.

Loi : Thank u

Ask the Dentist : No problem.

Pastang Matagal ang Gusto

Ivanog : good evening po. may question lang po sana ako, nagpapasta po kasi ako kanina lang, pag uwi ko ng house tinignan ko sasalamin yung itsura ng pinapastahan ko… nakita ko nawala un original form na teeth ko at parang naging flat po xa, ganon po ba talaga? and gano po ba katagal ang procedure ng pagpapasta? parang 5 minutes lang kasi ako nahiga tapos agad yun procedure, eh may major stain na pu un lining ng crown ng ngipin ko…thanks po.

Ask the Dentist : Magkano mo ba binayaran? Nasaktan ka ba habang pinapastahan? 😀

Restorative Dentistry Philippines

Restorative Dentistry Philippines
Restorative Dentistry Philippines

Rholie : doc ito na po ang picture ang panget na po..

Ask the Dentist : Every 6 months ka magaplinis ng ngipin. Magbrush ka pagkatapos mo kumain. Magfloss ka every evening.

Ask the Dentist : Kapag nagimprove na ang gums mo sa pagsunod sa mga payo ko, saka mo problemahin ang dapat gawin sa dalawang central incisor mo.

Rholie : thank you doc

Ask the Dentist : No problemas.

Esthetic Dentistry Philippines

Raynalyn : Gud eve p0h ask q0h lang p0h sana magkan0 p0h mag papasta ng ipin ngay0n?tsaka makakaya p0h bah ng pasta ung ngipin xa unahan na nabasag?kumain p0h kc aq0h ng mais tap0s d q0h p0h napancn nabasag p0h ung ipin q0h xa gitna..ay0k0 naman p0ng mag papustis0..tnx p0h.

Ask the Dentist : Yun ang unang dapat gawin. Pastahan muna. Pero kung natatanggal nang natatanggal, isusunod ang veneer.

Raynalyn : Magkan0 p0h bah mag papasta ngay0n?tska anu p0h ung veneer?

Ask the Dentist : P500 pataas. Ito ang veneer.
http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/

Raynalyn : Cge p0h thank u.
Last nlang p0h..per teeth p0h bah ang singil?tnx p0h.

Ask the Dentist : Sa harap na ngipin, per cavity usually.

Dental Bonding Cost Philippines

Rhoda : good day po. ask ko lang po kung magkano yung dental bonding sa front teeth ? salamat po

Ask the Dentist : P1, 000 pataas.

Rhoda : Depende po ba yun kung ilan ung ipapa’dental bond?

Ask the Dentist : Each yun. Kung 2, P2,000. Pero syempre depende na yun sa dentist mo.

Rhoda : aahhh . okay po. salamat

Ask the Dentist : No problem.

Pasta Philippines

Kimpoy : magandang gabi po,..

nagpapasta po ako last week, tpos kagabi po ay may nakagat ako na na maliit na buto at biglang sumakit ang ngipin ko na may pasta,.. hindi na po natanggal ang sakit,.. uminom nlang po ako ng mefenamic para mawala ang kirot dahil sarado ang dental clinic ngayong pasko,.. ano po ba ang problema?

salamat po,..

Ask the Dentist : Ang problema ay nakakagat ka ng buto. Pwedeng nagkaroon ng crack ang pasta mo, o kaya’y ang ngipin mo mismo.

Kimpoy : sobrang skit po kc kaya kung ano anu na ang ginawa ko kagabi para mawala,.. sinukan kong mumugan ng brandy para mawala ung bacteria,.. tpos nagmumugdin po ako ng maalat na tubig at nilalagyan ko rin po ng toothpaste ung masakit na part
tpos hindi pa rin po nwala ung skit,.. kaya hindi na ako nakatulog kagabi,.. tpos kanina pong umaga ay may nagsbi skin na uminom ng
ponstant 500,.. uminom po ako at nawala ung kirot

Ask the Dentist : Oks.

Kimpoy : Normal lng po ba ung pangingirot nun dok?
anu pong gagawin ko dok? ipapabalik ko po ba ito para ipa ayos ulit?

Ask the Dentist : Hindi yan normal. Hindi mo tatawaging pangingirot ang kirot kung normal. Ang gagawin mo ay pumunta sa dentist. Duda ako na maayos ulit iyan sa pasta lang. Baka RCT na ang kailangan.

Kimpoy : ok po,.. salamat

Pediatric Dentistry Philippines : Restorative Treatment

Lynn : hello po,,, ako po ung may anak na 8yo na may small portion na basag ang front tooth… bale naisip ko lang po na since 8yo pa lang sya eh hindi pa po at its maximum ung laki ng front tooth nya para galawin ng dentist… doc, ano po kaya ang mangyayari dito sa front tooth na to ng anak ko, either for now or kung malaki na sya? please doc, i need your advice,, if you have time po, sana maka-reply kayo… ito po ang pics nya=).

Ask the Dentist : Madali lang yan. Simpleng restoration lang.

Lynn : pwede na po gawin ung procedure kahit 8yo pa lang po sya, doc? thanks po

Ask the Dentist : Hehehe! Nagjo-joke ka yata sa tanong mo.

Pasta sa Bata
Pasta sa Bata
%d